LOVE 2

2046 Words
"Ang O.A. ng mga studyante dito! Nakakita lang ng transferee akala mo tumama na agad sa lotto." Umirap pa si Vera. "Transferee na gwapo." Tinignan ako ng masama ni Vera. "What?" tanong ko. "Umayos ka, Kyril, ah!" pagbabanta niya pa. "Bakit ba? Totoo naman kasi na gwapo siya. Tignan mo mamaya lang maghahabol na din sa'kin 'yon," confident na sabi ko. "Talaga lang, ha?" Ngumisi ako. "Wanna bet?" Umiling naman si Vera. "Wag na. Siyempre! Sino ba namang hindi tatamaan sa'yo. Kaya nga Campus Crush, diba?" Umiling-iling pa si Vera. Natawa naman ako. Pagsisisihan mo na hindi mo 'ko pinansin, Alezander Montegrande! Buong klase hindi mawala-wala sa isip ko si Alezander Montegrande. Naiinis ako dahil sa hindi niya pagpansin sa'kin kanina. Napahiya ako. Ang dami pa namang studyanteng nandoon. "Hoy! Bakit magkasalubong ang mga kilay mo?" nagtatakang tanong ni Vera. Umiling naman ako. "Wala naman." Pauwi na kami nang biglang tumunog ang sira sira kong phone. From: Aliya May meeting tayo. Dance troupe Studio. 4pm. "Vera, mauna ka na umuwi may urgent meeting kami." Tumango naman si Vera. "Mag-ingat ka, Kyril." "Oo, ikaw din. Sa Sabado na lang tayo magbake ng cake." Nagwave pa sa akin si Vera bago kami tuluyang maghiwalay. Naiinis naman ako. Nagplano na kasi kami ni Vera na magbebake kami ng cake ngayon pero dahil jan sa urgent meeting ni Aliya naudlot tuloy. Nang nasa harap na 'ko ng Dance Troupe Studio ay namataan ko si Alezander Montegrande na nakasandal habang nakakrus ang dalawang braso sa gilid ng pinto. "Hi!" bati ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at binigyan ng tipid na ngiti. "Sinong hinahanap mo? Ako?" confident na tanong ko. Kumunot naman ang noo niya. Tinignan niya 'ko mula ulo hanggang paa. "Hindi nga kita kilala." Inalis niya na din ang tingin niya sa akin. Nakaramdam naman ako ng pagkapahiya. "Excuse me." Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong sinalubong niya si Aliya. "Wag ka ngang makulit, Zander!" iritadong sabi ni Aliya. Bumaling naman siya sa akin. "Kyril, tara na sa loob!" Tinignan ko si Alezander. Kitang-kita ang disappointment sa mukha niya. Napanguso ako. Snubbing me for an Aliya Hidalgo? Yaman lang ang lamang niya sa'kin pero in overall ranking, rank 1 ako at mga nasa rank 10 pa 'yan si Aliya. Napairap naman ako sa naisip ko. Hindi gaanong maganda ang taste mo, Alezander Montegrande. Nagsimula na ang meeting at hindi ko maiwasan na hindi mapalingon kay Alezander na nasa may pinto. Nagngingitngit ang kalooban ko dahil sa tuwing tinitignan ko siya ay nakatingin naman siya sa nagsasalitang si Aliya. Habang tumatagal 'yong pagngingitngit ng kalooban ko ay nauuwi sa lungkot. Bakit ba hindi ako mapansin ng transferee na 'to? Nang mapalingon si Alezander sa gawi ko ay agad ko siyang kinawayan. Kumunot lang ang noo niya tsaka ibinalik ulit kay Aliya ang paningin niya. Bwiset talaga! Hanggang matapos ang meeting ay nabubwiset pa rin ako. Mabuti na lang at hindi napansin ni Aliya ang pag-irap irap ko sa kanya. Nagc.r. muna ako at paglabas ko ay si Aliya na lang ang nandoon. Napalingon naman kami kay Alezander na pumasok sa loob nitong studio. "Aliya, pauwi ka na ba? Ihahatid na kita," pagpipresinta pa ni Alezander. "Sige, pero isabay na natin si Kyril." Bumaling naman sa akin si Aliya. "Diba sa may Jasmine ka? Madadaanan yun bago makarating samin." Pasimple akong tumingin kay Alezander at nakita ko ang pagsilay ng inis sa mukha niya. "Hindi na. Sa may Hyacinth na ako nakatira, mas mapapalayo kayo." "Sa may Hyacinth lang pala. Papayag akong ihatid mo Zander kung ihahatid mo na rin si Kyril. Gabi na kasi at mahihirapan siya mag-abang ng masasakyan. Kung ayaw mo sasabayan ko na lang siya." Pasimple ulit akong sumulyap kay Alezander. Ngayon ay halatang naiinis na siya sa condition na ibinigay ni Aliya. "Wag na, Aliya. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Baka mamaya magwala pa 'yan si Alezander." Umirap pa ko kay Alezander tsaka kinuha ang bag ko. Paalis na ako nang bigla niyang hatakin ang braso ko. Pakiramdam ko ay nakuryente ako sa pagkakahawak niya. "Ano ba!" singhal ko pa. Nagtama ang mga mata namin. "Sumabay ka na sa amin." Nawala ang irita sa mukha ni Alezander at rinig ko na may lambing kahit papano ang boses niya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin at tanging tango lang ang naisagot ko. Mukhang masyado akong nahypnotize dahil sa ganda ng mga mata niya. "So tara na, Aliya!" Kinuha niya pa ang gamit ni Aliya. Napairap ako. So talagang gagawin niya ang lahat para sa attention ni Aliya? What an attention seeker! Natamaan naman ako sa naisip ko. Hindi na maipinta ang mukha ko sa sobrang pagkabusangot ko. Paano ba naman, talagang deadma lang ang beauty ko dito sa Alezander Montegrande na ito, ni lingon ay hindi niya man lang magawa sa'kin at kung nakakatunaw ang titig malamang tunaw na tunaw na 'yan si Aliya. Nang makarating kami sa tapat ng kulay gray na kotse niya ay napatango-tango pa 'ko. Subaru Legacy Mayaman pala ang mokong. Mukhang napilitan pumasok sa Montreal High. Dito kasi sa Montreal ay napipilitan pumasok ang mga angat sa buhay dito sa Montreal High na isang public school. Wala naman kasing private or Catholic high school dito kaya wala silang choice. Lalong nagngitngit ang kalooban ko nang pagbuksan niya si Aliya ng pinto sa front seat habang ako ay hinayaan lang na nakatayo dito sa labas ng kotse niya. "Miss, baka gusto mong sumakay?" sabi niya nang maibaba niya ang bintana ng driver seat. Napatalon naman ako tsaka pumasok sa backseat. Miss ka jan! May pangalan ako, Montegrande! Kyril Sembrano! Mas kilala pa nga 'ko dito sa Montreal High kesa jan kay Aliya. Nagtama ang mga paningin namin sa may rearview mirror. Inirapan ko siya. Bakit ba? Hindi ko na mapigilan ang inis ko sa kanya. Pangit na 'ba ko? Wala na bang epekto ang charm ko? Pero kanina lang ay marami pa rin ang bilang ng mga admirers ko na nagkalat sa Montreal High. Tahimik lang ako sa byahe maging si Aliya. Si Alezander lang itong daldal nang daldal pero hindi naman siya pinapansin ni Aliya. Masyadong papansin. "So ano, Aliya, papayag ka na bang makipagdate sa akin?" "In your dreams, Zander!" singhal pa ni Aliya. Natawa naman ako sa isip. Mukha kang asong habol nang habol, Montegrande. "Bakit ba kasi ayaw mo?" nafufrustrate na tanong ni Alezander. "Pake mo ba?" Umirap pa si Aliya. Like hello? 'Di hamak naman na mas worth it akong habulin kesa jan kay Aliya. "Jan lang ako sa kanto ng Rose." "What? Ihatid muna natin siya tapos ay ibabalik kita dito." reklamo pa ni Zander. "Stop the car, Zander. Hinahanap na ako ni Daddy," inis naman na sabi ni Aliya. "Edi sasabihin ko kasama kita." "Shut up! Stop the car!" Ngayon ko lang nakitang nagalit si Aliya. Agad naman na inihinto ni Alezander ang kotse tapos ay dali-dali pang bumaba si Aliya. "Badtrip!" Hinampas niya pa ang manibela. Mula sa rearview mirror ay nagtama ulit ang mga mata namin. "Pwede ka na bumaba." Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. "Pero mahirap sumakay ng tricycle dito." kinakabahan na sabi ko. "Do I look like I care?" madiin na tanong niya. Ewan ko pero parang medyo kinurot ang puso ko. "Baba na sabi," matigas na sabi niya. Dali-dali naman akong bumaba. Pinaharurot agad ni Alezander ang kotse niya. Namuo ang mga luha ko. Gago ka, Alezander! Madalang lang na may dumaan na tricycle dito. Kung meron man ay puno na dahil sa Sentro ang sakayan. Gusto kong maglakad na lang kesa maghintay dito sa wala kaya lang ay masyadong madilim sa mga madadaanan ko. Umupo ako sa may bato sa gilid. Tumulo ang mga luha ko. Hindi ako iyakin pero ngayon hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Pakiramdam ko ay tinutusok ang puso ko ng libo libong karayom. Hindi ko iniiyakan ang ganitong bagay pero anong nangyari sa'kin ngayon? Magsasampung minuto na akong naghihintay ng tricycle pero puro puno ang mga dumaan. Magsasampung minuto na rin akong umiiyak. May tumigil na isang gray na Legacy sa harap ko. Agad ko naman na pinunasan ang mga pisngi ko na basang basa ng luha. Bumukas ang pinto ng driver seat. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Alezander. "Ihahatid na kita pauwi sa bahay niyo," mahinang sabi ni Alezander. Hindi ko siya pinansin. Maging ang tignan siya ay hindi ko ginawa. "Miss, ang sabi ko ihahatid na kita." "Umalis ka na. Hindi ko kailangan ng tulong mo!" singhal ko. Nagcrack pa ang boses ko dahil naiiyak nanaman ako. "s**t! Miss, umiiyak ka ba?" Rinig ko ang pagkataranta sa boses niya. Hindi ko na ulit siya pinansin. Napatili naman ako nang bigla niya akong binuhat at dali daling isinakay sa front seat ng kotse niya. "Ano ba! Buksan mo 'yong pinto!" inis na sabi ko nang ilock niya ang pinto. "Buksan mo! Sabing bababa ako, e. Ang baho ng kotse mo!" Napalingon naman ako sa kanya nang tumawa siya. Tawang-tawa siya at pulang pula na siya sa kakatawa. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. Agad siyang tumigil sa pagtawa at nagfocus sa pagmamaneho nang magtama ang mga mata namin. Nakita ko pa siyang umiling-iling. Nag-iwas din ako ng tingin dahil nagwawala ang puso ko. Ano bang nangyayari sa'kin? Nanunuyo na ang laway ko dahil sa kanina pa 'ko hindi nagsasalita. Sobrang naiinis ako kay Alezander. "Jan lang ako sa tabi." Matabang na sabi ko. Inihinto naman niya ang kotse niya. Bababa na sana ako kaya lang ay nakalock pa rin. "Miss, I'm sorry," malambing na sabi niya. Tinignan ko siya at inirapan tapos ay bumaba na sa kotse niya. Padabog ko pang isinarado ang pinto. "Sorry your face!" singhal ko pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit napapangiti ako ngayon. Tumigil ka, Kyrilline! "Bakit ngayon ka lang?" nag-aalalang tanong ni Vera. "Katatapos lang ng meeting," pagsisinungaling ko pa. Tumango naman siya. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay bigla na lang akong napangiti. Nagwala pa ang puso ko nang maalala kung gaano kaganda ang hazel brown eyes niya at kung gaano kamesmerizing ang tawa niya. Lord, kanino pong anak si Alezander sa mga Greek God? Or is he the God of Sexiness and Hotness? Nasapok ko pa ang sarili ko dahil sa naisip ko. Ano bang nangyayari sa'kin? May mga gwapo na rin akong naging crush pero hindi naman ako umabot sa ganitong punto. Ano 'tong nararamdaman ko? Crush na ba kita Montegrande? No! Definitely no! Nachachallenge lang ako dahil hindi siya nahehead over heels sa ganda ko. Pero bakit parang iba 'yong sinasabi ng puso ko sa gusto kong paniwalaan? Damn you, Montegrande! Nagpalit muna ako ng pantulog tsaka nag-open ng f*******: account sa basag basag na cellphone ko. Alezander Montegrande May isa kaming mutual friend at si Aliya Hidalgo 'yon. Nakaramdam nanaman ako ng inis. So sa Maynila pala galing si Alezander at bakit kaya siya lumipat dito sa Montreal? Mukha namang maganda na 'yong school na pinasukan niya sa Maynila, ah? Napangiti naman ako habang tinitignan ang mga pictures niya. Humakot ng kagwapuhan. Ang gwapo niya talaga. Bagay na bagay sa kanya ang medyo magulong style ng buhok niya. Manipis ang labi, matangos ang ilong. At ang talagang pupukaw sa atensyon mo ay ang hazel brown eyes na mga mata niya. Napakaganda na kapag tinitigan mo ay parang dinadala ka sa ibang dimension. I've never felt this way before. Habang pinagmamasdan ko ang litrato ni Alezander ay nagiging malinaw na sa akin kung ano itong nararamdaman ko. Gusto ko siya. Hindi dahil sa nachachallenge ako sa kanya kung hindi dahil gusto ko siya. I like him and whether he like it or not mapapasakin siya. No doubt. Pinindot ko ang friend request button. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nagpalit siya ng profile picture. Naghintay pa ako ng ilang minuto para sa friend request confirmation niya pero nang tignan ko ulit ang account niya ay kailangan ko nanaman magsent ng friend request. He rejected my friend request. Tila kinurot naman ang puso ko nang mabasa ang bagong public status niya. I can ignore all the other girls just for you, Aliya Hidalgo I like him but he like her so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD