LOVE 1

2066 Words
2 years ago "Kyril, para sa'yo nga pala." Tipid lang akong ngumiti sa lalaking naglahad ng bouquet ng bulaklak sa akin. "Kyril, I have something for you!" sabi naman nung isa pang lalaki tsaka may ibinigay na isang paper bag. Kinuha ko at tipid na ngiti lang ang binigay ko sa kanila. Unang araw ng pasok dito sa Montreal High School at sinalubong na 'ko nitong makukulit na admirer ko. Simula pa noong nasa freshman year ako ay admirer ko na sila hanggang ngayon na nasa senior high school na ako. Campus Crush 'Yan ang bansag nila sa'kin dito. Freshman pa lang ako noon ay may nanliligaw na sa akin na mga senior high school student. "Kyril, lalo kang gumaganda!" Tipid na ngiti lang ulit ang ibinigay ko. Kahit nakukulitan na 'ko sa kanila ay hindi ko naman sila sinusungitan. I still appreciate their efforts. Sa dulo ng hallway nakita ko ang nakangising si Dark Montreal. "First day na first day ay sinasamba ka nanaman ng mga admirer mo. Iba talaga 'yong charm mo at lahat ay nahuhumaling sa'yo," sabi niya pa nang makalapit ako sa kanya. "Ikaw na lang ang hindi." Humagalpak naman siya sa tawa. Totoong may crush ako kay Dark pero paghanga lang talaga. Hindi ako naghahangad ng chance para sa aming dalawa. Nagpaalam na 'ko kay Dark dahil magsisimula na ang klase namin at ayoko namang mahuli sa unang araw ng eskwela. "Good morning, Vera!" bati ko sa best friend ko. "Ang dami niyan, ah?" Natatawa pa niyang itinuro ang mga regalo na natanggap ko pagpasok ko dito sa Montreal High. Nagkibit-balikat ako. "Edi ikaw na ang maganda," sabi niya pa sabay tawa. I flipped my hair. "Well!" Napailing naman si Vera. "Mag-aral ka muna, Kyril. Wag na wag kang magtatangkang sagutin ang kung sino mang lalaki dahil sasaktan ka lang nila. Siyempre, ang mga lalaki sa una lang magaling," pagsesermon pa ni Vera. Ganyan siya lagi. Kung makapagsermon akala mo ay eksperto pagdating sa pag-ibig. "Don't worry, Vera, wala akong sasagutin sa kanila dahil wala pa naman akong nagugustuhan. At kung may magustuhan man ako panigurado na hindi ako masasaktan dahil mahuhulog siya sa charm ko ng todo-todo. Ako pa ba?" Kumindat pa ako kay Vera pero inirapan niya lang ako. Nang magbreak time ay madaming bumabati sa'kin maging kay Vera pero masyadong suplada si Vera lalo na sa mga lalaki. "Don't trust boys. They only want your body not your heart," pagpapatuloy pa sa pagpapangaral ni Vera habang kumakain kami sa canteen. "They will just make you crazy in love with them tapos iiwan ka. Sa pag-ibig, you must leave before you get left." I rolled my eyes. "Alam ko naman 'yan, Vera. Hindi ako 'yong tipong magpapakatanga para sa pag-ibig. Ew lang!" "Maraming taong nagiging tanga dahil sa pag-ibig, no? Nakakatakot lang." "Pinipili kasi nilang magpakatanga. Isang malaking kalokohan. Kung ayaw na niya sa'yo ay wag mo na ipilit 'yong sarili mo. Basic!" sabi ko pa. Pagkatapos namin kumakin ay bumalik na kami sa classroom. "Ano, Kyril? Aalis ka na ba sa bahay ng tiyahin mo?" seryosong tanong ni Vera. Napabuntong hininga ako. "Gusto ko naman kaya lang ay paano ko naman mabubuhay 'yong sarili ko?" "Umupa ka na doon sa isang kwarto sa bahay. Mura ko na lang ibibigay sa'yo tapos sumama ka sa akin sa Queenz Agency, naghahanap sila ng model para sa mga Teen Cosmetics." Napangiti ako. "Talaga?" Tumango naman si Vera. Niyakap ko naman siya. Ang pangarap ko sa ngayon ay makaalis sa puder ng tiyahin ko. Parehong namatay ang mga magulang ko sa paglubog ng barko na sinasakyan nila pauwi sa isang malayong probinsya para dalawin ang lola ko, tatlong taon na ang nakakalipas. Naiwan ako sa kapatid ni Mama at simula noon naging impyerno na ang buhay ko. Ginawa nila akong katulong at hindi itinuring na kamag-anak. Ang pagpapa-aral sa akin ay kapalit ng pagsisilbi ko sa pamilya nila. Pagkatapos ng klase namin ay dumerecho na kami sa Queenz agency, isang modeling agency kung saan nagpapart time si Vera. "Kinakabahan ako, Vera." Nanlalamig na 'ko sa kaba habang papasok kami ng Queenz. Ngumiti sa akin si Vera. "Matatanggap ka, Kyril. Kawalan ka sa kanila kung hindi ka nila tatanggapin." Huminga pa ko ng malalim bago pumasok sa HR office. "Ms. Kyrilline Chryzta Sembrano?" Kinabahan lalo ako nang makita ang mataray na mukha ng HR manager. "Yes po." Sinisikap ko na hindi mautal. "So ikaw iyong nirefer samin ni Vera." Tumango naman ako. Tinignan niya 'ko mula ulo hanggang paa. "Can you pose? Any pose." Sinunod ko naman ang sinabi niya. Tumango-tango siya. "I can see that you have potential. You will become one of the assets of this agency." Napangiti naman ako. "Thank you po." "Answer this form." Tumango naman ako tsaka sinimulang sagutan ang form na ibinigay sa akin. Dahil sa sinabi nung HR manager ay nabawasan ang kaba ko pero nang maisip ko na interview naman ang kasunod pagkatapos kong magsagot ay nagdagdagan nanaman ang kaba ko. Huminga pa ko nang malalim bago ibigay ang sinagutan kong form sa HR manager. "Thank you, Ms. Kyrilline! You can now leave, I will just text you for the date of the contract signing." Nanlaki naman ang mga mata ko. "Tanggap na po ako?" Ngumiti naman siya tsaka tumango. "Yes. Congratulations!" Lumipad pa ang kamay ko sa bibig ko. Hindi agad nagsink in sa akin na natanggap agad ako dito sa Queenz. Paglabas ko sa HR room ay napalingon agad sa'kin si Vera. "Anong nangyari? Kumusta?" Doon na nagsink in sa akin na natanggap ako. Nagtititili ako tsaka siya niyakap. "Tanggap ako!" "I told you!"masayang sabi ni Vera. Kumain muna kami sa isang karinderya sa gilid ng Queenz. Si Vera ang magbabayad. Dapat daw kasi naming icelebrate ang pagkatanggap sakin sa Queenz. "Hayaan mo, Vera, sa susunod ako naman ang manlilibre sa'yo." "Sabi mo 'yan, Kyril, ah?" Nagtawanan naman kami ni Vera. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami. "Aba, Kyril! Naglakwatsa ka nanaman?" bungad sa akin ni Auntie Salvi pagkapasok ko sa bahay. Binugahan pa niya ako ng usok mula sa sigarilyo niya. "May tinapos lang akong project," walang ganang sabi ko. "Alam mo bang hindi pa kami kumakain dahil hinihintay ka namin para magluto?" "Hindi ko na kasalanan 'yon," tamad na sabi ko tsaka akmang pupunta sa kwarto ko pero biglang hinila ni Auntie ang buhok ko. "Aray ko, Auntie!" daing ko. "Talagang masasaktan ka. Napakabastos mo! Sampid ka lang naman dito!" Lalo niya pang hinigpitan ang pagkakasabunot sa'kin. Pinilit kong tanggalin ang mga kamay niya sa buhok ko at buong lakas ko siyang itinulak. "Tama na! Sawang sawa na 'ko sa mga p*******t niyo ni Uncle!" Tumulo ang mga luha ko. "Kapamilya niyo 'ko! Anak ako ng kapatid mo! Kung hindi mo ako kayang respetuhin bilang pamangkin mo respetuhin mo naman ako bilang tao, Auntie!" "Ah, lumalaban ka na ngayon. Halika rito!" madiin na hinawakan ni Auntie ang braso ko tsaka kinaladkad palabas ng bahay. "Lumayas ka!" Sa lakas ng pagkakahagis niya ay napaupo ako sa lupa. Pumasok siya sa loob ng bahay. Pinagtitinginan naman ako ng mga kapitbahay namin. "Auntie!" "Lumayas ka na! Wag na wag ka nang magpapakita sa'kin, bastos ka!" Ibinato niya sa akin ang mga damit ko tapos ay pinagsarhan ako ng pinto. Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko at inilagay sa bag ko. Talagang aalis ako sa impyernong ito! Inirapan ko pa 'yong mga chismosa naming kapitbahay. "Anong nangyari sa'yo? Pasok ka!" Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Vera. "Ano pa ba? Edi 'yong demonyo kong tiyahin pinalayas na 'ko sa impyernong bahay nila!" Ngumiti naman si Vera. "O, edi ayos! Welcome to our house!" Napanguso naman ako. "Wala pa akong pangbayad." Hinawakan ni Vera ang kamay ko. "Okay lang. Edi bayaran mo na lang 'yong upa kapag nakasahod ka na sa Queenz." Napangiti naman ako. "I'm really lucky to have you, Vera." Niyakap naman niya 'ko. Sobrang saya ko na nakaalis na ako sa impyerno. I feel so brand new. "Mamili ka na lang kung anong room ang gusto mo." ngumiti pa si Vera. Agad naman akong umakyat. "'Yong katapat na room mo na lang, Vera!' sigaw ko pa mula dito sa itaas. Ibinagsak ko pa ang sarili ko sa kama na nandito sa kwarto. "Kwarto ko 'yan dati nung kasama ko pa ang parents ko, sabi ni Vera na ngayon ay kapapasok lang at sumandal sa pinto ng kwarto na napili ko. Bumangon ako tsaka umupo sa kama. "Naghahanap ka pa ng ibang boarders?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya tsaka lumapit sa akin. "Oo. Mga tatlo pa para maoccupy lahat ng rooms. Masyado kasing malaki itong bahay." "Maglagay tayo ng room for rent jan sa may gate," sabi ko. Tumango-tango naman si Vera. "Magandang idea." Ako ang nagluto para sa hapunan namin ni Vera at bago matulog ay nagkwentuhan pa kami. "Good morning!" masayang bati ko kay Vera na kagigising lang. "Pasensya ka na at ginalaw ko na 'yong mga laman ng ref mo." Naisipan ko kasing magluto para sa almusal namin. Nahihiya naman akong bulabugin si Vera kaya ginamit ko na yung mga ingredients niya na nasa ref. "Okay lang. Ano ka ba! Ngayon na dito ka na nakatira ay feel at home lang, Kyril." Ngumiti naman ako sa kanya. Vera is really an angel sent from above for me. "Good morning, Kyril!" bungad sa'kin nung masugid kong tagahanga pagkapasok pa lang namin ng Montreal High. "Good morning!" Nakita ko naman ang kinang sa mga mata niya. Hindi naman ako suplada pero kapag may bumabati sa akin ay tanging tipid na ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila pero dahil maganda ang mood ko ngayon ay nag-eenjoy akong batiin sila pabalik. "Kyril, cupcakes nga pala para sa'yo." May inabot naman sa akin si Kid. Araw-araw ay binibigyan niya ako ng mga sweets. Sa tingin ko ay gusto niya akong magkaroon ng diabetes. "Thank you!" Habang pangiti-ngiti ako sa mga bumabati sa'kin, itong si Vera ay salubong na salubong na ang mga kilay. "Hi, Vera!" Tanging irap lang ang nakuha noong lalaking bumati kay Vera. Natawa naman ako. Ang best friend kong may allergy sa mga boys. Malapit na kami sa gymnasium at grabe ang kumpulan ng mga studyante mapababae man o lalaki. "Anong meron?" nagtatakang tanong ko nang makalapit kami ni Vera sa may gymnasium. "May try out ng basketball. Ang galing nung transferee." Kitang-kita ang pagkamangha sa mukha nung babaeng tinanungan ko. "At ang gwapo pa!" kinikilig pa na sabi nung kasama niya. "Tara na, Kyril! Baka malate tayo," pagyayaya sa akin ni Vera. Dahil sa chismosa ako hindi pwedeng hindi ako makiusisa. "Teka lang!" sabi ko pa kay Vera tsaka hinila siya papasok sa loob ng gymnasium. Sumiksik pa ako sa mga studyanteng nandoon hanggang makarating ako sa unahan. May nakatalikod na matangkad na lalaki. Nakasuot siya ng jersey na may pangalan na Montegrande Kumunot ang noo ko. Nang humarap siya ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Anong nangyayari? May sakit ba 'ko sa puso? Magulo ang buhok niya at kulay hazel brown ang mga mata niya. There is something interesting about him. Hindi pa 'ko nagiging ganito kainteresado sa kahit na sino even kay Dark na crush ko. Nagsimula ulit siyang magpashoot ng mga bola. Nang makathree points siya ng tatlong beses ay lumingon siya sa isang babae tsaka kumindat. Sinilip ko kung sino yung babaeng kinindatan niya. Si Aliya Hidalgo President ng Montreal High Dance Troupe kung saan ako kabilang. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng inis. Napatingin 'yong lalaki sa gawi ko kaya ngumiti ako sa kanya. Hindi niya ako pinansin at ibinalik ulit ang atensyon kay Aliya. How dare him to snub me? Nagngingitngit ang kalooban ko. "Kilala mo siya?" tanong ko sa babaeng katabi ko na mukhang mamamatay na sa kilig. "Alezander. Alezander Montegrande." Tumango-tango naman ako. "Go, Alezander!" Kunot noo akong tinignan ni Alezander tapos ay ibinalik niya na ulit ang tingin niya sa ring. What the hell? Never in my life na nagcheer ako nang ganito tapos ganoon lang ang matatanggap ko? "Inisnub niya ba talaga si Kyril?" Rinig ko pang bulong mula sa likuran. "Ang swerte niya nga, pre, kasi pinansin siya ni Kyril." Ngumisi ako nang nakakaloko. You will regret snubbing me, Montegrande! Sooner or later ikaw ang magmamakaawang pansinin ko. I flipped my hair before leaving the gymnasium. Tignan na lang natin, Montegrande!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD