LOVE 3

2060 Words
Maaga akong nagising kinabukasan. Paano ba naman pagkatapos ko maglog out sa f*******: account ko ay nakatulog na 'ko kaya hindi na ako nakakain. Nang bumaba ako ay dumerecho agad ako sa kusina. Ininit ko ang pagkain na nasa ref at sobrang nagwawala na ang mga alaga ko sa tyan. Patapos na ako kumain nang pumasok dito sa kusina ang kagigising lang na si Vera. "Good morning!" bati ko habang nakangiti. "Bakit ang aga mo?" nagtatakang tanong niya. "Naalimpungatan ako tapos nakaramdam ng gutom kaya bumangon na 'ko." Tumango-tango naman siya. "Kinatok kita kagabi para kumain kaso tulog mantika ka nga pala." Natawa naman ako. Pagkatapos ko kumain ay nag-asikaso na ako. "Vera, hintayin kita sa baba." Kinatok ko pa si Vera bago ako bumaba sa sala. Binuksan ko ulit ang f*******: account ko. Alezander Montegrande Nalungkot ako nang makita na muli nanaman niyang nireject ang friend request ko. Tumayo ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. Maganda pa rin naman ako, ah? "Bakit kunot na kunot 'yong noo mo?" Agad kong nilingon ang nagtanong na si Vera. "Vera, can you describe me?" Kumunot naman ang noo niya. "Maingay, ma-" Pinutol ko ang sinasabi niya. "I mean describe my physical features." Pinagkrus niya ang dalawang braso niya. "Anong trip mo, Kyrilline Chryzta Sembrano?" "Please, sige na!" Pagmamakaawa ko pa. "Fine! Hmm." Tinignan niya 'ko mula ulo hanggang paa. "Medyo bilugan 'yong mga mata mo, matangos na maliit ang ilong, medyo pouty lips, fair skin, matangkad, slim body, shoulder length black brown hair-" Muli kong pinutol ang sinasabi niya. "Maganda ba 'ko?" "Tinatanong mo ba talaga 'yan? E, noong nagpasabog ng self-confidence sinalo mo lahat, ah? Anong nangyari?" Napanguso naman ako. "Just answer me!" "Of course you are, Kyril! Halos araw-araw sa hallway palang ng Montreal High ay may nagsasabi na sa'yo kung gaano ka kaganda." "E, kasi." "Bakit? What's bothering you?" nagtatakang tanong niya. "Wala! Halika na, Vera! Baka malate pa tayo." Nauna na akong lumabas ng bahay. E, kasi naman itong si Montegrande hindi ako mapansin pansin. Malapit na kami sa room namin nang makasalubong namin si Montegrande. May dala-dala siyang bouquet ng mapupulang rosas. Nakatuon ang dalawang mata ko sa kanya pero hindi man lang siyang nag-abalang lumingon. Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta. Sa classroom nila Aliya na katabi lang ng classroom namin. Inalis ko na ang tingin ko kay Alezander at bago ako tuluyang maglakad ulit ay isang malakas na sigawan ang narinig ko. Tila kinurot nanaman ang puso ko. "Bakit parang iiyak ka na?" nag-aalalang tanong ni Vera. Umiling lang ako tsaka pumasok sa classroom namin. "Ang sweet ni Alezander, no? Ang swerte ni Aliya!" kinikilig pa na sabi ng isa kong kaklaseng babae. "Maswerte rin naman siya kay Aliya, ah? Mayaman na at maganda pa," sabi pa nung isa. "Hoy, mayaman rin kaya si Alezander! Ang dami kaya nilang lupain dito sa Montreal at halos kalahati ng lupain sa Monte Vista ay kanila rin tapos ang alam ko may corporation din sila sa Maynila." So ganoon pala kayaman si Alezander? Kung ganoon bakit niya nga ba ako mapapansin? Ano naman ang bitnatbat ko sa yaman ni Aliya? Sa yaman ng mga Hidalgo? "Grabe! Bagay na bagay sila!" Nagtitili pa 'yong dalawang kaklase ko. Ibinagsak ko ang mga hawak kong libro sa armchair ko. Napalingon naman sila sa akin. "Ang iingay niyo! Hindi ako makapagreview!" inis pa na singhal ko. Nag-iwas naman sila ng tingin. "Anong problema mo?" tanong ni Vera. "E, ang iingay. Akala mo nasa palengke." Ibinaling ko na ang atensyon ko sa libro na binuklat ko. Masyado ka palang mataas Alezander kaya hindi kita maabot. Buong klase ay nakasimangot ako. Wala akong maintindihan sa mga itinuturo ng mga teacher namin. Nang tumunog ang bell hudyat na break time na ay agad akong tumayo. "Restroom lang,"simpleng sabi ko kay Vera. Tumango naman siya. Pagkaliko ko papuntang c.r. ay nakita ko si Alezander sa labas ng c.r. ng girls habang nakasandal at nakakrus ang dalawang braso. Nagtama ang mga paningin namin pero agad din siyang nag-iwas. Pagkapasok ko sa loob ng restroom ay nadatnan ko si Aliya na nag-aayos ng buhok niya. Kaya naman pala nasa labas si Alezander. Mukhang siyang tanga na sunod nang sunod kay Aliya. Ngumiti sakin si Aliya. "Kyril, mamaya may practice tayo para sa nalalapit na laban natin sa Montecarlos." Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya. Pakiramdam ko ay gusto naman niya si Alezander, so bakit nag-iinarte pa siya? Nagtagal ako sa loob ng cubicle para makasigurong hindi ko na sila maabutan. Paglabas ko ay naghihintay na sa akin si Vera. "Ang tagal mo! Tara sa canteen?" Tumango naman ako sa kanya. "Pansin ko parang ang tamlay mo, Kyril. You're not in your usual self," puna pa ni Vera habang naglalakad kami papunta sa canteen. "Ah, ano medyo masakit lang 'yong ulo ko," pagsisinungaling ko pa. Pagkapasok palang namin sa loob ng canteen ay si Alezander at Aliya na agad ang bumungad sa akin. Paano ba naman ako hindi tatamlayin? Kitang-kita ko pa ang pagkinang ng mga mata ni Alezander habang titig na titig sa kumakain na si Aliya. Seriously? Head over heels ka talaga, Montegrande? Umirap pa 'ko bago inialis ang mga mata ko sa kanila. Wala akong ganang kumain. Bumili lang ako para hindi na magtanong pa si Vera. Matalim akong tumingin kay Alezander. Mahuhulog ka rin sa'kin, Montegrande at kapag nangyari 'yon ay nasa sa'kin ang huling halakhak. Sa mga sumunod na klase ko ay mas lalo pa akong naging lutang dahil iniisip ko kung ano ang mga gagawin ko para mapansin na ko ni Alezander. I should have my list of his favorites. Kailangan ay magpaimpress ako sa kanya. Kailangan alamin ko kung saan siya nakatira at kung ano ang mga hilig niya. Hindi sana ako pupunta sa practice kaya lang ay may naisip akong plano at paniguradong nandoon nanaman 'yon si Alezander. Malaki ang pagkakangisi ko habang papunta sa dance studio. "Hi, Kyril!" bati sa akin nung isang senior high school student. Nginitian ko naman siya. You cannot run away from me, Montegrande. I can get who I want and you are not an exception. Hindi nga ako nagkamali dahil malayo pa lang ay natanaw ko na agad si Alezander na nakatayo sa labas ng dance studio. Binigyan ko siya ng isang makahulugang ngisi. Kumunot lang ang noo niya. Once you're trapped in me there is no ways to escape, Montegrande. Dumerecho muna ako sa locker room para magpalit ng kulay blue na sports bra at itim na jogger pants. Pagkalabas ko palang ng locker room ay naagaw ko agad ang atensyon ni Alezander. You can't resist my charm forever, Montegrande. Ngumiti ako sa kanya pero nag-iwas agad siya ng tingin. "Nakakainggit talaga ang kasexyhan mo, Kyril," sabi pa sa'kin nung isa kong kasamahan sa dance troupe. "Kaya nga ang daming admirer, whole package," sabi naman ni Aliya. Tumingin naman ako ay Alezander. Narinig mo 'yon? WHOLE PACKAGE! Nang magsimula kaming magpractice ay ganadong ganado ako at akala mo ay actual na contest na. Panay ang sulyap ko kay Alezander pero nakafocus lang kay Aliya ang mga mata niya. Nagswitch kami ng pwesto ni Aliya. Nagtama ang mga mata namin ni Alezander. Lalo kong ginalingan ang paggiling ko. Wag mong sasabihin na hindi ka manlang naaattract sa akin. Inalis niya ang tingin niya sa'kin at ibinalik kay Aliya. Nagngitngit naman ang kalooban ko. Bwiset ka talaga, Montegrande! Pagkatapos ng practice ay sinuot ko na ang jacket ko tapos ay iniligpit ang mga gamit ko tsaka umalis. Ang unang plano ko ay aalamin ko kung saan nakatira si Alezander kaya heto ako ngayon at nangontrata na ng tricycle driver. "Wait lang, Manong, ah?" Tumango naman sa akin si Manong driver. Nang matanaw ko ang Legacy ni Alezander ay agad akong pumasok sa loob ng tricycle. "Manong, 'yan 'yong susundan natin." Tumango naman si Manong tsaka pinaandar ang kotse niya. Sinundan namin sila hanggang sa makarating kami sa subdivision nila Aliya. "Manong, hinto mo muna sa gilid." Nakita ko na pinagbuksan ni Alezander si Aliya ng pinto. Bakit kaya hindi niya hinahatid si Aliya sa tapat ng bahay nila? Imposible naman na ayaw kay Alezander ni Vice Mayor. Vice Mayor ng Montreal ang daddy ni Aliya. Nagmadali pa si Aliya na pumasok sa gate ng subdivision nila. Napakahard to get, e halata naman na gusto niya rin si Alezander. Nang pinaandar na ni Alezander ang kotse niya ay pinasundan ko ulit siya kay Manong driver. Pumasok sa loob ng gate ng isang subdivision dito sa Sentro si Alezander. "Naku! Hindi na pwedeng pumasok ang tricycle jan, hija." Agad naman akong bumaba sa tricycle. "Okay lang, Manong. Ito nga pala 'yong bayad ko." Papasok palang ako sa loob ng subdivision ay hinarang na agad akong ng guard. "Miss, saan ka pupunta?" "Sa mga Montegrande sana," kinakabahan na sabi ko. "Kina Attorney?" tanong pa niya. Tumango na lang ako kahit hindi ako sigurado. "Sandali lang, miss. itatawag ko muna para sa confirmation nila." . Patay na! Napakamot pa ako sa ulo. "Good evening po. May expected po ba kayong bisita? Meron po kasi dito ang sabi papunta ho raw siya jan." Bumaling sa akin si Manong Guard. "Sino daw ho sila?" "Aliya Hidalgo," kinakabahan na sabi ko. Nandito na 'ko. Sayang naman 'yong 200 pesos na ibinayad ko sa tricycle kung wala rin akong mapapala. "Aliya Hidalgo daw- Ah, okay po." Ibinaba niya ang telepono. "Miss, pasok ka na raw po." sabi ni Manong Guard. "Saan po 'yong papunta sa mga Montegrande?" "Kumanan ka jan. Tapos 'yong kulay puting gate sa mga Montegrande na 'yon." Tumango naman ako kay Manong at nagpasalamat tsaka dali daling umalis. Huminto ako sa tapat ng isang kulay puting gate. "Grabe! Ano 'to Mansion?" Sobrang laki ng bahay nila at sa kulay puting gate ay may nakalagay na Montegrande Residence May nakalagay din na Atty. Alex Montegrande Sino 'yon? Daddy niya? Inilabas ko pa ang basag basag na phone ko para picturan ang mansion nila Alexander. Napangiti naman ako. Number 1. Know where he lives. Check na check. Paalis na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko. Kinabahan naman ako. Paglingon ko ay nagtama ang mga mata namin ni Alezander. "Anong ginagawa mo dito?" Naningkit pa ang mga mata niya. Umiling naman ako. "Nagpanggap ka na ikaw si Aliya Hidalgo?" Kita ko ang inis sa mukha niya. "Miss, wala kang mapapala sa akin," madiin na sabi niya tsaka binitawan ang braso ko. Aalis na sana ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Shit! Kung minamalas ka nga naman. Agad akong hinila ni Alezander at pinasakay sa kotse niya. Naiilang ako. Gustuhin ko man umalis na kaya lang ay mababasa ang mga gamit ko. "So stalker ka?" Hindi ko siya pinansin at nakapirmi lang ang mga mata ko sa labas. Hinihintay ko lang na tumila ang ulan para makaalis ako. "Bakit?" Hindi pa rin ako umimik. "I'm talking to you," madiin na sabi niya. Napalunok pa ako tsaka tumingin sa kanya. "Bakit mo 'ko sinundan?" Pinagkrus niya pa ang dalawang braso niya. "Kasi ano." Umangat ang isang kilay niya. Huminga naman ako ng malalim. "Kasi, I like you." Hindi pa ako nakakapagconfess na ganito ako kakabado. Ang huling confession ko ay kay Dark Montreal at sinabi ko lang na crush ko siya. Naalala ko na tawa pa ako nang tawa habang sinasabi 'yon sa kanya kaya hindi siya naniwala at akala niya ay pinagtitripan ko lang siya. Ngumisi si Alezander. "Mayaman ka ba? Kilalang tao ba ang mga magulang mo? Ilang hektarya ang mga lupain niyo dito sa Montreal?" Napakagat ako sa labi ko tsaka umiling. "Hindi ako mayaman at kahit isang hektarya ng lupain wala kami." Ngumisi ng nakakaloko si Alezander. "Kaya mo ba ako gusto dahil mayaman ako?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Dahil kilalang mga tao ang mga magulang ko? At marami kaming lupain hindi lang dito sa Montreal?" Agad naman akong umiling. "Of course not! Hindi ako gold digger!" Sumeryoso ang mukha ni Alexander. "Then stop liking me. Hindi ka mayaman kaya wala kang karapatan na magkagusto sa akin." Nangilid ang mga luha ko. "Mayaman ka nga kaya lang ay hindi nabibili ng pera ang magandang asal." Agad akong bumaba sa kotse niya. Wala na akong pakialam kung mabasa man ang mga gamit ko. Isa kang malaking gago, Alezander Montegrande!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD