Kabanata 5 ✓

1638 Words
Kabanata 5: Anger   Pavian’s POV LUMIPAS ang mga araw at totoo nga na kapag napana ka ni Kupido’y mahuhulog ka sa mahika kahit anumang oras. Akala niya’y hanggang do’n na lang ang pangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Doktora Nerissa pero nagkakamali siya dahil ‘yon lamang ang simula. Marami siyang natutunan dito mula sa paghalik, pagroromansa at paglalaro ng apoy. Tila bumukas ang kaniyang isipan sa mga makamundong gawain nang dahil dito. “Bakit gising ka pa? Hindi ka ba napagod sa ginawa natin kanina?” malambing na tanong ni Nerissa sa kaniya. Napabasa siya sa kaniyang labi nang gumalaw ito sa kaniyang tabi habang nakatakip ang hubad nitong katawan sa kumot.  “Naistorbo ba kita? Magpahinga ka na,” sagot niya na ikinahagikhik naman nito at pumaibabaw sa kaniya kaya’t nakita niya ang mga malulusog nitong dibdib na naipit sa kaniyang dibdib.  “Mukhang hindi ka pa pagod sa nangyari sa ‘tin. Kung sabagay nakakaadik naman kasi ang ginagawa natin at kahit ako’y darang na darang sa tuwing naglalapat ang ating mga katawan.” Hinalikan nito ang kaniyang leeg na ikinapikit niya.  Unang nobya niya si Nerissa at ito rin ang unang pagkakataon na matikman niya ang alab ng romansa. Hindi niya inakalang gano’n pala ‘yon at ipinakilala siya ng kaniyang nobya ro’n at masasabi niyang masarap pala. “Hmm. . . Nakakaadik ka talaga kahit kailan, Pavian. Gustung-gusto talaga kita,” usal nito habang hinahalik-halikan ang kaniyang leeg at panga. Ang kamay nito’y dinadama ang kaniyang hubad na dibdib pababa sa kaniyang abs. Pagod na rin siya pero parang kabaligtaran naman dito.  “Neri, alam kong pagod ka na lalo na’t kanina pa tayo nagsisiping. Magpahinga ka na dahil may trabaho ka pa bukas,” malambing niyang turan na ikinanguso naman nito. “Sinusulit ko lang kasi ito. Alam mo naman kung gaano kita namimiss lalo na’t lagi na lang tayong busy at may inaasikaso pa kayong dalawa ni Onyx. Pasensiya na’t medyo agresibo ako dahil miss na miss lang kita,” ungot nito. Matapos kasing magpagaling ni Onyx ay isinasama siya nito sa Drako para maging miyembro ro’n. Nag-e-espiya rin sila sa mga kasamahan nila kung sino’ng traydor at mukhang nalilinawan na sila. Hindi nila inakalang magkakasabwat pa silang lahat para tumbahin silang dalawa at hindi rin niya inaasahan na may kasabwat sila na talagang pamilyar sa kaniya na kailanma’y hinding-hindi niya malilimutan ang itsura, Nais niyang maghiganti at patayin ang taong ‘yon mula sa kaniyang kamay kagaya nang ginawa nito sa nag-iisang pamilya niya sa buhay. Kundi dahil dito’y buo pa rin sila at magkasama. Nasabi na rin niya ito kay Onyx at handa siyang tulungan nito. Gumagawa sila ng mga plano para maisakatuparan ‘yon nang maayos. Napabuntonghininga naman siya at hinimas ang mukha nito. Nakalimutan na rin niyang magkaroon ng oras kay Nerissa at alam din naman niyang laging pagod ito sa trabaho lalo na’t unti-unting dumarami na ang mga pasyente nito sa klinika nito. Alam niya sa kaniyang sarili na naglilihim siya sa kaniyang nobya tungkol sa balak nilang gawin ni Onyx ngunit ayaw naman niyang maging pabigat at makaabala rito. Nahihiya na siya rito lalo na’t halos patirahin na siya nito sa sarili nitong bahay. Daig pa nga nila ang mag-asawa sa kanilang ginagawa pero pakiramdam niya’y hindi pa siya puwedeng maging gano’n lalo na’t may mga dapat pa siyang gawin sa buhay. “Pasensiya na talaga, Neri. Hayaan mo’t babawi talaga ‘ko sa ‘yo. Miss na rin kita kaso alam mo naman na hindi ko kayang magkasakit ka,” usal niya na ikinangiti naman nito. “Ipangako mo na babawi ka, Pavian. Gusto kong bumawi ka sa ‘kin. Huwag kang mag-alala at mag-be-break muna ‘ko sa klinika. Deserved ko naman na magkaroon ng pahinga kasama ang nobyo ko.” Napangiti naman siya at pinatakan niya ang labi nito.  “Pangako, magkakaroon tayong dalawa ng oras sa isa’t-isa na walang ibang iniisip kundi tayong dalawa lang.” “SERYOSONG-SERYOSO ka na talaga kay Nerissa, Bata.” Napatingin naman siya kay Onyx na humithit mula sa sigarilyo nito sabay buga ng usok. “Opo, wala naman po ‘kong rason para hindi magseryoso sa buhay. Mahal naman po namin ang isa’t-isa kaya’t ‘yon ang mahalaga,” aniya na ikinangisi naman nito at umiling-iling sa kaniya. “Masyado ka pang bata para magseryoso sa buhay. Tandaan mo, sa una lang may alab ang lahat pero habang tumatagal ay biglang mawawalan ng ningas.” Muli na naman humithit ito sa sigarilyo sabay buga ng usok. Natigil lang ang pag-uusap nilang dalawa nang nakita nila mula sa kanilang pinagtataguan sina Kuya Joel pati na rin ang mga alipores nito kasama na rin ang mga kaibigan niyang sina Hulio at Leroy na kausap ang kinamumuhiang tao sa kaniyang buhay. Agad naman siyang nilapitan ni Onyx at marahang inakbayan siya at wala na rin ang sigarilyo nito sa labi at mukhang tinapon na nito. Sinenyasan naman siya nito na mas lumapit do’n para marinig nila ang usapan. Maingat silang gumalaw habang nakakubli para hindi sila magduda na may nakatingin sa kanila. “Nagawa mo na ba? Ayaw ko nang palpak kundi malilintikan ka,” saad ng pulis. “Kalma lang, Sir. Alam mo naman na pulido kaming magtrabaho at maipapadala namin ang mga droga sa mga mamimili nang walang kasabit-sabit.”  Napangisi naman ang pulis na halatang tuwang-tuwa sa balita ni Kuya Joel. “Magaling. Alam mo naman ang kapalit ‘non. Siya nga pala, maayos na rin ang lahat at paniguradong hindi na kumalat ang balita tungkol sa nasunog na abandonadong gusali. Ipapalabas ko na lang na isang aksidente ‘yon.” “Salamat talaga sa tulong, Sir. Pangako namin na mas gagalingan namin ang pakikipagkalakaran para naman makabawi kami sa naitulong niyo sa ‘min. Talagang banas na banas na ‘ko sa mga nag-aastang hari kaya’t hindi ko na napigilang patayin sila sa nag-aalab na apoy. Paniguradong abo na silang dalawa at nababagay naman sa kanila ‘yon,” nakangising turan ni Kuya Joel at narinig niya ang pag-ismid ni Onyx sa kaniyang tabi.  “Gago talaga ang animal na ‘yan,” usal ni Onyx at alam niyang galit na galit na ito. “Kumalma ka lang po at baka makatakas sila nang hindi natin alam ang mga plano nila,” pagpapakalma niya at mabuti na lang at sumunod siya. “Simpleng bagay lang ‘yon, Joel. Sige, mauuna na ‘ko at kailangan ko pang rumonda para naman mas lalong bumango ako sa Chief namin.” Sumaludo si Kuya Jo rito at tinapik lang ng pulis ang balikat nito habang ang mga alipores nito’y yumuko. Nang nakaalis ang pulis ay tinignan ni Kuya Jo ang mga kasama bago humalakhak. “Paniguradong tiba-tiba na naman tayo mamaya. Malaki pa naman magbigay ng balato si Sir. Ayusin ninyo ang trabaho, Leroy at Hulio. Dapat makarami tayo at hindi puro pambababae ang inaatupag ninyong dalawa,” sita ni Kuya Jo na ikinatawa naman ng dalawa. “Ginagawa naman namin ang aming trabaho ni Leroy. Kundi dahil sa ‘min ay wala kayong natitikmang mga masasarap na putahe,” saad ni Hulio na ikinatikom naman ni Kuya Jo. “Oo nga, kundi dahil sa ‘min ay hindi mo matitikman si Molly at ang iba pang mga babae ni Kuya Onyx,” sabat ni Leroy na ikinangisi muli ni Kuya Jo. “Ako na ngayon ang hari at nasa talampakan ko na lang ang abo niya. Huwag na huwag ninyong babanggitin ang pangalan niya dahil patay na siya kasama ng pesteng Pavian na ‘yan,” asik niya sabay alis at nagsisunuran naman ang mga alipores nito habang naiiling na sumunod sina Hulio at Leroy. “Mga animal silang lahat. Dapat talagang hindi basta-basta magtiwala at mas pagkatiwalaan ang sarili,” puno ng galit na turan ni Onyx at napabuntonghininga naman siya. “Ngayon alam ko na rin ang mga plano nila at sisiguraduhin kong hindi sila magiging masaya. Animal talaga ang Joel na ‘yan, siya talaga ang papatayin ko at sisilaban ng buhay.” Nilingon siya nito at kitang-kita niya na gagawin nito ang lahat ng sinabi. Wala naman siyang magagawa lalo na’t sinadya nilang patayin silang dalawa. Wala naman siyang ginawa sa mga taong ‘yon pero galit na galit sa kaniya, mas lalo na kay Onyx na kumupkop sa kanila at tinuring na hindi iba pero sa huli ay nagtraydor sila para makalaya. “Sina Hulio at Leroy. . .” usal niya at umiling naman ito. “Pare-parehas lang silang mga walang kwenta. Naggagamitan lang sila para mabuhay pero nakakaawa sila dahil walang katiyakan kung sino ba’ng dapat nilang pagkatiwalaan lalo na’t nagtitirahan silang patalikod. Talo ang walang pwesto at magiging sunud-sunuran ang walang kwenta.” Nag-aalab ang kaniyang mga mata sa galit. “Ang tunay na kaibigan ay babalikan ka kahit anumang mangyari kahit na mapahamak pa, hindi puro sa ginhawa ka lang sasamahan at kapag wala ka nang kwenta’y iiwan ka na lang na parang isang basura at kalilimutan.” Hindi niya maisip na gano’n pala ang mga itinuring niyang mga kaibigan. Masyado ata siyang naging malapit sa kanila at kaya naman pala lagi silang magkasamang dalawa habang nag-iisa siya dahil may binabalak pala sila. Akala pa naman niya na buo ang loyalidad ni Hulio kay Onyx, ‘yon naman pala’y naghahanap lang ng tiyempo na sumunod sa daloy ng pagkatuso. “Wala ‘kong pakialam kung tikman niya pa ang mga babaeng natikman ko pero hindi ko hahayaang ikulong niya sa mga leeg ang mga inosenteng bata ro’n. Gusto ko kapag wala na sila sa puder ko’y nasa pangangalaga man lang ng mga ampunan para naman may pag-asa pang magbago ang kanilang buhay habang ang iba nama’y mabulok sa bilangguan o mas magandang mahimlay sa lupa habambuhay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD