Chapter Six

1179 Words
Nakatunganga lang ako buong klase. Walang pumapasok sa utak ko. Sana pala hindi nalang ako pumasok kung ganito din mangyayari sa akin. Para lang din akong nag-cutting classes. "Okay ka lang ba? Kanina pa iyan." tinignan ko si Gail at umiling iling. Pasalamat ako at wala buong maghapon si Dustine. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag nagkataon. Hindi ko rin alam kung nasaan siya at wala kong pakialam. "Alam ko naman iniisip mo na naman siya. Hindi mo na siya matatakasan kaya kung ako sa iyo i-enjoy mo nalang, yummy naman di 'ba" sinamaan ko siya ng tingin. "Tumigil tigil ka nga diyan, Gail. Mandiri ka nga sa sinasabi mo!" sabi ko at inirapan pa siya. "Sus kung makaasta 'to akala mo walang ginagawang hmmmmmm. Umamin na kasi 'diba sexy? May burning abs pa—" "Gail hindi ka na nakakatulong!" inis na sabi ko sa kaniya. Tumayo ako at iniwan ko na siya doon. Wala na ako sa huwisyo kaya umuwi na lamang ako. Hindi lang din naman ako makapag-concentrate. "Ang aga mo ata?" bungad ni Mommy habang nagdidilig sa kaniyang mga halaman. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Medyo masama ang pakiramdam ko, My" palusot ko. Agad namang lumapit si Mommy sa akin at tinignan ang katawan ko. Idinampi niya ang palad sa noo ko pati na leeg ko. "Hindi ka naman mainit? Sige, magpahinga ka na dadalhan kita ng pagkain maya maya" tumango lang ako at saka umakyat na sa kwarto ko. Itinulog ko nalang ang lahat ng iniisip ko. Masyado na kasing magulo. Hindi ko alarm kung among gagawin ko. Pagkagising ko, nagulat ako nang medyo sumikip ang higaan ko. Di ko pa kasi dinidilat ang mata ko dahil paniguradong malabo din. Kinapa ko ang bago kong salamin sa side table at isinuot saka ko palang binuksan ang mata ko. Kumunot ang noo ko ng makita ang apat kong kapatid na lalaki na natutulog sa tabi ko. Si Kuya Uno at Dos ang nasa magkabilang gilid ko habang si Kuya Tres at Fourth ay nagkasya nalang sa sofa. Napakamot ako sa noo ko. Nakalimutan ko na kapag pala may sakit ako ay sila ang nagaalaga sa akin. Pati tuloy sila nadamay sa peke kong sakit. "Babe? Kamusta pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Kuya Tres na agad na nagpunta sa tabi ko at chineck ang noo ko. "Ayos lang ako, Kuya" sabi ko at nginitian siya. "May masakit ba sa iyo?" "Anong gusto mong kainin?" "Gusto mo ba ipagluto kita at hatid nalang dito?" Kung ano-ano pa ang lumalabas sa bibig nila kaya naman pumalakpak ako. Iyon ang ginagawa ko kapag napapraning na ang mga kapatid ko. "Mga Kuya, ok na ako. Promise!" sabi ko. "Mabuti naman. 'Di ka pwedeng magkasakit dahil mafefeature ang family natin sa isang family magazine." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya Dos. "Kuya—" "What? I don't want to hear any excuses, Fifth." Kuya Uno said with his authoritative voice. I pouted. I don't want to be part of it. Pakiramdam ko minsan ay hindi ako belong. Alam kong mahal na mahal ako ng mga magulang ko at maging ng mga kapatid ko pero minsan, mas maganda iyong hindi ka kilala ng tao. Minsan pakiramdam ko ay nakukuha ko lamang ang mga bagay dahil alam nilang Dela Marcel ako. That surname alone has its perks. "Kuya andiyan na ata ang bisita ni Dad? Iyong bagong investore?" sabi ni Kuya Fourth na nakatingin sa may window ko. "Kiella, get dressed. We just checked if you are ok bago mag-prepare." I sighed before nodding my head. They already know that I am ok. I don't have any other excuse. Naligo lang ako saglit at kumuha ng pink na off shoulder floral dress kaya labas na labas ang tattoo ko. Tinernuhan ko ng puting doll shoes. Sinuklay ko ang buhok ko pagkatapos kong i-blower. Patapos na ako ng pumasok na naan ang mga kapatid ko. "Ready?" I nodded. Inakbayan ako ni Kuya Uno habang pababa kami sa hagdan at hawak naman ni Kuya Fourth ang kamay ko at inilagay sa bulsa niya. Ganiyan sila tuwing kasama ako o kung alam nilang may lalaking tumitingin sa akin. Nasa likod ko pa ang dalawa kong kapatid. Perks of having a brother? Possessive, eh? "Kuya dapat pinapalitan na iyang mga picture na iyan?" turo ko sa mga larawan ko na pagkalaki-laking nakadisplay sa living room ng bahay. Halos ata lahat ay sa akin. "No. I love looking at your pictures. Gusto ko nga ganiyan ka parin kabata para di ka pa maligawan." sabi ni Kuya Tres. Ipinagkibit balikat ko nalang ang sinabi niya. Pagkababa namin ng hagdan ay sinabi ng maid na maghintay na kami doon. At dahil ayaw ng mga kapatid ko ang naghihintay ay pinaglalaruan na naman nila ako. "Kuya tama na! Ayoko na!" sabi ko habang hinahawakan ang kamay ni Kuya Tres na kinikiliti ako. "Tama na, Tres" sabi ni Kuya Uno at hinaklit ako sa tabi niya. I looked at Kuya Tres at nag-belat sa kaniya. Iiling iling nalang siya sa bata kong attitude. Nakarinig kami ng ingay at ng nilingon ko iyon ay si Daddy ang una kong nakita. "Dad!" bati ko at kumawala kay Kuya Uno Para lumapit okay Daddy. Nitong mga nakaraan kasai ay sobrang busy nila. Ni hindi ko na siya nakikitang umuuwi. "Akala ko ba may sakit ang Prinsesa ko?" sabi ni Daddy tapos pinisil ang ilong ko. Bine-baby na naman ako ng Daddy ko. "May anak ka palang babae?" tanong ng medyo matanda na ring boss sa likuran ni Daddy. "Yes! Yes! Itong bunso ko kasi mahiyain. She doesn't like attention. I think that's a good idea Para hindi maligawan!" natatawang sabi ni Daddy at hinarap ako sa kanila. "Magandang gabi po. I am Kiella Fifth Dela Marcel." pagpapakilala ko sa asking sarili bago naglahad ng kamay kay Mr. Fajardo. "Well, she's very pretty." nahihiya along ngumiti. "Ano iyan, hija? Tattoo?" tanong ng asawa ni Mr. Fajardo. Nilingon ko ang balikat ko bago ngumiti at tumango. "Yes, Ma'am. It's a family tattoo. My brothers have this kind of tattoo somewhere on their bodies as a sign that we are a Dela Marcel. I designed mine..." Ngumiti rin sa Mrs. Fajardo at tumango. "That's unique!" "Yes, Lianne. Hindi mo alam kung anong kaba ang nararamdaman basta ilalabas sila ni Kristoffer." Mom shared the story of how we get our tattoos. I don't really know why Dad wanted us to have this tattoo. Basta isang hapon, nilabas niya si Kuya Uno at Kuya Dos for a Daddy time. Pagkauwi nila ay pinapasikat na nila ang marka na nakuha sa katawan. They talked about business during dinner. Tahimik lang akong nakamasid at nakikinig sa kanila. We were almost done when one of our maids showed up. Kasunod niya ang lalaking ayaw na ayaw kong makita. "Dustine! I'm glad you made it! Kristoffer, this is my unico hijo." "Good evening, Mr. Dela Marcel..." hindi ko na napakinggan ang mga sinabi niya dahil parang nagpapanting ang mga tainga ko. Hanggang dito ba naman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD