Episode 3 - The Jeepney Technique

2385 Words
April Nakakainis. Ang init! Baka naman, winter sumapi ka dito sa Pilipinas. Ang hot ko na nga tapos ang init pa dito, kawawa tuloy mga kapwa ko pinoy.  But anyways, cancel ang klase ngayon dahil walang kuryente. Saan ka makakakita ng School na ganito? Dito lang! Pero ayos lang atleast na-cancel ang klase, may long quiz pa naman ako ngayon sa major sub kaya salamat po, Lord!  "Saan tayo?" Tanong ni Laleign habang naglalakad kami, kalalabas lang galing sa Campus.  "SM?" Suggest ni Monicca kaya tinignan ko kaagad siya ng masama.  "Nanaman? Hindi na kayo nag-sawa?" Sagot ko sakanila.  Minsan na nga lang mangyari na ma-cancel ang klase tapos magaaya ka pa sa lugar na halos katapat nalang ng School niyo? Jusko naman, Monicca! Sarap mong batukan. "Oh edi saan?!" Mataray niyang sabi saakin at umirap.  Napaisip din ako, saan nga ba? Gusto ko kasi doon lang sa chill na lugar, chill din naman sa SM kaso nakakasawa na talaga, wala na bang ibang lugar? "Sa trabaho mo nalang! Para mapag-silbihan mo naman kami, April Jade." Singit ni Kate na kanina pa nagte-text sa cellphone niya.  Nalukot ang muka ko sa idea niya. Pero okay din naman, para maaga ako makapag-simula edi mas malaki ang sahod. Kaso gusto kong umupo at magkape kahit sandali! Palibhasa pabor kasi sakanila, kung alam ko lang na maiisip nila ang lugar na iyon edi sana nag SM nalang kami diba? "Ay G ako dyan!" Pag-sangayon ni Laleign. "Ako din, G na G! Tapat ng La Salle yun diba? Madaming gwapo don!" Sagot ni Monicca at sabay sila ni Laleign na kinilig.  'Kay lalandi talaga.  "Itong ka-chat ko taga La Salle eh, sana lang hindi kami magkita." Sabi ni Kate sabay tago ng cellphone niya sa bag.  Kunot-noo ko silang tinignan. "Sure kayo?" Tanong ko sakanila.  Nagbabakasakali na magbago pa ang isip nila.  Lumingon silang lahat saakin. "Oo, sure kami kahit ayaw mo." Sagot ni Kate at nauna pang mag-lakad kasunod ng dalawa.  Edi fine, anong magagawa ko tatlo sila!  Sumakay kami ng Jeep na kasalukuyan pang pinupuno. Kinuha ko naman ang wallet ko para tignan kung may barya pa ba akong natitira.  "Huy, wala akong barya, sabay niyo muna ako." Sabi ni Monicca.  Tinignan naman siya ni Kate. "Ay mars, ilang buwan na yang wala kang barya ah?" Sarcastic na sabi nito kaya natawa kami. Lagi kasing nagpapasabay yan sa pamasahe, pero hindi talaga pasabay, palibre talaga yan. Hindi din naman kasi siya namamasahe dahil malapit lang ang bahay nila sa School kaya naglalakad lang siya pauwi.  Nagbigay ako sakanila ng sampu, sakto lang sa pamasahe ko at bahala na silang mag-ambagan sa pamasahe ni Monicca dahil nagtitipid ako. Sunod-sunod na nagsipasukan ang mga tao hanggang sa may dalawang afam ang papasakay pa lang.  "Oh kasya pa kasya pa!" Sigaw ni Kuya sa labas at nakasilip para tignan kung may space pa ba para dun sa dalawang lalaki.  Nagkatinginan kami ni Kate at sabay na umusog ng bongga para magbigay ng space doon sa dalawang lalaki. "Kuya, dito pa oh! Kasyang-kasya pa!" Sabi ni Kate at tinuro ang space sa tabi niya at sa tabi ko.  Tuluyan nang pumasok ang dalawang lalaki na matangkad. Tumabi sa akin ang isa at halos mapapikit ako sa bango.  I smell a 30k perfume here sa Jeep ha?  Umayos ako ng upo dahil mukang hindi siya komportable sa pwesto niya, kalaki ba namang tao tapos pagkakasyahin ang sarili sa maliit na space. Ayos lang, atleast we're close diba? Hehe.  