Gumising si Cyran nang maganda ang kanyang pakiramdam. Hindi na niya gaanong nararamdaman ang hapdi sa sugat sa kanyang balikat. Hindi na rin siya gaanong nanghihina. Nasa isang malaki siya ngayong silid. Hindi katulad ng dati ay malinis at mabango sa silid na ito. May malambot at malaki rin itong kama na para sa kanya ay puwede siyang mahiga rito habang buhay. Puwede na siyang tumira rito habang buhay. Bumangon siya sa kanyang kama at agad niyang nakita sa kanyang harapan ang isang lamesa na may nakahain na pagkain. May nakahain ritong isang gayat ng strawberry cake, isang mangkok ng sinangag, dalawang pritong itlog, sampung pirasong longganisa at mainit na gatas. Agad niyang sinunggaban ang longganisa na walang pagaalinlangan dahil ito ang nangingibabaw sa lahat ng amoy. Ito ang unang

