Pool party & meeting them
"OH, really?" nang-aasar na tanong sa akin ni Eljeh. Binuksan pa nito ang pinto saka siya sumilip. Palipat-lipat pa ang tingin sa amin ni King tapos may ngisi pa ang nakapaskil sa kanyang mga labi.
Hayon na, eh. Sasabihin na sana sa akin ni King kung kanino ba niya naramdaman ang love ay first sight na iyon. Pero bakit...
Naalala ko naman ang paraan ng pagtitig sa akin ni King nang sabihin niya sa akin ang tungkol doon. Kakaiba at may laman siya pero hindi ko naman maipangalanan o sadyang binabalewala ko lang iyon, dahil imposible naman talaga siya? Pero bakit tinatanong niya ako tungkol doon?
Nang nasa pinto na ako ay nilingon ko si King na nakaupo na siya sa puwesto ko kanina. Nakatingin siya sa akin.
"You won't come with us, King?" tanong ko sa kanya.
"Do you want me to come with you, Nica?" balik na tanong niya. But halata naman na hindi siya interesado sa party.
"Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo," sabi ko at napanguso. Humalakhak na naman siya.
"Just enjoy the party, Nica," he said. Nakaramdam tuloy ako ng disappointment dahil hindi siya sasama. Parang gusto ko kasi na palagi ko siyang kasama. Pero ayaw n'ya, eh. Err-- magkaibigan lang kami ni King pero sobrang clingy ko naman yata. Hindi naman ako ganito noon, ah?
Kahit kay Jade naman ay hindi ako clingy. Sa kanya lang yata at bilang kaibigan ko pa. Nahihibang na nga talaga ako.
"Sige, lalabas na ako," paalam ko at kumaway pa ako sa kanya. Hinila naman ako ni Eljeh at sabay na kami naghanda para sa pool party mamaya.
Hindi ako pumili ng susuotin ko. Si Eljeh, bida-bida siya. Gusto pa niyang maging stylist ko. Ibinigay niya sa akin ang ash green one shoulder fitted shirt. Nagmumukha siyang crop top pero hindi rin naman. May slit lang sa bandang tiyan ko at kitang-kita ang pusod ko rito. Kita rin ang cleavage pero may skin tone cloth naman siya pero reveal pa rin talaga ang dibdib ko sa itaas. White short pants din na kalahati ng hita ko ang litaw na litaw pero comfortable naman siyang suotin dahil may manipis na shorts din ako sa loob.
Hinayaan ko na ring nakabuhaghag ang buhok ko sa balikat at likod ko. Tamang make-up lang din sa mukha para mas hindi magmumukhang clown ang hitsura ko.
Si Eljeh naman ay blue maxi dress ang suot niya hanggang hita rin ang haba no'n. Masyado ring mababa ang neckline niya at mas nadepina pa iyon dahil mataas na nakatali ang buhok niya. Ang ganda niya ngayon sa ayos niya. Ankle boots naman ang napili niyang sapin sa paa, ako naman ay flat na sandals lang kasi casual lang naman ang suot ko. May dala kaming handbag pareho at pinaglagyan ko lang ng phone at wallet ko.
After namin sa pagbibihis at pag-aayos ng sarili ay lumabas na rin kami sa kuwarto niya. Namamangha tuloy sa amin si Tita Certiza nang makita kami na pababa lang sa hagdanan. Pareho pa kaming niyakap nito at nakipag-picture pa sa amin. Manghihingi ako sa kanya later para ipakita rin iyon sa parents ko. Na I'm doing fine with my own.
"Ano'ng oras ba ang pool party ng kambal, dear?" tanong ni Tita Certiza sa kanyang anak.
"Baka sa 8PM din po, Mom. Dating gawi," sagot ni Eljeh. Mahilig yata sa party ang dalawang lalaking iyon.
"Okay-okay, just enjoy the party," she said at pinahatid pa niya kami sa family driver nila.
Hindi ko na nakita pa si King. Mukhang nagpapahinga na nga siya. Ayaw niya talagang sumama o nahihiya lang siya sa kambal na iyon? Friendly naman si Rolf, eh. Hindi lang si Wolf dahil mukhang suplado pero alam kong mabait din iyon. Sa hitsura lang niya iyon pero mabuting tao naman siguro. Dahil hindi iyon magiging kaibigan ni Eljeh kung hindi mabait.
"Bakit nakasimangot ka?" puna sa akin ni Eljeh nang mapansin nga ang mukha ko. Umiling ako. Hindi niya puwedeng malaman na malungkot ako dahil wala si King. Na hindi namin kasama ito ngayon. "Dahil ba ito kay Mr. Dwight? Hindi siya sasama sa atin, ganoon?" tanong pa niya. I know she's going to tease me again.
"Wala nga," mabilis kong sagot at nag-iwas ng tingin.
Hindi man lang uminit ang upuan namin at nakarating kami agad sa mansion nina Rolf at nawala ang lungkot sa mukha ko nang makita ang ganda ng tinitirhan nila. Ang yaman-yaman nga nila at talaga namang nakamamangha.
"Wow, ang ganda ng mansion nila," namamanghang saad ko at ang lapad-lapad ng ngiti ko.
"Dear, it's hacienda. Haciendero ang dalawang iyon," pagtatama sa akin ni Eljeh na tinanguan ko lang.
Pagkababa namin ay sumalubong sa amin agad si Rolf, oh bakit ko nakilala agad? Nakangiti kasi siya kahit ang layo-layo pa niya sa amin. Hindi naman kasi ganito si Wolf.
"Good evening! Thank you for coming, Eljeh and Nica. Akala ko ay hindi talaga darating si Nica. Because I thought nahihiya ka lang," ani Rolf at hayan na naman ang madalas nilang ginagawa ni Eljeh. Pagkatapos nilang gawin iyon ay ako naman ang inayang makipag-fistbump kaya ginawa ko na lang din in the end. Nakakatuwa pala talaga siya.
"Come on. Dumating na kayo kaya magsisimula na ang pool party natin," sabi niya at pareho niya kaming inakbayan.
Expected ko na marami silang inimbitahan kaya nang makarating kami sa pool area ay agad kong pinasadahan ng tingin ang place na iyon.
Wala namang masyadong decorations. Maliban sa table na punong-puno ng pagkain at wine. Saka iyong light ball na parang nasa clubhouse ka at may music din silang pinapatugtog. Sabi ni Rolf ay hindi pa nagsisimula ang party pero ano ang mga ito? Eh, nagsisimula na kaya sila. Tss.
Nakita ko si Wolf sa isang sulok at may kaakbay siyang isang babae. Oh, well dalawa ang katabi niyang babae at nag-e-enjoy na yata sila.
"Playboy ang kakambal mo, eh," komento ko kay Rolf. Natawa siya at tumango.
"Yeah. Alam mo na," sabi niya lang na mukhang proud pa sa kapatid niya.
"Huwag na kayong magtaka pa kung may babae na ang maghahanap sa kanya at nabuntis niya ito," sabi ko. Sumang-ayon si Eljeh.
"That's very good. May pamangkin na ako kung ganoon," sabi lang niya. May kasama pa silang apat na lalaki at nasa table, nakaupo na ang mga ito. May isa pang babae at lalaki ang naliligo sa pool.
"Good evening, here's my new guests," sabi ni Rolf. Nakuha tuloy namin ang atensyon ng lahat.
"Eljeh," tawag ng mga lalaki kay Eljeh. Iyong mga babae naman ay walang pakialam. Tiningnan lang nila kami at bumalik na lang sa pinagkakaabalahan nila.
"This is Nica, guys," pakilala ni Rolf.
"Is she single, Rolf?" tanong ng isang lalaki na may earrings pa. Parang si Wolf, mukhang playboy rin.
"Sad to say, no..." umiiling na sagot sa kanila ni Rolf at nagtawanan ang iba.
"Sayang," sabay-sabay na sabi nila. Pinagtaasan ko lang sila ng kilay.
Single ako pero hindi ko sasabihin sa kanila. Tse!
"No need to introduction, guys. No...no, huwag ka nang makipagkilala pa sa kanila, Nica. Mga babaero ang mga 'yan," Rolf said with a laugh.
"Rolf, sinisira mo naman ang reputasyon namin, ah," narinig kong sabi pa nila.
Dinala niya kami sa bakanteng upuan. Magkatabi naman kami ni Eljeh. Hindi nakatiis ang apat na lalaki at lumapit talaga sila sa amin. Umupo sa tapat namin. Hindi naman nakakailang ang paraan ng pagtitig nila. Ni hindi nila tiningnan ang legs namin ni Eljeh, kaya masasabi ko na gentleman pa rin sila.
"Nica, right? I'm West," pakilala naman ng lalaking may brown na buhok. Pati ang color eyes niya ay ganoon din. Ang guwapo niya rin tapos sobrang tangos ng ilong.
"Yeah, nice meeting you, West," I said at tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Mabilis naman siyang bumitaw.
"New friend?" he asked me, he's referring to me and Rolf. I nodded. "This one is Breck, the blue hair."
"I love your hair, Breck but I don't like your name. Parang ang hilig mo ring mang-break ng mga babae," biro ko sa kanya. Sa halip na ma-offend siya sa aking sinabi ay humalakhak lang siya. Namula pa ang leeg at tainga niya.
Nakasuot pa rin naman sila ng shirt, maliban sa lalaking nasa pool. He's guwapo rin naman. Matangos din ang ilong niya, mas maputi pa ang balat niya kaysa kay West.
"This boy with earrings, his name is--"
"Chand," agap nito. Nagkibit-balikat si West. Nakipag-apir lang siya sa akin.
"Your name is innocent, but your face, whatever," I commented. Natawa rin siya sa akin.
"Lastly, I'm Kervy," the one who has a long hair. Mukhang matino ang isang ito and just like Rolf. Friendly.
"Nice meeting you guys," sabi ko lang. Tumingin naman ako sa lalaking nagsi-swimming para lang din na makita na naghahalikan na pala ito kasama ang babae. "How about that one?" tanong ko at itinuro ko pa iyon.
Lahat sila ay napatingin sa gawing iyon. "Oh, he's North, my brother and beware of him. He's the most playboy among us," si West ulit ang sumagot sa akin.
"I see," tumatangong saad ko. Hindi na nila pinakilala pa sa akin ang mga babaeng kasama nila dahil hindi naman daw importante. Mga flings lang daw nila ito.
Kumuha ng foods para sa amin si Rolf. After daw naming kumain ay maliligo muna kami sa pool and I don't think so kung kaya kong maligo, eh wala kaming damit ni Eljeh na dala.
"Naka-bikini suit tayo, Nica. I told you na huhubarin mo lang ang suot mo at pahihiramin naman tayo ni Rolf ng bathrobe," giit sa akin ni Eljeh.
"Nahihiya ako. Sina King and Azul nga ay halos hindi na ako makatingin sa kanila ng diretso," sabi ko.
"No need to worry about them. Hindi naman sila mga manyak, right guys?" Nahiya pa ako nang tanungin niya ang apat.
"Silly you, Eljeh. May mga kapatid kaming babae," natatawang sagot ni Breck.
"Eh, bakit ang playboy mo," pang-aasar pa na sabi ni Eljeh. Mahinang pinisil lang nito ang ilong niya.
Inaya naman sila ng mga babae na sumayaw. Kaya kami na lang ulit ni Eljeh ang naiwan.
"Huwag tayong magpapatalo sa mga babae rito, Nica. Show your beautiful body."
"Eljeh," mahinang suway ko. Palibhasa eh marami na siyang nainom, kumakain pa nga lang kami.