Jeremy Tobias
"You shouldn't have meddled with that anak, you're out of your mind." Rinig kong sabi ng Mommy sa phone. We're currently talking sa phone dahil nasa Pasig siya, nakikilamay sa isang friend niyang namatayan, and to make it a perfect coincidence? Friend niya yung Nanay nila Cathy, si Miss Lanny Cruz.
Isang linggo ang nakalipas matapos ang premonition na nangyari sa amin ni Amber noon.
She is Jennifer Tobias, ang Nanay kong isang espiritista. At tulad nga niya, may kakayahan rin ako na makaramdam at minsan ay makakita ng mga bagay na hindi na dapat nandito sa mundong ito, mga multo.
Worst? Mga demonyo.
"Mom, I just wanted to help her family. Since nandiyan na rin naman kayo sa Pasig, why don't you try to help th—"
"No!" Pagputol ng Mommy sa sasabihin ko, dahilan para muli akong mapabuntong-hininga. Ilang beses na ba akong bumuntong-hininga simula nang makausap ko ang nanay ko? Hindi ko na mabilang.
"Anak, I know you're worried about them because they're your friends, but I won't agree this time. Alam mong mapapahamak ka once na manghimasok ka sa buhay nila." Paliwanag muli sa akin ng Mommy.
Alam ko naman iyon.
The moment na magpakita sa akin ang demonyong iyon nung nakaraan, alam kong nasa hukay na ang mga paa ko. Hindi ko alam kung ano pa ang mga nakita o nagpakita kay Amber nung araw na iyon, pero alam kong may itinatago siya. Ramdam ko.
"Okay, Mom, I got it." Sabi ko na lang sa kanya. Marami pa kaming napagusapan tungkol sa pamilya pati na rin sa trabaho ko bilang isang engineer. Hanggang sa siya na mismo ang magbaba ng tawag dahil busy rin siya sa business namin doon. May clothing business kami doon dahil iyon talaga ang hilig niya.
"Hindi!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Sa kwarto. Si Amber.
Mabilis pa sa alas kuwatrong tinahak ko ang aking kwarto dahil sa sigaw niyang iyon, dahil nakaramdam ako ng kaba.
Hindi nakabukas ang pinto, kaya agad akong pumasok. Agad ko siyang namataan sa gitna ng kama na nakaupo, habang sapo ang kanyang dibdib at parang pagod na pagod.
"Amber, what happened?!" Histerikal na tanong ko sa kanya. Wala ang kapatid ko dahil nandoon ito sa tatay namin. Sinadya kong papuntahin siya doon dahil delikado kung kasama ko siya. Hanggang't maaari, ayokong idamay NIYA ang kapatid ko.
Napatingin naman siya sa akin dahil doon.
"J-Jeremy, s-si kuya r-ricky....." Pagkasabing-pagkasabi niya sa pangalan na iyon, alam ko ng tama ang hinala ko noon.
Ang Kuya ni Cathy.
Ricky Quezon
Napadilat ako ng mata ng maramdaman kong pumupunta ang dugo ko sa aking ulo. At isa pa, bakit parang nakatali ang mga kamay ko sa likod, pati na rin ang mga paa ko.........parang nakasabit ako.
Blurred sa una ang aking nakikita, at napapikit pa akong muli, pero nang makita ko na ng tuluyan, napakunot ang aking noo na nahaluan ng pangamba dahil nakompirma ko na. Kaya pala masakit ang ulo ko—
—nakabitin ako patiwarik!
T*ngina ano'to?! Bakit ako nakabitin patiwarik?! Ramdam na ramdam kong nakatali at nakasabit ang mga paa ko mula sa itaas. May panyo rin na nakalagay sa bibig ko at ang mga kamay ko ay nakatali rin mula sa likod, pero ang nakakapagtaka ay itong lugar kung nasaan ako........mula sa sliding door na nasa harap ko.........ang kutson na nasa gilid..........ang aparador sa isa pang gilid...........itong lugar na ito......kilalang-kilala ko.......ang tinitirahan kong condo!
Bakit ganito ang posisyon ko?! Bakit ako nakabitin patiwarik?!
Sinubukan kong gumalaw, pero hindi ko talaga matanggal yung tali sa mga kamay ko. Nahihilo na rin ako dahil napupunta na yung dugo papunta sa ulo ko dahil nga nakatiwarik ako.
Pumikit ako dahil nahihilo talaga ako, pilit kong inaalala kung paano ako napunta sa ganito. Kung bakit ako nakatiwarik......hindi kaya...........
Bigla na lamang bumukas ang sliding door na kaharap ko at ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko dahil sa kung sino man ang nandito.
Bakit siya nandito?
"Hmmm!" Yun lamang ang lumabas mula sa aking bibig, isang ungol at ewan ko na lang kung naintindihan niya, pero gusto kong magtanong kung bakit nandito siya at ganito ang posisyon ko.
"Yeah, you're awake. Bakit ba kasi ang bagal ko kumilos? Hayst!" Sabi pa nito, pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko dahil may kinuha ito sa gilid kung nasaan ang lamesa.....isang kutsilyo!!!!
T*ngina!
"Alam mo, mahal na mahal naman kita ih kaso....." Sabi pa nito ulit, pero hindi niya tinuloy.
Ako naman ay todo pagyugyog sa aking katawan dahil natatakot ako. Ano bang nangyayari sa kanya?
Pero lalong nanlaki ang mga mata ko ng may kinuha muli siyang isang bagay sa lamesa sa gilid at tuluyan na akong napaungol at napaiyak dahil natatakot na ako sa kinikilos niya.
"Hmmmm! Hmmmm!" Patuloy ako sa pag-ungol habang ginagawa ko ang makakaya ko para makawala dito sa pagkakatali sa akin, dahil unti-unti na siyang lumalapit. Sa magkabilang kamay niya..............isang kutsilyo sa kanan at sa kaliwa......................isang thermos!!!!!
"Huwag ka mag-alala, isusunod ko rin naman SILA pagkatapos mo." Sabi pa nito, pero hindi ako tumigil sa pagpupumiglas habang patuloy siya sa paglapit sa akin, pero........
"Hmmmmm!!!!!!" Tuluyan na akong napadaing sa sakit kasabay ng naramdaman kong maiinit na likido na sumaboy sa katawan ko.
Sobrang init! Nakakapasong init, putangina! Ang sakit!
Para akong nangisay dahil sa mainit na tubig na iyon na walang kaano-ano'y sinaboy niya mula sa paa ko at patuloy na bumababa hanggang ulo ko.
Bakit niya ginagawa ito? Ano bang kasalanan ko sa kanya?!
"Hmmm! Hmmm!"
Patuloy siya sa pagsaboy ng mainit na likido sa katawan ko. Ako naman ay todo iyak at pagwawala sa sakit na nararamdaman ko.
Maya-maya pa ay umupo siya at tinignan ako sa mga mata. Doon ko rin siya tinitigan sa mata at sinikap kong magmakaawa sa kanya. Wala akong kasalanan sa kanya, itinuring ko siyang isang tunay na.....
"Kulang pa yan sa ginawa niyong pambababoy sa KANYA. Pasalamat ka at mauuna ka." Sabi nito sa akin, ngumisi na parang isang demonyo, pero hindi doon natuon ang pansin ko kundi sa nakatayo sa likuran niya.....isang babae........nakaputing bestida.............maikli ang itim na buhok pero........
"Hmmmm! Hmmmmm!" Muli na naman akong napadaing sa sakit dahil may naramdaman akong hapdi sa aking tuhod dahil parang.....p-parang........
"Hmmm!"
Hinihiwa niya ang tuhod ko!
Ang sakit!
Sobrang sakit!
Parang mamamatay na ako sa sobrang hapdi na nararamdaman ko!
Iyak na lamang ang aking nagawa dahil doon.
Ano bang ginawa ko sa kanya?! Bakit siya ganito? Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. Sino ba ang tinutukoy niyang binaboy ko?! Akala ko totoo ang pagmamahal na ipinapakita niya sa akin, sa amin ng pamilya ko. Akala ko mahal niya kami kahit hindi namin siya............
"Mamatay ka na!"
***
Jeremy Tobias
"Sino yung pumatay?" Tanong ko kay Amber. Nandito pa rin kami sa kama. Pinakinggan ko ang napanaginipan niya, kung paano namatay ang kuya ni Cathy.
Ngayon sigurado na ako; siya itong nanghihingi ng tulong para sa kapatid niya.
Ayon kay Amber, nakabitin daw patiwarik ito. Kitang-kita niya kung paano binaboy ang katawan, pero hindi niya maaninag kung sino ang pumapatay. Hindi niya matukoy, pero may nakita raw siya na nakatayo sa likod ng killer—isang babaeng nakasuot ng puting bestida at maikli ang buhok. Nakangisi daw habang nakatingin sa kanya.
Oo, sa kanya mismo.
"H-hindi ko maaninag kung sino eh. Hindi ko rin sila marinig, pero parang kilala nila at malapit sa pamilya nila." Paliwanag nito, at nanginginig pa rin ang katawan.
Imbis na magtanong pang muli, niyakap ko na siya ng mahigpit. Ulilang lubos na si Amber. Sa buong buhay niya, saksi kaming mga kaibigan niya kung paano namatay ang mga magulang niya. Namatay kasi sa aksidente ang pareho niyang magulang kaya siya na lang mag-isa. Pero noong una ko siyang makita kasama ang pamilya niya, ramdam kong may itinatago ang mga magulang niya sa kanya. Hindi ko alam kung ano.
"N-natatakot ako, Jeremy. N-natatakot talaga ako. Tuwing gabi na lang, lagi kong napapanaginipan na may mga pinapatay. Ayoko na, gustong-gusto ko na matulog." Tuluyan na siyang napahikbi habang nasa bisig ko. Pag-aalo lang ang aking nagawa dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya.
Maya-maya lang ay tumahan na siya, kaya pinainom ko muna siya ng tubig na nasa lamesang maliit katabi ng kama na hinihigaan niya.
"Si kuya Ricky ang humihingi ng tulong sa atin, Jeremy. Ramdam kong nanganganib ang buhay ng iba niyang kapatid." Kuwento niya muli.
"Matagal ko nang alam 'yan." Sagot ko dito, dahilan para mapatingin siya sa akin.
Mata sa mata.
"P-paanong matagal?"
"Natatandaan mo ba nang ipakilala mo sa amin si Cathy kasama na rin ang kuya niya nung birthday ko?" Tanong ko sa kanya.
Tumango-tango ito.
"Oo, para ka ngang takot na takot kay Kuya Ricky eh. Hindi ka kasi makatingin sa mukha—" Pero hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.
"Dahil wala siyang mukha."
"H-huh?"
"Purong itim ang nakikita ko kay Ricky noon, kaya doon pa lang ay alam ko nang mamamatay siya." Paliwanag ko kay Amber.
"Kung alam mo na, bakit hindi mo sinabi sa amin? Kay Cathy?" Tanong naman nito sa akin.
"How will I say those words sa taong nakatakda nang mamatay, Amber? Baka sabihan niyo lang akong baliw pag nagkataon. Tsaka hula ko pa lang iyon, pero sa nangyayari ngayon ay nakumpirma ko na. Sa ngayon, kailangan nating makausap si Ricky. Si Ricky lang ang makakapagsabi kung sino ang pumatay sa kanya. Kailangan nating hanapin ang kaluluwa niya." Mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Paano natin mahahanap ang kaluluwa niya?"
"Pupunta tayo kay Cathy whether you like it or not." Hindi ito tanong o kung anuman.
Sasagot pa sana siya pero...
"Don't act like a kid, Amber. Alam mong may kasalanan ka rin kay Cathy." Sabat ko muli, dahilan para mapaiwas siya ng tingin...
Tatlong araw na ang nakakaraan kasi ay nakipagkita kami kay Raiko, ang boyfriend ni Cathy...
Tatlong araw na ang nakakaraan...
Amber Lim
"Nasaan si Cathy?" Tanong niya sa akin.
"Why do I need to tell you?" Mataray kong balik tanong sa kanya.
"Damn it, Amber! Sabihin mo na lang!" Sigaw niya, at siya pa talaga ang may ganang magalit, ah?
"Hey Rai, huwag kang mag-esgandalo dito. Ang daming tao, oh." Sabi sa kanya ni Jeremy.
Matalim niyang tinignan ito.
Nandito kami sa SM mall sa Baguio dahil gusto niya raw makipagkita. Ayoko sana dahil simula nang iniwan niya si Cathy, para niya na ring iniwan ang pagkakabarkada namin noon, pero nagpumilit si Jeremy sa akin.
"Sabihin mo nasaan si Cathy ng matapos na ang usapan natin." Utos niya sa akin.
Napatawa ako ng pagak dahil doon.
Lalo naman nag-igting ang panga niya at nanatiling matalim ang tingin sa akin.
"Then give me a reason." Sabi ko sa kanya at nag-cross arms ako.
"Reason? What kind of reason?" Tanong niya rin at nakipagsukatan pa talaga sa akin ng tingin.
Hindi rin ako nagpatalo sa tingin na iyon.
"Isang rason kung bakit kailangan kong sabihin sa'yo kung nasaan si Cathy."
"Dahil mahal ko siya."
"Mahal? Nagpapatawa ka ba, Rai?" Tanong ko sa kanya.
"I don't owe an explanation to you."
"Then there's no reason to tell you where Cathy—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa sabat ni Jeremy.
"Sa Pasig!" Sigaw ni Jeremy kaya marahas na napalingon ako sa kanya at matalim na tinignan siya.
"Hindi ko alam kung saan, pero ang alam ko sa likod ng palengke." Dugtong niya pa.
"Thanks bro, I'll go ahead." Pagpaalam ni Raiko, at nairita pa ako ng ngumisi ito sa akin bago umalis.
Bwisit!
"What have you done?!" Sigaw ko kay Jeremy.
May mga napatingin pa sa akin na ibang tao dahil doon, pero wala akong pakialam!
"Don't shout at me, Amber. Mas mabuti nang maayos nila ang gusot nila." Malamig na saad nito.
"Maayos? Ano bang alam mo, ha? Bakit ka ba nakikialam?!" Bulyaw ko pa sa kanya.
"Really, Amber? Ikaw pa ba 'yan? Ang kilala kong Amber ay yung gagawa ng paraan para magkaayos sila Rai at Cath, but what now?" Tanong niya sa akin, pero natameme ako doon.
"At ano namang pakialam mo, huh?"
"Pakialam ko? Ginagawa ko lang ang tama, Amber, dahil una sa lahat, may karapatan si Raiko na malaman mismo kay Cathy na may anak sila. Sino ba ang nakikialam sa atin, Amber?" Mahabang lintaya niya, at natigilan ako sa huling tanong niya.
"Wala kang masagot, di ba? Kasi nagseselos ka." Sabi niya at tumayo na sa pagkakaupo.
"Kung si Raiko hindi napapansin, pwes ibahin mo ako, dahil matagal ko nang alam na may pagtingin ka sa kanya. Ikaw pa mismo ang nagsabi sa amin noon na bawal mahulog sa isa't isa, di ba? Pero ikaw din ang sumira. Mauuna na ako; mas mabuting umuwi ka na mag-isa." Sabi nito at iniwan na lamang ako mag-isa at tulala.
May mga naririnig pa akong bulong-bulungan ng ibang tao.
Hindi na ba talaga ako ang dating Amber? Masyado na ba talaga akong nakikialam? Pero gusto din naman ni Cathy na lumayo na kay Raiko, ah? Para naman kay Cathy itong ginagawa ko, di ba? Pero bakit kasi siya pa?
Bakit si Cathy pa gayong ako naman yung matagal mo nang kasama noon pa lang, Raiko?