1 - Start
April
"Sabihin mo, pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Then why!" Hiyaw ko at umiyak ng pagkalakas-lakas.
Sinubsob ko ang sarili sa kama at umiyak ulit ng malakas. Isang araw na ata akong umiiyak simula ng malaman ko na niloko ako ng boyfriend ko, ng boyfriend ko for 3 years!
Ang sakit sakit lang, kung alam niyo lang huhuhu.. T_T
"Hindi, hindi naman..." Walang pakeng sagot saakin ni Kate.
Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya ng masama. Tignan mo 'tong babaeng 'to! Parang hindi ko kaibigan! Wala man lang pake saakin! Nagcecellphone lang tapos nakataas pa ang paa at nakapatong sa desk niya.
Walanghiya talaga 'to.
"Be, ano ba! Umiiyak ako dito oh!" Reklamo ko at nagpunas ng sipon bago umayos ng upo sa kama.
Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay. "Ay anong gusto mo? Umiyak din ako? Ako ba ang iniwan at niloko?" Sarcastic niyang tanong saakin.
Tignan mo 'to, nakakatulong talaga!
Muli akong umiyak at kinuha ang isang unan at dinukdok ang muka doon, humiyaw ako at tinignan si Kate.
"Pinagpalit niya ako sa malapit! Kung alam ko lang edi sana nag adjust pa ako para sakanya!" Pagra-rant ko sakanya.
Chill na chill lang siyang nagcecellphone na parang hindi umiiyak ang bestfriend niya sa harap niya.
Tinignan niya ako ulit. "So pupunta ka ng Cavite at doon mag-aaral para makasama siya?" Nakataas ang kilay niyang tanong saakin.
Tumango at suminghot. "Oo!" Sagot ko at muling umiyak.
"Hindi ko alam kung kalahating tanga at bobo ka o pareho eh, magsasayang ka ng oras para sa walang kwentang lalaki na yun?" Panimula niya ng sermon saakin.
Eh diba ganon naman talaga ang gagawin mo kapag mahal mo yung tao? Gagawin mo lahat para sa kanya, at walang distansya ang makakatalo sa pagmamahal niyo sa isa't-isa.
Kaso pinagpalit nga pala ako sa malapit!! Huhuhuhu...
"Eh mahal ko eh!" Pasigaw kong sagot at humikbi.
Binaba niya at cellphone niya at umayos ng upo, mukang seryoso ang sasabihin.
"April, bobo ka kasi. Naramdaman mo na eh, alam mo na niloloko ka na pero kalahating tanga ka nga dahil hinayaan mo lang." Nadidismayang sabi niya saakin. Bumuntong hininga siya at tumayo. "Tayo dapat ang nagpapaikot sa mga lalaki, hindi yung tayo ang napapaikot." Sermon niya at naghagis ng panibagong kahon ng tissue dahil naubos ko na ang isa. "Linisin mo 'tong kwarto ko ah, yayariin ka talaga sakin sinasabi ko sayo." Siga niyang sabi at pumasok sa banyo para maligo.
Suminghot ako at kinuha ang bagong kahon ng tissue.
Tanga na kung tanga! Eh kung sinabi niya lang agad kung anong gusto niyang mangyari sa relasyon namin edi sana hindi na umabot sa ganito, handa naman akong makipag live-in na sakanya!
Handa na nga ba ako?
Ah basta! Nakakainis siya! Sabi niya hindi niya ako sasaktan pero ano 'tong ginawa niya saakin ngayon?! Wala na talagang alam gawin ang mga lalaki kung hindi magsinungaling!
Huhuhuhu...
Suminga ako sa tissue at tinabi sa ibabaw ng side table ni Kate, inayo ko ang buhok ko at huminga ng malalim, damang-dama ko pa ang hapdi at pagka-maga ng mata ko dahil sa kakaiyak.
Bwisit ka, Francis.
Bumangon ako sa kama at nagsimulang linisin ang mga tissue na nakakalat sa paligid ng kama. Ito ang literal na cried a river. Hindi muna ako uuwi sa bahay, malamang pagdidiskitahan nanaman ako ni Ate pati nung jowa niya baka masapak ko pa silang dalawa.
Mabuti nalang talaga long weekend kaya tamang iyak lang ako, kasi kapag may pasok na at naapektuhan ang grades ko papalayasin na ako ni Ate, edi panibagong problema nanaman.
Umupo ako sa dulo ng kama at natulala nalang, ganito naman talaga kapag broken-hearted ka diba? Matutulala ka nalang sa kawalan.
Pwede pala talaga yun 'no? Parang dati ako pa ang naco-comfort sa mga kaibigan kong umiiyak dahil niloko sila ng mga jowa nila, yung iba pinagpalit sa mas may kaya, pinagpalit sa maganda, pinagpalit sa naliligo araw-araw at katulad ko, pinagpalit sa malapit
Inaasar ko pa sila, sabi ko hindi gagawin saakin yan ni Francis dahil tatlong taon na kami eh, nakasurvive nga kami ng halos isang taon na LDR eh.
Kaso niloko niya din ako!! Huhuhuhu..
Ngayon kasama na ako sa samahan ng mga pinagpalit sa malapit. Tatlong taon na relasyon? Ipagpapalit lang sa malapit?! Anong klaseng kalokohan yun?!
"Hoy!" Napakurap ako dahil sa pagbilang litaw ni Kate sa harapan ko, masyado akong nadala ng emosyon ko hindi ko namalayang umiiyak nanaman ako. "Parang gago amputa, baliw ka na ba?" Sabi niya saakin at nilagpasan ako habang nakasuot ng tapis sa katawan.
Humikbi ako. "Hindi mo ako naiintindihan, Be." Sabi ko at muling naiyak.
Bigla siyang nag-offer ng tissue saakin kaya kinuha ko yun, tinignan niya lang ako ng walang sinasabi at bumuntong hininga. Hindi si Kate yung klase ng kaibigan na mahilig magbigay ng comforting words, yung tatabi sayo kapag umiiyak ka tapos tatapikin ang likod mo, yung yayakapin ka at sasabayan kang umiyak. Hindi siya ganon eh, siya yung ipapamuka sayo yung mali mong ginawa, ipapamuka sayo na hindi mo deserve ang lalaking lolokohin ka lang, prangka siya at handang ipamuka sayo ang tunay na nangyayari.
Pero lagi naman siyang nandyan para sa akin, bukas lagi yung pintuan niya para patuluyin ako, at kahit kailan hindi niya ako iniwan.
"Maligo ka na, tapos bumaba ka, kakain na tayo." Sabi niya saakin pagtapos niyang magbihis.
Dumaan siya sa harap ko at bumuntong hininga bago ako tapikin sa balikat at lumabas na ng kwarto.
Gaya ng sinabi niya, naligo na ako at medyo nahimasmasan nang dahil sa cold water. Nagbihis na ako at bumaba para kumain, para na kaming magkapatid ni Kate, para ko na din 'tong pangalawang tahanan at close din ako sa mga parents ni Kate.
"Oh, April, halika na, masarap ang ulam.. Sinigang, pampagaan ng loob mo." Malumanay na tawag saakin ni Tita Karol.
Hindi mo din talaga aakalain na siya ang Nanay ni Kate, sa talas ba naman ng bunganga ni Kate hindi mo talaga aakalain na Nanay niya si Tita Karol sa sobrang sweet.
Ngumiti ako ng bahagya kay Tita at humila ng upuan para umupo. "Wow, Ma. Kapag ako lasing walang pasabaw ah?" Sarcastic na tanong ni Kate sa Nanay at umupo sa tabi ko.
Natawa ako ng bahagya. Inismiran siya ni Tita Karol. "Ikaw ang naglalasing ako magkakandahirap mag-alaga sa'yo?" Mataray na sagot din ni Tita kay Kate.
Siguro sa sagutan masasabi mong mag-ina talaga sila, hirap nila kaaway sometimes eh.
"Kumain na tayo." Aya ni Tita at sinimulan ang maikling dasal.
Pumikit ako at hindi sinasadyang ipagdasal na sana bumalik saakin si Francis. Lord, desperada na po talaga ako, sobrang sakit kasi eh.
Bigla akong binatukan ni Kate kaya dumilat ako at tumingin sakanya. "Magpasalamat ka sa pagkain, wag mo ipagdasal yung ex mo." Sermon niya saakin.
Kilalang-kilala talaga ako neto. Ako na ang unang kumuha ng kanin at ng ulam, naguusap naman ang mag-ina na kasama ko. Usually, kapag may energy ako nakikisali ako sa usapan nila pero I'm so down right now kaya pasensya na, hindi ko muna sila dadaldalin lahat.
"April, anak, alam mo, bata ka pa, kung kayo talaga ni Franco sa isa't-isa eh maghahanap ng daan ang tadhana pabalik sainyong dalawa." Sabi saakin ni Tita dahil napansin niya ang lubog na lubog kong aura.
Bumuntong hininga ako at nilunok ang pagkain sa loob ng bibig ko. "Alam ko po, saka Francis po, Tita." Sagot ko at pag-correct kay Tita.
Natawa si Kate dahil doon. Pagtapos kumain nag-ayos na din ako ng mga gamit ko para mag-handang umuwi, dahil mapapatay na ako ni Ate kapag hindi pa ako umuwi ngayon.
Wala na ata silang tagapag-hugas ng pinggan saka taga-linis ng bahay. Okay lang, therapeutic naman ang paglilinis.
"Oh, wag kang tatalon sa tulay ha? Wag kang tatawid kapag naka go signal pa, wag kang--," Pinutol ko si Kate sa mga sinasabi niyang walang kwenta.
"Wag kang feeling, hindi pa ako suicidal." Nakasimangot na sagot ko sakanya. Naglakad ako patungo sa kusina para magpaalam kay Tita na kasalukuyang naghuhugas ng mga pinagkainan namin kanina. "Tita, aalis na po ako." Paalam ko sakanya.
Nilingon niya ako. "Ganon ba? Mag-iingat ka, pinagbalot kita ng ulam para may makain ang Ate mong buntis." Sabi niya saakin at nginuso ang tupperware na nasa ibabaw ng countertop.
Nginitian ko ng bahagya si Tita at hinalikan sa pisngi. "Thank you, Ta." Pasasalamat ko at nilagay ang tupperware sa bag ko bago naglakad palabas ng bahay nila habang nakasunod si Kate saakin.
Nilingon ko siya ng nasa labas na ako. "Yung tupperware balik mo ha?" Paalala niya saakin kaya tumango ako. Inirapan niya ako at lumapit para yakapin ako. "Hayaan mo, tuturuan kitang lumandi." Malumanay na sabi niya at napairap ako doon.
Balak pa ata akong igaya sakanya. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at naglakad na ako papunta sa sakayan. Pumara ako ng Jeep at sumakay sa Jeep na papuntang Divisoria. Nagbayad ako kaagad ng pamasahe at tumunganga habang nakatingin sa labas.
Pwede akong bumaba ng Recto at sumakay ng Jeep papuntang Lawton para sumakay ng Bus papuntang Cavite, isang s*******n nalang talaga, wala bang pipilit sa akin dito sa Jeep? Anyone? Bumaba ako pagdating sa Dragon8 Mall. Sa Dagupan Street, Tondo ako nakatira. Pagpasok sa Gate sinalubong ako ng mga lalaking feeling hot sa mga patpatin nilang katawan habang naglalaro ng Basketball.
"Oy tabi! tabi! Dadaan si April!" Sigaw ni Reyniel na noon pa man may gusto na saakin.
Naghiyawan ang mga kalaro niya pero hindi ko sila binigyan ng pake at dire-diretso lang ang lakad at kumaliwa sa pangalawang kanto. Dikit-dikit ang mga bahay rito, hindi naman squatters, mas matino naman ang lugar na pinagtitirhan ko sa squatters na tagpi-tagpi ang bahay, dito kasi kahit paano naka semento naman.
"Oh? April ngayon ka lang ba umuwi?" Tanong ng kapit-bahay namin na may sari-sari store at piso net.
Tumango ako sakanya. "Bakit?" Tanong ko bago buksan ang pinto namin.
"Kaya naman pala sigaw ng sigaw ang Ate mo, mainit ang ulo." Chismis niya saakin.
Ano pa bang aasahan ko sa bunganga ng Ate ko? Daig pa nakalunok ng microphone eh, speaker na ang nalunok. Binuksan ko na ang pintuan ng bahay naming maliit lang pero may second floor, dalawang kwarto sa taas, maliit na sala, kusina at banyo naman dito sa baba.
Naabutan ko si Ate na nakahilata sa sofa habang nanonood ng balita at hawak hawak pa ang remote. Nilingon niya ako at automatic na tumaas ang kilay, inismiran ko siya at sinara ang pintuan.
"Umuwi ka pa? Akala ko mapapanood nalang kita sa balita at malalaman na palutang-lutang na 'yang katawan mo sa Pasig river." Mataray na sermon niya kaagad saakin.
Kinuha ko sa bag ang tupperware na may lamang ulam na pinadala ni Tita Karol sa maliit na mesa sa harap ng sofa. "Sinigang yan, initin mo nalang." Walang gana kong sabi dahil wala ako sa mood makipag-away sakanya.
Saka, bakit sa Pasig river? Ang layo layo nun dito.
Umakyat ako nang walang sinasabi kay Ate, bahala siyang magbunganga diyan. Pag-akyat ko sa maliit at makipot naming hagdan, nakasalubong ko si Kuya Yves, ang boyfriend ni Ate at ang Ama ng dinadala niyang anim na buwang bata.
"Oh, April. Nakita ka na ba ng Ate mo?" Tanong niya saakin habang nasa tapat ng pintuan ng kwarto nila.
"Oo, may dala pala akong ulam. Kainin niyo nalang kung nagugutom kayo, magpapahinga lang ako." Matamlay kong sabi ko binuksan ang pintuan ng maliit kong kwarto.
Swerte din ni Ate kay Kuya Yves, mabait tapos masipag, kesa sa mga nauna niyang jowa na mga tulak at gangster, pareho lang kaming nakakawawa.
Binagsak ko ang sarili sa kama ko, matress lang walang bed frame, hindi na kasya sa kwarto. Maliit lang kasi talaga ito, single size matress, sa gilid non ang maliit kong folding table na nagsisilbing study table ko, sa harap ng kama ang orocan kong cabinet. May shelf na si Kuya Yves ang gumawa sa pader malapit sa study table/area ko at nandoon nakalagay ang mga iba ko pang gamit.
Naalala ko bigla na may pasok na pala bukas, akala ko naman bakasyon na gusto ko pa magdalamhati para sa puso kong namatayan eh, pwede bang 40 days pa? Baka naman, Yorme.
Bumangon ako at umupo sa tapat ng study table ko para tignan kung may mga kailangan pa ba akong tapusin, lahat kasi sinusulat ko sa sticky notes at dinidikit sa pader. Makakalimutin kasi ako, pero hindi ko kinalimutang mahalin siya, bakit ang unfair naman ng balik saakin?
May dalawa akong unfinished works kaya ayon ang pinagka-abalahan ko, pero maya maya lang hawak ko na ang cellphone ko at ini-stalk si Francis sa mga Social Media niya. Grabe, deleted na agad yung mga pictures namin sa f*******: niya? Eh ako nga kaming dalawa pa din ang profile picture.
Naiyak nanaman ako.
Oras na ba para magpalit ng itim na profile? Ang sakit kasi, daig ko pa namatayan.
Kakaiyak ko hindi ko na namalayang nagtitipa na ako ng message para i-send kay Francis, lahat ng gusto kong sabihin pero binubura ko din, hindi ko kasi kayang i-send.
Francis Catungbak
active now
April: biik ka na pls