Kabanata 54 ✓

1987 Words

Kabanata 54: Separate   Sharon’s POV HINDI nakarating si Estella sa kubol dahil nagkasakit si Madrid at inaalagaan nito. Pinapasok naman niya si Pancho sa minahan. Ayaw nga nitong pumasok dahil nag-aalala sa kaniya lalo na’t siya lang mag-isa pero ayaw naman niyang lumiban ito sa trabaho at kailangan nilang makalikom ng pera. “Huwag kang mag-alala at magiging maayos naman kami rito. May mga sumisilip-silip naman dito na mga mababait na tao kaya’t panatag naman ako na walang makakapunta ritong masamang loob,” aniya habang inaayos ang bag nito na gagamitin. Napabuntonghininga naman ito. “Pero–” Umiling naman siya. “Ayos lang ako at sisiguraduhin ko namang nakasarado ang pintuan at mga bintana kapag magpapahinga ako. Nakatabi na rin ang tubo sa gilid ng higaan ko.” Napabuntonghininga n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD