The late comers & aircon
"DRINK this, Nica." Hindi ko tinanggihan iyon at kinuha ko sa kamay ni Eljeh. Inisang lagok ko lang siya kaya napapalakpak sa akin ang kasama namin. Dumaan sa lalamunan ko ang pait and at the same time tamis ng wine.
"She's quite strong."
"No, she's getting drunk," narinig kong sabi ni Wolf. Umiling ako.
"I'm sanay kaya," sabi ko kahit ang totoo ay umiikot na ang paningin ko pero kaya ko pa naman. Nasa katinuan pa ako.
"Really?" tanong ni West. Nakabalik na pala ang mga ito sa table namin. Nagulat naman ako nang binigyan ako ni North ng wine glasses at may laman pa ito. Iniwan na niya ang fling niya at naki-table na rin siya sa amin.
"Bud, that's enough. Marami na siyang nainom," suway ni Wolf pero as if susunod ako sa kanya?
Kinuha ko iyon sa kamay ni North at tinungga. Mas lalo lang umikot ang paningin ko. Tumayo ako at muntik pa akong matumba kung hindi lang ako naalalayan ni... Pinangliitan ko ng mata si Wolf. Ang bilis niya, ah...
"A-Ang guwapo mo naman, Wolf..." nakangiting sabi ko at hinawakan ko ang mukha niya. Nahirapan pa ako dahil sobrang tangkad naman niya. Parang si King lang. Magkasing tangkad lang yata silang dalawa.
Hays, si King na naman ang naiisip ko. Bakit ba kasi hindi sumama iyon sa amin ni Eljeh? Ayaw niya yatang mag-party-party like this.
"See? Lasing na siya," inis niyang sabi at tinanggal ang kamay ko sa kanyang mukha. "Iuwi mo na ito, Rolf. Susugod ng wala sa oras ang boyfriend nito. Makikita mo," sabi pa niya at nagbabanta pa talaga siya.
"Bakit hinayaan siya ng boyfriend niya na pumunta rito kung ganoon?" curious na tanong ni Breck.
"Hindi yata takot ang boyfriend niya na maagaw ito," si Chand naman at natatawa pa.
"May tiwala kasi siya sa girlfriend niya, eh." Si Eljeh naman ang sumagot. Napapikit ako at humilig sa dibdib ni Wolf. Inaantok na rin ako at nakararamdam na ako ng init sa katawan. Dahil iyon sa tequila at gin na ininom ko.
"M-Maligo tayo, Eljeh..." sabi ko at itinaas ko ang damit ko. Ako pa ang nag-aya. Kung kanina ay nahihiya ako pero ngayon, gusto kong mag-swipe kami.
"The hell, woman? Don't do that," he said at marahan na pinalo ang kamay ko. Napanguso ako at dahil hilong-hilong na talaga ako ay sumandal na lang ulit ako sa kanya. Naamoy ko pa ang mabango niyang perfume.
"A-Ano'ng pabango ang gamit mo, W-Wolf?" tanong ko and I even tiptoed just to smells his neck.
"Fvcking hell," Wolf cursed.
"What the fvck, Gennica?!" Lasing na nga talaga ako, dahil naririnig ko na rin ang boses ni King pero hindi pa rin ako lumalayo kay Wolf.
"Oh, here comes the boyfriend," Wolf blurted out.
"What are you doing here, Azul?" Pilit na akong umayos para matingnan ang bagong dating. Kung tama ba ang narinig ko na boses.
Kumuha pa ako ng balanse kay Wolf at sa braso niya ako kumapit. Sa hindi kalayuan ay roon ko lang nakita si King. Nakatayo lang siya at madilim ang kanyang mukha at panay ang pag-igting ng kanyang panga. Nasa tabi niya si Azul na wala ring emosyon ang mukha.
"Oh, I thought you don't want to come here..." Rolf said.
"He's the boyfriend of Nica?"
"Let's go home, Gennica," matigas na saad niya. Parang kinilabutan pa ako dahil sobrang lamig ng boses niya. Parang nakagawa rin ako ng kasalanan base lang sa pakikipag-usap niya sa akin.
Pero hindi pa ako nag-e-enjoy sa party. Hindi pa nga kami nagtatagal dito, eh. Gusto ko pang mag-stay nang matagal dito.
"Eljehanni."
"Come on, Azul. Lumapit ka na lang dito at maupo. Let's drink this first before we go, come here, Mr. Hardinero..." malambing na sabi pa ni Eljeh. Naging masunurin sa kanya si Azul at lumapit nga ito. Umupo pa sa tabi niya.
"Just go woman," dinig kong saad naman ni Wolf at bahagya niya akong tinulak, umiikot na nga ang paningin ko kaya muntik na naman akong mawalan ng balanse. He's so bad talaga.
"Fvck..." Humilig ako sa dibdib ni King at ito na ang favorite kong sandalan, ever. I encircled my arms on his waist and I close my eyes.
"This is heaven," I uttered because I feel comfortable this way. Hindi ko rin mapigilan na amuyin siya dahil sobrang bango niya rin. Mas gusto ko pa yata ang amoy niya kaysa kay Wolf. Para kasi akong kinikiliti, eh. Oh, goodness...
"Ang hilig-hilig uminom pero heto ka, lasing na lasing ka na," pangangaral nito sa akin at marahan na pinitik niya ang aking noo. Napanguso ako. Hilig niya rin talagang gawin ito sa akin, eh.
"Sabi mo ayaw mong sumama... Ano'ng ginagawa niyo rito ni King, hmm?" I mocked him.
"This... Because of this, Gennica," he answered at sinundot pa niya ang bandang tiyan ko. Natawa ako.
"Oh..." sabi ko lang.
"Mr. Dwight, come here. Join us. Huwag muna kayong umuwi." Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nag-aya kay King. Pero baka si Rolf o si Wolf? But imposible if si Wolf. Si Rolf iyon for sure. Ah... I don't know.
"Later," sabi lang ni King.
"Can we use your comfort room?" King asked them.
"Sure, over there." Nagpaubaya na lang ako nang hinila na ako ni King sa kung saan. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin namin sa comfort room.
Halos buhatin na ako ni King dahil ang buong bigat ko ay nasa kanya na. Nakahawak siya sa baywang ko at nakahilig pa rin ako sa dibdib niya.
"What...are we gonna do here, King Dwight?" inaantok kong tanong sa kanya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko para ilayo nang kaunti mula sa kanya. Muli niyang hinawakan ang baywang ko at binuhat ako. Inupo niya ako sa sink and I leaned my back on the mirror behind me.
Nagmulat na ako ng mata para makita ang gagawin niya. Itiniklop niya ang magkabilang binti ko gamit ang kanyang kamay. May dinukot siyang puting panyo at binuksan ang gripo ng tubig. Binasa niya iyon at marahan na dinampi iyon sa mukha ko.
"W-Why? Why are you wiping off my face, King?" I curiously asked him.
"I don't like your make up at para mahimasmasan ka na sa kalasingan mo," sagot niya sa akin. He held my chin and he lifted up. Una niyang tinanggal ang make up ko at sinunod ang lipstick ko.
"But why?"
"Your beautiful without this shet, Nica," he said and I nodded my head.
"But this is not shet, King. It's my make up," suway ko sa kanya at pinitik ko rin ang tungki ng ilong niya. Napahinto siya sa ginagawa niya.
"Whatever, and what kind of this shet again? Where did you get this?" Hayan na naman siya sa shet niya. Kaya pinisil ko na ang ilong niya.
"It's a dress and not a shet. King, you have a bad mouth," I told him. "Sumbong kita kay Eljeh. Sa kanya kaya ito," ani ko.
"I'm telling the truth, Gennica. Kitang-kita ang pusod mo rito, oh. This is shet," sabi niya at humalakhak ako nang hawakan na naman niya iyon. "Huwag mo akong tawanan." Ibinaba niya rin ako pagkatapos. "Wash your face, Nica."
"Opo," sabi ko at humarap sa sink. Binuksan pa ni King ang gripo at inipon pa ng kaliwang kamay niya ang buhok ko para makapanghilamos ako ng maayos. Ang sarap ng tubig.
"There, I'm done," I said and I face him again. "Basa iyong face ko," parang batang sambit ko at tiningala ko pa si King. Titig na titig na naman siya sa akin at bumaba naman ang tingin ko sa suot niya. Hindi siya umimik nang hinawakan ko ang suot niyang t-shirt at ginawa kong pamunas.
Umiling siya sa akin nang ginawa ko nga na iyon pamunas sa basa kong mukha. Mas humilig pa siya sa akin. Nabasa lang ng kaunti ang damit niya.
"Let's go na sa labas," aya ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya para hilahin na siya.
Hindi na niya ako sinita pa sa suot ko at bumalik kami kina Eljeh. Pero hindi niya hinayaan na makalayo sa kanya. Kahit ang upuan ko ay nakadantay ang braso niya sa headrest no'n. Para lang siyang nakaakbay sa akin.
"What happened to your make up, Nica? Bakit wala na?" naniningkit na tanong sa akin ni Eljeh at hinawakan pa ang mukha ko.
Nginuso ko si King sa tabi ko. "Epal talaga ni Mr. Dwight, parang ito rin," sabi n'ya at itinuro na naman niya si Azul. Hindi ito umiimik at nakatitig lang sa kanya.
"Another drinks, Nica?" I smiled at Breck and I nodded my head. Aabutin ko na sana iyon nang may malaking kamay ang kumuha at naunahan ako.
"King, akin 'yan..." sabi ko.
"Hindi ka na iinom. Ito lang," aniya at ibinigay sa akin ang orange juice. Tinawanan ako ni Eljeh.
"But I want--"
"No, Gennica," putol niya sa akin at siya na ang uminom no'n. No choice, ang juice na lang ang iinumin ko. Grr.
Tama nga talaga si Eljehanni, napakaepal nila masyado ni Azul. In-invite sila ni Rolf sa pool party pero tumanggi lang sila.
Si Azul may trabaho raw siya, may mas mahalaga siyang gagawin sa kanila pero heto nga siya, nasa tabi ni Eljeh at kung makaakto ay akala mo boyfriend siya nito. Si King naman, tinanong pa ako kung gusto ko raw ba siyang isama. Tss.
"Hindi ba may gagawin ka sa inyo, Azul? Ano'ng ginagawa mo rito?" nang-aasar na tanong ko. He looked away at hindi niya ako sinagot.
"Yeah, tatanggi-tanggi pa eh gusto naman," pagsang-ayon sa akin ni Eljeh. I smirked and I even looked at King. He stared at me pero bumaba iyon sa labi ko.
"Umuwi na lang tayo. Inaantok ka na," sabi niya at naunang tumayo. Hinila niya ako.
"Eljeh," I called her.
"Okay... Mauna na kami, guys. Thanks for inviting us, Rolf... See you again!" paalam pa ni Eljeh sa kanila. Kumaway naman ako at nagsitanguan sila.
***
"May dala kaming sasakyan," ani King.
"Aba, maaga pa para sunduin niyo kami, mga aber," nang-aasar na saad ni Eljeh.
"Hindi pa nga kami nakapag-swimming," ani ko at sumang-ayon sa akin ang kasama ko.
"Hindi ba kayo nilalamig?" malamig na tanong sa amin ni Azul at inayos niya ang nalaglag na strap ng dress ni Eljeh sa balikat niya.
"Hindi malamig. Ang sarap kaya ng hangin... Heaven na heaven," balewalang sagot ni Eljeh at mukhang nagdi-daydream pa kaya natawa ako.
"Comfortable ang suot ko, Azul," sagot ko naman at idinipa ko pa ang kamay ko para lang din tumama iyon sa mukha ni King. Napasimangot ito at napahawak sa pisngi niya. "Sorry," hinging paumanhin ko sa kanya at nag-peace sign pa.
Binuksan ni King ang pinto sa tabi ng driver seat at inalalayan niya akong makasakay roon. Siya pa ang kumalabit sa seat belt ko.
Sina Azul at Eljeh ay sa backseat naman silang umupo. Si King ang magmamaneho ng kotse.
Sinimulan ni King paandarin ang sasakyan pero bakit lumalamig sa loob?
"King, p-pakihinaaan naman po ang aircon," sabi ko at halos manginig ako sa lamig no'n. Sumulyap lang siya sa akin at umirap.
Napayakap ako sa sarili ko dahil wala namang ginagawa si King kaya ako na ang umabot no'n para hinaan ang aircon pero tinanggal niya ang kamay ko.
"What the hell?" mura ko.
"Sabi niyo ay hindi naman kayo nilalamig. So, walang-wala ang aircon na 'yan. You used to it, right?" sabi niya na ikinaawang ng labi ko. Napatingin ako sa likod at kunot na kunot ang noo ni Eljeh. Yakap-yakap niya rin ang sarili niya.
"I-It's cold, Mr. D-Dwight. T-Turn off the aircon, please," nanginginig ang boses ni Eljehanni.
"Maniwala ka, Eljehanni. Makakatulog ka pa sa lamig ng aircon," nakangising sabi sa kanya ni Azul. Mariin na napapikit si Eljehanni.
Prenteng nakaupo pa ito at nakahilig sa headrest ng upuan niya habang pinagmamasdan pa niya ang katabi niya. Pero sa tingin ko mas okay pa ang suot ni Eljeh kaysa sa akin. Sa kanya ay close pababa kahit maikli lang talaga iyon. Iyong balikat niya lang ang kita.
Pero ako pumapasok iyong lamig sa pusod ko kaya mas nararamdaman ko talaga ang lamig.
"K-King..." sambit ko sa pangalan niya at halos mamuloktot ako sa kinauupuan ko. He ignored me.
Mukhang papatayin na nga kami ni King nito. Parang iyong suot lang namin ang sexy pero sa ganitong paraan nila kami pinaparusahan.
"Ibaba mo ang paa mo, Eljehanni," matigas na suway ni Azul.
"N-No way... It's very very cold..." ani Eljehanni. Halos hindi na ko na nga sila magawang lingunin. Gumalaw ang kamay ni King at matutuwa na sana ako dahil baka papatayin na niya ang aircon pero mukhang mas in-adjust pa niya lalo. May ikalalamig pa pala siya.
"We're here..." he stated. Dumating na nga kami pero mas binagalan niya ang pagmamaneho para lang talagang asarin kami.
"F-Finally..." I heard Eljeh uttered. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa likod at hindi na nga ako makatingin pa roon.
"D-Don't touch me, idiot! Sumbong kita kay Dad, eh!" narinig kong umiiyak na sigaw ni Eljehanni.
"Baba na, Nica," utos pa ni King at marahan pa ang ginawa ko para tingnan siya. Naramdaman ko ang pagdulas ng likido sa ilong ko at nagsalubong ang kilay ni King.
"What the hell?!" mura niya at pinunasan niya ang tubig sa ilong ko. Pero hindi iyon sipon. Umawang ang labi niya nang agad niyang nabawi ang kanyang kamay. "B-Bakit sobrang lamig ng pisngi mo, Nica?" naguguluhan niyang tanong. May gana pa siyang magtanong sa akin? Eh, kasalanan niya kaya iyon!
Tipid akong ngumiti sa kanya at bumagal ang pagkurap ko. Mabilis niyang tinanggal ang seat belt ko.
"s**t!" Bumukas ang pinto sa side ko at doon ako tuluyang nawalan ng malay.