Chapter 5

2145 Words
  "Hoy bakla pang isang taon damit naman na ‘yan!" sigaw ni Eduardo sa kanya. Nasa bahay sila Katrina at inaayos niya ang mga damit na dadalhin. Pinayagan naman siya ng lola niya lalo’t nag-aalala ito baka kapag umuwi pa siya ay mapahamak siya. Kakausapin nalang niya ang kapitbahay nila na bantayan ang lola niya kahit papaano naman ay kampante siya lalo’t kilala naman sila rito sa kanila. "Hoy bakla shampoo tsaka sabon magdadala pa ba ako?" tanong niya sa kaibigan. "Anong akala mo sa ‘kin? Poor?! Walang sabon?! Pero sige kumuha ka na ng sa ‘yo. Wala pala sa bahay ‘di pa ako nakapag-grocery." Napairap naman siya sa hangin  dahil sa sinabi nito. Kinuha nalang niya lahat ng personal na gamit niya. "Bakla pakibilis, ‘no!? Gabi na! Baka pagsamantalahan ako kawawa naman birhen kong katawan,” naiinip na sabi nito sa kanya. Pero sa iba siya naintriga ng bongga. "Birhen ka pa?" natatawa niyang tanong dito. Masama naman itong napatingin sa kanya at napangisi. "Ikaw ba birhen ka pa?" nakangisi nitong tanong sa kanya. "110% birhen ito bakla ka ng taon," natatawa niyang sabi. "Hmm ako 50'50? Birhen sa katawan, laspag sa isipan," maarte nitong sabi sa kanya. Nagtawanan naman silang dalawa. Dahil sa kalokohan na naisip nilang magkaibigan. Masaya siyang hindi basta-bastang bakla si Eduardo. Nang nakapaghanda na siya ay tumayo siya at pinabuhat kay Eduardo ang bag pack niya. Reklamo naman ito ng reklamo pero hindi niya pinansin dahil nag-iinarte na naman ito. Anong pakinabang ng lalaki niyang katawan kung hindi gagamitin. Naririnig niya pa rin ang pabulong-bulong nito tungkol sa pang-iinsulto sa kanya. Hindi niya ito pinansin hanggang sa makasakay sila sa taxi. "Hoy barka ikaw magbabayad dito ah," sabi niya sa kaibigan. Masama naman itong tumingin sa kanya. Ramdam niya ang titig nito sa kanya bago sumigaw na naman. Rinding-rindi na siya sa boses ng lalaking ito. "Libre na nga pagkain mo pati pamasahe? Ano ito burautan?" hindi makapaniwala nitong tanong sa kanya. "Ipababa mo nalang pala ako d’yan oh sa tabi, ‘di naman pala libre ang pamasahe ko," sabi niya dahil sobrang kuripot talaga siya. Napailing-iling naman ito. Eduardo really understands her attitude. "Oo na, suko na ako… ako na ang magbabayad. Alam ko namang sinasakal mo ang pera mo. Mangkokotong," sabi nito sa kanya at hindi na siya pinansin. Katrina laughed out loud. Natatawa naman siyang niyakap ang kaibigan ng sobrang higpit. "Galanteng-galante tayo ngayon ah… ito naman, ililibre kita sa sweldo ko ‘wag kang mag-alala." "Ililibre mo ako d’yan sa lugawan malapit sa apartment mo ‘yong mumurahin na lugawan sa lugar niyo. Minsan masama pa sa loob mo tapos walang karne kaya mas mapapamura," puno ng pait na sabi nito. Talagang kitang-kita sa nakataas nitong kilay na talagang naiinis ito sa kanya. "Hoy grabe ka namang bakla ka. Bali 75 naman ‘yon kasi ‘di ba ‘yong softdrinks tapos candies," tumatawa niyang sabi. Lugaw lang kasi ang isinama nito sa binabayaran niya. Hindi naman tama ‘yon. "Grabe hiyang-hiya ako sa 75 na ginagastos mo sa akin samantalang ako halos araw-araw kang may libre sa akin kapag jumajaman ako," nagtatampo nitong sabi. "Hayaan mo ‘pag nanalo ako sa lotto. Tiba-tiba ka sa akin." "Bakla… hindi ka nagtataya sa lotto kaya imposibleng manalo ka." Tumawa naman siya ng malakas at niyakap ng mahigpit na mahigpit ang kaibigan. She is very lucky because she has a friend like Eduardo. "I love you bakla. ‘Wag kang magtampo para kang bisugo," sabi niya at tumawa ng malakas. Magaan na magaan talaga ang loob niya basta kasama niya si Eduardo, huwag lang talaga siyang aasarin nito. Tumawa rin naman ito agad. Hindi din siya matitiis ng baklang ito. Masyado nang malalim ang pinagsamahan nilang dalawa. Nang makarating sila sa lugar kung saan ang bahay nila Eduardo ay agad siyang nag-text sa lola niya na mag-iingat ito at kapag may maging problema sa bahay nila ay tawagan siya agad. Sa lugar nila Eduardo katulad sa kanila ay makikita mo agad ang mga tambay at nag-iinuman sa tabi. Minsan nga napagtri-tripan si Eduardo pero hindi naman pumapatol si bakla at maganda itong kapitbahay, ‘yon ang importante. Nakita niya agad ang ina ni Eduardo sa labas ng bahay ni Eduardo na konting pitik nalang ay tutumba na. Hindi niya nga alam kung bakit natitiis ng kaibigan na manirahan sa hindi ligtas na lugar kaysa makasama siya at ang lola niya sa iisang bahay.   "Inang!" masayang sigaw niya at halata namang narinig siya nito dahil napatingin ito sa kanya at kumaway. Mabilis naman siyang naglakad papalapit sa ina ni Eduardo dahil matagal na nang huli itong dumalaw sa bahay ni Eduardo at niyakap ito ng mahigpit. Siguro kahit papaano ay napaparamdam nito kung paano maramdaman ang yakap ng isang ina. Naalala na naman niya ang mama niya. Kamusta na kaya ito sa pinili nitong lalaki? Iniwan siya nito na para bang isa siyang bagay at hindi na kailangan. May mga anak na siguro ang ina niya. Hindi na nga niya alam ang pakiramdam ng yakap nito dahil trese palang siya ay iniwan na siya na para bang hindi siya nagmula rito. Nasasabik na siya sa yakap ng totoo niyang ina at ama. Pero masyadong malaki ang tampo niya rito. Ang ugat ng galit niya ay masyado nang malago. "Katkat ang ganda ganda mo," nanggigigil na sabi ni Inang at kinurot ang medyo maumbok niyang mga pisngi. Sumigaw naman ang panira niyang kaibigan kasi ito ang pinagbuhat niya sa mga gamit niya. Uuwi naman siya bukas pero baka tanghali na dahil talagang hindi siya pakakawalan ng ina ni Eduardo. Meron pa pala siyang dalang pang-isahang manipis na hihigaan. Baka wala kasi kila Eduardo. Medyo makalat pa naman ito at hindi masyadong mahilig bumili ng kagamitan dito sa bahay nito. "Inang! Panget ‘yan! Tignan niyo naman ang ganda ko! Pinagbuhat lang ako ng babaeng bruha na ‘yan! Siya na nga ang makikitulog akala mo tatagal naman ng isang linggo rito sa bahay. Nakakainis! Gugutumin ko’ yan! Legit!" maarteng sigaw ni Eduardo kaya hindi niya napigilan na malakas na tumawa. Naiiling naman siyang nakayakap pa rin kay Inang. Minsan lang kasi ito dumalaw kaya susulitin na niya. Laging si Eduardo ang umuuwi sa probinsiya nila kapag pinayagan ng amo nila samantalang siya naman ‘pag bakasyon ay ginugugol niya sa paghahanap ng pagkakakitaang iba katulad nalang ng pagbebenta ng kung ano-anong makakain lalo’t maraming tao sa kanila. Gusto niyang makaipon ‘no! Para sa lola niya. Kaya gusto niya talagang makaipon dahil sa lola niyang hindi naman bumabata. Hindi pwedeng mamatay ito na naghihirap kung may magagawa naman siya. "Iayos mo ‘yong tutulugan ni Katkat ah. Nakakahiya sa kanya. Tsaka bagay ‘yan sa ‘yo. Bakit kasi hindi ka nalang naging lalaki talaga?" tanong ni Inang kaya natawa siya. “Inang ako ang anak mo ipapaalala ko lang sa ‘yo. Oo, wala akong kipay pero pusong babae ako!” nasasaktan na sabi ng kaibigan niya kaya hindi niya napigilan na ilabas ang dili para asarin ito. “Tanggapin mo nalang ang katotohanang kapag meron ako, sampid ka sa pamilya. Pati si Tatang ako ang mahal.” Tinutukoy niya ang tatay ni Eduardo na hindi sumama dito. Siguro hindi nito maiwan ang mga alaga nitong manok, baka at baboy sa bahay nila sa probinsiya. Minsan na rin kasi siyang nakadalaw noon sa lugar nila Eduardo kaya alam na alam niya. Ito ang pamilyang hindi siya naging iba pati na rin ang lola niya. “Katkat bakit pala hindi mo sinama si Nanang Eva?” tanong ni Inang sa kanya. “Naku hindi niya maiwan ang bahay at tsaka uwian ko nalang daw siya ng handa, mukhang may bisita,” nakangiting sabi niya. “Parehas sila ng Tatang mo, hindi maiwan ang mga tunay niyang anak sa probinsiya,” makahulugang sabi ni Inang. Ang tunay na anak na tinutukoy nito ay ang mga alaga nitong hayop. “Matagal naman ako rito sa Manila. Dadalawin ko nalang si Nanang Eva para mamasyal.” Nagpapasalamat talaga siya sa mga magulang ng kaibigan dahil kahit papaano ay may ibang taong nagpapahalaga sa kanilang dalawa ng lola niya. “Salamat Inang,” madamdaming sabi niya. “You’re welcome, Katkat,” she said softly to her. Hindi na nila pinansin si Eduardo na talagang kanina pa nagrereklamo. Inakay na siya papasok sa bahay ni Eduardo at meron ngang mga handa. “Ipag-uwi mo ng pagkain ang lola mo bukas ah, buti at may refrigerator naman ang bakla kong anak,” sabi nito kaya tumango siya. “Si Emitt ba hindi pupunta Eduardo?” Natigilan si Katrina nang marinig niya ang sinabi ng ina ni Eduardo kaya napatingin siya sa kaibigan. “Inaya ko siya Inang, alam mo naman na kahit papaano ay malapit ka talaga sa mga kaibigan ko,” sabi ni Eduardo na naibaba na ang mga gamit niya. “Pupunta ba ang batang ‘yon. At syempre pinapahalagahan ko ang mga kaibigan mo kasi binabantayan ka nila dito, ikaw pa… ang panget mong kaibiganin. Ang ingay-ingat mo.” Sobra siyang natawa dahil talagang kawawa ang kaibigan niya sa ina nito. “Hindi ko alam kung anak mo ba talaga ako… nasasaktan ako sa mga pinagsasabi mo dahi  — aray ko naman Inang!” Bigla nalang kasing sinampal ni Inang si Eduardo. “Ako’y tigilan mo Eduardo ah. Babangasan ko ‘yang bibig mo.” Napailing nalang siya pero hindi nawala ang mga ngiti sa mga labi niya. “Dapat lang talaga na pabantayan mo si Eduardo, Inang. Ang landi po ng anak niyo,” tumatawang sabi niya. “Hoy babae ka! Huwag mo akong siraan sa nanay ko ah, nasa pamamahay kita.” “Pamamahay mo? Anak ko rin si Katkat, Eduardo ah,” sabi ni Inang. Nanlambot ang puso niya dahil sa sinabi nito. Masyado siyang pinapahalagahan ng mga taong hindi naman niya kadugo. “Inang…” nakabusangot na tawag ni Eduardo sa ina. “Mga anak ko kayo kaya sinasabi ko, protektahan niyo ang isa’t isa,” madamdamin na sabi nito kaya napangiti nalang siya. Nagkatinginan siya ni Eduardo. “Kineme ng aking ina.” Natawa nalang siya tatayo na sana nang may kumatok sa pinto. “Good afternoon.” Bumilis bigla ang t***k ng puso niya nang marinig ang baritonong boses ng lalaking matagal na niyang sinisinta. “Emitt, anak!” nakangiting sinalubong nito ng yakap ang kadarating lang na si Emitt. “Oh, kayong dalawa lang ang inimbita ni Eduardo?” tanong nito at pinanghila ng upuan si Emitt. Nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa kaya nginitian niya ito. Hindi siya umaasa na ngingitian siya pabalik ni Emitt kaya gano’n nalang ang pagtibok ng puso niya ng mabilis nang ngitian rin siya ng binata. “Kumain na kayo, kanina ko pa naluto ang mga ‘yan at mainit pa naman. Aba, kain na.” Tumayo naman na siya dahil talagang matagal na niyang hinihintay ang muli niyang pagtikim sa mga luto ng ina ni Eduardo.   Kukuha na sana siya ng baso nang magsalubong ang mga kamay nila ni Emitt dahil parehas siyang hindi nakatingin sa kukunin na baso. Tila libo-libong boltahe ng kuryente ang tumama sa kanya dahil dito. Ang bilis ng t***k ng puso niya.   “Sorry,” sabay nilang sabi nila ni Emitt. “Mabuhay ang bagong kasal!” sigaw ni Eduardo kaya napatingin siya dito na may kagat-kagat pang shanghai. Masama niya itong tinignan dahil baka makahalata si Emitt. Minsan talaga bobo rin ang kaibigan niya. “Aba, oo nga! Anong plano niyo?” tanong bigla ni Inang kaya nagkatinginan sila ni Emitt. May dala ito plato na puno ng pancit na luto ni Inang. “Malapit na kayong maiwan ng jeep. Wala ba kayong planong mag-asawa? Kayong tatlo?” “Ako, wala Inang. Wala akong balak. Nakapako na ang mga paa ko sa inyo ni Tatang. Tinanggap ko na ang kapalaran ng magandang katulad ko na hindi makakahanap ng magiging kabiyak,” madamdamin na sabi ng kaibigan niya pero nakakatawa kasi ang itsura nito kaya hindi niya alam kung tatawa siya o hindi. “Ikaw Katkat? Bakit hindi nalang kayo ni Emitt ang magpakasal? Bagay na bagay naman kayong dalawa,” kinikilig pa na sabi nito. Pati naman siya kinikilig dahil matagal na niyang pinagdadasal ‘yon. Magsasalita na sana siya nang marinig niyang tumawa si Emitt bago umupo sa tabi ni Inang. “May nobya na ako Inang. Baka siya na rin ang pakasalan ko, hindi ko alam. Nag-iipon pa ako,” sabi nito at pasimpleng tumingin sa kanya. Unti-unti na namang nalaglag ang puso niyang nabasag. “Opss! Halika sa labas Katkat. Bili tayong softdrinks,” sabi ni Eduardo at hinila siya papalabas. Alam niya kasing tutulo ang mga luha mula sa mga mata niya.   ‘Nasaktan na naman ako.’  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD