2 - New Version

2032 Words
April 3 months later... "Thank you, papasok na ako." Pasalamat ko sa lalaking nagbigay saakin ng chocolates. Hindi naman Valentines ngayon, ni hindi pa nga February, pero tatlong araw nang may pa Chocolates ang lalaking 'to.  "Text mo ako pag tapos ng klase mo, ha? Ang ganda ganda mo talaga, April." Nakangiting sabi niya saakin, yung mga tingin niya parang yung tingin mo sa paborito mong ulam eh. Pilit na lang akong ngumiti at pumasok na sa room. Sa totoo lang, 3 weeks ago ko lang siya nakilala, nag-usap kami for a week kaso hindi ko siya vibe, masyadong sweet, masyadong clingy! Nung sinabi ko nga na 'Salamat sa time, hanggang dito na lang.' mas lalo pa siya naging clingy! Hanggang sa binibisita na ako dito sa School tapos nagbibigay na ng chocolates.  Kabanas, 'di naman ako mahilig sa chocolates. "Oy, sa'yo na lang tutal muka ka namang gutom." Sabi ko at nilapag sa table ni Kate ang chocolates na binigay sa akin kanina.  Taka niya akong tinignan, pati ang chocolates na nilapag ko sa table niya. "Excuse me? I don't eat chocolates, siraulo ka ba?" Mataray niyang tanong saakin. Oo nga pala, ayaw niya yan. Eh ayaw ko din ng chocolates eh, anong gagawin ko diyan? Yung nauna niyang binigay inuwi ko lang sa bahay para kay Ate, malamang nagsasawa na yun. Umupo ako sa tabi niya. "Wag mo na ngang ipagkalat ang number ko." Irita kong sabi sakanya. Siya talaga may pakana ng lahat, pinagkakalat niya ang number ko! Hindi naman sa ayaw kong makipag-kilala sa ibang mga lalaki, ginagawa ko naman kaso isa-isa lang! Akala niya ata magkasing-landi na kaming dalawa eh. "Bakit? Nakakairita na ba?" Tanong niya saakin at kinuha ang chocolates para ibigay sa kaklase namin. "Gilbert! Sa'yo na oh!" Sigaw niya at hinagis kay Gilbert ang Chocolates. Kinuha din naman ni Gilbert yun with all smiles dahil paborito niya yun. Nilingon ko si Kate at nginisihan. "Pustahan oh, iisipin niyan type mo siya." Maloko kong sabi sakanya. Gulat niya naman akong nilingon at nandiri bigla. "Gago, hindi kami talo." Seryosong sagot niya saakin kaya natawa ako, medyo silahis kasi ang kaibigan naming si Gilbert. Dumating na ang proctor namin kaya tumahimik muna kaming dalawa ni Kate. Nakinig lang ako at nag-take down notes. Kapag nandito kasi ako sa School gusto kong mag-focus about School lang dahil after nito, magiging barista naman ako sa isang coffee shop. Wala eh, kailangan kumayod, baka kasi kulangin si Kuya Yves ng pera para kay Ate Annica na due na ngayong buwan, actually baka anytime now manganak na yun eh. Nakikitira ako sa bahay nilang dalawa kaya kailangan ko din magbigay kahit paano, baka sabihan nanaman ako ni Ate na ang kapal kapal ng muka ko, kung hindi lang talaga buntis yun baka nakipag-sagutan pa ako kaso papatayin niya naman ako kapag nakunan siya ng dahil saakin. Nang matapos ang klase, agad akong nag-ligpit ng gamit at nag-dasal na sana walang naka-abang sa akin sa labas. Sino nga ulit yun? Harold ata? Basta siya, tigilan niya na sana ako at wag niya na akong bigyan ng mga chocolates!  "Kailan ka ba aalis dyan sa trabaho mo? Kainis ha, hindi na tayo nakakagala." Reklamo ni Kate. Simula kasi nung nagka-trabaho ako hindi na namin nagagawa yung mga ginagawa namin dati. Ang mamasyal, makipag-inuman at ang mag-sleepover sa bahay nila.  Palibhasa, puro pasarap lang sa buhay ang alam, only child kasi. "Pag nanganak na si Ate aalis na din ako don, baka maghanap ako ng iba na hindi masyado kinakain yung oras ko." Sagot ko sakanya at sinabit na ang bag sa balikat. Umirap si Kate na may kasamang buntong hininga. "Sa bahay ka nalang mag-trabaho, sasahuran kita above minimum! Oh ano, aangal ka pa?" Magiliw niyang alok habang nakaturo saakin. Maganda yung above minimum na sinasabi niya pero ako? Magt-trabaho sa kanila? Baka ako pa ang pagsilbihan nila eh. "Ayoko nga, masyado akong maganda para maging kasambahay niyo." Nakangising sagot ko at nauna nang naglakad palabas. Sumilip muna ako sa bintana, mukang clear naman, wala din naman siyang text. Yes! Sana hindi na siya magpakita pa ulit. Sabay kaming naglakad palabas ni Kate habang nasa likod ang iba pa naming kaibigan, mukang nagkaka-ayaan pa nga sila na mag SM eh. Jusko naman, hindi pa ba sila nasasawa sa SM? Ako kasi sawang-sawa na! Kaya nga hindi ako nag-apply dyan kasi alam kong pare-parehong muka lang ang makikita ko. Pag-dating sa entrance ng SM nagpaalam na ako sakanila. "Sumama ka naman kahit ngayon lang!" Sabi ni Laleign. Nagsisang-ayunan naman ang dalawa pa naming kasama. "Pati sa inuman hindi na sumasama." Dagdag pa ni Monicca. Akala ata netong mga 'to kasing sarap ng buhay nila ang buhay ko eh. Nagpaalam na ako sakanila, apat na irap ang natanggap kong sagot kaya inirapan ko din sila at tumalikod na. Ang tataray, akala mo magaganda eh.  Naglakad ako hanggang sa underpass sa may City Hall o mas kilala bilang Lagusnilad. Sasakay kasi ako ng Jeep papuntang taft dahil doon ang coffee shop na pinagt-trabahuhan ko.  Madaming tao ngayon dahil labasan din sa School, pero kahit hindi naman labasan madami pa din tao dito, mga papunta at galing sa City Hall o kaya naman sa SM o kaya naman sa Comelec o kung ano pang nilalakad ng mga taong 'to.  Umakyat ako sa gitnang akyatan at nag-hintay ng Jeep na papuntang Taft. Unahan pa nga dahil punuan talaga, mabuti nalang madami namang Jeep kaya nakasakay ako kaagad. Usually, kapag maaga ang labas ko like for example, 4PM, edi 4PM din ako magsisimula. Pinaka-late ko naman ay 6PM kagaya ngayon. Mabuti nalang talaga mabait sila sa working students na kagaya ko. Saka masarap din mag-trabaho doon ha? Puro gwapo eh, mga taga-lasalle ba naman hehe. Pero syempre, kung trabaho, trabaho lang.... or minsan pwede din naman pagsabayin. "Manager! Here na me!" Tawag ko sa Manager pag-pasok sa loob ng Coffee Shop. Madami ding customer since naglabasan ang mga estyudante. "Bilisan mo, kanina ka pa inaantay ni Eunice may emergency sa bahay nila." Sabi niya agad saakin kaya nagmadali akong magpalit ng damit at lumapit kay Eunice para sabihing nandito na ako. Nang makita niya ako para siyang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan, muka din talaga siyang stress at napansin ko ang kalat sa workplace niya. Ano naman kayang nangyari sa babaeng 'to? "Andito na ako, may emergency ka daw?"Tanong ko sakanya. Halos maluha-luha naman siyang tumango saakin. "Si Mama kasi, inatake sa puso, nasa ospital na siya ngayon." Sagot niya sa akin at naiyak. Nagulat naman ako don at hinakawan siya sa balikat, parang nataranta din ako para sakanya, bakit ba kasi ang tagal ko ngayon?! "Oh my god, wag ka nang umiyak diyan! Ano pang inaantay mo? Umalis ka na!" Natatarantang sabi ko sakanya at ako pa mismo ang nag-tanggal ng apron niya dahil nagb-breakdown siya ngayon.  "Natatakot ako.." Umiiyak niyang sabi. "Nasaan na ang orders?!" Biglang litaw naman ng Manager namin kaya kahit gusto ko pang i-comfort si Eunice, tinatawag naman ako ng trabaho. "Umalis ka na ha? Puntahan mo na Mama mo, magiging ayos din siya." Sabi ko sakanya, baka sakaling gumaan ang loob niya.  Tumango siya habang nagpupunas ng luha at marahan ko na siyang tinulak paalis sa workplace. Bumuntong hininga ako, alam na alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon kaya naiintindihan ko siya. Nang malaman ko na umalis na si Eunice bumalik na din ako sa trabaho. Tatlong buwan din akong nag-training para maging barista dito, nae-enjoy ko nga siya kaya parang ang hirap naman na iwan, iba kasi kapag nakahanap ka ng trabaho na ine-enjoy mo din eh.  "Leandro and T.J!!" Sigaw ko at pinindot ang bell. Inabangan ko kung sino ang tatayo at kukuha nito, hanggang sa may isang matangkad na lalaki, bagsak ang buhok, naka-suot ng blue silky button down shirt at white shorts ang lumapit saakin. Sinuklay niya ang buhok niya pataas at tumingin saakin, nilapag niya pa ang dalawang siko sa countertop kung saan nilalagay ang mga orders.  "Hi, I'm Leandro." Nakangising sabi niya saakin. Ang charming niyang tignan, halatang pa-fall, halatang playboy. Pero ang gwapo, infairness, bakit parang ngayon ko lang 'to nakita? Ngumiti din ako sakanya. "Hi, Sir." Bati ko at kinuha ang inorder niya. "Here's your order."Dagdag ko at binigay sakanya. Umayos siya ng tayo at kinuha ang order niya sa kamay ko, dumulas pa nga ang kamay niya sa kamay ko at mukang sinadya niya yun.  "Dude, I told you they have a poor service here." Biglang may dumating na mas matangkad ng kaunti sa unang lalaki. Naka itim na sumbrero siya, pabaliktad pa ang suot. Itim na hoodie at light blue tattered jeans sa pambaba, hindi ko kinaya ang Gucci sneakers.  Ang gwapo sana, kaso hindi maganda ang tabas ng dila.  "Oh, here's T.J na pala. Dude, get your order." Sabi ni Kuya na naka blue button down shirt.  So, siya pala ang T.J? Halos sabay naming tinignan ang isa't-isa, hindi pa ako nakapag-salita dahil, Besh! Ang gwapo pala talaga! Ayos lang na hindi maganda ang tabas ng dila, eh sobrang gwapo naman! Mukang meron ata siyang lahi eh, oh baka lalahian pa lang ako? Ay joke. April nga pala ang pangalan ko, hindi Kate. "Sir T.J?" Tawag ko sakanya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Kinuha ko ang order niya at binigay sakanya. "Here's your order, Sir. And you're absolutely wrong about our service here, especially when I'm the barista." Sabi ko sakanya ng nakangiti. Nadinig ko ang mahinang tawa ni Kuya na naka blue. "Ohoh, I think I have a reason to come here again, cute girl ha?" Sabi niya kaya ngumiti ako sakanya.  Gusto ko pa sana sila kausapin kaso nasa trabaho nga pala ako, hindi ako nakikipag-date ngayon.  "Enjoy your drinks, Sir!" Maligayang sabi ko sakanila at bumalik na sa trabaho.  Pero bago yun, sinulyapan ko muna ulit ang lalaking naka-sumbrero. Napa buntong hininga ako dahil sa itsura niya, kita ko ang side view niya ngayon, grabe yung tangos ng ilong! Uminom siya sa hawak niya at bumaba ang tingin ko sa adams apple niya na gumalaw.  Napalunok din tuloy ako. "April!" Biglang may sumigaw kaya napakurap ako at muntik pang sumigaw dahil sa gulat. Nanlaki naman ang mata ko nang sabay na tumingin ang dalawang lalaki sa pwesto ko, kaya umiwas ako agad at nagkunyaring may ginagawa. "Napaka-husay mo sa trabaho mo, pero pag may gwapo napaka-bilis mong madistract!" Sermon saakin ni Manager.  Sinulyapan ko siya bago gawin ang orders. "Manager, wag mo naman isigaw." Mahina kong sabi sakanya. Nakakahiya kaya kapag narinig nila yun! Isipin nila may gusto ako sakanila eh ang totoo papunta pa lang don.  Tinignan ako ng masama ni Manager at pinanliitan ng mata bago tumalikod at iwan ako para gawin na ang trabaho ko. Dahan-dahan ulit akong lumingon para makita kung nasaan na ang dalawa pero likod nalang nila ang nakita ko na papalabas na ng shop. Alis kaagad? Sana bumalik pa sila hehe. Mukang araw araw na akong aasa na sana bumalik sila dito ah. Ayos lang, ang mahalaga hindi na ako umaasang babalik pa si Francis. Hindi naman sa naka move-on na ako pero hindi na katulad noon na sobrang sakit, nakatulong talaga yung kalandian na taglay ni Kate, hinook-up niya ako sa mga kakilala niyang lalaki, sa una nakakailang pero may mga nakakausap din ako na magaling magpa-ikot ng usapan hanggang sa hindi ko namamalayan unti-unti nang nawawala yung sakit na nararamdaman ko kasi nadidistract ako eh. Hindi din naman ibig sabihin non na dapat lahat ng brokenhearted ayun ang gawin, may kanya-kanya tayong process sa pagmomove-on, ito yung paraan na nakita ko at gumana sa akin kaya ito ang ginagawa ko. Hindi din naman ibig sabihin ng pakikipag-date eh to jowa na agad, kinaganda lang din talaga may mga tao din na nangangailangan lang ng kausap. Usap lang, usap lang talaga. Yung iba nagiging kaibigan ko pa, edi nagkaroon pa ako ng instant friends!  Kaya sumaya at gumaan talaga ang pakiramdam ko these days, dagdag mo pa na may trabaho ako at nakakaipon ng pera.  Pero syempre, hindi pa din ako buo. Kung baga, band-aid lang lahat ng 'to sa pinakasugat na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD