Kabanata 35: Parents Sharon’s POV WALANG PAGSIDLAN ng tuwa ang kaniyang puso at mas lalong naging maalaga sa kaniya si Pancho at panay ang halik nito sa kaniyang impis na tiyan. Alam na pala nilang dalawa ni Lola Lusing ang kaniyang pagbubuntis at hinihintay lang pala siyang mapansin ‘yon. “Hindi ako makapaniwala na magulang na tayong dalawa ngayon pero hindi ako nagsisisi sa nangyari sa ‘tin. Handa na rin ako at yayakapin ko ang biyayang ipinagkaloob sa ‘kin,” nakangiti niyang turan. Pinatakan ng halik nito ang kaniyang noo at hinimas ang kaniyang impis na tiyan mula sa suot niyang daster na rosas ang kulay na may palamuting mga paru-paro. Matapos ang pag-uusap nila sa kubol nina Estella at Madrid ay napagpasiyahan nilang sabay na magpatingin sa espesyalista sa bayan para mas makasigu

