Chapter 3

1868 Words
Chapter 2: Pagtataksil Labing-limang minuto na ang lumipas mula nang mag-park ako sa labas ng Lancaster Collection. Sa tuwing nakaka-ipon ako ng lakas ng loob upang pumasok, bumalik ang mga negatibong bagay na aking naiisip. Paano kung ayaw niya? Paano kung magalit siya sa akin? Bahala na! Wala nang dahilan para matakot. Kung ayaw niya, ibibigay ko sa aking anak ang dobleng pagmamahal. Kung magalit man siya, bahala s’yang magalit. Pareho kaming may pananagutan sa hindi inaasahang pagbubuntis na ito. Kami ay isang "masayang" mag-asawa. Kami ay mga mature at nasa hustong kaisipan. Huminga ako ng malalim at bumaba mula sa kotse, hawak ang maliit na kahon ng regalo sa aking kamay. Sobra ang aking kaba, nakabibingi ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Paanong ang isang simpleng bagay ay naging ganoon ka-komplikado? Hindi, ang tunay na tanong ay, bakit ko ba ito ginagawang komplikado? Napakasimple lang ng lahat—pupunta ako sa opisina niya, babatiin siya, ibibigay ang kahon ng regalo, at hihintayin ang kanyang reaksyon. Sana nga, ganoon lang kasimple. Dumaan ako sa gitna ng mga aligaga at stressed na mga empleyado na mabilis na naglalakad pabalik-balik. Laging nagiging stress ang lahat sa kompanya tuwing malapit na nilang ilunsad ang isang bagong koleksyon. Hindi ko tinangkang ianunsyo ang aking pagdating dahil gusto kong maging sorpresa ang lahat. Pumasok ako sa elevator bago ito magsara at tumayo sa isang sulok, kunwari ay tinitingnan ko ang aking cellphone at tinakpan ko ang aking buhok ang aking mukha upang hindi ako makilala ng mga tao sa paligid ko. Mukhang mang katawa-tawa, pero pakiramdam ko, kapag may nakapansin na narito ako sa kumpanya, agad nilang ipapaalam kay Alex at masisira ang sorpresa. Maliliit na detalye na mahalaga para sa akin. Ang tanging pagsubok na natitira ay ang kanyang sekretarya, ngunit sa kabutihang palad, wala siya sa kanyang desk nang dumating ako sa executive floor. Nandito na ako ngayon at wala na itong atrasan. Pagkalapat ng mga kamay ko sa doorknob, natigilan ako nang marinig ang ingay mula sa kabilang bahagi. Tumigil ang t***k ng puso ko habang taimtim akong nagdadasal na sana'y isang maling akala lang ito, na ang mga ungol na nariring ko ay bunga lang ng aking imahinasyon at ng kabang nararamdaman ko. Nasa akma na ako ng pag-ikot at pag-alis, sinusubukang kumbinsihin ang sarili ko na hindi ito ang iniisip ko, pero nang makita ko ang sekretarya ni Alex na lumalabas mula sa elevator, bigla akong nataranta. Binuksan ko ang pinto ng opisina ni Alexander nang walang pag-aalinlangan, upang masaksihan lang ang pinakamasamang eksena sa buong buhay ko. Mariin akong lumunok, sinusubukang alisin ang namumuong bara sa aking lalamunan, ngunit hindi iyon maalis. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Paano ko naisip na isa itong maling akala? Napakatanga ko. Ang asawa ko ay kasama ang matalik kong kaibigan. Ang mga taong pinagkakatiwalaan ko, malivan sa aking mga magulang, na nakilala ko ilang taon na ang nakalipas sa isang klase sa aming unibersidad. Ang magkaparehong mga tao na hindi karapat-dapat tawaging asawa at best friend. Pareho silang gulat na napatingin sa akin at agad na nagtakip, na parang hindi ko pa sila nakitang halos h***d. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Alexander, ang boses niya malamig at malinaw na galit. Ano nga ba ang ginagawa ko rito? Magandang tanong 'yan, at may pinakamagandang sagot ako, at least, para sa akin. Pero pagkatapos ko silang makita na halos magtalik na sa opisina ni Alexander habang ako ay "wala", tinanong ko rin ang sarili ko ng parehong tanong. Ano nga ba ang ginagawa ko rito? Anong ginagawa ko sa piling ng isang lalaking naging sobrang lamig na sa akin, sa isang taong wala nang pagpapahalaga? Ano bang ginagawa ko, nagmamakaawa para sa atensyon o haplos mula sa lalaking s’yang dahilan para talikuran ko ang lahat? Ano bang ginagawa ko, tinitiis ang lahat ng ito—ang kanyang pangwawalang-bahala, ang mga pang-iinsulto ng kanyang pamilya, ang kanyang p*******t, ang kanyang pagtataksil? "Ngayon, alam ko na ang dahilan ng lahat". Sabi ko, iniisip ang kawalan niya ng interes niya sa akin nitong mga nakaraang buwan. Malabo na ang aking paningin dahil sa mga luha, ngunit hindi ako hinayang may pumatak kahit isa. "Hindi ko inaasahan ito mula sa'yo, Rachel." Huminga ako ng malalim. Hindi ko ako gagawa ng eksena sa executive floor. Kahit na iyon ang pinaka-huling dapat nilang matanggap, hindi ko ibaba ang sarili ko. Ang pinakamaganda kong magagawa ay ang umalis. Hindi ko hahangarin ang anuman mula sa kanilang dalawa, at ayoko na ring marinig ang anumang paliwanag nila, kung may balak man silang magpaliwanag. Pero base sa galit na ekspresyon ni Alex at sa halos hindi maaninag na mapanuyang ngiti ng aking "kaibigan," alam kong ni isang sorry ay hindi ako makatatanggap. "Pasensya na po, Sir. Hindi ko po alam na dumating na pala si Mrs. Lancaster." Lumingon ako at nakita ko ang sekretaryang nakapasok na rin pala, at ngayon ay tinatakpan ang kanyang mukha para iwasang makita ang mga exhibitionist na nasa sofa. Oo nga naman, kailangan ng kasabwat nang dalawa ito, at kaya siya humihingi ng paumanhin ay dahil pumalpak siya. At malamang, ang pagkakamali niyang ito ng pagpapapasok sa akin ay maging dahilan ng pagkatanggal sa kanyang trabaho o di kaya naman ng malaking bahagi ng kanyang sweldo. "Tingnan mo nga naman, akala ninyong lahat ay kaya n’yo akong lokohin". Isang hungkag na tawa ang pinakawalan ko at agad na itinago ang gift box sa likod ko. Hindi ito ang tamang panahon para i-announce ang tungkol sa aking pagbubuntis, at sa palagay ko ay hindi rin bukas, o kahit sa isang linggo, buwan, o taon. Yumuko ang sekretarya, malinaw na naaawa sa akin, at naglakad palabas ng opisina. "Sarah, umuwi ka na, mag-usap tayo sa bahay", aniya habang isinasara ang zipper ng kanyang pantalon. Si Rachel naman ay tumalikod upang ayusin ang kanyang damit Dapat silang mahiya. "Hindi, Alexander, hindi tayo mag-uusap sa bahay o kahit saan pa man. Tapusin na natin ito dito. Malinaw na malinaw na hindi mo na ako mahal, kung totoong minahal mo man ako. Wala nang saysay ang kasal na ito, mas pinili mo ang haplos ng iba kaysa ang sarili mong asawa. Nangako kang mamahalin at igagalang ako, pero kalabisan na para sa'yo ang pangako mong iyon. Pinalalaya ko na ang sarili ko para magawa mo na ang gusto mo”. Tinanggal ko ang aking singsing, sinamantala ko ang pagkakataon na pareho silang hindi, para hindi nila mapansin ang gift box na hawak ko, at iniwan ko ang singsing sa ibabaw ng mesa. "Ipapadala ko na lang ang mga annulment papers". Tumalikod ako at mabilis na lumabas ng opisina na nagpupuyos sa galit, wasak ang puso at ang mga pakpak ay wala ng lakas. Ang tanging bagay na nagbibigay sa akin ng lakas, at dahilan upang magpatuloy at panatilihin akong taas-noo ay ang batang nasa aking sinapupunan, ang tanging nilalang na karapat-dapat sa lahat ng aking pagmamahal. Isang mapaghimagsik na luha ang kumawala sa aking mata, at nang malapit na ako sa elevator, narinig ko ang tinig ng babae—ang babaeng tinawag ko pang matalik na kaibigan, ang babaeng pinagkatiwalaan ko ng mga pinakatatago kong lihim, na sa huli ay mas peke pa pala kaysa sa "hanggang kamatayan" na ipinangako ni Alexander sa akin. "Sarah, I..." Itinaas ko ang kamay ko bilang hudyat na pinatitigil ko siya sa pagsasalita. Ayokong marinig ang mga sasabihin niya. Sa mga sandaling iyon, isa na siyang estranghero sa akin. "Hindi ko na gusto pang marinig ang anumang sasabihin mo, Rachel. Hindi ko intensyon na gumawa ng eksena dito sa kumpanya ni Alexander, kaya't layuan mo na lang ako. Hindi ikaw ang kilala kong Rachel", sabi ko, naaalala ang kanyang ekspresyon nang makita ko sila sa opisina. Ang mapanuksong ngiti sa kanyang mukha ay hinding-hindi mawawala sa aking isipan. "Yan ang dahilan kung bakit wala kang halaga, maniwala ka, ginawan mo ako ng pabor sa ginawa mong ito. Huwag ka nang magulat kung makikita mo ang engrandeng kasal nina Alexander Lancaster at Rachel Duncan sa mga magasin, na s’yang dapat nangyari umpisa pa lang. Salamat at ginawa mong madali ang lahat para sa akin". Tinitigan ko siya habang may mapait na ngiti sa aking labi, at hindi ko napigilang huminga nang malalim—isang buntong-hininga ng ginhawa? Kalungkutan? Oo, kalungkutan para sa kanya, para sa kung gaano sya nagpakababa sa paniniwalang napakalaki ng mapapala niya rito, para isipin na ito ay isang kumpetisyon kung kanino mapupunta si Alexander. Ibibigay ko ito sa kanya, nakabalot sa gift wrap, at hindi ako tumatanggap ng mga ibinabalik. "Nakakaawa ang kababawan mong mag-isip, akala mo’y sinuwerte ka na, pero mas maswerte ako na makalaya sa dalawang ahas na katulad n’yo, dahil ang pagkabigo minsan ay nangangahulugan din ng tagumpay. Congratulations friend, magpakasaya ka". Binigyan ko s’ya ng isang pekeng ngiti, at ang pagtaas ng kilay niya nang may inis ay nagpapahiwatig na iba ang inaasahan niyang magiging reaksyon ko, na magwawala ako at sisigawan siya, o sasaktan siya. Pero hindi. Hindi ganoon si Sarah Doinel. May mas masakit pa kaysa sa mga suntok, mas malakas pa kaysa mga sigaw —mga salita, at ang kawalang pakialam. At kitang-kita na ang bawat salitang binitiwan ko ay nagpabagabag sa kanya. Gusto niya akong inisin, pero siya ang mas higit na maiinis. "Well, kumita ako ng milyon-milyong dolyar, na ngayon ay mawawala sayo", sabi niya na para bang iyon na ang pinakamatinding maipamumukha nya sakin, na para bang pera lang ni Alexander ang habol ko, na sa totoo lang, ni kusing ay hindi ko ginalaw. "Mag-usap tayo kapag hindi na ganyan kababaw at walang laman ang utak mo." Binigyan ko siya ng isang huling tingin mula ulo hanggang paa, at sinulyapan ko si Alexander na palabas ng opisina niya nang kalmado, na para bang walang nangyaring masama ilang minuto lang ang nakaraan, ay kaulayaw niya ang aking dating itinuring kong matalik na kaibigan. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad patungo sa elevator bago pa siya makalapit at magsalita, ayokong makita siya, sobrang pagkasuklam na ang nararamdaman ko sa kanya sa mga oras na 'to, gusto kong magsuka at hindi ko alam kung dahil ba sa pagbubuntis o dahil sa magkahalong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko napansin ang mga titig mula sa ilang mga curious na nanonood na tila nag-eenjoy sa munting palabas, at karamihan sa kanila ay nakatingin sa akin na para bang lumabas ako mula sa boxing ring nang walang kagalus-galos. Pumasok ako sa elevator kasabay ng ilan sa mga staffs na kilala ko, ngunit wala ni isa sa kanila ang nangahas na bumati sa akin, sa katunayan, sobrang nakabibingi ang katahimikan. Nagmadali akong tumungo sa aking sasakyan, hindi pinapansin ang magulong tanawin na naiwan sa reception. Mahigpit na hawak ang kahon ng regalo, natatakot na baka mawala ito sa mga kamay ko anumang sandali. Nadagdagan ang bara sa aking lalamunan at nakakamangha na nagawa kong makipag-usap ako kay Rachel nang hindi nanginginig ang boses ko. Ang mga luha ay nagbabadya nang kumawala, at nahirapan akong makakita ng malinaw. Gayunpaman, nakarating ako sa kotse at ginawa ko ang isang bagay na kanina ko pa nais gawin mula nang marinig ko ang unang ungol sa opisina ni Alexander. Ang umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD