Kabanata 36: Excited Sharon’s POV IBA talaga ang kasiyahan nilang dalawa ni Pancho bilang mga bagong magulang. Walang araw na hindi siya nito inaalagaan pati na rin ni Lola Lusing habang nagbubuntis siya sa mga nakaraang buwan ng kaniyang pagbubuntis. Habang nagtatrabaho si Pancho ay naiiwan sa kubol silang tatlo nina Estella at Lola Lusing. Masaya ang kaniyang yugto bilang ina, napakasarap sa pakiramdam na naranasan niya ang ganitong biyaya. Kahit hindi pa niya naiisilang ang anak niya’y alam niyang mamahalin ito ng lahat. Alam niyang hindi madali para sa mga kasamahan niya ang pagsunod sa mga layaw niya lalo na si Pancho, kahit pagod at matutulog na lang ay ginigising pa niya para humingi ng pagkain na gusto nilang kainin ng kanilang anak pero wala siyang narinig na galit o sigaw dito

