Kabanata 37: Tears of Joy Sharon’s POV KINABUKASAN ay nagising siya nang maaga. Masyado siyang sabik na makikita at malalaman na rin niya sa wakas ang kasiraan ng batang nasa sinapupunan niya. Tulog pa si Pancho nang iwan niya sa kaniyang silid. Nang nabuntis siya’y nagsasama na silang dalawa sa kaniyang silid at hindi naman tutol ang kaniyang Lola Lusing para rin daw mabantayan siya nito. Pinatakan niya ng halik ang labi nito at hinimas ang buhok. Inayos niya ang kumot sa hubo’t-hubad nitong katawan. Tumayo siya at kumuha ng damit na kaniyang susuotin. Kahit buntis siya’y hindi pa rin naaalis sa kanilang dalawa ang kanilang pagiging mapusok. Mas dumoble ang kaniyang init sa katawan at hindi naman marahas ang galaw at pagpapaligaya sa kaniya nito at punong-puno ‘yon ng pag-iingat. Nang

