CHAPTER 11

2104 Words
Chapter 11: Lugawan ligawan "UUWI na tayo." Mabilis na nag-react si Eljeh dahil sa suhestiyon ni Azul. Siyempre kahit ako ay magre-react din. Dahil hindi pa ako nagsasawa sa falls, eh. "Hindi naman tayo magkasabay na pumunta rito, ah. Kayo lang ni Mr. Dwight ang uuwi kung gusto niyo. Huwag niyo kaming isama!" sigaw ni Eljeh. "Ano pa ang gagawin niyo rito? Hindi ba uuwi naman kayo pagkatapos niyong maligo?" supladong tanong ni Azul sa kanya. "Hindi pa nga kami tapos maligo ni Nica," laban niya. Napatingin ako kay King nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso. Sobrang ingat na ingat siya sa akin. Natatakot yata siya na maging marahas sa akin. Nginitian ko siya nang magtagpo ang aming mga mata. Nahawa rin siya dahil sumilay ang matamis niyang ngiti sa kanyang mga labi. Kitang-kita tuloy ang maputi at pantay-pantay niyang ngipin. "Mauna na kayo umuwi," sabi ko sa kanya pero umiling siya. Isa pa ang lalaking ito. Sila lang naman ni Azul ang magkasabay, eh. Tapos isasama pa kami ni Eljeh. "Hindi puwede. Sa nahuli namin kanina ay makakaya pa ba namin ang iwanan kayo rito na kayong dalawa lamang?" nakataas na kilay na saad niya. "No way in hell, Nica." Napahilot ako sa sentido ko. "Parang hindi naman kapani-paniwala ang pinagsasabi niyo, ah," saad ko at naniningkit ang mga mata ko na tiningnan siya. Malakas siyang tumikhim at umirap lang sa huli. "Basta uuwi na tayo," laban pa niya. Inalalayan niya ako sa pagtayo at kinuha pa ang hinubad kong boots ko kanina. Si Eljeh ay kunot na kunot ang noo habang sinusuotan siya ni Azul ng boots niya. Napangiti ako dahil hindi na siya nagprotesta pa. Gagaya pa yata si King pero mabilis ko nang inagaw sa kanya ang boots ko at ako na mismo ang nagsuot no'n sa sarili ko. "Let's go home, Nica. They will just walk home because they don't have a horse, duh," masungit na wika pa ni Eljeh. Tutulungan sana siya ni Azul para makasakay sa likod ng kabayo nang tinabig niya ang kamay nito. "I don't need your help!" Akala ko ba ay crush niya si Azul? At naghihintay pa siya sa matamis nitong oo, kung sasagutin na ba siya? Pero bakit ngayon ay ang sungit-sungit na niya? Nang maayos na ang pagkakaupo niya roon ay hinawakan na niya ang tali nito at tiningnan ako pero nanlaki lang ang mga mata niya nang sumampa rin si Azul at pumuwesto ito sa likuran niya. Kitang-kita ko na uneasy siya kaya nang inagaw rin nito mula sa kanyang mga kamay ang tali ni Vip ay nabitawan na niya iyon. Kumurap-kurap pa siya kasi parang nakayakap na ito mula sa kanyang likuran si Azul. Dikit na dikit ang likod niya sa matigas nitong dibdib. Naisuot na pala nito ang shirt na pinasuot kanina kay Eljeh kahit nabasa na iyon ng tubig. Sinundan ko naman ng tingin si King, walang kahirap-hirap siyang sumampa kay Zip. Isa pa ito. Pumunta sila kanina na walang dala na kahit ano'ng sasakyan o kahit kabayo man lang pero heto sila, makiki-share pa yata. Nakaitim na sando rin siya at hindi na muling sinuot ang damit niyang inilatag kanina sa lupa. Inilahad niya ang kamay niya para makaakyat na rin ako. Hindi na ako nagprotesta pa at hinawakan ko na iyon. Buong puwersa niya akong hinila at sa likod naman niya ako nakapuwesto. Tagilid ang pagkakaupo ko kaya iyong tagiliran ko rin ang nakadikit sa likod niya. "Kapit ka lang, Nica," sabi niya sa akin. Hinawakan ko ang damit niya pero inayos niya iyon. He got my arms wrapped around his waist. Nakayakap na tuloy ako sa kanya and I just rested my cheek against his shoulder. Ang sarap sa pakiramdam. "Dumaan muna tayo sa bayan, Azul," sabi niya at pinatakbo na ang kabayo. Nakasimangot pa rin ang mukha ni Eljeh. Luging-luging ang hitsura niya ngayon. Pero nakakakilig talaga sila. Kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinapanood ko sila. *** Dahil bago sa aking paningin ang mga bagay na nakikita ko ngayon ay hindi ko maiwasan ang mamangha. "Wow..." mahinang bulalas ko at halos magningning ang mga mata ko. Ito ang lugar na tinatawag nilang bayan, kung saan maraming mga tindahan ang makikita at iba't ibang bagay na ibinebenta nila. Hindi halata na nasa isang malayong probinsya ka lamang. Dahil makulay ang paligid dahil sa paninda nila. "Something you want to buy here, Nica?" tanong sa akin ni King. Inihinto nila ang kabayo at nakita kong nakababa na rin ang dalawa. "Eljeh and I just took a bath--swimming and we didn't bring any money," nahihiyang sabi ko at tumango lang siya. Bumaba siya at mabilis na pumuwesto sa harapan ko. Hinawakan niya ang magkabilang baywang ko at dahan-dahan akong ibinaba. "S-Salamat," nauutal kong sambit. Nabibigla talaga ako sa paghawak niya sa akin. Hindi naman kasi ako sanay at kakaiba sa pakiramdam kung mas malapit talaga siya sa akin. Lumapit kami sa paninda ng mga damit at pumasok kami sa loob. Kumuha ng isang manipis na brown t-shirt si Azul. Bibilhin niya iyon pampalit sa basang damit niya. Binalingan ko naman ng tingin si King na ikinabigla ko pa ang pagtingin niya sa akin. "Ikaw? Hindi ka ba bibili ng damit?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at hindi na rin nagdalawang isip pa na kumuha rin ng isang shirt. Hindi naman kasi puwedeng nakasando lang siya. Eh, nakita ko nga kanina na pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid. Particular na nakatingin talaga ang mga dalaga pero hindi ko na lang din pinaalam pa sa kanya. Baka iba pa ang isipin niya. "Pili ka lang, Nica. Ako ang magbabayad," sabi niya bago lumapit kay Azul kaya nagkaroon kami ng pagkakataon ni Eljeh na makapag-usap. Alam kong napaka-cheap ng mga damit na paninda nila but I don't care anymore. I want to buy, ang gaganda kasi ng mga kulay nila. Babayaran ko na lamang si King pagkauwi namin. Hindi puwedeng siya pa ang magbabayad ng mga pamili ko. Nakakahiya na kasi. "Ikaw, Eljeh?" untag na tanong ko sa kanya. "Wala akong dalang pera," nakangusong sabi niya. "Ako ang magbabayad, Eljehanni," sabat ni Azul mula sa kanyang likuran. Umikot ang eyeballs niya. "Wala akong bibilhin," sabi niya at maarteng naglakad sa pintuan. Mabilis siyang sinundan nito. "Heto na ba lahat?" tanong sa akin ni King. Nahihiyang tumango ako. "Pag-uwi natin babayaran kita, ha?" saad ko. "Pinagbabayad ba kita, Nica?" tanong naman niya. "Hindi. Basta magbabayad ako," ani ko. Hindi niya ako pinakinggan at lumapit na lamang siya sa counter para makapagbayad. Sunod naming pinuntahan ang accessories store. Ang iba ay gawa lang sa kahoy at ang gaganda naman nilang tingnan. May bracelet pa na puwedeng lagyan ng pangalan. Parang souvenir lang. "Ate, kukunin ko ito," si Azul na nakikipag-usap sa saleslady. Ang lapad-lapad ng ngiti nito. "Kasama mo pala si Señorita Eljeh, Azul," sabi pa nito. "Opo, kasama ko rin ho ang mga kaibigan ko," sagot ni Azul at kami marahil ang tinutukoy niyang kaibigan niya. Hawak na niya ang palapulsuhan ni Eljeh. Hindi nakasimangot ang magandang mukha niya at titig na titig sa bracelet na isusuot sa kanya ni Azul. "Hindi ito katulad ng mamahalin na bracelet na madalas mong sinusuot pero mas malaki ang halaga nito." "Ano?" naguguluhan na tanong ni Eljeh. Tiningnan ko ang maliit na karatola na pinaglalagyan ng mga bracelet. Nasa 85 pesos lang naman iyon. "Hindi iyong pera ang tinutukoy ko. Ang ibig kong sabihin, ang suot-suot mo ngayon ay pinaghirapan nila para magawa ito. Naglaan sila ng oras, dugo, pagod at pawis," paliwanag ni Azul at napatango naman ako. Naiintindihan ko na. Tumindig ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang paghawak ng mainit at pamilyar na kamay sa aking pisngi. Ipinihit nito ang mukha ko sa kanya. "You're just always looking at them, while I'm here," reklamo niya na ikinatawa ko. Parang nagtatampo siya. "Nakakatuwa kasi silang panoorin, eh. Kinikilig ako," pabulong na sabi ko. "Sa akin ba, hindi ka kinikilig?" kunot-noong tanong niya at mariin kong naitiklop ang aking bibig. Hindi ba siya nagbibiro? Bakit ganoon ang mga katagang lumabas sa bibig niya? Gusto niya rin ba akong kiligin sa kanya? Eh, ang makita nga lang ang guwapo niyang mukha ay kinikilig na ako. My whole system shuts off more when he gets close to me at kung nararamdaman ko rin ang presensiya niya ay talagang nagwawala na ang puso ko. Tumikhim siya at mariin na napapikit. "Ano'ng gusto mo, Nica?" tanong niya at iniba na ang usapan. Bumaba ang mga mata ko sa cute na locket na puwedeng ikabit sa bag. Kinuha ko iyon at tiningnan. Sunflower iyon at maganda ang pagkakagawa niya. "Isama na rin natin `to," sabi niya at inabot sa akin ang isang desinyo ng kabayo. Napangiti ako. "Sige." Pagkatapos naman namin doon ay pumasok kami sa lugawan. Binibida ni Azul sa amin na masarap daw ang lugaw rito. Kahit na bihira lang akong kumakain, maliban nga lang kung nilalagnat ako. Excited akong tikman ito kung totoo bang masarap ang lugaw. Magkatabi kaming nakaupo ni Eljeh habang hinihintay ang in-order ni Azul na apat na pinggan ng lugaw. "Akala ko uuwi tayo, `no, Nica?" pagpaparinig ni Eljeh kaya mabilis siyang tiningnan ni Azul. Umigting ang panga nito at patay malisya lang si Eljeh na uminom ng tubig. "Oo nga. Akala ko rin," pagsang-ayon ko naman at tiningnan ko si King. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay na ginaya ko rin. Nag-iwas siya ng tingin kaya napangisi ako. "Heto na ang lugaw niyo, Azul." Hindi na nakapagtataka na kilala si Azul ng mga tao rito kasi nakatira naman siya sa probinsyang ito. Ang dami ngang nakakakilala sa kanya at pati rin kay Eljeh. "May bago ka palang kaibigan, Azul," ani ng isang ginang at napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako. "At ang ganda pa, guwapo rin ang lalaki," dugtong niya. Tiningnan ko ang reaksyon ni King. Nasa akin ulit ang atensyon niya at hindi siya nag-react sa narinig niyang papuri sa kanya. Mukhang sanay na. "Magandang umaga sa `yo, Señorita Eljeh." "Magandang umaga rin ho," magalang na bati naman ni Eljeh at nawala ang masungit niyang aura. Matunog na ngumisi pa si Azul. Hindi magawang umirap ng isa kasi hindi pa umaalis ang ginang. "Gago," mahinang saad ni Eljeh, sapat na upang marinig naming tatlo. Kinuha ko agad ang spoon na ibinigay sa akin ni King at hinipan ko pa ang lugaw na umuusok sa init. "Dahan-dahan... Baka mapaso ka, Nica," pagpapaalala sa akin ni King. Excited na akong kumain nito at matikman, eh. "Wala pala tayong pormal na pagpapakilala," saad ni Azul at mukhang ako ang kinakausap niya. Kaya tiningnan ko siya habang sumusubo ng ligaw. "Nica na lang ang itawag mo sa akin," sabi ko. "Azul. Azul El Greco ang pangalan ko." "Azulenzure El Greco Belgica, that's his full name." Umawang ang labi ko sa gulat dahil sa mahaba niyang pangalan. "Azulenzure... Ang haba naman niyan. May lahi ka bang Spanish or something? Nagmula ka sa mayaman na pamilya?" interesadong tanong ko. Umiiling siya sa akin pero si Eljeh na naman ang sumagot. "Pure Italian ang mother niya kaya ganoon ang pangalan niya at ang father niya, we'll never know kung nasaan na sa mga oras na ito. But I know, may lahi rin siyang Spanish." "Ang dami mong nalalaman tungkol sa akin, Eljehanni," komento ni Azul na salubong pa ang kilay. Hindi na umimik pa si Eljeh pero nakita ko ang pagpula ng pisngi niya. "Darn it," she uttered. "Narinig ko iyon, Eljehanni," Azul warned her. Nanlaki pareho ang mga mata namin nang palihim na ipinakita niya ang gitna ng daliri niya at sa katigasan pa ng ulo niya ay ginamit niyang panghawi iyon sa kanyang nakatabing buhok sa mukha niya. Wala na siyang pakialam kung makikita pa siya ng mga tao sa loob ng lugawan. "Eljehanni!" Mahinang tumawa lang si Eljeh at kinindatan pa ako. Hala siya... "Dinala mo ba sa lugawan si Nica para ligawan din, Mr. Dwight?" nakangising tanong ni Eljeh kay King dahilan nasamid ang isa. Napahawak ito sa dibdib niya. Baka nalunok niya agad ang lugaw niya. Inilapit ko sa plate niya ang basong tubig kong may laman pa. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko. Tumango siya at ilang beses na tumikhim. "Tigilan mo, Eljehanni." "Ano ba ang ginawa ko? I was just asking him," defensive na sabi niya. "Paano kung sasabihin ko sa `yo na dinala kita rito sa lugawan para ligawan?" seryosong tanong ni Azul at hindi na nakasagot pa ang katabi ko. Natawa na lamang ako sa kanilang dalawa. Naaaliw naman akong pinapanood ni King.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD