"Sabihin mo sa akin na nagsisinungaling ka lang!" sigaw niya sa Mama niya. Hindi na siya nahiya kahit na maraming tao sa paligid nila. Hindi niya na nga rin naalala si Fiona na hawak-hawak lang ng Mama niya ngayon. Hindi niya lang talaga natanggap ang sinabi ng Ina. Oo nga't malaki ang tampo niya sa mga magulang niya pero hindi niya pa rin naman maatim na ganito ang magiging buhay ng mga ito. Ang tanging nasa isip lang ni Katrina ay ang Ama niyang sinasabi ng Ina na nakakulong. Ito ang gusto niyang isipin para naman meron siyang panumbat sa sarili dahil nga tila kinalimutan siya ng Ama niya. 'Yon naman ang totoo. Hindi man lang siya nito dinalaw kahit na minsan. Sa nakalipas na mahabang panahon ay unti-unti na lang niyang tinatanggap na kinalimutan nga siya ng ama. It's true that

