Kabanata 53: Buried Pancho’s POV MABILIS lang ang naging lamay ni Lola Lusing at agad ding inilibing. Iyak nang iyak si Sharon at gano’n din si Estella habang ibinababa ang kabaong ni Lola Lusing sa libingan ni Lolo Kieto. Napagpasiyahan ni Sharon na gano’n ang gawin para magkasama na ang mga ito. “Lola!” sigaw ni Sharon at pilit na inaabot ang lubid ngunit agad niya itong pinigilan. Patuloy pa rin ito sa pagpupumiglas habang si Estella nama’y yakap-yakap ni Madrid habang umiiyak. Halos lahat ng mga dumalo’y nag-iiyakan at mga natulungan ni Lola Lusing no’ng nabubuhay pa. Nandirito rin ang pamilya ni Boss Mindo sa gilid na tahimik na pinapanood ang proseso at nakita rin niyang nagpupunas ng luha si Boss Mindo. Niyakap niya si Sharon at patuloy ito sa pag-iyak hanggang sa biglang na

