Chapter 23: Tulips NAKAUPO ako sa bench na nasa labas ng Someday Café. Hindi na rin ako nabahala pa na makikita ako ni King dito dahil wala naman talaga akong pakialam pa. Tss. May tent kasi sa bench na ito at may nagpapahinga rin dito na mga estudyante. Hindi naman sila maingay. Pinaupo muna ako ni Seagun dito dahil nahihilo pa ako. Umalis lang siya saglit para bumili ng mineral water. Napahilot ako sa sentido ko dahil bahagyang nanakit ito. Bigla na lamang sumama ang pakiramdam ko kahit ayos pa naman ako kanina, ah. Ang weird lang. Bumalik naman ang kasama ko at mabilis na umupo sa tabi ko. Ibinigay sa akin ang bottled water na wala ng takip. Tinanggal na pala niya. “Uminom ka muna ng tubig. Namumutla ka. Okay ka pa naman kanina, ah,” sabi niya na tinanguan ko lang. Parang pati ang

