XV. HIM

3264 Words
Kiefer Santos Naalimpungatan ako dahil may humahaplos sa buhok ko. "Darryl? G-gising ka na!" sabi ko kay Darryl. Hinawakan ko pa siya sa pisngi at walang babalang dinampian ng halik sa bibig. "A-aray!" daing naman nito. "Kamusta ka? May masakit ba sa iyo? Nagugutom ka ba?" sunod-sunod na tanong ko dito. Umiling-iling ito tapos ay inilibot ang mata sa kwarto. "N-nasaan ako?" tanong sa akin ni Darryl. "Nandito ka sa hospital. Nawalan ka na ng malay ng natagpuan ka namin. Ano ba kasi nangyari sa iyo at bakit bigla mong binaba ang tawag ko kanina?" tanong ko agad dito at umupo sa kama. Hindi siya sumagot pero kusa na lamang tumulo ang mga luha nito, kaya naman pinunasan ko ang mga luhang tumakas sa mga mata nito. Imbes na sagutin ako nito, kusa itong yumakap sa akin at doon umiyak, pero may binulong siyang pangalan. "Bakit, babe? Anong mayroon sa kanya?" tanong ko muli dito at hinaplos-haplos ang buhok niya dahil iyak siya ng iyak. "S-siya ang may pakana ng lahat ito, Kiefer. S-siya ang pumatay kay k-kuya R-ricky." sagot nitong muli, kaya kuyom ang kamao ko dahil doon. Sinasabi ko na nga ba. Tama ang hinala ko noon pa. "S-siya ang nagpautos na ilibing ako ng buhay..." pagpapatuloy pa nito. Lalong nagkumuyom ang kamao ko at nag-igting ang panga ko dahil doon. Patuloy siya sa pag-iyak sa dibdib ko. Wala akong pakialam kahit mabasa ako ng luha niya. "N-natatakot ako, b-babe... b-baka balikan nila ako!" hagulgol pa nito at niyakap ako ng mas mahigpit. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa iyo, Daryl. "Sshh! Tahan na, babe! Nandito na ako! Hindi ako aalis!" Gusto ko man siya tanungin kung sino ang natagpuang bangkay sa jamboree, ay hindi ko muna ginawa. Masyado siyang na-trauma sa nangyari kaya hindi ko siya bibiglain dahil baka hindi na kayanin ng damdamin niya. Ilang minuto lang ang lumipas, maingat ko siyang inihiga ulit dahil nakatulog siya. Lumabas muna ako ng silid niya at namataan ko doon si Jacob na nagtitipa sa phone, pero ng makita ako nito ay agad na itinago ang phone niya. Gusto ko man magtanong kung bakit, pero baka babae na naman niya iyon. Ibang klase talaga ang isang ito. Cathy Quezon Bagtas namin ang daan papunta sa sinasabi ni sir Kiefer na hospital. Hindi ako mapakali dahil sa nalaman kong nakita at nahawakan niya si Darryl na buhay na buhay. Hindi ko rin maiwang tanungin kung sino ang natagpuang bangkay sa jamboree na kasing hawig ng kay Darryl. "Cathy, hindi sumasagot si Kristel eh," segunda sa akin ni Amber dahil nandoon si Kristel sa bahay para magbantay. "Hayaan mo na, itetext ko na lang siya mamaya," sabi ko na lang. Tuluyan na kaming nakapunta sa sinasabi ni sir Kiefer na hospital at nakakapagtaka na wala man lang pangalan ang hospital. Isa pa, wala man lang guard na nagbabantay. Parang inabandona na itong hospital dahil may kalumaan na, pero magkaganon man, walang takot na pumasok kami at tumambad sa akin ang tahimik na hallway. Dalawang nurse lang ang nakita ko, kaya dali-dali akong nagtanong sa isang nurse. Tinuro naman nito ang silid na hinahanap ko, pero hindi nakaligtas sa akin ang pagkabalisa nito habang nagsasalita. Napansin rin yata ni Amber at Jeremy iyon dahil tinignan lang ako nito na parang nagtataka rin. Hindi ko na lang pinansin ang nurse at dali-dali pumunta sa kwarto at parang walang katapusan ang kasiyahan ko dahil makikita ko ang pinakamamahal kong bunsong kapatid na buhay na buhay. Agad akong pumunta sa direksyon niya at niyakap ng mahigpit, at doon na tumulo ang mga luha naming dalawa. Iyak at hikbi lang ang tanging nagawa naming dalawa. Salamat sa Diyos, buhay ang kapatid ko! Lumabas silang lahat ng kwarto at tanging kami lang dalawa ni Daryl ang nasa loob, pero nakabukas naman ang pinto at tanaw na tanaw ko si Kiefer na nanonood sa amin. Hanggang naramdaman ko ang pagkabagsak ng katawan niya, kaya dali-dali akong umalalay sa kanya. Tumingin ako kay sir Kiefer. Pumasok siya muli sa kwarto at maingat na inihiga si Darryl sa kama at tsaka hinalikan sa nuo ang kapatid ko. "Nakatulog siya, masyado siyang natrauma sa nangyari," sabi nito dahil mukhang nabasa niya sa mukha ko ang gusto kong malaman. "Mag-usap tayo sa labas. Kilala ko na kung sino ang pumatay sa kuya mo at ang gumawa nito kay Daryl," seryosong saad nito at lumabas, kaya kahit ayaw ko man iwanan ang kapatid ko, mas nanaig ang kagustuhan kong malaman kung sino ang gagong may pakana ng mga ito. *** Kristel Quezon I was relieved dahil sa text ng ate about our brother Daryl. Kanina pa ako hindi mapakali dito dahil akala ko si Daryl talaga yung binalita sa radyo, but then ng tumawag si ate, ay nakahinga ako ng maluwag. Daryl and I were not that close, but I'm still his sister, though. Napaisip ako sa sinabi ng dalawang friend niya about sa pagkamatay ni Kuya Ricky. Weird ang dalawang iyon, sa totoo lang. Posible bang makausap ang kaluluwa ni Kuya Ricky? I was sitting here on the couch, alone in our house. I'm busy meddling with my phone pero napapitlag ako ng may kung anong bumablibag sa kwarto ng Inay, and out of curiosity, agad akong pumunta doon. Then I suddenly saw na yung itim na box ay nalaglag. How could it be? It's impossible if it's because of the air dahil alam kong mabigat ang box na yan. I immediately grabbed the box and put it in its previous position, but bigla ko na lang naalala ang Inay at ang sinabi ni ate Cathy na sabi sa kanya ng Inay about this box. "Ate, ano itong box na ito? Bakit parang secured na secured?" Tanong ko kay ate as I reach the black box here in the room of our mother. I usually talk to ate in Filipino because gusto ko lang din, pero sanay ako sa Spanish and English dahil pinapakialaman ko kasi yung dictionary ni Inay sa kwarto niya na Spanish ang language. Ewan ko nga kung saan niya nakuha yun eh. "Ayan ba? Hindi ko rin alam eh. Akala ko nga kay Daryl yan kasi si Daryl lang naman ang mahilig sa black na kulay. Pero sabi ni Nanay, mga lumang pictures lang daw ang laman niyan." "Ahh." Yun na lang yung nasagot ko. Kung pictures lang yung laman, bakit naman sobrang higpit ng pagkakalock? At gaya ng dati, ganoon pa rin ang pagkakalock nito—sobrang higpit na hindi man lang mabuksan. Wala rin namang martilyo dito o kung anuman, but I badly wanted to see what's inside this box. And dahil sa hindi ko mapigilan ang pagiging pakialamera ko, I decided to find the key to this box. It's obvious na may key ito dahil alangan namang buksan na lamang yan ng kusa without using a key. I searched all the drawers here pati na rin sa ilalim ng kama, but I saw nothing kung hindi yung mga gamit ni Inay. Saan ba nilagay ni Inay iyon? And where's Inay, by the way? Saan kaya siya magpupunta ng ganitong oras? "Akala ko nga kay Daryl yan kasi si Daryl lang naman ang mahilig sa black na kulay." That phrase suddenly popped up in my head. Is that possible na kay Daryl itong box na to? Pero bakit nasa kwarto ni Inay? Pero hindi eh, sa pamilya kasi namin, si Daryl lang ang may gusto ng kulay na black, na ultimo mga gamit niya sa kwarto ay puro black yung kulay. I sighed before I decided to go to my brother's room dahil baka kanya nga ito. Alam niya namang pakialamera ako in case na malaman niya. When I reached my brother's room, hindi ko maiwasang mamangha. Of course, my little brother is good at organizing his stuff, pero hindi ko naman