CHAPTER 9

2390 Words
Chapter 9: Falls THAT night masaya kaming kumain ng dinner namin ni King with the Ciesta family. Masaya naman pala talagang kasama sina Eljeh at ang parents niya. Hindi ka makararamdam ng pagka-out of place, magaan din silang kakuwentuhan. Hindi pa kami natulog after the dinner dahil nag-request pa si Tita Certiza sa mga maid nila na magpadala ng dessert sa terrace habang nagkukuwentuhan kami. I somehow missed my parents, our bonding together. Hinding-hindi na talaga ako maglalayas pa at ayoko na silang pag-alalahin pa. Kaya si Mommy naman ang tinawagan ko kagabi bago ako tuluyang natulog. Hindi ako nagising ng maaga dahil siguro sa sobrang pagod ko sa biyahe kahapon at isama mo pa na late na rin kaming natulog. Kaya hindi ko na naabutan pa si King. Maaga raw umalis kasama ang Dad ni Eljeh. Kaya ang mag-ina lang ang kasama ko sa breakfast. Parang may fiesta pa nga kung makapaghanda sila ng agahan kaya busog na busog na naman ako. Maski si Eljeh ay napuyat din pero wala naman siyang eyebags. Maganda pa rin siya, iyong outfit niya lang talaga ang kakaiba. "Hindi ko kayo masasamahan, dear. May pupuntahan kasi kami ng amega ko today," may lungkot sa boses na wika ni Tita Certiza. "Okay lang po iyon, Tita. Nandito naman po si Eljeh para samahan ako sa pamamasyal," sabi ko. "Don't worry about it, Mom. Paglalakarin ko po si Nica papunta sa falls." Nanlaki ang mga mata ng kanyang ina dahil sa kanyang sinabi. I know she was just kidding. "Eljeh," Tita Certiza uttered her name's daughter and Eljeh laughed. "Just enjoy your bond with your amega, Mommy. We're fine," she said and kissed her Mom's cheek. Lumapad ang ngiti ng mommy niya at ginantihan siya ng halik sa pisngi. Nagulat pa ako na maging ako ay hinagkan niya rin sa cheek ko. Ang sweet niya talagang mommy. "Mag-enjoy rin kayo. You can use our horse. Ikaw na ang bahala sa bisita natin, Eljeh," sabi niya bago siya nagpaalam na aalis na. Ibinigay sa akin ni Eljeh ang susuotin namin para sa pangangabayo. Red three fourths and dark fitted pants ang suot ko. Black boots din, may hat pa na parang cow girl ang ayos. Blue longsleeves naman ang sa kanya at black fitted pants and brown boots. Sabay kaming umakyat at tinungo ang sariling kuwarto para makapagpalit na rin. Mataas na itinali ko ang aking buhok para hindi magiging sagabal sa mukha ko mamaya. Pagkatapos kong magpalit ay lumabas din ako agad at `sakto na palabas na rin siya. Hinawakan ni Eljeh ang braso ko at hinila ako palabas ng villa nila. Diretso sa kuwadra nila. Kakaiba na naman ang outfit ngayon ni Eljeh at nakikita ko ang maganda niyang pangangatawan. "Marunong ka bang mangabayo, Nica?" tanong niya sa akin habang tinatanggal ang pagkakatali ng itim na kabayo. Hinaplos-haplos pa niya ang ulo nito at ang balahibo. "Uhm, siguro, hindi," magulong sagot ko na ikinatawa niya. "Nica, ang gulo mo, ha," natatawang sabi niya. Sa Manila ako naninirahan at wala kaming alagang kabayo kaya hindi ko ito nasubukan. Kaya natural na hindi ako magaling magpatakbo ng kabayo. "I never tried," sabi ko lang. "Good boy naman si Zip, kaya siya ang ipapahiram ko sa `yo. Madali lang naman ang mangabayo." Binuksan niya ang maliit na pintuan na humaharang dito at inilabas niya roon si Zip. Zip ang pangalan ng alaga nilang kabayo. Kinuha niya ang kamay ko at ibinigay sa akin ang tali nito. "Hawakan mo muna, Nica. Kakalagan ko naman si Vip," usal niya at itinuro ang isang kabayo na color brown naman. Nang magawang alisin ang tali ay naglakad na kami palabas. Hinarangan naman kami ng isa nilang kasambahay na may edad na. May pag-aalala sa mukha nito na tiningnan kami. "Señorita Eljeh, hindi po ba ninyo hihintayin si Azul para samahan kayong mamasyal?" magalang na tanong nito sa amo. Napalingon tuloy ako kay Eljeh nang marinig ko ang bagong pangalan na iyon. Sino kaya si Azul? Siya kaya ang tinutukoy ni Mr. Ciesta na nililigawan ng anak niya? "Hay naku po, Nang. Hardinero lamang po siya at hindi niya obligasyon ang ipasyal kami sa may talon," mahinang anas niya. "Pero, Señorita. Delikado po kapag kayong dalawa lamang ang lalabas at walang kasama," wika pa ng ginang. "Nasa probinsya po tayo, Nang. Safe ang lugar na ito at wala pong masamang mangyayari sa amin." Hindi kami napilit nito kaya wala rin siyang choice kundi ang buksan ang malaking gate upang makalabas kami ng villa. "Hahawakan ko muna ang tali ni Zip, Nica. Angkas ka na. Huwag ka lang medyo gagalaw kasi baka mainis siya," saad niya na hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o ano. Tumango ako at kahit nahihirapan na umangkas sa likod ng kabayo ay nagawa ko namang makasampa. Napangiti ako dahil hindi naman siya gumalaw. "See? Ang dali-dali naman," sabi niya at ibinigay na sa akin ang tali ni Zip. Mahigpit na hinawakan ko iyon ng marahan na tinapik niya ang kamay ko. "Loosen up, Nica. Nararamdaman ni Zip kapag kinakabahan at nanginginig sa takot na mahulog ang taong nakaangkas sa kanyang likuran. Para naman silang tao, eh. Baka isipin nila na wala kang tiwala sa kanya," usal niya. "Eljeh, kung ano-ano ang pinagsasabi mo. Tara na nga at sumampa ka na rin sa Vip mo. Ang weird ng mga pangalan, ah," sabi ko. She e just smirked at me. Namangha ako sa bilis na pagsampa niya kay Vip. Walang kahirap-hirap kaya halatang sanay na siyang mangabayo. Nawala na naman ang manang outfit niya dahil sa suot niya ngayon, kaya ang cool niyang tingnan. "Just take a breath and be calm. I-straight mo lang ang likod mo to balance yourself para hindi ka ma-fall. Ayos lang kung kay Mr. Dwight ka ma-fall pero wala kaya rito, eh. Better save yourself first," pang-aasar pa niya sa akin. What a joker! "Shut up, Eljeh," masungit na sabi ko sa kanya. "Okay, marahan na palo lang kay Zip, ah? Para hindi siya mabigla. Then kapag pahihintuin mo na siya, kaunting hila lang ng tali niya para hindi siya masakal at baka i-let go ka niya bigla. Walang sasalo sa `yo kapag nahulog ka, remember," sabi pa niya. Sa halip na magpasalamat ako sa kanya ay sinimangutan ko siya. Ang dami talagang sinasabi ng isang ito. Sinunod ko ang guides siya at kinabahan pa ako sa una kasi hindi rin madali para sa akin ang mangabayo pero kalaunan ay nakukuha ko na rin. May kaunting kaba man ay at least marunong na ako with her helps naman. Mabagal ang paglalakad ng dalawang kabayo habang salita nang salita si Eljeh. Palakuwento pala siya. Naikuwento na rin niya ang tungkol sa pananamit niya. "He doesn't like a sexy girl. He's so conservative. Mas bet niya ang mga babae na parang madre kung manamit. I'm not like that before pero nang makilala ko siya at unti-unti kong nalaman ang mga type niyang babae, and the next day nagulat sa akin ang parents ko kasi bakit bigla raw nagbago ang taste ko and my style. I just said na trip ko lang pero kilalang-kilala talaga tayo ng mga magulang natin, Nica, ano? Malalaman at malalaman nila ang secrets na itinatago natin sa kanila. Girl, I like our new hardinero named Azul," mahabang kuwento niya. Azul ang pangalan ng lalaking gusto niya. Na kaya siya nagbago ng pananamit at nagmukhang conservative ay dahil lang sa kanilang hardinero. Gusto niyang pumasok sa standard ng lalaki, na magustuhan kasi nagbago na siya ng pananamit. "You know what, Eljeh. Hindi mo naman kailangang magbago, especially sa klase ng pananamit mo. Para lamang magustuhan ng isang lalaki? Na gusto mong tularan ang mga type girl niya. I'm telling you this, hindi siya ang lalaki para sa `yo kung magugustuhan ka niya dahil lang sa sinunod mo ang mga tipo niya, na you dressed yourself just like what he wanted for a girl, na pasok ka agad sa standard niya if you do that without your pride. Kahit sa realidad, una pa lang ay hindi na iyon ang madalas mong nakagawian. Na hindi ka sanay sa mga bagay na hindi mo naman ginagawa. You pressured yourself just to catch his attention, kung siya nga na hindi matanggap ang pananamit and attitude mo. Think about it, Eljeh. Mas masarap ang ma-in love sa mga lalaking tanggap na tanggap ka at walang pakialam sa mga imperfections mo," mahabang sabi ko sa kanya na halos ikalaglag ng kanyang panga. "Oh, marami akong na-realize sa sinabi mo. Tama ka nga, Nica. Bakit natin pipilitin ang sarili natin na gawin ang isang bagay na against naman ang heart natin, `no? Saka...okay, inaamin ko na gusto ko nga siya..." sabi niya at tumulis ang nguso. Natawa ako dahil ang cute niya. Para siyang bata na nagtatampo, na hindi nabigyan ng laruan ng Mommy at Daddy niya. "Just be yourself, Eljeh. If he can't accept your attitude, your taste when it comes to dress and you being you, then stop pursuing him. He's not worth it." Those lines coming from me? Nakagugulat dahil ako itong brokenhearted ay nagagawa kong bigyan ng advices si Eljeh. "Yeah," sabi niya at matamis na ngumiti. Kalahating oras yata ang lumipas saka kami nakarating sa falls. Namangha pa ako nang makita ito dahil sobrang ganda naman. Asul na asul tiningnan ang tubig nito at may mga naglalakihang bato rin sa paligid. Masarap maligo, lalo na hindi kami naligo kanina ni Eljeh. Nagpalit lang kami ng damit. Bumaba ako mula kay Zip at agad na lumapit sa falls. Ang lapad-lapad pa ng ngiti ko. "This is heaven," I uttered. "More heaven kung basa ka na ng tubig nito o naliligo. Fresh na fresh pa siya, Nica," sabi niya at hinubad ang boots niya. Sinunod niya ang damit pang-itaas. "Wala bang mga tao na dumadayo sa place na ito, Eljeh? It is safe?" nag-aalalang tanong ko. Ngumisi siya sa akin. "Nica, I'm with you. Walang masasamang tao sa lugar na ito at kilala nila ako," rest assured na sabi niya sa akin. Tumango ako at pinasadahan ko ulit ng tingin ang paligid. Matataas at matatayog na mga punong kahoy lang naman ang makikita rito. Maganda nga siyang tingnan. Hindi rin mainit dahil masarap ang simoy ng hangin. "Come on, hubad na." Napahawak ako sa butones ng suot kong three fourths. Naiwan ang undies ni Eljeh at iniwan lang sa isang bato ang hinubad niyang damit at patakbong lumapit pa sa talon. Damn it. Sa ganda ng katawan niya ay itinago niya lang sa manang outfit? Ang hahaba ng legs niya at sobrang kinis no'n. Ang liit ng baywang niya and she have a nice boobs. "Nica, huwag ka ng mahiya. Tayong dalawa lang naman dito, `no." Sinimulan ko na ngang tanggalin ang mga butones. May suot naman akong strap sando and shorts. Parang hindi kasi ako komportable na magsuot ng naka-undies lang. Lalo na hindi pa ako comfortable sa place na ito. Parang feeling ko ay any moment may taong dadayo rito tapos... Napaatras ako sa gulat nang may sumaboy sa akin ng malamig na tubig sa mukha. Ang natatawang mukha ni Eljeh ang bumungad sa akin at nasa baywang niya ang magkabilang kamay. "Come on, Nica. Ang sarap ng tubig. Mamaya pa tayo uuwi," sabi niya at lumublob na nga sa tubig. Hinubad ko na ang damit and pants ko. Tinaasan pa ako ng kilay ni Eljeh nang makita ang sando and shorts ko. "Nica, mas comfortable kung naka-undies ka lang. Walang sagabal," sabi niya na inilingan ko. "Hindi rin naman ako comfortable pa na maligo rito, lalo na tayong dalawa lang ang nandirito," I reasoned out. Una kong nilublob ang daliri ko sa paa at napangiti ako nang maramdaman ang malamig na tubig nito. Kaya paunti-unti ay ang katawan ko na ang lumusong dito. Nag-relax ang muscles ko sa katawan at ang sarap nga sa pakiramdam. Nagsimula akong lumangoy ng maramdaman ko ang bigat ng suot ko. Napansin iyon ni Eljeh kaya ngumisi na naman siya sa akin. "I told you, Nica. Sagabal talaga `yan," aniya. Wala na akong choice pa kundi ang maghubad ulit at iwanan lang ang dalawang manipis na saplot na tinatakpan nito ang private part ko. Binasa ko ang buhok ko at mayamaya lang ay naglalaro na kami ni Eljeh ng tubig. Siya ang naunang sabuyan ako kaya gumanti ako sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko na tila may nanonood sa amin? Mabilis na napatingin ako sa left side kung saan may mataas na d**o roon, may punong kahoy rin at nakita ko pa ang paggalaw ng mga iyon. Lumapit ako kay Eljeh dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko. Yakap-yakap ang sarili. "B-Baka may tao, Eljeh," nauutal kong sabi at itinuro ko pa ang bandang iyon. Sinundan iyon ng tingin ng kasama ko bago ibinalik sa akin ang tingin. "Hayaan mo na. Hayaan mo ng manilip," sabi niya lang na ikinaawang ng mga labi ko. "What the hell, Eljeh?!" hindi ko napigilan ang bibig ko at napamura ako. Napahalakhak siya. "Niyerbosa ka masyado. Sige na nga, ako na ang titingin!" natatawang sabi pa niya at parang wala lang sa kanya kung may tao man ang naninilip sa amin sa mga oras na ito. Mabilis ko siyang pinigilan sa braso at kung makaakto pa ay akala mo naman nasa fashion show siya at this moment! "Eljeh! Huwag na, delikado!" pigil ko sa kanya. "Let me check it, para hindi ka na kabahan diyan. Wala namang nakakahiya na makita ang katawan mo. You're so maganda and looks like a model too," papuri pa niya sa akin. May oras pa talaga siya para sa compliment na `yan. Marahan na tinapik niya ang kamay ko kaya nabitawan ko siya. Parang gusto ko siyang batukan nang makita na marahan na iginagalaw pa niya ang baywang niya kaya tumataas din ang puwit niya. Sa takot na baka mapahamak siya ay sumunod ako pero isang nakakakilabot na boses ng isang lalaki ang nagpatigil sa akin. Parang pati ang pagpintig ng puso ko ay saglit na huminto dahil sa kaba. "Eljehanni," malamig at may diin na bigkas nito sa pangalan ni Eljeh. Napaatras siya sa gulat. "What the actual fvck?!" malutong na mura niya nang makita ang isang matangkad na lalaki. Ang laki ng muscles niya at bakat na bakat iyon sa suot niyang itim na shirt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD