bc

CHASING LOVE

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
HE
drama
bold
small town
like
intro-logo
Blurb

Kyril Sembrano never expected that she will beg for someone's heart, who would expect that when Kyril is labeled as campus crush? Many men wants her heart. Many men exert their efforts just to win her heart, but then a man that she barely knows make her beg for his heart. She gets what she wants but that man is an exception, she can't have him and then she realized that love can turn us into a stupidest person we can be. Will she continue to chase the love that she wants the most?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Hi, Kyril!" bati sa'kin ng isang grupo ng mga kalalakihan nang makapasok ako sa gate ng St. Celestine University. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanila. "Good morning, Kyril!" May dalawang lalaking bumati sa akin nang dumaan ako sa hallway at tulad kanina ngumiti lang din ako ng tipid. Sobrang aga ko pa para sa klase ko kaya naisipan ko munang tumambay sa maliit na bench sa gilid ng gymnasium. Sinisipa ko ang maliliit na bato nang may mga kalalakihan na lumabas ng gymnasium. Napatayo ako. "Alezander!" Napalingon naman siya sa'kin. "For you." Inilahad ko sa kanya ang maliit na paper bag na dala ko. Ito ang totoong pakay ko kaya maaga akong pumasok. Umangat ang isang kilay ni Alezander. "'Yong paborito mong sinigang na hipon." Nakita ko naman ang pagkinang ng mga mata ni Alezander. "Ako ang nagluto niyan." Ngumiti siya tsaka kinuha ang paperbag. "Thanks." Pagkakuha niya ay nilampasan niya na ako. "Sabi ko sa'yo akin ka na lang, e." Iiling-iling pa na si Dave, 'yong kateammate ni Alezander sa basketball. Inirapan ko naman siya. Napangiti naman ako. At least tinanggap niya tsaka nginitian niya ako. Isa pa lang 'yan sa mga dahilan na ginamit ko para makalapit sa'yo, Montegrande. "Hoy!" Kasalukuyan akong nakaupo dito sa bench malapit sa room nila Alezander nang biglang may tumapik sa akin. "Bakit nanjan ka? Nag-aabang ka kay Alezander?" tanong ni Vera, best friend ko. Kasalukuyang kunot na kunot ang noo niya. Umiling naman ako. "Hindi, ah? Bakit ko naman siya aabangan?" pagdedepensa ko pa. Dalawang taon na 'kong may gusto kay Alezander pero hindi pa rin ako umaamin kay Vera kahit naging usap-usapan pa sa school namin noong high school. Paano kasi itong si Vera ay masyadong man hater. Sesermunan niya lang ako kapag inamin ko na na'head over heels ako kay Alezander. "Bakit ka nga jan nakatambay?" Pinagkrus niya pa ang dalawang braso niya. Tumayo naman ako. "Hinihintay kita para sabay na tayong pumunta sa room. Halika na nga!" Hinatak ko pa siya. Walang pumapasok sa utak ko dahil sa kaiisip ko kay Alezander. Nagulat naman ako nang siniko ako ni Vera. Tinawag pala akong ng teacher namin. "Kyrilline Chryzta Sembrano." "Present, ma'am." Nagtawanan naman 'yong mga classmate namin maging si Vera ay natawa din. "Gaga! Tawag ka hindi for attendance," bulong pa ni Vera. Nakaramdam naman ako ng hiya. "Sorry po," nahihiyang sabi ko. Umiling-iling na lang din si Mrs. Villegas. Mabuti na lang at mabait siya kung hindi baka mas lalo akong napahiya. Napansin ko naman na dumaan si Alezander kaya dali dali akong tumayo. "C.r. lang," bulong ko pa kay Vera. Tumango naman siya. Paglabas ko ay nakaupo si Alezander sa bench na malapit sa room namin. "Hi, Alezander!" Tinignan niya lang ako. Nahihiya naman akong umupo sa tabi niya. "Alezander, anong ginagawa-" Pinutol niya ang sinasabi ko. "Excuse me." Dali-dali siyang tumayo. Kumirot ang puso ko nang makita ko kung saan siya pumunta. Lumapit siya kay Aliya Hidalgo. Nakita ko kung paano kuminang ang mga mata ni Alezander nang tanggapin ni Aliya ang binigay niyang bulaklak. Pera lang ang meron siya na wala ako. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko 'yon. Sabagay. Sino ba naman ako para ligawan ng isang Alezander Montegrande? Na galing lang naman sa pamilya na kung saan halos kalahati ng lupain sa Montreal at MonteVista ay pag-aari nila. Napabuntong hininga 'ko. Ni minsan hindi ko hiniling na maging kahit na sino, but now sana ako na lang si Aliya. "Hi, Kyril!" Kumindat pa sa akin 'yong lalaki na nasa Senior year na. Hindi ko siya pinansin. Bakit napakahirap para sa'kin na kunin ang puso ng isang Alezander Montegrande? Halos lahat ng lalaki ay nahehead over heels sa akin pero si Alezander, malabo! Tapos na ang klase kay Mrs. Villegas pagbalik ko sa classroom namin. "Bakit mukhang biyernes santo 'yang mukha mo?" tanong ni Vera. Hindi ko na siya pinansin. "Vera, mauna ka na umuwi. May practice pa kami ng sayaw." Tumango naman sa'kin si Vera. "Mag-ingat ka, Kyril." Kumaway pa siya bago kami maghiwalay ng direksyon. Malapit na 'ko sa dance studio nang makita ko si Alezander na kinukulit nanaman si Aliya. "Sige na, Aliya, friendly date lang naman," pangungulit pa ni Alezander. "We're not even friends, Montegrande!" Ngumisi naman si Alezander. "Gustong-gusto ko talaga kapag tinatawag mo 'ko sa last name ko." Inirapan lang siya ni Aliya tsaka pumasok na sa loob ng dance studio. Napakamot naman sa ulo si Alezander. "Hi!" Tinignan niya lang ako. "Gustong-gusto mo pa rin si Aliya, right?" tanong ko sabay ngiti. Kumunot ang noo sa akin ni Alexander. "Pwede kitang ilakad sa kanya. Tutulungan kitang mapasagot siya." Nakita ko naman ang pagkinang ng mga mata niya. "Talaga? Tutulungan mo 'ko?" Tumango ako. "In one condition." "Anything, Kyril." Huminga ako ng malalim. "Just be my friend. Gusto kitang maging kaibigan. Kahit kaibigan lang." "Then deal." Malawak ang ngisi niya. Ngumiti rin ako sa kanya. Isa palang 'yan sa mga katangahan na nagawa ko dahil kay Alezander. I never imagined I would be this stupid because of love.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook