CHAPTER 10

2271 Words
Chapter 10: Azul & King NAPAKAGAT ako sa pang-ibabang labi ko nang makita ko na sa malapitan ang lalaki. Para siyang artista sa sobrang guwapo niya, mas guwapo pa yata sa mga artista o sa mga modelo na nakilala ko sa Manila. Tiyak na pasok na pasok siya maging artista. Kahit hindi nababakasan ng kahit ano'ng emosyon ang mukha niya ay hindi man lang nabawasan ang guwapo niyang mukha. May kahabaan ang buhok niya at ang iilan na iyon ay nasa kanyang noo. Makapal ang kilay niya at itim na itim ang mga mata na blangko rin, pero kakaiba ang bawat titig niya kay Eljeh. May laman at masyado ring mabigat. Hindi niya rin inalis ang tingin niya rito, tutok na tutok. Ang tangos din ng ilong niya, ang panga niya na panay ang pag-igting nito. Pababa pa sa adams apple niya na gumagalaw pa. Dark blue fitted pants din ang suot niya and black boots. Mariin na itinikom ko ang bibig ko sa sunod niyang ginawa. Mula sa leeg ng suot niyang shirt ay itinaas iyon ng isa niyang kamay para hubarin. May kung ano ang naramdaman ko sa loob, kilig para kay Eljeh. Napangisi ako nang makita ang pag-atras niya at pag-iwas pero hindi siya nakawala dahil sa mabilis na paghawak nito sa siko niya. Hindi naman iyon marahas dahil may pag-iingat pa. Pagkatapos siyang hapitin nito sa baywang at nagdikit ang mga katawan nila pareho ay walang sabi-sabing isinuot sa kanya ang hinubad nitong damit. Napatalon naman ang magkabilang balikat ko nang makarinig ako ng yabag mula sa aking likuran. Yabag na tunog din na inaapakan nito ang mga tuyong dahon sa daan. Nilingon ko ito para lamang mabingi sa lakas nang tambol sa loob ng dibdib ko. Kunot na kunot ang noo na halos salubong na rin ang kilay niya habang papalapit sa direksyon ko. Puting longsleeves ang suot niya at parang lahat ng kulay ng pants namin ay dark din. Ang pinagkaibahan lang ay unkle boots ang suot niya. Parang ginawa ko rin ang ginawa ni Eljeh kanina. Ang pag-atras ko kaya mas lalong nawala ang emosyon ng mukha ni King. Nang makalapit siya sa akin ay hinubad niya rin sa harapan ko ang longsleeve niya at hindi rin pinutol ang titig sa akin. Mas nagwawala tuloy ang puso ko, halos manginig ang buong sistema ko sa kaba. "Nica, why are you naked?" malamig na tanong niya sa akin at napakurap-kurap pa ako dahil sa paghawak niya sa baywang ko. Kasabay nang pagbalot niya sa katawan ko ng saplot na hinubad niya kanina. Iyong dibdib niya lang ang tiningnan ko nang simulan niyang ibutones ang suot-suot ko ngayon na pag-aari niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya nahihiya ako na magtagpo na naman ang mga mata namin. Tumatayo nga ang balahibo ko sa katawan lalo na tumatama sa gilid ng pisngi ko mainit niyang hininga. "Answer me," mariin at maawtoridad na sabi niya. Kailangan pa bang sagutin iyon? Magtatanong pa talaga siya, eh alam naman niya na nasa falls kami pareho at naliligo? Seriously? "Naliligo kami ni Eljeh," sagot ko sa marahan na boses. "Do you need to be naked like this, Nica? Aren't you aware na any moment ay puwede kayong masilipan ng mga taong dumadaan sa lugar na ito?" malamig pa ring sabi niya sa akin. I bit my lower lips. Bakit nakararamdam ako ng kaba sa malamig na boses niya? Bakit parang ang territorial naman niya sa akin? Saka... Friend lang kami, ah... Pero parang boyfriend ko rin siya kung makaasta. Goodness, nararamdaman ko na naman ang kilig, kilig na para na sa akin. "Naka-sando at shorts ako kanina, ah... Saka wala namang tao. Kami lang ni Eljeh," sagot ko at tinapunan ko ng tingin si Eljehanni na ngayon ay pinapangaralan ng lalaking kasama niya. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya at hindi makatingin sa lalaking kaharap niya. Naramdaman ko ang paghawak ni King sa chin ko. Dahil doon ay diretsong napatingin na ako sa kanya. Katulad din siya ng lalaki kanina, sobrang blangko ng mga mata niya. "Walang tao?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin. "Not until na dumating kayo. Maliban sa amin ni Eljeh. Kaya wala," laban ko pa sa kanya at pinitik niya ang aking noo kaya napadaing ako sa sakit nito. "Sasagot-sagot ka pa, ah. Tanungin nga natin ang kasama ko kung may tao ba kanina o wala bago kami dumating dito," masungit na sabi niya at hinila ang aking braso para makalapit kami kina Eljeh. Napatingin siya sa akin na wala ng ibang ginawa kundi ang paghila nito sa laylayan ng suot niyang shirt na hanggang kahalati lang ito ng hita niya. Malaki talaga ang katawan ng lalaki kaya naging over size shirt sa kanya iyon. "Azul, ano iyong naabutan natin kanina?" kaswal na tanong ni King sa nagngangalan na Azul. So, siya nga ang lalaking pinag-uusapan namin kanina at magkakakilala sila ni King. Mas guwapo nga talaga siya sa malapitan at salubong ang kilay niya. Saglit na sinulyapan niya lang si King at tumagal na ang pagkakatingin niya kay Eljeh. "May dalawang estudyante kanina sa likod ng punong kahoy na iyon," sagot nito sa malamig na boses at itinuro ang direction kung saan na may nararamdaman din na ako tila may tao nga roon. Kaya iyon nga ang titingnan ni Eljeh kanina pero dumating silang dalawa. Totoo ngang may nakasilip sa amin kanina na estudyante? Pero estudyante? "Paano naman makararating dito ang dalawang estudyante, aber? Ang layo kamo ng school dito, ah," masungit na sambit ni Eljeh at matapang na sinalubong niya ang tingin ni Azul, na hindi naman nagpapatalo sa kanya ang isa at humakbang pa palapit sa kanya kaya umatras na naman siya. "Ano'ng ginagawa ng mga estudyante na iyon dito?" tanong ko naman kay King. "Nica, sa pagkakaalala ko lang din ay walang estudyante ang naliligaw rito dahil ang layo-layo ng sementadong kalsada. Imposible naman yata iyon, `no?" Eljeh said and she even raised her brows to him. "Unless na baka kayo ang naninilip, ah. Dinadamay niyo pa ang mga bata," she added. "Nakalimutan mo ba na malapit sa talon na ito ang bahay namin, Eljehanni?" sabi ni Azul. "Eh, `di parang sinasabi niyo na kayo ang naninilip!" bulalas ni Eljeh. "Hindi mo ba alam na may gusto sa `yo ang nakababata kong kapatid, Eljehanni?" Palipat-lipat tuloy ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Ano naman?!" nagsusupladang sigaw niya. "Hindi naman kami nag-ano rito, ah. Naligo lang kami!" paliwanag pa niya na medyo tumaas na ang boses. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. Nakatutuwa na parang nauubusan siya ng pasensiya sa lalaking kaharap niya. I can't help but to observe Azul's expression. The way he talked to Eljeh. Parang may something din sa kanila. Sure ba siya na wala ring feelings sa kanya si Azul? Sigurado ba si Eljeh na siya lang ang nagkakagusto? Bakit iba yata ang mga nakikita ko ngayon. "Bakit kailangan na nakapanloob lang kayo?" malamig na tanong pa nito at inilagay ang kamay sa magkabilang baywang niya. "Of course, we're naliligo nga! At masyadong sagabal kung naka-longsleeves and pants ka lang, `di ba? Saan ka nakakita ng taong naliligo na ganoon ang pananamit?" "Ngayon sa inyo," he fired back. Sa inis ni Eljeh ay akma niyang huhubarin ang suot niya nang yumuko si Azul at hinawakan ang hita niya. Walang kahirap-hirap na isinampay niya lang sa balikat niya si Eljeh at naglakad palapit sa talon. Umiiling na natatawa na lamang ako sa kanilang dalawa. Ang cute nilang tingnan kapag nag-aaway. Kakaiba iyong chemistry nila. Bagay na bagay sila. Ang suot ko rin ay umabot sa itaas ng tuhod ko. Hindi pa ako tapos na maligo kaya paano ako lalangoy nito? "Masyadong sagabal at mabigat kapag ganito ang susuotin ko," sabi ko sa kanya at ipinagwalang bahala ko na lamang ang presensiya ni King at ang nakita niya kanina. He's a business man at alam ko na may chance rin siya na lumalabas o nag-a-unwind kaya normal na rin sa kanya ang makakita ng babaeng naka-undies lang. Inaamin kong nahihiya ako kanina. Gusto ko nga ulit na lumublob sa tubig para hindi niya makita ang katawan ko. "But you need to. May estudyante na ang namboboso sa inyo kanina," sabi niya. Nawala na ang awtoridad sa boses niya at pati ang panlalamig no'n. But he kept gritted his teeth na para bang nagagalit siya na ano. "Is that true?" may doubt na tanong ko sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Do we looks like we're just joking, Nica?" nambabanta na tanong niya. I pouted and he laid his eyes on my lips. Masungit na umirap siya sa akin. "Ano pala ang ginagawa niyo rito?" curious na tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot, sa halip ay hinila pa niya ako at hinubad na naman niya ang suot niyang puting shirt din. Basta na lamang niyang inilatag iyon sa lupa. Kukunin ko na sana iyon ng mabilis na pinigilan niya ako. "Ano'ng gagawin mo? Madudumihan ang t-shirt mo," suway ko sa kanya. Umiling siya at mula sa likuran niya ay may hinila-- mabilis na inagaw ko iyon dahil iyon ang short pants ko na hinubad ko kanina. "Wear that again, Nica. Dito ka lang at may kukunin lang ako," sabi niya. Sinunod ko naman ang sinabi niya at sinuot ang shorts ko. I looked at Eljeh again. Nakasimangot na sinusuot na niya rin ulit ang pants niya. Nagdadabog siya kaya muntik na siyang mawalan ng balanse kung wala lang sa tabi niya si Azul. "Let me go!" narinig kong sigaw niya at may kalakasan na tinulak ang lalaki pero ni hindi man lang gumalaw. Pagkatapos niyang suotin iyon ay lumapit siya sa akin na may malalaki ang bawat paghakbang. Nang makita ang damit sa lupa ay tumaas na naman ang sulok ng mga labi niya. "What are you waiting for, Nica? Upo na, oy." Nang-aasar na naman siya kaya umupo na rin ako at mabilis din siyang tumabi. Nang makabalik si King ay parang may pinag-uusapan pa sila ni Azul. Tatango-tango kasi ang isa at pasulyap-sulyap sa side namin. Nang napapansin nila ang pagtingin namin sa kanila ay mabilis na tatalikod naman sila. "Mga gago. Paanong nakarating ang mga `yan dito?" "Hindi mo naman sinabi sa akin na malapit lang ang bahay ng crush mo sa falls na ito, Eljeh. Baka sinadya mo na dalhin ako rito, ah," saad ko. "Nica, ang layo-layo kaya ng bahay nila rito, `no at bakit ba magkasama silang dalawa? Akala ko ba kasama ni Mr. Dwight si Dad? Paanong magkasama na sila ngayon?" nalilito pa ring tanong niya. Nagkibit balikat ako dahil maski ako ay walang mahagilap na kasagutan. "Ask your Azul," I mocked her. "No way. May crush lang ako sa kanya pero hindi kami close," mahinang bulong niya. "May dala kaming kakanin dito at buko," King said. May hawak na siyang puting supot at sa tabi niya ay si Azul na may dalang buko juice na binalatan na yata iyong ano...basta. Maingat na ibinaba iyon ni Azul at doon ko lang napansin na may itak pala siya sa bandang likuran niya. Nagpi-flexed ang muscles niya sa tuwing ginagawa niya iyon. Ibinigay niya ang isa kay Eljeh na nagsusungit pa sa kanya. Ang pangalawa naman ay ibinigay niya sa akin. "Thanks," pagpapasalamat ko kahit nahihiya ako sa kanya. Tumango lang siya at kinuha niya mula kay King ang dalawang kakanin. Ibinigay naman sa akin ni King ang isa at bago ko kinain iyon ay inamoy ko muna. Napapikit ako dahil nanuot sa aking ilong ang masarap na amoy ng kakanin. Mainit-init pa siya. "Binili niyo?" tanong ko kay King na tahimik lang nanonood sa amin. "Ginawa `yan ng lola ni Azul," sagot niya at sinulyapan pa ang lalaki. I nodded my head. "Bakit magkasama kayo ngayon? Hindi ba ay may pag-uusapan kayo ni Mr. Ciesta? Maaga nga kayo umalis kanina, `di ba?" tanong ko. "Kaya nga maaga para makita namin agad ang lupain na ibebenta nila pero nang makabalik kami sa villa ay wala na kayo roon ni Eljeh. Mag-isa pa kayong pumunta rito na wala mang kasama bukod sa sarili niyo," pangangaral na naman niya. Hinagod ng daliri ko ang gitna ng kilay niya para mawala ang pagkakunot no'n. Mabilis naman niyang hinawakan ang aking kamay. "Hindi na kami bata ni Eljeh para bantayan pa kami. Kaya na namin ang aming sarili," dahilan ko. "At marunong ka na ngayon na mangabayo?" naaliw na tanong pa niya. Dahil kumakain nga ako at napupuno pa ang bibig ko ay tumango lang ako. Itinuro ko ang buko na hawak niya. Mabilis kong nginuya at nilunok ang kakanin. "Paano ba `yan inumin? May straw ka ba riyan?" I asked him. "Wala," tipid na sagot niya lang. "Paano ako makakainom niyan?" nakangusong tanong ko at binalingan ko na naman ang dalawa. Hawak ni Azul ang buko ni Eljeh habang inaalalayan niya itong makainom ng buko. Ang sweet naman. "May bumabara na sa lalamunan ko," sabi ko at marahan kong tinapik-tapik ang leeg ko. "Sige na, just drink." Tutulad din yata siya kay Azul kaya hinayaan ko na. Inilagay ko sa lap ko ang kakanin at hinawakan ang buko. Habang umiinom naman ako ay hinahawi niya ang buhok ko na nagiging sagabal sa aking mukha. Para akong tatakasan ng ulirat dahil sa mainit ng palad niyang nakadampi sa aking balat. Bigla namang nasamid si Eljeh kaya natataranta ang lalaki na magpakalma sa kanya. "Focus on me, Nica," mariin na utos niya na mabilis ko namang ginawa. After I drank my buko juice ay may pinunasan pa siya sa gilid ng labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD