April
"Te! Kumalma ka! Ako ang na-sstress sayo!" Sigaw ko kay Ate dahil kanina pa siya sigaw ng sigaw dahil namimilipit sa sakit ng tyan niya.
Humihilab na daw eh mag-7months pa nga lang siya, diba dapat 9months pa bago manganak?
"Puta ka, AJ! Wag mo ako sabihan ng gagawin hindi ikaw yung buntis ha!" Sigaw niya ding sagot sa akin.
Halos malaglag pa ako sa hagdan sa pagmamadaling ibaba ang dalawang unan na inutos niya sa akin, nilapag ko yun at pinagpatong para doon maupo si Ate.
"Eh bakit ka ba sigaw ng sigaw?! Kaya lalong sumasakit yang tyan mo eh!" Pasigaw kong sabi sakanya at inalalayan siyang umupo doon.
Pumikit siya at humingang malalim habang naka-hawak sa tyan niyang naka-umbok. Pawis na pawis na siya dahil sa sakit ng tyan, sana naman hindi pa siya manganganak diba? Masyadong pang maaga!
Nakatingin lang ako kay Ate, ako ang nahihirapan para sa kanya, hindi ko naman alam ang dapat sabihin kasi wala naman akong alam sa ganito.
Kaya ang hirap ng walang Nanay sa bahay eh, Mother knows best at kayang-kaya nilang pagaanin ang loob mo. Bata pa si Ate, 23, dalawang taon lang ang agwat namin. Simula nang mawala si Mama sa amin tumigil na siya sa pag-aaral at nagtrabaho para makapag-aral ako. Kaya laking pasalamat ko din talaga kay Ate sa lahat ng sinakripisyo niya para sa akin eh, lagi lang kaming nag-aaway ngayon dahil buntis siya eh, mabilis uminit ang ulo pero close kami. Kaya ngayon na siya naman ang nagtatayo ng sarili niyang pamilya, tutulong din ako kasi parte pa din ako kahit paano ng pamilya na bubuoin nila eh.
Excited na nga ako kasi magkaka-baby na dito sa bahay, babyface lang kasi ang meron at ako yun.
"Nasaan na ba yung punyetang Kuya mo?" Mahina at nangigigil niyang tanong sa akin.
Kinuha ko naman kaagad ang cellphone ko para i-text si Kuya na nagttrabaho bilang bodyguard sa Tutuban Mall. Malapit lang naman dito yun, bakit ba ang tagal niya?! Anong oras na din, late na ako sa trabaho! Linggo pa naman din ngayon, full-time ako!
"Tinext ko na, kaso hindi pa nagre-reply eh." Sabi ko kay Ate at nagtipa ng message para kay Manager.
To: Manager
managerrr, baka ma-late po ako sumasakit na yung puday ni ate baka manganak na. sorry po, labyu.
Mabait naman si Manager kaya walang problema, pwede naman na siya muna ang magbarista habang wala ako eh. 2in1 diba.
"Ano, Te? Manganganak ka na ba?" Tanong ko sakanya.
Naging mas magaan ang paghinga niya ngayon kaya tinapat ko pa ang electricfan sa kanya.
"Gago, hindi pa pwede. Hindi ko pa due." Sagot niya sa akin.
Tama nga naman, kulang pa siya ng buwan. Nako naman baby, gusto mo atang lumabas ng kulang kulang ha. Syempre gusto ko bilang maganda niyang Tita na healthy siya.
Biglang bumukas ang pinto at nakahinga ako ng maluwag dahil andito na si Kuya Yves, nakasuot pa ng uniform. Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata niya, lumapit siya kaagad kay Ate nang makita niya ang itsura nito.
"Mahal, okay ka lang ba? Pumutok na ba?" Naga-aalalang tanong niya kay Ate at sinipat sipat ng buo si Ate.
Humawak kaagad si Ate sa braso ni Kuya Yves at dumilat. Umiling siya bilang sagot. "Humilab lang ata, pero hindi pa siya lalabas." Sagot ni Ate sa kanya.
Bigla kong na-miss si Mama. Sakitin kasi ako bilang bata kaya laging nagaalala si Mama sa akin kapag may sakit ako. Nakakamiss lang marinig yung lamig at lambot ng boses niya, marinig ko lang yun ayos na ako eh. Kaso wala na siya ngayon, tuwing nagkakasakit ako kailangan ko nang alagaan ang sarili ko. Iba talaga yung prisensya at hawak ng Nanay...
I miss you, Ma..
Kumurap ako at tumalikod dahil muntik pa akong maluha habang pinapanood sila. Tutal andiyan na si Kuya Yves kailangan ko nang magbihis para mag-handang pumasok sa trabaho ko, sayang ang oras eh.
Hindi din naman ako ganon nag-tagal, hindi naman ako nagmemake-up sa trabaho, masyado kasi akong nakaka-agaw ng atensyon eh.
Joke.
Kinuha ko na ang tote bag ko at bumaba na ulit, mukang naging maayos naman na kahit paano si Ate dahil nandiyan na si Kuya Yves para himasin at hilutin ang tiyan ni Ate.
"Papasok na ako." Paalam ko sakanila.
Tumingin sa akin si Ate at tumango. "Ingat, umuwi ka agad, hindi ko kayang mag-luto ng hapunan natin." Sabi niya saakin.
Tumango na lang ako at lumabas na. Kinuha ko ang wallet ko para tignan kung may barya pa ba ako at pera pambili ng ulam na lulutuin ko mamaya. Meron pa naman, pagkakasyahin ko nalang.
Hays, hirap neto, maganda nga ako pero wala akong pera. Mag artista na lang kaya ako? Darna? Marimar? Or papasok ako ng Wowowin at iiyak para makakuha ng 10 thousand pesos! Easy money!
"Roy!" Tawag ko sa kakilala kong nagt-tricycle. Paalis na sana siya pero nilingon niya pa din ako at hinantay. "Recto ka ba? Sabay ako." Sabi ko sakanya ng makalapit ako.
Sumilip ako sa loob at nakitang may pasahero pala siya. "Tara, sa Morayta 'tong pasahero ko." Sagot niya sa akin kaya napangiti ako.
Naka libreng sakay pa nga! Buti na lang naabutan ko siya. Sumakay ako sa likod niya. Sobrang kuripot ko kasi nilalakad ko nalang mula Divisoria hanggang Recto para makatipid ng pamasahe, sampung piso din yun ah? Buti nalang may mga kakilala akong nagt-tricycle kaya nakikisabay na ako.
"Dito na lang." Sabi ko at tinapik ang likod niya pagdating namin sa Mcdonalds. Bumaba ako at nakipag-fist bomb sa kanya. "Salamat ah? Ingat ka!" Huling sabi ko at naglakad na papunta sa sakayan.
Agad naman akong nakasakay dahil may nakatigil na Jeep at saktong dadaan iyon ng Taft. Pagkasakay, may naalala naman ako bigla. Isang linggo na pala nakalipas simula nung may nakasabay at nakatabi akong gwapo, isang linggo na nakalipas simula nung nagpa-uto ako sa gawa-gawang Jeepney Technique ni Kate. Kaasar, wala naman akong napala!
Buti pa siya, hanggang ngayon magkausap pa din sila nung katabi niya nung araw na iyon. Alam niyo feeling ko nga bakla yun eh, ayoko naman man-judge pero grabe lang, hindi man lang ba siya naging aware sa ginagawa ko?!
Ngayon, nahihiya na ako, hindi ko na ulit gagawin yun dahil it's a scam!
"Para po!" Sigaw ko, hindi sinasadya kaya tumingin sa akin lahat ng pasahero, akala ata nila galit ako.
Alanganin akong ngumiti at nag peace sign bago bumaba ng Jeep.
Puro mga nakakahiyang bagay na lang talaga yung nangyayari sa akin sa Jeep!
Naglakad na ako papasok sa Coffee Shop na pinagt-trabahuhan ko. Pag-pasok wala pa naman masyadong customer dahil maaga pa at walang pasok ngayon dahil linggo.
"I'm here!" Pagbigay alam ko sa mga ka-trabaho at kay Manager.
Tatlo lang pala kami ngayon, understandable naman dahil hindi masyadong matao tuwing linggo.
Nagtali na ako ng buhok at kinuha ang apron ko, nagkasalubong pa kami ni Manager nang papunta ako sa loob ng workspace.
"Kamusta puday ng Ate mo? Nanganak na ba?" Tanong niya sa akin.
Natawa naman ako sa sinabi niya, puday talaga? Funny talaga 'to si Manager sometimes eh.
Umiling ako. "Hindi pa naman po." Sagot ko sakanya at nag-handa na para mag-trabaho.
Gaya ng inaasahan, magaan ang trabaho namin ngayon dahil wala naman masyadong tao. Nakapag-kape pa nga ako habang naghihintay ng mga orders eh.
"April! Orders!" Sigaw ni Manager kaya tumayo ako kaagad dala dala ang kape ko at bumalik sa workplace ko.
Tinignan ko kung ano ang order at agad ginawa. Nang matapos kong gawin ang coffee nilagay ko agad yun sa tray at sunod na kumuha ng isang glazed donut to complete the order. Pagtapos kong malagay lahat sa tray at i-check for the second time kung may kulang pa ba, pinindot ko na ang bell at sinigaw ang pangalan na nakalagay sa cup.
"TJ!!" Sigaw ko.
May kumalabit sa akin sa likod at si Paolo yun, ang nagcacashier. "Gawin mo na yung ibang orders, ako na bahala dito." Sabi niya sa akin.
Edi tumango na lang ako at tumalikod para gawin pa ang ibang mga orders. I really enjoy doing this, akala ko nung una mahihirapan ako dahil ang daming formula!Daig pa ang math! Pero katagalan namememorize ko na din sila hanggang sa dirediretso na ang gawa ko. Wala pa, wala pang ni isang customer ang nagreklamo tungkol sa mga drinks nila kapag ako ang gumagawa, wala pa talaga!
"April, may nagrereklamo sa dark roast coffee na ginawa mo." Biglang litaw ni Paolo sa tabi ko.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Anong may nagrereklamo?! Aba hindi pwede yan!
"Bakit? Bakit daw?" Tanong ko sakanya.
Tinaas niya ang dalawang balikat niya. "Ewan ko, sabi lang sakin, can I talk to your barista for a second?, ayun ang sabi." Sabi ni Paolo sa akin at ginaya pa ang paraan kung paano sinabi sakanya ng customer ang salitang yun.
Lalong kumunot ang noo ko at binatukan si Paolo. "Siraulo, wala naman sinabing nagrereklamo siya!" Singhal ko sa kanya dahil iba ang sinasabi niya sa akin.
Kumunot din ang noo niya. "Wala ba?" Hindi niya siguradong tanong sa sarili.
Minsan iniisip ko nababaliw na 'to si Paolo eh, wala kasi siya lagi sa sarili niyang isip! Daig pa may amats, lumilipad ang isip!
Inirapan ko siya at tinalikuran nalang. "Tapusin mo 'to, pupuntahan ko lang yun." Sabi ko sakanya at lumabas sa workspace.
Parang tanga, anong reklamo ang gagawin niya eh I did it perfectly like me! Baka naman na-elibs lang dahil sa lasa kaya gusto akong makausap? Haha nako, madalas talaga mangyari ang ganito.
Nalimutan ko namang hingin ang pangalan kaya nag base nalang ako sa inorder niya, nang makita ko ang table kung saan nakalapag ang pamilyar na order doon ako lumapit.
May nakaupong lalaki, nakatalikod sa akin dahil naka-harap siya sa bintana at nagbabasa ng libro na hindi ko alam kung tungkol saan. May naamoy naman ako bigla na pamilyar na amoy ng pabango, ang bango..
But anyways. "Sir? I did your order? Is there anything wrong?" Tanong ko in english dahil kinausap niya din sa Paolo in English.
Mukang narinig niya at dahil binaba niya ang libro at sinara bago ilapag sa table. Umusog ako ng kaunti sa kanan niya para makita siya kahit paano.
"Yes, there is." Sagot niya sa akin at nagulat pa ako bahagya dahil sa baritong boses niya.
Pero ano daw?! There is? There is a problem?! At ano naman yun aber?!
"What is it, Sir? I did your coffee with all the passion I have in my heart.. So ano pong problema?" Tanong ko sakanya.
Nilingon niya ako at inangat ang tingin sa akin. Nang magtama ang mga mata namin nagulat ako dahil nakita ko na siya, nakita ko na siya!
Si Mr. Right! Ang icing sa ibabaw ng cupcake ko!
"I said, maple syrup, not honey." Seryosong sabi niya sa akin.
Natulala pa ako ng bahagya dahil hindi ko akalain na makikita ko siya dito. Yung lalaki sa Jeep! Ito siya! Andito siya sa harap ko at nagrereklamo tungkol sa kapeng ginawa ko para sakanya!
"Yes, honey?.." Wala sa sarili kong sabi.
Huli na nang marealize ko dahil nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sa akin.
Ano ba yan! Ang lala talaga ng epekto ng mga gwapo!
"Honey.. opo! Honey yung nilagay ko kasi ayun ang nakalagay sa order sheet." Sagot ko sakanya.
Grabe, ngayon nakita ko siya ng buo, hindi lang ang side view niya. Isa lang ang masasabi ko, he's my best view, agad-agad!
Hindi siya kaputian, ang perfect din ng hugis ng muka niya, malapad ang mga braso kahit nakasuot lang siya ng beige shirt. Sobrang attractive pa din.
Sana all.
"No, I said maple syrup." Sabi niya sa akin.
Teka nga, bakit sa akin siya nagrereklamo eh ako lang naman ang gumagawa ng orders, dapat kay Paolo siya nagreklamo dahil siya ang kumuha ng order! Kaloka, buti nalang gwapo ka.
Ngumiti ako. "Ah ganon po ba? Hehe, baka hindi nalagay ni Paolo sa order sheet. Sorry in behalf, Sir. Gusto niyo po ba na palitan ko nalang?" Sweet-girl kong sabi.
Umiling siya sa akin at muling kinuha ang libro sa lamesa para mag-basa. "No need, just try to improve your service next time." Walang-emosyon niyang sabi.
Wow, nagbabasa lang siya pero grabe yung dating! Pag ako nagbabasa lukot pa ang muka dahil hindi ko maintindihan ang binabasa ko eh, charot.
"I insist! On my account, Sir." Sabi ko at kinuha ang Coffee niya at mabilis na naglakad pabalik sa workspace ko.
Okay lang, 'di naman 'to masakit sa bulsa.
Muli kong ginawa ang Coffee niya at siniguradong maple syrup na ang ilalagay as a sweetener, 2% lang dahil medyo matamis na ang glazed donut na inorder niya.
Ang considerate ko diba? Wife me na!
Nang madaanan ko si Paolo pinanlakihan ko siya ng mata. "Ayusin mo trabaho mo." Sermon ko sakanya at naglakad na pabalik sa gwapong lalaki kanina.
Sinilip ko muna ang pangalan sa cup. So, siya pala si TJ? Ano kayang meaning? Ang hirap naman i-search non sa f*******: kung TJ lang.
"Sir, TJ? Here's your dark roast coffee with 2% maple syrup." Nakangiting sabi ko at nilapag ang Coffee niya.
Tumayo lang ako habang yakapyakap ang tray at hinahantay siyang galawin yun.
Alam kong narinig niya ako eh, hindi naman siya naka earphones, pero bakit hindi sumasagot?
Sungit ha?
"Sirr, your coffee po.." Muli kong sabi para maagaw ang atensyon niya.
Ngayon pa lang nagseselos na ako sa libro niya ha.
Narinig ko ang pag-buntong hininga niya pero nanatili pa din siyang nagbabasa. Ayaw talaga mamansin?
"Sir—," Muli ko sana siyang tatawagin pero pinutol niya na ako.
"Okay, I got it." Sabi niya at sinarado ang libro.
Ay narinig naman pala ako, kala ko hindi eh hehe.
Nilapag niya ang libro sa table at kinuha ang coffee niya. Nakaabang lang ako dito na inumin niya ang kape niya hanggang sa tinignan niya ako kaya ngumiti ako.
"What? You're gonna watch me drink my coffee?" Masungit niyang tanong sa akin.
Muli akong ngumiti at tumingin sa paligid, wala pa namang customers so wala pang mga orders, baka pwede naman akong makipag-kwentuhan sakanya? Kung ayaw niya, wala siyang magagawa dahil nakaupo na ako sa katapat na upuan.
"Pwede po ba?" Tanong ko sakanya kaya kumunot ang noo niya. Natawa naman ako. "Joke lang, can I sit here for a while? Nakakapagod mag-trabaho eh." Sunod kong sabi sakanya.
Wag na siyang humindi, para naman worth it ang pag-libre ko sakanya ng isang coffee no!
Kunot-noo niya lang akong tinignan at umiling ng bahagya bago inumin ang kape niya. Siguro na weweirduhan na 'to sa akin, kung last time mission failed, sana naman ngayon mission success na! Kahit pangalan lang oh.
Matapos niyang uminom sa kape niya inabangan ko ang reaksyon niya, baka may side comment pa siya eh. Pero wala, kinuha niya na lang ulit ang libro niya at muling nagbasa.
Napansin ko naman na isang novel pala ni Nicholas Sparks ang binabasa niya na ang pamagat ay A Bend In The Road. Meron din akong mga libro ni Nicholas Sparks dahil mahilig din ako magbasa, hindi lang halata.
"Wow, Nicholas Sparks, nice taste ha?" Sabi ko dahil napansin ang librong binabasa niya. Sinulyapan niya lang ako at hindi sinagot. "Isa din siya sa favorite author ko, favorite ko syempre yung classics niya like, A Walk To Remember, The Notebook, The Guardian and all that..."
Bumuntong hininga ako nang maalala ang ilan sa mga senaryo sa mga story na nabasa ko. Iba talaga yung atake kapag tumatak sayo yung story na nabasa mo eh, akala mo nandon ka mismo sa story dahil dama mo yung mga emosyon and I think that's one of the reason kung bakit isang magaling na manunulat din si Nicholas Sparks.
"You read those?" Nagulat ako dahil sinagot niya ako.
Tumingin ako sa kanya na nakatingin din sa akin. Agad akong tumango. "Hmm.. Ikaw mahilig ka mag-basa 'no?" Tanong ko sakanya.
Tumango siya at binalik na ang tingin sa libro. Ok, feeling ko tadhana na 'to dahil pareho kaming mahilig magbasa, ang dami naming similarities diba?! Mygod.
"Kamusta pala yung coffee?" Tanong ko sakanya.
Basta may mapag-usapan lang, baka itanong ko na din kung anong kulay ng brief niya ngayon.
"Good." Maikling sagot niya.
Matamis akong ngumiti dahil sa sagot niya. "I know right?!" Sagot ko at natawa. "Can you rate it from 9-10?" Tanong ko.
Tumingin siya sa akin, nagtataka. Sino ba namang hindi? Matinong rating ba ang 9-10? Minsan narcissistic talaga ako eh.
"Jokee! 1-10 lang." Bawi ko at tumawa.
"April!" Biglang tawag sa akin ni Manager.
Nanlaki ang mata ko at tumayo kaagad. Hala, nagttrabaho nga pala ako! Badtrip naman, hindi pa nga sumasagot eh!
Nagaalangan naman akong umalis, hindi pa kasi niya ako sinasagot! Kaso trabaho ko 'to eh, mapapasahod ba ako ng kagwapuhan niya?
Hay nako!
"Sir, mauna na ako ha? Enjoy reading!" Paalam ko sakanya at mabilis na naglakad pabalik dahil pinanlalakihan na ako ni Manager ng mata.
Nakayuko ko siyang nilagpasan, baka hampasin ako eh. Bumalik na ako sa trabaho, mas inspired! Nagpatuloy ako sa pag-gawa ng mga orders, minsan sa cashier at minsan naglilinis ng table kaya tamang sulyap lang ako sakanya habang nagbabasa siya ng libro.
"Palinis nung table 14, April. Sabi sa akin ni Paolo.
Tumango na lang ako at kumuha ng tray. Nilinis ko ang table 14, table kung saan naka-upo ang Mr. Right ko, hindi ko napansing umalis na siya hindi man lang ako nakapag-paalam.
Nilagay ko sa tray ang platito at ang lalagyan ng kape niya na naubos na. Hindi pa naman ako baliw para kunin 'to at iuwi dahil nainuman niya na, hindi pa ako ganon ka baliw. Nang pupunasan ko na ang table, may napansin akong dilaw na sticky notes sa sandalan ng upuan. Kumunot ang noo ko at kinuha yun.
8/10