inakala na ganito ka-ganda at kalinis yung kwarto niya, although medyo dark dahil nga puro black. I saw his stuffed toy na lagi niyang yakap every time he sleeps. It's so cute! Nagsimula na akong maghagilap ng susi. Una ay sa ilalim ng kama, sa wardrobe, sa mga box sa ilalim ng mesa, at pang huli, ang drawer sa likod ng pintuan. Kapansin-pansin ito dahil creepy ang itsura. Agad akong naghagilap doon, pero wala akong nakita. Pero nakatawag ng pansin ko ang nag-iisang notebook na iba ang kulay. Kinuha ko iyon. Sumuko na ako sa kakahanap sa susi ng black box na iyon, pero dala-dala ko yung notebook ni Daryl na parang vintage o sadyang luma na talaga. I'm ready to read it na sana at baba na sana ako when I heard the main door suddenly open kaya napadapa ako at napagapang sa may hagdanan para sumilip kung sino yung walang babalang pumasok sa bahay. DUGDUG! DUGDUG! Who is that?! DUGDUG! DUGDUG! Baka kawatan iyon! Pero hindi natuloy yung pagsilip ko because I heard some steps paakyat dito sa second floor! Shit! What will I do?! I decided to go back to Daryl's room na pagapang at nagtago agad ako sa ilalim ng kama. I heard the stranger's footsteps again and it's coming to the room where I am! Napatakip pa ako ng bibig ko dahil palapit na siya! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at gusto ko ng umiyak, pero baka marinig ako nito. But nanigas yung katawan ko when I suddenly felt that I have a super cold on both of my sides. DUGDUG! DUGDUG! Ang lamig! I had the urge na lingunin iyon and... "K-Kuya Ryan?" Bulong ko. Nandito siya sa kanan. Lalo akong nagulat ng lumingon ako sa kaliwa. It's him! My Kuya Ricky! He's smiling at me. Hindi ko alam ang nangyayari, pero hindi ako kinabahan. Sinenyasan ako ni Kuya Ricky na manahimik and I did it. "What's going on?!" I asked him pero walang boses dahil alam ko namang maiintindihan niya iyon. Sumenyas lang siya na huwag maingay at hindi ko maiwasang mangunot ng noo dahil sa nabasa ko sa bibig niya. "No matter what happens, you know I'll always love you and our family." Kahit gusto ko pang magtanong, hindi ko na ginawa dahil mas nanaig ang takot ko sa stranger na pumasok dito sa bahay. Nanlaki yung mata ko dahil ng pumasok ito, may hila-hila itong isang katawan! And nang tignan kong mabuti yung katawan, napahagulgol na lang ako sa iyak ng makilala kung kaninong katawan iyon dahil— -kay Kuya Ryan iyon! Nang mapalingon ako kung saan ko nakita si Kuya Ryan, nandito pa rin siya pero umiiyak na siya. Ang kuya ko... patay na ang kuya ko! I silently cried sabay todo iling. No! This is not happening! I felt Kuya Ryan touch my face, pero hindi ako nakaramdam ng takot doon. I want to ask him who killed him pero I didn't have the urge dahil baka marinig ako. I saw him again mouthing. "I love you, please help our family." At ngumiti bago tuluyang nawala. Doon na lalong bumuhos ang mga luha ko lalo na ng itabi mismo ng estranghero na ito ang bangkay ng kuya sa gilid katabi ng kama. I covered my mouth using my hand. Iniiwasan kong makagawa ng ingay dahil kilala ko na kung sino siya because of his familiar shoes at hindi ako pwede magkamali dahil iisa lang ang may-ari ng sapatos na iyon... .......si Angel! *** Cathy Quezon "Seryoso ba iyan?" Tanong ko agad kay Kiefer sa sinabi nitong suspek tungkol sa pagpatay sa kuya pati na rin sa paglilibing kay Daryl na buhay, pero parang imposible yata iyon. "Sinabi ba talaga niya 'yan?" Tanong ko pa kasi parang imposible talaga eh. Nandito lang kami sa labas ng private room ni Daryl at medyo nagtataka na ako sa hospital na ito dahil iilang nurse lang ang nakikita ko, wala man lang doctor o ibang pasyente na lumalabas. "Ako rin sa una ay hindi makapaniwala, pero Cathy, remember nung may pinakita akong CCTV footage sa iyo galing sa Arezzo?" Kuway tanong nito. Tumango naman ako doon. Yung CCTV video footage na kung saan may naglalakad na babae sa loob ng Arezzo. Kung saan-saan siya pumupunta, na hindi namin alam kung paano nakalusot sa mga gwardiya doon. Hindi rin namin maaninag ang mukha. "Napansin ko na may pagkahawig siya sa pamangkin mo, pero naguluhan din ako dahil halos pareho lang sila ng katawan ni Daryl." Dugtong nito ulit. Tama siya. Dahil nung nakita ko yung video, kasing katawan nito sina Daryl at Angel. "Pero nilibing ng buhay si Daryl kaya imposibleng si Daryl ang gumawa ng mga ito. Ako mismo ang nakakita kung saan nilibing si Daryl kaya alam kong nagsasabi siya ng totoo." Seryoso at direktang saad nito na may halong galit at panggigil. Mahal na mahal niya talaga ang kapatid ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Si Angel pala ang may pakana ng lahat ng ito, pero bakit? Kasabwat ba niya ang mga kapatid niya? Kaya ba sila umalis sa bahay para gawin ang balak nila sa kapatid ko? Pero hindi na iyon ang mahalaga dahil sa mga oras na ito ay galit ang nararamdaman ko sa kanila. Kiefer Santos Nagpaalam ako kay Cathy na saglit lang akong magbabanyo. Nang mapadaan ako sa nurse station, nakita ko itong may kausap sa telepono at aksidente kong narinig ang mga sinabi niya dahil napadaan ako sa harap niya. "Oo, Inang, sigurado po ako na siya iyon. Hindi po ako nagkakamali dahil kabisado ko po talaga ang mukha niya pati na rin ang bestfriend niya." Yun lamang ang narinig ko, tapos tumuloy na ako sa palikuran ng mga lalaki. Nang matapos ako, naghugas muna ako ng kamay sa sink at humarap sa salamin at tinitigan ko ang sarili ko. Masyado nang maraming nangyayari, pero ngayon nasagot na ang lahat ng katanungan ko noon pa. Kinuha ko ang isang litrato sa bulsa at pinagmasdan iyon. Ang litrato ng aking ama kasama ako habang nasa Star City kami. May tumulong luha sa mga mata ko dahil sa kasiyahan. "Mahuhuli na natin ang pumatay sa inyo, Itay, dahil kilala ko na po ang hayop na iyon." Matagal na panahon na. Namatay ang tatay ko dahil katulad ng kaibigan niyang si Ricky, ganoon na ganoon ang ginawa sa Itay kaya naging interesado ako sa kaso ni Ricky dahil nararamdaman kong konektado si Itay doon. Siya si Jobert Santos. Hindi ko pa rin mawari kung bakit ganoon na lang ang ginawa niya sa tatay ko. Isang imbestigador ang tatay ko. Hindi ko alam kung natatandaan ako ng pamilya ni Daryl, pero ang pamilya nila ay kilalang-kilala ko na noon pa. Hindi ko man alam ang dahilan, hindi na iyon importante dahil mas nanaig ang galit sa puso at gusto ko rin gawin kay Angel iyon, ang kahayupan na ginawa niya sa ama ko. Minsan, dinadalaw ako ni Itay sa panaginip, pero saglit lang. May binabanggit ang bibig niya pero hindi naman maintindihan dahil walang boses iyon. Binalik ko ang litrato sa bulsa ko at naghilamos, pero nang tumingin muli ako sa salamin, may nakita akong pamilyar na tao sa likod ko kaya awtomatiko akong napalingon doon..... "Itay!" Bati ko sa kanya. Hindi ako natatakot sa kanya dahil kahit multo na siya, tatay ko pa rin siya. Ngumiti siya at ganoon din ako. Ilang araw na nung dinalaw niya ako sa panaginip ko. Kusa na namang tumulo ang mga luha ko. Nami-miss ko na ang pag-aasikaso niya sa akin nung nabubuhay pa siya. "Nahanap ko na ang tunay na salarin, Itay." Sabi ko dito. Umiling-iling ito kaya ako naman ngayon ang nangunot ang noo. Huh? "Bakit, Itay?" Tanong ko agad sa kanya, pero iling lang siya ng iling. "Anong ibig sabihin mo, Itay? Siya ang pumatay sa inyo, mahuhuli na natin siya!" Sabi ko dito, pero ganoon pa rin hanggang sa lumapit ito mismo sa akin, sa tainga ko. "Inosente siya." Bulong nito. "Kung ganoon, sino—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may ibinulong siyang isang pangalan na ikinalaki ng mata ko. Nabalik ako bigla sa realidad. Panaginip na naman, pero nakatayo ako at nandito pa rin ako sa palikuran ng mga lalaki. Agad akong lumabas at nakita ko si Cathy na nakaupo sa labas ng room ni Daryl na natutulog habang ang dalawa niyang kaibigan ay nasa isa pang mahabang upuan. Yung babae natutulog doon sa balikat ng lalaki. Pumasok ako sa room ni Daryl at tinignan ng mabuti ang mukha niya. Gising na si Cathy pati na rin yung kasama niyang babae at nakatingin na sa akin. Sakto namang dumating yung nurse kanina sa akin at balisa na naman siya at nanginginig kahit anong tago niya sa kamay niya sa likuran niya. "E-excuse me po, p-pwede daw po ba kayo makausap ni Inang?" Sabi nito at halatang kinakabahan. "Alam mo, Miss, kanina pa kita napapansin, eh. Bakit ba parang takot na takot ka?" Sabat ni Cathy dito at halata ang pagkairita nito sa nurse. Sumang-ayon naman ako kay Cath. "P-pakiusap po, baka pwedeng si Inang na lang ang kausapin ninyo dahil may gusto daw po siyang sabihin sa inyo." Pakiusap nito. "Wait nga, sino bang Inang? At teka nga, wala bang ibang pasyente dito o kaya naman doctor? Bakit dalawang nurse lang kayo yung nakita ko dito?" Segunda ulit ni Cathy. "Ayos lang, Cath. Ako na lang yung kakausap." Sabat ko dahil baka pag nagtagal pa ito ay umiyak na ang nurse dahil sa taray na pinapakita ni Cathy. Napabuntong hininga naman si Cathy. "Sige, sasama ako." Tsaka binalingan ang dalawa niyang kaibigan. "Je, Ber, pwedeng kayo muna magbantay sa kapatid ko?" Tanong nito sa dalawa na agad namang umoo. "Tara na. Saan ba?" Baling nitong muli sa nurse. "What a mood?" "S-sa third floor po." Sagot naman ng nurse at ilang sandali pa ay sumunod na kami sa nurse. Sumakay kami ng elevator dahil nga sa third floor daw ang silid ng ginang dahil matanda na daw ito. Hindi nakaiwas sa pansin ko ang paligid ng hospital, lumang-luma na talaga at wala man lang akong pasyenteng nakita. Dinala niya kami sa isang silid na medyo malaki at bumungad sa amin ang matandang babae na nasa kama. Pikit na ang mata. Marahil ay bulag na ito. "Inang, nandito na po sila." Sabi nito sa matanda. "Good evening po, pinapatawag niyo—" "Cathy Quezon." Putol ng matanda sa sasabihin ni Cathy na ikinalaki ng mata ni Cathy. Ako naman ay nagtaka. Bakit kilala niya si Cathy? "P-paano niyo po ako nakilala?" Tanong ni Cathy nang makausad sa pagkabigla. "Kilala mo rin ako, Ineng." Sagot nito sa kanya. "P-pero hindi ko po kayo kilala, Lola. Ngayon ko pa lang po kayo nakita." Saad naman ni Cathy. Tok tok tok Tatlong katok na nakapagpatigil sa dalawa at nabaling ang tingin naming tatlo sa pinto. Pumasok yung nurse na naghatid sa amin dito. "Pasensya na po, Inang, pero may isa pong pulis dito, kailangan niyang makausap kayo." Sabi ng nurse sabay turo sa akin. Tsaka ko naman nakita sa likod nito si Jacob na nakasilip at sinisenyasan ako na lumabas muna. Humingi muna ako ng pasensya kay Lola. "Ayos lang, Apo, pero huwag muna kayong bumaba dahil may sasabihin din ako sa'yo, Kiefer." Sagot ni Lola na ikinatigil ko. Gusto ko man magtanong kung paano niya nalaman ang pangalan ko, tsaka na lang dahil malalaman ko rin naman iyon mamaya. Tsaka ako lumabas at namataan ko nga si Jacob na nakatayong naghihintay sa akin, pero nang makita ako ay lumapit ito agad sa akin. "Tol, kailangan mong makita ito." Bulong nito sabay kuha ng phone sa bulsa niya at may pinakita sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD