Chapter 26: Hindi lahat ng kumikinang ay ginto. “Ms. Petit. Masaya akong makita kang muli!” Ang tinig na puno ng pang-aasar ay pamilyar sa akin, at hindi ko na kailangang lumingon upang malaman kung sino ang nang-aabala sa aking pagsasayaw at pakikipag-uusap. Tumingin si Paul sa likod ko gamit ang seryosong titig, at niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa kanya upang lumingon at makita ang pilyong mukha ng lalaking iyon. Ang kanyang titig ay naglakbay patungo sa aking bewang kung saan naroroon pa rin ang kamay ni Paul, at wala akong ginawa upang alisin ito. “Hindi ko masabi ang parehong bagay sa iyo, Mr. Rehman,” matigas at walang ekspresyon kong sagot. Nang makita ko siya sa ikalawang palapag kasama si Gina, hindi ko akalain na mangangahas pa s'yang lapitan ako. Wala akong kinalaman sa