Umandar na ang Jeep dahil puno na ang loob. Pasimple kong tinignan ang mabangong lalaki na katabi ko at shems bhie... Side view pa lang ang gwapo na! Yung korte ng muka pati ang perpektong panga!  Ito na ba yung God gave me you?  Nagkatinginan kami ni Kate at nagkindatan.  Gwapo Alert! Flashback.... 2 months ago "Be? Anong kagagahan 'to?" Takang tanong ko nang aksidenteng mabasa ang nakasulat sa papel na nakakalat lang sa table ni Kate. Naghahanap kasi ako ng marker, iba naman ang nakita ko.  "Bakit?" Tanong ni Kate at lumapit saakin. Nang makita niya ang hawak ko agad niyang kinuha yun sa akin. "OMG. Nakita mo ang pinagbabawal na makita." Seryosong sabi niya habang nakatingin saakin. Ako naman, na-weirduhan sa kanya. May nangyari ba sa bestfriend ko na hindi ko alam? Sumapi na ba siya sa mga demonyo?  "Baliw ka na ba?" Tanong ko sakanya. Nagbago naman ang expression ng muka niya, umirap siya at nag-flip ng hair. "Ako talaga ang baliw ha?" Tanong niya sa akin. Double meaning.  Inismiran ko siya. Tama naman siya dahil nakakabaliw ang mag-mahal at masaktan.  "Tutal nakita mo na 'to, its time for another, KKL! Kate Kalandian Lessons!" Sabi niya at umupo sa chair niya. Ayan nanaman siya sa KKL niya. Simula nung nag break kami ni Francis kung ano ano na ang tinuturo niya sa akin, sabi niya kailangan ko daw sundan ang mga yapak niya. Dapat ko daw matutunan ang mga bagay na 'to kasi matutulungan ako non makapag-move on ng mabilis. Sabi ko nga eh, ano 'to? Practice para sa mga future students niya? Don't tell me Kalandian Lessons din ang ituturo niya sa mga magiging students niya ah? "I call this, The Jeepney Technique. Kailangan mo 'to, April dahil madalas kang sumasakay sa Jeep. We never know! Baka may makasabay kang gwapo, o baka makasabay mo na si Mr. Right! I'm telling you, you need this so listen up! Listen very carefully, April Jade." Sabi niya sa akin na parang isang guro at ako ang estyudante niya. Muli akong umismid at umupo nalang sa dulo ng kama niya, edi makinig kay Ma'am Kate.  "Sige.. Go." Walang buhay kong sabi sakanya.  Binaba niya ang paa sa ibabaw ng lamesa at pinagkrus iyon.  "This is a Jeepney Technique pero pwede mo din siyang gamitin sa Bus or sa FX, kahit sa Train besh pwedeng pwede. So eto nga... The Jeepney Technique was made by, yours truly. Bakit ko 'to ginawa? Actually, wala lang. Na-inspire lang ako sa kalandiang taglay na meron ako, sayang kasi kung hindi gagamitin and you are very lucky dahil ikaw ang unang makakaalam nito like, besh, pag ito nalaman ng mundo magkakagulo talaga." Paliwanag niya na parang nagrereport ng isang mahalagang business proposal. Teka, bakit ko nga ba ulit kaibigan 'to?  "So, let's start! So syempre, magiging Kuya Kim muna tayo, mapagmatyag, mapangahas! Mag-spot muna tayo at kapag meron na!  Technique#1: Stay alert! Sipatin kung may afam. PS: Yung worth it lang ha? Technique#2: Pag may na-spot. Magtinginan at kumindat. Planuhin kung makakalapit ka ba o makakalapit sila, plus 100 kung katabi lang. Technique#3: Kung katabi mo na, idikit mo yung sarili mo besh, kahit hindi siksikan sa Jeep! Kapag dalawang beses na lumayo sayo, Mission Abort! Baka may jowa! Hindi tayo kakabit! Technique#4: Kapag nagka eye contact, thats it pancit. Ngumiti ka at magpacute, kapag nag-smile pabalik ibig sabihin its time. Technique#5: Open your phone, Go to your f*******: Profile and flaunt your profile and name! Kung Lowbatt, use your I.D! Or much better kung idadaan mo na sa fake phone call. Oh diba? Very simple, madali lang yakang-yaka kahit 14 years old magagawa 'to eh." Mahabang sabi niya na ngayon naka-tayo na dahil masyado siyang nadala ng emosyon niya, Pagtapos niyang sabihin lahat ng iyon nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Yung dating apps, blind dates at momol naiintindihan ko pa eh, pero ito? Ano 'to? Jeepney Technique para sa mga gwapo na kasabay mo sa Jeep? Anong demonyo ba talaga ang sumapi sa babaeng 'to? Parang ang sarap makipag friendship over sakanya ah? End of Flashback.. Dati parang naweweirduhan pa ako sa ginawa niya pero ngayon iba na eh! Kung ganito ba naman ka-gwapo at ka-bango then let's give it a try!  Hindi ko na kailangan na sumiksik sa kanya dahil siksikan na sa Jeep kaya ang ginawa ko, humawak ako sa handrail at sinadyang mahawakan din ang kamay niya. Mukang nagulat siya doon kaya inatras niya bigla. "I don't know about the fare, Bro." Dinig kong sabi niya. Isang malalim at napaka attractive na boses. Familiar nga actually eh, pero english speaking ha? Mukang first time sumakay ng Jeep. Ayos 'to.  Nilingon ko siya. "Sampung piso." Sabi ko. Tumingin siya bigla sa akin, muntik pa akong mag-laway dahil hindi ko akalaing ganito siya ka-gwapo. Favorite siya ni Lord. Una kong napansin ang itsura niya, alam kong hindi siya purong pinoy at may ibang lahi dahil sa itsura niya. Sunod ang kulay kayumanggi niyang mga mata na kumikislap dahil sa araw. Sunod doon ang mala holy water niyang pawis na tumutulo sa may bandang tenga niya.  Kumunot ang makapal niyang mga kilay. "Sorry?" Takang sabi niya saakin.  Kumurap ako dahil alam kong hindi ako namamalikmata sa nilalang na nakikita ko ngayon. "Ah, yung pamasahe kako." Sabi ko pa sakanya.  Sinilip ng mata ko si Kate na nalipat ang pwesto sa medyo dulo at napansing ginagawa niya na ang pang apat sa Technique na inimbento niya. Ang bilis bilis talagang kumilos ni Kate!  Naiwang naka-awang ang mapupula ang plump niyang nga labi, mukang hindi naiintindihan ang sinabi ko.  "Ten pesos." Pag-translate ko sa ingles.  Nang ma-gets niya iniwas niya na ang tingin sa akin at dinukot ang wallet niya sa bulsa. Muntik pa akong masiko but I don't mind! Naka-iwas naman ako and mabango din ang armpit ha?  Nang makakuha siya ng 50 pesos hindi niya na alam ang gagawin, tumingin siya sa lalaking katabi ni Kate na busy dahil mukang Mission Success si Kate.  Kaya ako na ang tumulong sa kanya. "You say, bayad po, then give it to me. Louder ha?" Sabi ko sakanya at muli niya nanaman akong nilingon.  Ngumiti ako sakanya at tinaasan siya ng dalawang kilay. Binuka ko na ang mga palad ko at kunot noo siyang tumungin doon. "B-bayad po?" Hindi sigurado niyang sabi. May kaunting accent ang pagkakasabi niya ng salitang yun kaya napangiti ako kasi ang cute eh, siya din cute.  Nilagay niya sa palad ko 20 pesos at muli kong sinadyang mahawakan din ang kamay niya. Smooth nga eh, hindi siguro naghuhugas ng pinggan 'to.  "Bayad daw po! Dalawang gwapo, ay hehe, pakisuyo na lang." Sabi ko at medyo nahiya pa sa sinabi.  Tinignan ako ni Laleign dahil siya ang kumuha, nginitian ko nalang siya dahil wala siyang alam na may gwapo akong katabi.  Muli akong umayos ng upo, sinilip ko ang katabi ko at nakataas lang ang kamay niya na nakahawak sa handrail habang nakatingin sa labas. Bumaba ang katabi ko pero may umakyat ding bago, umusog nga kaagad yung gwapo at mukang gigitna pa yung bagong sakay buti nalang nauna ako.  Whew.  Hindi na nakataas ngayon ang kamay niya, nakasandal na siya ngayon at mukang nagsisisi na sumakay siya sa Jeep pero kahit ganon, may mission tayo dito.  Kinuha ko ang cellphone ko at in-unlock. Ginawa kong full ang brightness at pinindot ang f*******: app, binuksan ko ang Profile ko at inangat ang cellphone, para makita niya, baka mamaya siya pa ang mag-adjust kasi hindi niya mabasa ang pangalan ko eh. Pinindot ko ang profile picture ko, wala, flex ko lang sa kanya 'tong profile picture ko last summer sa isang beach sa Batangas. Naka two piece kasi ako dito eh. Nag-swipe ako at sunod na picture naman ay yung nagpictorial kami sa isang studio for a make up brand, supporting small business lang.  Nang mangalay ako binaba ko na ang phone ko. Ano? Any reactions? Side Comments? Wala talaga?  So mukang failed. Kaya pumunta ako sa messenger at tinawagan si Ate dahil siya lang ang naka-online na pwede kong tawagan. Nilagay ko sa tenga ang phone at inantay siyang sumagot.  {Anong kailangan mo?} Ayan ang salubong niya sa akin. "Oh hello, bakit? Ha? Oo, April Jade Tolentino nga yung full name ko diba.. Anong 18 years old? Gaga, 21 na ako." Sabi ko at natawa kunyari.  {Putanginamo, AJ. Anong pinagsasabi mo?!} Sigaw sa akin ni Ate.  Ayan na nga, uminit na ang ulo. Hirap talaga kausap ng mga buntis! Jusko, hindi nalang makisabay eh. "Okay na? Oo lagay mo single sa relationship status. Sige na, nasa byahe ako eh, Byee.." Huling sabi ko at pinatay na ang tawag.  Mahirap na baka lalong pang uminit ang ulo ni buntis. Mukang okay naman yung ginawa ko diba? Sinabi ko na yung pangalan ko, pati edad, pati relationship status. Kaso bakit hindi man lang gumalaw? Walang reaction? Ano 'to statue? Gusto niya ba pati address ko sabihin ko na? Kaso baka naman mamaya may myembro ng akyat-bahay g**g ang nakasakay din ditto sa Jeep, delikado 'no! Hanggang sa pumara na si Monicca wala padin siyang imik. Mukang mission failed ah? Nung pababa na kami sinulyapan ko siya, nagtama ang tingin namin kaya bahagya akong ngumiti at tuluyan ng bumaba.  Gwapo talaga, taga saan kaya siya? Anong breed niya? Grabe, I can't wait to meet his parents na. Charot! Agad kaming nagdikit si Kate. "Tanginamo, nakuha ko yung pangalan! Effective yung ginawa ko!" Kinikilig at mayabang niyang sabi sa akin sabay pakita ng i********: Account nung lalaking katabi niya kanina. Umirap ako. "Yung mga imbento mo wala namang kwenta." Sabi ko sakanya dahil Mission Failed ako!  Tumingin siya sa akin, natatawa. "Dapat kasi ginalingan mo! Nakita ko yung katabi mo ang gwapo, Sis! Sobra!" Manghang sabi niya at naalala ang itsura nung lalaking katabi ko kanina. Naalala ko din naman, at tama siya. Ang gwapo talaga kaso it's not him eh, it's me. We're not meant to be kaya better luck next time, April. "Hoy, may gwapo gwapo akong naririnig dito ah? Sino yan? Share niyo naman! Puta parang hindi friendship ha?" Biglang singit ni Monicca sa usapan namin ni Kate. Tinarayan naman siya ni Kate at tinago ang cellphone dahil baka tignan pa ni Monicca. "None of your business." Mataray niyang sabi at naunang pumasok sa Coffee Shop na pinagt-trabahuhan ko. Hinabol naman siya ni Monicca, as usual sila naman ang laging nagaaway sa mga ganyan. "Bakit ang landi ng mga kaibigan natin?" Tanong ni Laleign sa tabi ko. Hinawakan ko ang handle ng pintuan at pinauna na siya. "Ikaw ba hindi?" Sarcastic kong tanong sa kanya.Inismiran niya ako at pumasok na sa loob.  Ang tunay na tanong, bakit ang lalandi ng mga kaibigan ko? Wag niyo na ako isama, kitang hindi nga tumalab kalandian ko kanina 'diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD