Chapter 22: His fiancé “DON’T look at me like that po,” natatawang sabi ko sa kanila. Kasi naman grabe iyong tingin nila sa akin, eh. Parang naghihinala or something. “Are you planning to do that, Nica?” my mother asked me, worriedly. I shook my head. Inabot ko ang kamay niya at napaupo siya sa gilid ng bed ko. “Alam ko na sobra po akong nasaktan noon kay Jade. Pero hindi ko po gagawin ang bagay na iyon, Mommy... Kapag ginawa ko po iyon ay alam kong masasaktan kayo ni Dad,” sabi ko at sinulyapan ko si Daddy. “Si Dianne at Jade, magi-guilty lang po iyon sa nangyari sa akin at hindi ko po talaga magagawa iyon. I love my life, Mom, Dad,” sabi ko. Mom caressed my face. “Of course, iyon ang mararamdaman namin, Nica. Masaya ako na okay ka na, anak,” nakangiting sabi niya. “Mabuti pa ay iwan

