Kabanata 34: Shocked Sharon’s POV LUMIPAS ang ilang mga linggo at patuloy na naging matibay ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Estella na lubos naman na ikinatutuwa ni Lola Lusing. Hindi lang naman bilang kaibigan ang turing niya rito kundi nakababatang kapatid kaya’t medyo nalungkot siya nang hindi ito nakarating sa kubol at ang sabi ni Madrid kay Pancho ay hindi maganda ang pakiramdam nito. “Ano naman kaya’ng nangyari sa batang ‘yon? Hindi pa naman ako sanay na wala siya rito sa kubol lalo na’t marami siyang baong kwento,” nag-aalalang turan ni Lola Lusing habang naghahalo ng Binakol. Napabuntonghininga naman siya. “Hindi ko po alam, Lola. Bisitahin ko po kaya siya mamaya para matignan ko po ang kaniyang lagay?” Tumango-tango naman ito. “Mabuti pa at padadalhan ko siya ng Binakol p

