Kabanata 40: Visitor Sharon’s POV NAPANGITI siya habang tinitignan si Pancho na inaayos ang magiging gamit ng kanilang anak sa loob ng kaniyang silid habang si Lola Lusing nama’y tinitignan ang mga pinamili nilang mga damit at mga lampin. “Naku! Ang gaganda! Hindi tayo nagkaro’n ng pagkakataon na tignan ang mga ito dahil napasarap ang kain at kwentuhan kagabi,” bulalas ni Lola Lusing kaya’t napabaling ang atensyon niya ro’n. “Kuya Pancho, maayos na ang pakiramdam mo? Sobra mo kaming napag-alala kahapon,” tanong ni Estella na ikinatango naman nito. “Oo, maayos na ang pakiramdam ko pero hindi ako pinapasok ni Lola Lusing dahil baka mapaano raw ako kaya’t dito muna ako ng ilang mga araw,” sagot nito. Tumango-tango naman si Estella. “Tama, Kuya. Dapat talagang magpahinga ka lalo na’t mah

