"Sigurado kang hindi ka na magpapasundo sa akin?" tanong sa kanya ni Dak nang makababa siya sa motorbike nito. "H-hindi na, magpahinga ka na lang sa bahay. Hindi ka pa naman magaling masyado at baka mabinat ka." Hindi niya alam kung paano pakikisamahan si Dak ngayon at 'yon ang totoo. Pabigla-bigla kasi ito. Matapos nitong sabihin mula sa bibig nito ang totoong nararamdaman sa kanya ay nawalan siya ng kakapalan ng mukha sa harapan ng binata. Ni hindi niya nga kayang makipag-asaran Kay Dak katulad nang ginagawa niya kapag sinimulan ni Dak na asarin siya. Nawala ang tamang niya dahil sa binata. "M-may gusto ka sa akin?" gulat na tanong niya. Tila nakalimutan na nga niya ang kaibigan niyang si Eduardo na nakikinig lang sa kanilang dalawa ni Dak. Pabigla-bigla naman kasi si Dak at E

