XIV. ROTTEN FEET

2638 Words
Kiefer Santos “Damn it! Damn it! Damn it!” Wala nang katapusan ang pagmumura ko dahil hindi na sinasagot ni Daryl ang phone. Kanina ay magkausap pa kami, tapos bigla na lamang namatay ang tawag at narinig ko siyang sumigaw. Hindi naman niya ugali ang ganoon, kaya hindi ko maiwasan ang kabahan. “Daryl, answer that damn phone! Tangina naman!” Sigaw ko pa, at halos nakikipagkarera na ako dahil halos paliparin ko na itong sasakyan ko para lang marating ang Muntinlupa Jail kung saan nakakulong ang tatay niya. Kanina pa akong nagtataka dahil kahit anong bilis ko, hindi matapos-tapos itong dinaraanan ko. Para akong nasa gubat na madilim, at tanging ilaw lang ng kotse ko ang nagsisilbing liwanag. Nasaan na ba ako? Binilisan ko pa ng binilisan, pero agad kong tinapakan ang brake dahil may nakita akong babaeng tumatawid, pero... “Bullshit!” Sigaw ko na lamang dahil mukhang nabangga ko ang babae at pumailalim ito sa kotse. Haluhalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ang pag-aalala sa boyfriend ko, ang takot na baka napatay ko yung babae, at ako pa ang makulong. Kahit alanganin, pinakalma ko muna ang sarili ko, tapos kinuha muli ang cellphone at binuksan ang flashlight, saka ako bumaba. Tinignan ko agad ang ilalim ng kotse ko, pero... “Huh?” Yun na lamang ang nasambit ko dahil wala naman kung ano sa ilalim ng kotse ko, pero nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Tinapat ko pa sa ibang anggulo ang flashlight, pero wala naman akong nakita kundi ang sementong kalsada. Pero nang magawi ko ang flashlight sa dulo sa may likod ay— -putangina! Lihim akong napamura sa nakita ko dahil...dahil— -may bumaba mula sa likod ng kotse ko! Bulok ang paa at mangitim-itim na iyon! Paulit-ulit akong napamura sa isipan ko dahil yung bulok na paa...y-yung bulok na paa... ...nasa kabilang side na at nakaharap mismo sa akin! Ano 'yon?! Bakit parang patay na yung nandoon sa kabilang side ng kotse? Titignan ko ba? Bahala na dahil mas kailangan ako ng boyfriend ko. Kahit kinakabahan ako dahil sa nakita ko, mabilis na sumakay ako ulit ng kotse at sinubukang paandarin iyon, pero para nanigas ako sa inuupuan ko at natulala na lamang dahil may kung anong humaplos na malamig na bagay sa kanang pisngi ko. Malamig na parang bangkay! Isa lang ang nasisiguro ko, may kasama ako dito sa kotse na kung ano! Mas lalo akong kinabahan dahil pagtingin ko sa rearview mirror ay...ay... ...may babaeng nakangiti sa akin! Ang itim ng ngipin! Duguan ang mukha! Naipikit ko na lamang ang mga mata ko dahil sa kaba. Ramdam kong pinagpapawisan ako, pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Ano ito? Sino 'yung babae sa backseat? Multo ba iyon? Kung multo man, ano naman ang kinalaman ko sa kanya at sa akin siya nagmumulto? Beep beep beep Napapitlag ako dahil sa busina. “Hoy pare, mamaya ka na matulog, nakakaistorbo ka sa daan oh!” Sigaw mula sa labas ng kotse. Yung isang lalaking nakamotor. Nasa kotse pa rin pala ako. Nasa gitna ako ng kalsada dito sa may Alabang, at gabing-gabi na pala. Panaginip...pero parang totoo. “Hoy, huwag ka matulog dyan, nakakaistorbo ka na sa gitna ng kalsada!” Bulyaw ulit mula sa labas. Tumingin ako sa rearview mirror pati na rin sa sideview mirror. Madami na ngang kotse na tila ba nakapila dahil inaantay ako umandar, kaya bago pa ako sitahin dito, pinaandar ko na ang kotse ko at itinabi muna iyon sa gilid, saka ako napasandal sa kinuupuan ko at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Agad kong hinanap ang phone ko at dinial ang number ni Daryl. Ang boyfriend ko. Lalaki man siya, wala akong paki doon dahil mas babae pa siya sa mga babaeng nakilala ko dahil sa taglay niyang ganda, pero hindi ko na natuloy nang nag-ring iyon at tumatawag si Cathy kaya agad kong sinagot. “Hayop ka! Nasaan ang kapatid ko! Papatayin kita!” Bungad na sigaw ni Cathy kaya hindi ko maiwasang mapangiwi habang nagdadrive papunta sa lugar ni Daryl. Binuksan ko na rin ang radyo ng kotse ko. “Ate, huminahon ka, yung anak mo—” “Huminahon, Kristel?! Huh?! Pinatay ang kapatid natin, tapos sasabihin mo, huminahon?!” Parang nagpintig ang mga tainga ko dahil doon, lalo na sa huling sinabi nito. Magsasalita na sana ako, pero naibagsak ko lang ang phone ko na nakaipit sa braso at tainga ko dahil sa narinig kong balita mula sa radyo. “Balita sa radyo: Isang bangkay ang natagpuang patay sa tabi ng Jamboree Lake. Walang saplot. Duguan ang mukha. Walang dila. At may nakapasok pang malaking kahoy sa pwetan nito. Base sa katawan ng biktima, lalaki ito. Kinikilala ang biktima na si Daryl Quezon ayon na rin sa nakuhang ID nito. Nananawagan po ang pulisya kung may nakakakilala sa biktima na ipaalam sa pamilya nito. Kasalukuyan nang hinahanap ng mga awtoridad ang suspek at nasa ******* hospital dinala ang bangkay ng biktima.” “H-hindi... h-hindi!” Wala na akong sinayang na oras pa at tinalunton ang hospital na iyon. Maayos ko naman siyang hinatid kanina, kaya paano nagkaganoon? Hindi! Hindi ako naniniwala sa balitang iyon! Pagkarating ko sa hospital, halos makipagkarera na ako sa mga taong nandoon para puntahan ang nakitang bangkay. “Nasaan yung nakitang bangkay sa may Jamboree Lake?!” Tanong ko agad sa nurse nang makarating ako sa nurse station. “Kaano-ano po kayo ng—” “Putangina, sabihin mo na lang nasaan?!” Nagulat man ito sa sinabi ko, wala na akong paki kahit pinagtinginan na ako ng mga tao dito. “N-nasa morgue po.” At itinuro sa akin ang papunta, na agad ko namang tinakbo. Nang makapasok sa sinasabi nilang morgue, may nag-iisang katawan doon na tinatakpan ng puting tela, pero para akong tinusok sa dibdib ng ilang beses nang makita ko ang kamay nito at ang pamilyar na bracelet. Agad akong lumapit sa bangkay at tinanggal ang puting tela doon, at kusa nang tumulo ang mga luha ko dahil sa pamilyar na katawan na wala nang buhay sa harap ko. “H-hindi... D-Daryl... B-babe... h-hindi!” Tsaka niyakap ang bangkay. H-hindi... hindi ito nangyayari... bakit ang taong mahal ko pa? Bakit? Walang laban ang taong mahal ko, kaya bakit? “Umalis kayo dyan! Nasaan ang kapatid ko!” Pamilyar na boses na narinig ko, pero nang makita ako nito at ang yakap ko, doon na ito napaluhod. May kasama si Cathy. Isang lalaki at babae. “D-Daryl!” Sigaw nito at tumakbo sa direksyon ko at inagaw sa akin ang bangkay ni Daryl. Ako man ay patuloy lang sa pag-iyak. Bumalik lahat sa alaala ko ang lahat ng pinagsamahan namin nung panahong lugmok din siya. “Kiefer, uminom ka muna ng tsaa.” Sabi ni Daryl. Ang pinakamagandang nilalang na nakilala ko sa buong buhay ko. Kiefer na lang ang tawag niya sa akin dahil ako na mismo ang nagsabi, dahil limang taon lang naman ang pagitan ng edad namin. “Sige, Daryl, salamat, halika, usap naman tayo.” Alok ko sa kanya habang tinatapik ang katabi kong upuan. Agad naman siyang umupo. “Pasensya ka na, dahil hindi ko pa rin nahuhuli—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumingit siya. “Mahal na mahal ko si Kuya Ricky, Kiefer.” Malungkot na sabi nito. “Kahit ganoon ang trato niya sa akin, mahal ko siya, dahil siya ang nagturo sa akin na lumaban.” Mahabang litanya pa nito. Napansin ko na lang na tumutulo na ang luha niya, kaya kinulong ko agad siya sa bisig ko. Doon siya lalong humagulgol. “Sshh! Tahan na, Daryl. Gagawin ko ang lahat mahuli lang ang pumatay sa kuya mo.” Pagpapatahan ko sa kanya. Tumigil na siya sa pag-iyak kalaunan, kaya nilakasan ko na ang loob ko. “H-hmm... Daryl?” Sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin ako sa kanya. “Hmm?” Sagot nito. “May boyfriend ka na ba?” Halos mautal pa ako para lang itanong iyon. “Wala pa.” Agad na sagot nito, at napansin kong mas humigpit ang yakap nito. “Sino 'yung yumakap sa iyo nung lamay ng kuya mo?” Tanong ko ulit dito. Bahala na. “He's just a friend and bakla din kaya iyon.” Sagot ulit nito. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman pala akong magiging karibal. “Bakit mo natanong?” Siya naman ang nagtanong. “Wala lang.” Agad na sagot ko dito. “Wala lang... ikaw ah, crush mo ko ano?” Ito pa ang gusto ko sa ugali niya. Kung ano ang maisip, iyon din ang sasabihin. “Paano kung sabihin kong OO?” Sabay ngisi. Kumawala ito sa pagkayakap at tumitig sa mga mata ko dahil sa sinabi ko. “Okay.” Sagot nito, at damn! Ngumiti siya. Ang cute niya! Tapos nagmadaling umakyat sa kwarto niya. Naiiling na lang ako. Mukhang may pag-asa ako. "B-babe..." "Are you sure hindi ko na kayo ihahatid?" Tanong ko kay Daryl nang matapos ang libing ng kuya niya. Iyak siya ng iyak kanina, kaso hindi ko naman siya malapitan dahil nasa harap sila, katabi ang ate niya. Ngayon ay tumigil na siya sa pag-iyak. "Oo, baka kasi kung ano pang sabihin ni ate eh." Sagot naman nito, pero nagbigay ito ng konting kurot sa puso ko. Sinagot niya na ako, kaso hindi namin masabi sa pamilya niya dahil sa nangyari nga sa kuya niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko siya yakapin. "Okay, sige. Basta call me if ever na kailangan mo ako, ah?" Sabi ko sa kanya habang magkayakap kami. Naramdaman kong tumango-tango siya at kumalas ng yakap, pero natigil ako dahil sa kasunod na ginawa niya. "Ayan, alam ko namang nagtatampo ka eh. Don't worry, sasabihin ko na sa kanila yung tungkol sa atin, okay?" Sabi nito matapos akong halikan, kaya nagningning ang mga mata ko at niyakap ko siya ulit. Gusto ko man sana siyang pugpugin ng halik, ay hindi ko muna ginawa dahil nirerespeto ko ang desisyon niya. Pasasaan pa't magiging legal din kami sa pamilya niya. "Sigina, uwi ka na. Baka makita tayo ni ate dito, sige ka." Pagbabanta niya sa akin, eh nasa likod lang kami ng mga pamangkin niya at isa pa niyang ate. "I love you." Sabi ko sa kanya. "I love you too." Sagot naman nito, kaya may ngiti sa labi akong umuwi sa amin. Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula kay Cathy na nakapagpagising sa akin. "Hayop ka! Anong ginawa mo sa kapatid ko! Tama ang hinala ko! Wala kang maidudulot na maganda sa kapatid ko!" Sumbat nito sa akin, at isa na namang sampal ang natamo ko, pero manhid na ang katawan ko at tulala na lamang. "Tangina mo! Wala kang kwenta! Dapat ikaw na lang ang namatay at hindi ang kapatid ko!" Dagdag pa nito, at susugurin muli sana ako nang pinigilan na siya ng mga kasama niya. Ako naman ay napasandal sa pader at napaupo habang patuloy sa pag-iyak. Kasalanan ko. Hindi ko siya nagawang protektahan. Napabaling ang tingin ko sa bangkay at aksidenteng natapunan ko ng tingin ang paa nito. Hindi... hindi si Daryl ang bangkay na 'to. Wala siyang tattoo sa paa! Nabuhayan ako ng loob dahil sa nakita ko. Patakbo akong lumabas ng hospital hanggang sa maabot ko ang kotse ko at pinaharurot ang sasakyan hanggang sa mapunta ako sa Jamboree Lake. Agad akong nakapunta dito dahil pinakita ko sa kanila ang lisensya ko. Doon ako mismo pumwesto kung saan nakita ang bangkay. Sigurado akong hindi si Daryl iyon. "Damn it!" Sigaw ko. Kanina pa ako naghahanap ng cellphone dahil posibleng nandito iyon, pero hindi ko makita. "Tulong!" Mahinang boses ng kung sino man. Saan galing iyon? "Tulungan niyo po ako!" Sa tono ng boses niya, halatang hinang-hina na ito. Pero pamilyar ang boses. "Nasaan ka!" Sigaw ko naman dito. Wala na kasing tao dito sa Jamboree Lake dahil nga sa pangyayari, pero may caution tape naman na nakalagay sa pagitan ng mga puno at tinawagan ko na rin ang isang kasamahan ko na sundan ako dito. "Tulungan niyo po ako! Ate!" Hindi ako pwedeng magkamali. Si Daryl iyon! "Darryl?! Nasaan ka!" Sigaw kong muli. "Kiefer?! Tulong Kiefer, hindi na ako makahinga!" Sinundan ko ang boses at— -Ptngina! Galing sa ilalim ng lupa! Agad akong yumuko. "Darryl! Darryl!" Tawag kong muli dito. Narinig ko siya ulit, pero sobrang hina na ng boses nito. Bumalik ako sa kotse ko para maghanap ng panghukay, at saktong dumating naman ang kasamahan ko sa pulisya, si Jacob. "Oh tol, bakit?!" Tanong agad nito. "May pala ka ba dyan?" Tanong ko agad sa kanya. "Oo, nasa likod, pero—" Hindi ko na siya pinatapos at pumunta agad sa likod ng kotse niya at kinuha ang pala. Gusto ko man magtanong sa kanya kung bakit may martilyo, pala, at palakol siya pati na rin ang lubid, ay hindi na ako nagtanong pa dahil mas mahalaga ang buhay ng taong mahal ko ngayon. Sinabi ko sa kanya na maghukay pa, kaya naman ayon ang ginawa niya kahit gusto pa nito magtanong. "Binilisan mo, tol! Bilis!" Wala na akong pake kung marumihan ako. Ililigtas ko si Daryl. Hindi siya patay. Nakita ko na ang kabaong at pasalamat ako dahil mababaw lang ang pagkakalibing dito. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin si Daryl na wala nang malay. "Darryl! Gising! Damn it!" Wala na akong sinayang na oras at binuhat at sinakay ko na siya sa kotse. Pinaharurot ko agad ang kotse papunta sa pinakamalapit na hospital. Inasikaso agad siya ng mga tao doon. Please Daryl! Lumaban ka, babe! Bulong ko sa sarili ko. Hindi ako magkanda-ugaga sa pag-aalala. Lakad dito. Lakad doon, sabay sabunot sa ulo. "Tol, matulog ka muna. Ako muna magbabantay dyan. Tinawagan ko na rin yung ate ni Princess at sinabi kong magdala na rin ng pagkain." Saad ni Jacob matapos malunasan si Daryl dahil sa pangyayari kanina. Princess ang tawag niya dito dahil ang cute daw nito. "Ayos lang ako tol, dito lang ako. Babantayan ko siya." Sagot dito. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito, pero wala akong pakialam doon dahil mas gusto kong bantayan ang taong mahal ko. Ayoko ng malingat kahit isang saglit lang. "Nga pala, bakit may mga gamit ka na kakaiba doon sa trunk ng kotse mo?" Tanong ko rito. Kanina ko pa gustong itanong iyon. "Ah iyon ba? Pinahiram lang sa akin ang kotse na iyon. Nandoon na ang mga gamit na iyon eh. Sabi nga nung nagpahiram sa akin ay ingatan ko daw kung ayaw akong mapatay ng may-ari kasi daw may pagkabaliw daw ang may-ari non." Sagot nito kaya naman napatango na lamang ako. "Sige, doon muna ako sa labas, tatawag lang ako ng ibang kasamahan natin para sunduin tayo dito." Sabi nito at umalis na. Maya-maya pa ay bumukas muli ang pinto at iniluwa noon ang isang nurse. Kanina ko pa napapansin na puro nurse lang ang nag-aasikaso dito. Wala pa akong nakikitang doctor o ibang pasyente man lang. "Nurse, bakit?" Tanong ko dito. "Ah... eh... ichecheck ko lang po iyong vital sign ng pasyente, s-sir." Pautal-utal nitong sabi at halatang takot na takot. Nailing na lang ako, tsaka tumango. "Nurse, wala bang ibang pasyente dito?" Bigla ko na lang tanong. Sabi kasi sa akin ni Jacob kanina habang nag-aantay kami na maayos ang kalagayan ni Daryl na wala daw siyang nakitang ni isang pasyente dito sa hospital na ito nung dumating kami. "M-may ibang pasyente naman po dito, s-sir. Sadyang hindi lang po sila lumalabas ng mga silid nila. Mauuna na po ako, sir." Ganoon pa rin ang tono ng pananalita nito. Tumango na lang ako, kaya dali-dali siyang lumabas. Nailing na lang ulit ako dahil sa kilos ng nurse na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD