Kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagbuhos din ng mga luha ko. First time ko maranasan na mainsulto ng isang lalaki at nagagalit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang insultuhin ako.
Habang naglalakad ako palabas sa subdivision nila Alezander ay lalong dumadami ang mga luhang bumubuhos mula sa mga mata ko. Ito ang unang pagkakataon na umiyak ako ng ganito dahil sa isang lalaki. Kakakilala ko pa lang kay Alezander Montegrande ay dalawang beses niya na akong napaiyak. Hinding hindi ko na hahayaan na mapaiyak niya ako sa pangatlong pagkakataon.
Sobrang pagsisisihan mo itong ginawa mo sa akin, Montegrande. Itaga mo 'yan sa bato!
Kanina pa ako nandito sa tapat ng bahay ni Vera pero wala akong lakas ng loob na pumasok. Natatakot ako na baka malaman niya ang katangahan na nagawa ko.
Hinawakan ko ang gate na hindi pala nakasara at nagdulot ito ng ingay.
"Kyril, ikaw na ba 'yan?" Napakagat naman ako sa labi ko nang marinig ang boses ni Vera. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.
"Bakit ganyan ang itsura mo?" nag-aalalang tanong niya. "At bakit ka naman nagpaulan?"
Napakamot naman ako sa ulo ko. "Ano kasi. Ano, Vera, naglakad lang ako pauwi wala kasing masakyan sa may St. Celestine. Puno na 'yong mga tricycle," pagsisinungaling ko pa.
"Ganoon ba. Naku! Simula bukas magdala na tayo ng payong. Magpalit ka na muna tapos bumaba ka rin agad kasi kakain na tayo. May niluto akong sopas."
Tumango lang ako kay Vera tsaka nagmadaling umakyat. Natatakot ako na baka mapansin niya na galing ako sa pagkakaiyak.
Agad kong binuklat ang gamit ko at napasabunot naman ako nang makitang basang basa ang mga gamit ko.
"Bwiset! Bwiset ka talaga, Montegrande!" Nagngingitngit sa galit ang kalooban ko at may parte sa puso ko na nasasaktan dahil sa ginawa sa akin ni Alezander.
Hay, Kyril! Minsan ka na nga lang tamaan doon pa sa kasing baho ng imbornal ang ugali.
Nagtagal pa ako ng mga 30 minutes bago bumaba. Pinahupa ko muna ang pamamaga ng mga mata ko.
Nadatnan ko si Vera na nasa sala at nanonood ng t.v.
"Tagal mo," sabi niya pa tsaka tumayo.
Sumunod naman ako sa kanya sa kusina.
Inabutan niya ako ng sopas.
"Salamat." Pilit pa akong ngumiti sa kanya.
"Ah, Vera!" nag-aalangan na sabi ko.
"Ano 'yon, Ky?"
"Hindi ka pa ba talaga naiinlove?"
Umiling naman siya.
"As in hindi pa talaga? Kahit puppy love?"
Nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Vera.
"Never. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para patayin ang sarili ko." Humigop pa siya ng sabaw ng sopas.
"Patayin agad?"
"Alam mo, Kyril kapag umibig ka talo ka. Kapag nainlove ka kawawa ka," seryosong sabi niya.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay natamaan ako sa sinabi ni Vera.
Pag-ibig na ba 'yong nararamdaman ko para kay Montegrande? Hindi ba pwedeng admiration lang? Admiration talaga? E, wala namang ka-admire admire sa ugok na 'yon bukod sa gwapo niyang mukha.
"Hoy! Bakit tulala ka jan? Inlove ka ba?"
"Ako? inlove? Oh, My God! Over my dead body!"pagdedepensa ko pa.
Naningkit naman ang mga mata ni Vera.
"Feeling ko inlove ka."
Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi nga sabi! Baliw 'to." Pumeke pa ako ng tawa. Lalong tumalim ang titig ni Vera sa akin.
"Siguraduhin mo lang," biglang sumilay ang lungkot sa mga mata ni Vera. "Kasi ayokong masaktan ka, Kyril," malungkot na sabi niya.
Pinilit kong ngumiti. "Ako masasaktan? Ano ka ba? I won't let that happen."
"Very good!" sabi ni Vera sabay ngiti.
Huling beses na talaga na pagpapapansin ko kay Alezander 'yon. Hindi ko pagmumukhaing tanga ang sarili ko. I know my worth and he's not worth chasing for.
Nagising ako dahil sa lakas ng kalampag sa pinto.
Medyo pikit pa ang mga mata ko nang tumayo ako.
"Hoy, Kyril! Kalat sa Montreal High Secret Files 'yong kagagahan mo," bungad sa akin ni Vera. Nakakrus pa ang dalawang braso niya.
"Anong kagagahan?" Hindi ko pa rin tuluyang naididilat ang mga mata ko.
"'Yong nagpunta ka daw kagabi sa bahay nung Alezander Montegrande at nagpanggap ka pa na si Aliya Hidalgo para daw makapasok sa loob ng subdivision nila."
"Ah, 'yon- Ano kalat 'yon?" Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig.
"Anong kalokohan 'yon?" inis na tanong ni Vera.
