Kabanata 6 ✓

1780 Words
Kabanata 6: Revenge   Pavian’s POV NAGING mga espiya silang dalawa ni Onyx habang patagong minamanmanan nila ang tropa ni Kuya Jo na nagbebenta ng droga sa mga parokyano nito. Hindi rin siya makapaniwala na gumagawa ng ilegal ang pulis na namaril sa kaniyang Tatay. Ipinapangako niya sa kaniyang sarili na gagantihan niya ang pulis na ‘yon. “Gusto ko rin po na danasin ng pulis na ‘yon ang paghihirap kagaya nang ginawa niya pong pagpatay sa Tatay ko. Kundi dahil sa kaniya ay hindi po gano’n ang kaniyang sinapit at marahil tahimik pa rin kaming namumuhay hanggang ngayon.” Napatingin naman si Onyx sa kaniya habang naglilinis ng mga bagong dating na dekalibreng baril mula sa Drako. “Oo nga pala, naalala ko ang ikunuwento mo sa ‘kin at hindi ko inakalang iisa pala silang dalawa. Hayaan mo’t makakamit mo ang hustisyang nais mo. Maganda rin na magkakasama silang lahat para madali silang dispatsahin.” Napabaling naman ako sa iba’t-ibang mga patalim at baril na nakalatag sa harap naming dalawa. Nasa isang apartel kami naglalagi na pagmamay-ari ni Onyx. Marami itong koneksyon at madali lang para rito ang gagawing paghihiganti. “Pagkatapos ng misyong ito’y gusto kong maglagi ka na sa Drako hanggang sa huli,” seryoso nitong turan na ikinapagtaka naman niya. “Bakit? Saan po kayo pupunta?” tanong niya na ikinangisi naman nito, “Masyado ka nang kapit-tuko sa ‘kin, Bata. Gusto ko rin na magkaroon ka ng magandang buhay at hindi ka uusad kapag lagi kang nakadikit sa ‘kin. Hayaan mo’t ipapaubaya kita sa kakilala ko sa Drako at paniguradong hindi ka niya pababayaan at ligtas ka ro’n lalo na’t mahigpit ang kanilang seguridad,” sagot nito. Nakaramdam naman siya nang matinding kalungkutan. Nasanay na rin pati kasi siya na magkasama silang dalawa. Si Onyx na rin ang halos nag-alaga sa kaniya hanggang sa nagbinata na siya. Malaki ang utang na loob niya at matindi ang loyalidad niya para rito.  “Hindi na po ba kayo babalik?” Natawa naman sa kaniya ito at inakbayan siya. “Magpapakita naman ako sa takdang panahon pagkatapos nating mailigpit ang dapat ligpitin. Tandaan mo na sarili mo lang ang dapat mong pagkatiwalaan. Walang permanente sa mundo at kailangan mong makipagsapalaran, Bata.” Mukhang hindi na niya mababago ang isip nito lalo na’t nakapagdesisyon na ito. Napabuntonghininga siya na mas lalong ikinatawa nito. “Huwag kang maging malungkot lalo na’t nand’yan naman si Nerissa na magpapaligaya sa ‘yo. Masarap talagang magkaroon ng babaeng mag-aalaga sa ‘yo at suwerte kang nakapagpalagayan kayo agad ng loob.” Namula naman ang kaniyang mukha nang dahil do’n. Sa tuwing nababanggit nito ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Nerissa ay lagi na lang siyang tinutukso nito. “Mamaya’y magselos pa siya sa pagiging kapit-tuko mo sa ‘kin. Hindi ka naman bakla, Bata? Huwag kang maging malungkot at mamaya’y umiyak ka pa.” Mas lalong namula ang mukha niya at napayuko siya. “Malungkot lang po kasi ako na aalis kayo. Halos nasanay na rin po kasi akong nakikita kayo at kausap. Malaki rin po ang utang na loob ko sa inyo at tinuring niyo rin po akong hindi ba sa inyo. Malaki po ang pasasalamat ko na nakilala po kita dahil hanggang ngayon ay buhay pa rin po ‘ko.” Naramdaman niyang hinaplos nito ang kaniyang buhok kaya’t napatingin naman siya rito at nakita niya ang ngiti sa labi nito. “Malayo pa ang mararating mo, Bata. Hindi pa naman nagtatapos ang lahat at panigurado akong mag-ku-krus muli ang mga landas nating dalawa. Ikaw lang naman ang bukod tanging tumagal sa ‘kin at kitang-kita ko naman ang loyalidad mo sa ‘kin at nagpapasalamat ako sa ‘yo dahil kundi dahil sa ‘yo’y baka uling na ‘ko,” saad nito at hindi niya napigilang lumuha. Natatawang niyakap siya nito para aluhin.  Kahit kailan ay hindi niya makakalimutan ang ginawa nitong kabaitan sa kaniya hanggang sa huling hininga niya. NAKATITIG sa kaniya si Nerissa matapos siyang magpaalam dito na hindi siya makakadalaw dito ng ilang mga araw. “Saan ka naman pupunta? Gusto ko na talagang kausapin si Onyx dahil kung saan-saan ka na niya isinasama at mamaya’y tinuturuan ka na niya ng mga kalokohan,” asik nito.  Agad naman siyang umiling sa sinabi nito. “Hindi, may aasikasuhin lang naman kami. Alam mo naman ang loyalidad ko sa ‘yo at hinding-hindi ko magagawa ang paratang mo.” Napabuntonghininga naman ito at bahagyang hinilot ang sentido. Medyo nag-alala naman siya dahil baka nakadagdag siya sa problema nito. “Alam ko, ayaw ko lang na hindi kita nakikita ng mga ilang araw lalo na’t gustung-gusto ko na makita ka lagi. Masyado lang talaga ‘kong busy sa klinika lalo na’t maraming mga pasyenteng dumadagsa ro’n. Ipangako mo sa ‘kin na babawi ka,” usal nito na ikinangiti naman niya at niyakap ito. “Pagkatapos nito’y ikaw naman ang pagtutuunan ko ng pasin. Babawi ako sa ‘yo, Neri. Mahal na mahal kita,” aniya na ikinangiti nito at marahan niyang pinatakan ng halik ang labi nito. “Dok, may mga bagong pasyente pong nais kayong makausap,” tawag pansin ng sekretarya nitong si Llory. Tumango naman ang kaniyang nobya at lumayo sa kaniya. “Sige, susunod ako ro’n.” Nang nakaalis na si Llory ay bumaling naman sa kaniya ito. “Mag-iingat ka at ayaw kong mapahamak ka. Gusto kong wala kang galos pagkabalik mo rito.” Tumango naman siya at pinatakan muli ang labi nito ng halik. Marahan siyang itinulak nito at umalis pero kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Kailangan na muna niyang pagtuunan ng pansin ang misyon nilang dalawa ni Onyx at ayaw din naman niyang pabalik-balik sa kaniyang nobya dahil maghihinala ito sa kaniyang ginagawa at hindi siya makakaisip nang magandang palusot. Napagpasiyahan niyang umalis na sa klinika ni Nerissa na ngayon ay medyo lumaki dahil sa dami ng mga nagpupuntang mga pasyente at hindi niya napansin na may kasalubong siya kaya’t nagkabanggaan silang dalawa. “Pasensiya na,” usal niya at umismid naman ang nakabangga niya. “Estupido,” mariing turan at nilagpasan siya. Napatingin siya rito at hindi naman niya nakita ang mukha dahil nakasuot ng shades, sombrero at leather jacket na kulay itim at maong na pantalon at ankled boots na itim. Halata sa tindig nito na hindi basta-basta kaya’t hindi na lang niya pinatulan ang kagaspangan ng ugali at nagpatuloy na lang siya sa paglalakad. Sumakay siya sa motor niyang ipinarada sa isang bakanteng lote malapit sa klinika ng kaniyang nobya. Isinuot niya ang kaniyang helmet at sinimulan niyang ipasok ang susi sa motor na agad naman niyang pinatunog at umayos siya ng kaniyang upo hanggang sa ipinaharurot patungo sa tagpuan nilang dalawa ni Onyx. Mabilis lang ang naging biyahe niya lalo na’t dumaan siya sa mga pasikot-sikot na alam niyang hindi masyadong nadaraanan ng ibang sasakyan. Nakita niya si Onyx na preteng nakaupo sa motor nito habang naninigarilyo. Huminto siya sa tabi nito at sinenyasan na siya na sumunod na ikinatango naman niya. “Nakapagpaalam ka na ba sa kaniya, Bata? Siguraduhin mong hindi ka magpapalinlang sa kanila dahil hindi sila tunay na kaibigan. Huwag kang mamatay dahil sila dapat ang mamatay. Tandaan mo ang mga sinabi ko sa ‘yo.” “Opo, tatandaan ko po. Huwag din po sana kayong masusugatan sa gagawin natin at handa ‘kong saluhin ang mga bala para sa inyo,” aniya na ikinangisi nito habang pailing-iling.  Pinitik nito ang sigarilyo at lumipad ‘yon sa damuhan bago nito inayos ang suot na helmet at pinaandar ang motor. Sumabay din siya at pinaharurot ang kaniyang motor at paniguradong gagawin na nila ang unang plano at ‘yon ang patayin ang mga traydor. Mabilis ang takbo nilang dalawa patungo sa pinagtataguang lungga ni Kuya Jo kasama rin ang iba nilang kasamahan. Papalayain namin ang mga inosente at ihahatid sa isang bahay kalinga kung saan ligtas sila at makakapagbagong buhay. Ang mga traydor ay dapat ligpitin dahil hahawakan lang nila sa leeg ang ibang mga inosente. Ang huli naman niyang gagawin ay ang patayin ang pulis na may utang sa kaniyang malaki. Nang nakarating na sila sa kanilang destinasyon ay palihim nilang ipinarada ang kanilang mga ginamit na motor sa isang puno at mabilis silang gumalaw habang hawak nila ang mga baril nilang may silencer. Mas lalong nadagdagan ang kaniyang mga alam lalo na’t busog na busog siya sa mga pag-eensayo nilang dalawa ni Onyx. Mabuti na lang at minsan lang silang magkita ni Nerissa kundi mahahalata nito ang mga sugat at pasa na natatamo niya sa tuwing nag-eensayo sila. Kailangan din niyang hasain ang kaniyang sarili sa pakikipaglaban.  May nakita silang bantay na agad binaril ni Onyx sa ulo gamit ang baril na may silencer nito kaya’t wala masyadong naghinala na sumusugod sila sa kanilang kuta. Mabilis at kalkulado ang bawat galaw nila habang isa-isang pinapatumba ang mga bantay hanggang sa nakapasok sila sa loob. Nagkubli muna sila para magpalit ng magasin ng bala sa kani-kanilang mga baril. Nakarinig sila ng mga ingay sa isang silid at dahan-dahan silang nagtungo ro’n. Bukas ‘yon at kitang-kita nilang dalawa ang kababuyang ginagawa ng mga traydor ng kanilang grupo na sama-samang gumagawa ng milagro kasama ang mga kani-kanilang babae. “Oh! Ang saya!” bulalas ni Kuya Jo habang matuling iniindayog ang balakang na ikinasisigaw ng babaeng kinakalantari nito. Hanggang sa idiniin nito ang sarili, “Ah! Sana bukas mayro’ng ganito ulit,” tuwang-tuwang turan ng alipores ni Kuya Jo na mukhang nakaraos na dahil bagsak na mula sa mesa ang babaeng kalantari nito. “Ang galing mo talagang pinuno, Boss. Nagagawa namin ang ganitong bagay at napakagaling mong mamalakad kaysa sa dating hari-harian natin. May isang salita ka at hindi ka puro pangako lang.” Bumaling siya kay Onyx na ngayon ay seryosong nakatingin sa mga ito habang may mapaglarong ngisi sa labi. “Kaya dapat maayos ang trabaho para naman makakalasap tayo ng ganito. Sabi ko naman sa inyo na oras na mamawala sa landas natin ang dalawang asungot na ‘yon ay magagawa natin ang mga gusto natin at hindi rin tayo titipirin sa mga pera.” Hinihimas ang mukha ng babaeng kalantari nito na ngayon ay humiga na sa kama para magpahinga. “Talaga? Sa tingin ko magtatapos na rin ang pagiging animal mong hari sa kanila,” singit ni Onyx sabay tutok ng baril sa kanila habang nakalabas mula sa pinagtataguan nilang dalawa na ikinasinghap ng mga traydor. Lumabas na rin siya at nakita niya ang hindi makapaniwalang ekspresyon nina Leroy at Hulio na hubo’t-hubad na kayakap ang mga babaeng kalantari nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD