Kabanata 38: Bump Sharon’s POV TUWANG-TUWA sila sa magandang balita at napagpasiyahan nilang magtungo sa bilihan ng gamit ng kanilang kambal. Mas lalo tuloy dinagdagan ni Pancho ang bayad sa nagmamaneho ng traysikel na agad namang pumayag. Agad nilang pinuntahan ang puwede silang makamura lalo na’t dalawa ang anak nila kaya’t doble rin ang gastos pero ang sabi sa kaniya nito’y ayos lang lalo na’t pinag-ipunan nito ang mga gamit ng magiging anak namin at saka mabuti na lang daw ay pinakinggan nito ang laging sinasabi ni Lola Lusing na kambal ang anak nila. Mabilis silang nakapamili at mabuti na lang at may mga sale ang tindahan na kanilang pinuntahan kaya’t naka-menos sila sa gastos. Sobrang naaliw siya sa pamimili ng mga gamit ng kambal habang ito’y todo ang pagsipat sa kuna na magigi