Nataranta naman ako tsaka nagmadaling kunin ang phone ko.
"So ayun nga may isang girl from senior high na pumunta sa bahay nila Alezander Montegrande at nagpanggap na si Aliya Hidalgo para papasukin ng guard. At sabi nagconfess pa daw kay Alezander. Grabe lang! Ang desperada niya. Kilala niyo ba?"
Napahilamos pa ako sa mukha ko.
"Ay grabe. Si Kyril talaga?"
"Kunwari pang pahard to get e malandi rin naman pala. Alam naman na nililigawan na ni Alexander si Aliya."
"Anong kalokohan 'yan, Kyrilline?" Nakaangat ang isang kilay ni Vera.
"Dare lang kasi 'to ng mga kasamahan ko sa dance troupe. Bwiset na dare 'yan!" pagsisinungaling ko pa.
"Ang hilig mo kasi sa kalokohan, ayan tuloy! Linisin mo pangalan mo." Iiling-iling pang umalis si Vera.
Nang maisarado ko ang pinto ay agad akong napasabunot sa sarili ko.
Nagngitngit ang kalooban ko nang mabasa ang comment ni Aliya.
"Si Kyril Sembrano 'yan. Kinuwento na sa'kin ni Alezander."
Bwiset ka! Akala mo kung sinong anghel, e super b***h naman pala!
Napasabunot pa 'ko sa buhok ko bago magtype sa phone ko ng explanation para sa kagagahan na nagawa ko.
Guys, It was just a dare. Natalo lang ako sa game at 'yan ang dare nila sa akin. Pang Best Actress ang acting ko kaya nadala si Alezander. Again, it was just a dare.
Mabilis ko naman napaniwala ang karamihan lalo na at wala naman akong history na nagpakagaga ako dahil sa isang lalaki.
Nang maayos ko ang problema ko ay nag-asikaso na ako.
"Vera, mauuna na ako."
Nadatnan ko si Vera na gumagawa ng sandwich.
"Bakit ang aga?" tanong niya. "Tsaka kumain ka muna."
Umiling naman ako. "Hindi na. May importante pa kasi akong gagawin."
Tutol man ay wala nang nagawa si Vera.
Nagngingitngit ang kalooban ko at gusto kong ubusin ang buhok ni Aliya Hidalgo. Masyadong pasikat!
Dumerecho ako sa dance studio. Nadatnan ko doon si Aliya at ang mga alagad niya at narinig ko pa ang pangalan ko sa kanila. Mukhang ako ang topic nila.
"Ang aga mo, ah?" bungad sa akin ni Aliya.
"At mukhang maaga niyo rin akong pinagchichismisan? Anong sa atin?" mataray na tanong ko.
Nakita ko naman ang pamumutla ni Aliya.
"Misunderstanding lang, Kyril. Akala ko kasi totoo 'yong pagcoconfessed mo kay Zander."
"So ano naman 'yon sayo? Sa pagkakaalam ko hindi naman kayo tsaka ayaw mo naman sa kanya, diba? Bakit masyado kang affected? Ah! Kasi masyado kang pakipot. May nanligaw lang na isa sa'yo akala mo ang ganda mo! Wag ka makialam sa buhay ko, masyado kang famewhore."
Nakita ko pa ang panlalaki ng mata niya. Nilayasan ko siya at hinanap ang totoong pakay ko kung bakit maaga ako ngayon.
Palapit palang ako sa gymnasium ay namataan ko na si Alezander kasama ang dalawang varsity players.
"Hoy!" Nakuha ko naman ang atensyon nilang tatlo.
"Hi, Kyril!" bati ni Dave, kasali siya sa mga lalaking nagkakandarapa sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagderederecho ako kay Alezander.
"Hoy feelingero!" Muntik na akong mabulol dahil mukhang hinihypnotize nanaman ako ng magaganda niyang mga mata.
"Problema mo?" tamad na tanong niya.
"'Yong kagabi, it's just a dare. Masyado ka naman atang nagfeeling at kinalat mo na agad. FYI, dude! Hindi kita type, no! Assuming at it's finest." Inirapan ko pa siya bago tumalikod. Nagulat naman ako nang hilahin niya ang braso ko para iharap ako sa kanya.
"Mabuti naman at dare lang 'yon. You know why? Hindi rin kita type." Ngumisi pa siya tsaka ako binitawan.
"Let's go!" yaya niya pa sa mga kasama niya.
"Kapal ng mukha mo! Feeling mo ang gwapo mo!" inis pa na sigaw ko.
Bwiset ka! Bwiset talaga!
Badtrip ako buong klase at maging si Vera ay hindi ko kinakausap.
"Bakit busangot na busangot ka jan?" bulong pa sa akin ni Vera.
Hindi ko siya pinansin. Badtrip talaga ako at isabay mo pa na panay ang tingin sa akin ng mga kaklase ko.
"Sinabing dare lang 'yon!" singhal ko nang makalabas ang teacher namin. Nagpaalam na rin ako kay Vera dahil may practice pa kami ng cheer dance.
Pagdating ko sa dance studio ay nagsisimula na silang magpractice. At mukhang kanina pa sila. Wala manlang nagsabi sa akin na maaga pala ang practice at wala rin sumundo sa akin sa classroom para magbigay ng excuse letter.
Tumigil sila nang makita akong pumasok.
"Kyril."
Lumingon ako sa tumawag sa akin.
"Mentor." Ngumiti ako sa adviser namin dito sa dance troupe.
"Nabalitaan ko 'yong nangyari kanina. At alam mo naman siguro na pwede kang madisqualified sa ginawa mong pang-aaway."
Nanlaki ang mga mata ko. "But it was personal, Mentor. Walang kinalaman sa pagsasayaw 'yon."
"Whether personal or not you will face the consequences of your action."
"Mentor naman!" naiiyak na sabi ko.
"Inaway mo ang president ng dance troupe na kinabibilangan mo. Where's the respect, Kyril? Hindi ko tinotolerate ang ganyang action. You are disqualified sa darating na regional cheer dance competition."
Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Nahagip pa ng mata ko si Aliya. Nag-iwas siya ng tingin.
Dali-dali naman akong nagwalk out.
The competition means a lot to me. Lalo na at gusto kong makapasok sa St. Celestine at ang pagkakaroon lang ng scholar dahil sa pagsasayaw ang pag-asa ko. Sa competition ako makakapagpakitang gilas pero wala na.
Nagtungo ako sa isang bakanteng classroom sa lumang building. Yumuko ako sa desk at doon napahagulhol ako.
Bakit lagi na lang nagkakandaleche leche ang buhay ko?
Ibinigay ko ang dugo at pawis ko para manatili sa dance troupe na mas iningatan ko kesa sa sariling kalusugan ko. Matagal kong hinintay ang cheer dance competition na 'yon dahil every 2 years lang iyon ginaganap.
May kumalabit sa akin kaya nag-angat ako ng tingin at nagulat ako nang makita sa harapan ko si Alezander. Inilahad niya ang panyo niya sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Lagi ka bang umiiyak?"
"Wala kang pakialam."
Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. "Parang gusto kitang alagaan, kung pwede lang sana."
Bumilis ang t***k ng puso ko.
Anong sinabi niya?
Umalis na si Alezander at iniwan niya sa tabi ko ang panyo niya. Pinanuod ko siya habang palayo sa akin.
Bakit hindi pwede? Dahil ba hindi ko kayang abutin ang level mo?
Mag-aala una na ng madaling araw pero heto ako at mulat na mulat pa rin. Hindi mawala wala sa isip ko ang sinabi ni Alezander.
"Parang gusto kitang alagaan, kung pwede lang sana."
Bakit nga ba hindi, Alezander?
Napasabunot pa 'ko sa sarili ko. Mukhang mababaliw na ako sa kaiisip.
Kinuha ko ang phone ko at naglog-in sa f*******: account ko. Nakita kong online si Alexander kaya naglakas loob akong imessage siya.
Me: Bakit hindi mo 'ko pwedeng alagaan?
Walang pagdadalawang isip na isinend ko iyon sa kanya. Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya nagrereply.
Napabangon naman ako nang magpop up ang pangalan niya sa screen ng phone ko.
Alezander: Kasi dare lang din 'yon. Don't think too much, ayoko sa'yo.
Nanikip ng sobra ang dibdib ko at nangilid ang luha ko.
Bakit nga ba ako umaasa na gusto niya rin ako?
Tanghali na ako nagising at mabuti na lang ay Sabado ngayon kaya okay lang. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas sa kwarto ko.
Nadatnan ko si Vera na nanonood ng t.v.
Kumunot ang noo niya nang makita ako.
"Bakit? May muta ba ako?" tanong ko.
Lumungkot ang mga mata niya. "May problema ka ba, Kyril?"
"Problema?" pagmamaang maangan ko.
"Narinig kasi kitang umiiyak kagabi," malungkot na sabi ni Vera.
Bumuntong-hininga ako tsaka umupo sa tabi niya.
"Disqualified ako sa regional cheer dance competition."
"Ano?" Napatayo pa siya dahil sa pagkagulat.
"Disqualified ako," pag-uulit ko pa.
Nanlaki pa ang mga mata niya. "Bakit? Paano nangyari? Ang galing mo kaya!"
"Inaway ko si Aliya."
Nagulat naman ako nang hampasin ako ni Vera.
"Aray naman!" daing ko pa.
"Baliw ka talaga! Sana pinatapos mo muna 'yong competition tsaka mo siya inaway."
Natawa naman ako. "Oo nga, no?"
Sinamaan naman ako ng tingin ni Vera. "Akala mo ba nakakatuwa iyon?"
"Anong gusto mong gawin ko? Iniyak ko na lahat kahapon."
"Paano ka?" malungkot na tanong niya.
"Tanggap ko na. Acceptance is the key, right?"
Bigla akong niyakap ni Vera.
"Alam kong masakit 'to para sa'yo, Kyril. I'm always here for you."
Mapait akong napangiti.
Mas masakit pa rin 'yong sabihin ni Alezander na ayaw niya sa akin.
My heart is broken because of you, Montegrande.