Hindi na ako makasunod sa mga sumunod na pangyayari. Dustine kept on looking at me. Minsan ay sobrang tagal pa ng mga titig niya. Nakakailang!
Ramdam na ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko. Paano kong hindi alam na siya ang anak ng bagong investore ng kumpanya namin? This is making me crazy! Sa mga naging sagutan namin noong nakaraan, hindi ko siya pwedeng pagkatiwalaan. Hindi niya ikinahihiya ang nangyari sa amin at alam kong kayang kaya niyang sabihin iyon dito.
Gusto ko ng lumubog mismo sa kinauupuan ko. Nanlalamig ako sa sobrang kaba! Gusto ko nalang matapos ang gabing ito.
"I know my sister is pretty so stop looking." kumurap ako ng ilang beses at natatangang napatingin kay Kuya Uno. "Kanina ka pa nakatitig. It's creeping me out."
Siryoso ang mga mata niyang nakatingin kay Dustine. Si Dustine naman ay nagawa pang ngumiti ng nakakaasar at tumingin sa akin! Pakiramdam ko talaga ay namumutla na ako sa mga nangyayari. Pwede ba akong mawalan ng malay? Please! Kung iyon lang ang paraan para makaalis sa sitwasyong ito.
"Uno!" sita ni Dad kay Kuya.
Si Kuya Uno ang pinaka-possessive sa lahat. Siguro dahil siya ang panganay. He wants to control everything. Siya rin ang pinaka-nakskatakot.
"Kanina pa siya nakatingin kay Kiella. I don't like how he looks at her." mas lumalim pa ang boses ni Kuya.
Mommy and tita Lianne tried to laugh at the situation saying na namamalikmata lang si Kuya but Kuya is so serious. May back-up pa siyang tatlo kaya alam kong hindi siya papatinag. Si Kuya Dos, Tres at Fourth ay susunod sa kahit anong sabihin ni Kuya.
"Relax. We know each other." ilang beses akong kumurap.
H'wag mong sabihing...
"How?"
"You know him, Kiella?" sumabay na rin ang mga kapatid ko.
"Boys..." pag-aawat ni Mommy sa kanila pero parang mga wala silang naririnig.
Nilingon ko si Dustine. He smirked. Nagmamakaawa ang tingin na ibinigay ko sa kaniya para h'wag na siyang magsalita. Napakalakas ng tambol ng aking puso. Alam kong kaonti na lamang ay mawawalan na ako ulirat.
Lumingon lingon ako sa magkabilang gilid ko at naghahanap ng paraan para makaalis ngunit wala dahil lahat sila ay sa amin nakatingin at nag-aabang ng sagot!
"Hindi mo sinabi kanina, hijo. Saan kayo nagkakilala ni Kiella?" tanong ni Tita Lianne.
Nanlalamig na sa kaba ang mga kamay ko. Ang lakas lakas naman ng t***k ng puso ko. Napalingon akong muli sa lalaking nasa harapan ngayon at nakatingin sa akin habang may mga ngiti sa labi niya.
I need to do something. Hindi pwedeng malaman ng mga kapatid ko ang nangyari sa amin dahil malalagot talaga ako at lalo na si Daddy. Hindi ko alam kung anong magagawa nila sa akin. It was just one night! Paanong napunta kami sa ganitong sitwasyon!
"Paano kayong nagkakilala? I know your not her friend." sabat ni Kuya Kairos.
"Saan kayo nagkakilala? Gail didn't mention about you?"
"Magkaklase kami..." parang nauubusana ng boses na sambit ko bago pa magsalita si Dustine. Inunahan ko na siya dahil hindi ko alam kung anong lalabas sa bibig niya.
Pinilig niya ang ulo niya. Namamangha sa sinagot ko. Bahala na talaga!
"Magkaklase pala kayo? So you are also taking Architecture, huh?" namamanghang sagot ni Tito.
"and we also..."
"He is also courting me. He said he likes me." sambit kong muli upang matigil si Dustine sa kung ano man ang sasabihin niya. "He was actually asking kung kailan kayo makikilala Kuya and Dad so he can formally introduce himself. I-I'm just not ready. I told him I'm not interested. I am focus on my career and I'm not interested. I said I'm not interested." hindi ko na alam kung anong mga pinagsasasabi ko. "I'm not, Kuya."
Ayaw ko lang na magsalita siya at lumabas sa labi niya ang mga bagay na itinatago ko. Pagkatapos kong magsalita ay narinig kong tumawa ang Daddy ko at ang Daddy niya. Akala ko ay maiinis siya sa sinabi ko pero may mga ngiti sa labi niya na para bang may binuksan akong hindi dapat.
"I think this merging will lead us to somewhere, Kristoffer!"
"Oh no! I'm not ready." Dad said before looking at Dustine. "Hijo, hindi pa ako handa. Don't get me wrong. It's not that I don't like you but she's just so precious. Prinsesa ko iyan at sabi nga niya ay hindi pa siya handa." si Dad.
"I can always prove my worth, Tito. She is indeed precious. That's why I chose her. I'll show you. I'm worthy of your princess..." muli akong kumurap ng ilang beses. Ano bang pinagsasabi niya?
"Worthy... tsk!" Kuya Dos.
"She said no so back off." Kuya Uno said again before giving Dustine dagger looks.
At ang loko! Hindi man lang nagpatinag!
"Enough boys! Kiella is old enough to choose who will and will not court her. How many times do I have to tell you that? Mind your manners lalo ka na Uno. Hindi ko kayo pinalaking ganiyan!" sabi ni Mommy na nagpatahimik sa kanila. "Dustine, you can always ask Kiella and if she said yes, then you have my blessing."
Magsasalita pa sana si Daddy pero pinatigil na sila ni Mommy. Sobrang thankful ko dahil sa ginawa ni Mom.
Bumalik na sa business ang usapan nila. Nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa stress na nararamdaman ko at isama mo pa si Dustine na nakikipag-sukatan ng tingin kila Kuya.
Alam kong kakausapin pa ako nila Kuya pagkatapos nito. Puminit ako ng mariin bago sumandal. Alam nila ang nangyari kay Chad. They didn't like him. Ayaw nila ang ugali niya at alam kong pinilit lang nila siyang pakisamahan dahil mahal ko siya.
Pinaglaban ko yung nararamdaman ko sa kaniya sa mga kapatid ko tapos ganito lang pala ang mangyayari sa amin.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nilingon ko si Kuya Fourth na katabi ko. Ngumiti siya sa akin ng marahan.
Gusto kong umiyak sa paraan ng pagngiti niya sa akin. Sa lahat sa amin, si Kuya Fourth ang pinaka-understanding at pinaka sweet. Siya rin talaga ang pinaka-kasundo ko. Siguro dahil magkasunod lang kami.
Nakahinga lang ako ng maluwag noong nasa kwarto na ako. Nagtanong pa sila Kuya kanina kung paano kami nagkakilala ni Dustine. Nasabi ko na magkaklase kami at transferee si Dustine. Mabuti na lang at napaniwala ko sila.