EPISODE- 7

1614 Words
Matias POV. NAG-AALAB ako sa matinding galit. Ginamit ko ang aking koneksyon at pera upang mapabilis ang imbestigasyon. Mananagot ang matandang dalagang ’yon kapag napatunayan kong may masamang nangyari kay Gladerious sa loob ng club na ’yon. Isang buwan lang ang bakasyon ko. Bago matapos iyon, kailangan malinaw na ang lahat. Sa tuwing binabalikan ko ang nangyari kanina, ang takot sa kanyang mga mata nang magpaputok ako ng bala kay Remedios, lalo akong naghihinala na may nangyaring hindi tama sa kanya habang wala ako. Tinungo ko ang kanyang silid kahit hatinggabi na, at kanina pa siya natutulog. Tahimik akong tumayo sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga. Nakasuot lamang siya ng pantulog. Malaya kong pinagmamasdan ang kanyang kabuuan. Hindi sinasadyang napatingin ako sa kanyang balikat na bahagyang nakalantad sa suot niyang sleeveless. Sa ilaw ng lampshade, aninag ko ang isang bahagyang pilat. At wala akong matandaan na may ganoon siya noon. Noong gabing natagpuan ko siya sa garahe ng aking bahay-bakasyunan… buong gabi ko siyang nakasama. Wala siyang suot noon, at malinaw sa akin na malinis ang kanyang balat. Wala kahit galos. Ang tanging sugat niya ay sa mga paa, na napag-alaman kong nakuha niya iyon sa pagtakas mula sa nakatatanda nitong kapatid. O tamang sabihin na adopted sister. Kaya paano nagkaroon ng pilat sa kanyang balikat? Kumuyom ang aking kamao. May panibagong hinala ang nabuo sa aking isipan. Gusto ko man siyang tanungin, pinili kong huwag… ayokong gambalain ang kanyang pahinga. Maingat kong dinampot ang kumot at inayos iyon sa kanyang katawan. Pagkatapos, hininaan ko ang ilaw ng lampshade at tahimik akong lumabas ng silid. Nakasalubong ko ang isa sa aking mga tauhan. “Master M, may naghahanap sayo.” “Sino daw?” “Si Ms. Zinia, may usapan daw kayo.” “Nasaan ang babaeng ‘yon?” ano kaya ang ginagawa niya dito? hindi talaga siya makapaghintay na tawagan ko. “Naroon sa living room.” “Sinabi mo ba na naririto ako?” “Opo, wala ka naman bilin bawal ipalaam kahit kanino na naririto ka.” Kakamot kamot na sagot ng tauhan ko. Hindi na ako sumagot, tinalikuran ko siya at naglakad na patungong mataas na hagdanan. Pagkababa ko ay nakita ko siyang mabilis na tumayo at sinalubong ako. Plano niya akong halikan kaya mabilis akong umiwas. “Bakit naririto ka sa ganitong oras?” seryoso ang boses na tanong ko. Umupo ako sa single chair, at mabilis na nag de kwatro, nakita kong plano niyang kumandong sa akin. “Hindi mo kasi ako tinawagan, samantalang nag-usap tayo last time na magkikita dito.” “Tama ka pero hindi ko sinabing pumunta ka dito sa bahay ko.” may diin ang pananalita ko. “Bakit ayaw mo akong pumunta dito, may tinatago ka ba ditong babae?” “Kailan ka pa nagkaroon ng Karapatan pakialaman ang pribado kong buhay?” “Nagtatanong lang naman ako… “Pwes! Hindi ko pinapayagan na alamin mo ang mga ginagawa ko.” “Bakit ganyan ka, kahit konti ba wala akong halaga sayo?” “Wala! Lahat ng kailangan mo naibigay ko na sayo, pera, karangyaan at kasikatan. Isa pa tapos na ako sayo, kaya hindi ka na dapat pumunta dito.” “You’re impossible! Kaya hanggang ngayon walang babaeng nagtyaga sayo! Ang sama talaga ng ugali mo, mukha ka lang anghel pero demonyo naman ang ugali!” “Makakaalis ka na,” at tumayo na ako saka siya tinalikuran. “May araw ka rin, tandaan mo ‘yan!” Hindi ko na siya pinansin, umakyat na ako sa aking silid. Pumasok sa banyo, tumapat sa shower at pakatapos ay bumabad sa tub. Masyadong maraming nangyari sa araw na ‘yon, mga taong hindi ko inaasahan makikita. Habang nakababad ako, muling pumasok sa aking isipan si Galderious, at ang totoong nangyari sa loob ng club na pinatrabahunan niya. Paulit ulit kong iniisip kung bakit nagawa ni Remedios ang bagay na 'yon kay Gladerious, samantalang matagal ng tapos ang aming usapan. Kundi pa nakaramdam ng antok hindi pa sana ako lalabas ng banyo. Tanging bathrobe ang suot ko at bago mahiga ay mabilis na hinubad iyon. Nahulog sa carpet, at agad akong nag-dive sa ibabaw ng kama. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas, gising pa rin ang kamalayan. Kaya dumapa ako at muling pinikit ang mga mata. “F*ck! Hindi mapigilan mapaamura, bakit ba hindi ako dalawin ng antok, kanina lang sa loob ng tub antok na antok ako. Ano ba ang nangyayari sa akin? Napansin ko simula ng bumalik ako mula sa US, may kakaiba talaga sa sarili ko. Hindi naman ako dating ganito noon. Mabilis na rin akong magalit kapag si Gladerious ang involve. Binuksan ko ang drawer at kumuha ng sleeping pills. Lately heto na naman ang pampatulog na ‘to na iniwasan ko noon, ngunit bumabalik na naman. Hindi ko alam kung bakit… dinampot ko ang water bottle na laging naroon sa bedside table. Ininom ko iyon at humiga na rin agad. Ilang minuto ang lumipas at tuluyan ng nakatulog. - Kinabukasan, nagising ako nang may tumatapik sa aking balikat. “Master M, gumising ka po narito ang iyong kakambal.” “Sinong kasama niya?” “Ang parents mo po yata.” “Ha?” napabalikwas ako ng bangon at nagmamadaling tumayo. “Hala, ano ba naman 'yan, ang aga-aga... bakit ka po nakahubad?” “’Wag mo na akong pansinin, maliligo muna ako pakihanda ang damit ko.” “Opo, Master M.” Tumakbo na ako sa loob ng banyo, hindi mawala sa isipan ko kung bakit naririto ang parents ko. Hindi ako nag-aalala kay Daddy pero si Mommy, kakaiba siya, lalo na at nakita niya si Gladerious. Siguradong katakot takot na paliwanag ang kailangan kong sabihin bago pa siya mapakalma. Tatlong minuto lang yata akong naligo at lumabas na rin agad. Nakita kong nasa ibabaw na ng kama ko ang mga isusuot ko. Mabuti na lang kabisado ni Gladerious ang mga damit kong isusuot. Tinawag ko siya habang nagbibihis ako ngunit wala na siya sa doon. Pagkabihis hindi na ako nag-abala pa na silipin ang kabuuan ko sa salamin. Lumabas na ako at halos tumakbo pababa ng mataas na hagdanan. “Dad, Mom, Magandang umaga, hindi kayo nagpasabi na darating.” Wika ko bago yumakap kay Daddy at saka humalik kay Mommy. “Bakit may tinatago ka dito na babae kaya nag-aalala ka kung bakit walang pasabi ay pumunta kami dito?” seryosong tanong ni Mommy. Kahit matanda na ako parang bata pa rin ang trato niya sa akin. Maraming paliwanag at maraming katanungan na dapat kong sagutin. “Wala akong tinatago, kung ano-anong iniisip mo, Mommy ko.” nakangiti kong sagot. “Sino yung dalagita na naririto kanina, yung magalang na batang sumalubong sa amin?” “Bata? Meron bang dalagita dito?” bahagyang napakunot noo ako. Narinig kong tumawa ang kakambal kong si Mateo. “Si Ms. Gladerious ang sinasabi ni Mommy.” “Ah, sabi kasi bata niya, twinty one na ang babaeng ‘yon, bakit pala biglaan yata ang punta nyo dito?” “Gusto ng mommy mo na mag-stay dito kahit isang linggo upang makasama ka raw namin. Nalaman niya na dalawang linggo na lang at babalik ka na sa US.” Paliwanag ni Daddy. Hindi ako naniniwala na iyon ang dahilan ni Mommy. Anytime pwede niya akong puntahan sa US kung talangang gusto niya akong makasama. May ibang motibo ang pagpunta nila dito, at dapat kong malaman. "Dad, Mom, mag-almusal po muna tayo.” Paanyaya ko sa kanila upang maiba ang topic. “Gusto ko magkape na lang muna,” sabi ni Daddy. “Ako rin, Kuya Kambal.” sagot naman ni Mateo. “Ikaw, po Mommy ko?” malambing kong tanong. “Tawagin mo si Ms. Gladi, gusto ko siyang makasabay kumain.” Hindi ako sumagot, nagkatinginan kaming tatlo ni Daddy at Mateo. Agad na umiling si Daddy, ganun din si Mateo, kaya napilitan akong ipatawag si Gladerious. Ano kaya ang sasabihin ni Mommy? alam ko kikilatisin niya si Gladi, ganyan siya kapag may babaeng involve sa akin o kahit kay Mateo noon. Simula pa ng naging teenager kami ni Mateo, lahat ng babaeng napapaugnay ay hindi nakakalampas sa kanya. Hindi naman kami tutol ni Mateo, ang katwiran namin kung saan masaya ang aming ina ay susuportahan pa namin. Kagaya ng gusto ni Daddy at Mateo, gumawa ako ng kape para sa aming tatlo. Kaya naman ng balikan ko sila hindi na ako nagtaka na abutan doon si Gladerious. Pero teka, bakit parang close agad sila ni Mommy? Kung titingnan sila parang matagal ng magkakilala. Tumikhim ako bago binaba ang tray na may tatlong tasang kape. Tahimik lang ako, inabot ko kay Daddy ang para sa kanya, ganun din kay Mateo, binaba ko sa harap niya ang black coffee. "Master M, dito ka na po sa upuan, katabi ni Ma'am Maggie." tumayo si Gladerious, ipinaubaya niya ang upuan sa akin. Hindi na rin siya magtatagal siguro para magkadoon ng privacy ang buong pamilya namin. "Maupo dyan, Hija, sumabay ka sa amin." pagtutol ni Mommy sa gagawing pag-alis ni Gladerious. "Naku, 'wag na po, Ma'am Maggie, hindi naman ako sanay mag-almusal." "Sigurado ka?" "Opo, maiwan ko muna kayo." "Sige, Hija, salamat." "Maraming salamat din po." at umalis na si Gladerious. Nang malayo na siya, bigla akong hinampas ni Mommy sa balikat. "Babae mo siya ano?" panghuhuli niya. "Mommy, kung ano-ano na lang ang naiisip mo, kahit hindi naman dapat." wika ko, sana lang mapaniwala ko si Mommy. "Tandaan mo, Matias, kahit matanda ka na, makikialam pa rin ako kung sino ang babaeng pakakasalan mo, huh!" Hindi na lang ako nangatwarian pa, baka mas lalo pang magalit ang aking ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD