LOVE 5

2190 Words
Napagkasunduan namin ni Vera na ituloy ang plano namin na pagbebake kaya heto kami at nasa Sentro para mamili ng mga ingredients. Maganda na rin ito para naman madivert sa ibang bagay 'yong atensyon ko. Hindi 'yong puro na lang kay Montegrande and fine! I hate to admit it pero parang mas lalo ko siyang nagugustuhan. And it's not healthy. Bago ko palang siya na nagugustuhan pero naging ganito na ang sitwasyon. Dahil sa kanya panay ang tulo ng mga luha ko. Dahil sa kanya napahiya ko ang sarili ko. Dahil sa kanya nadisqualified ako sa competition at dahil sa kanya nadudurog ang puso ko ngayon. "Hoy! Tulala ka jan." Bumalik lang ako sa ulirat nang sikuhin ako ni Vera. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang karinderya dito sa Sentro. "Ang sabi ko, e bakit mo ba kasi inaway si Aliya? Dare lang naman 'yon, diba? Bakit parang masyado kang defensive?" Nagngitngit naman ang kalooban ko sa inis. "Kasi masyado siyang papansin." Umirap pa 'ko. Napukaw ang atensyon ko nang may matanaw ako sa hindi kalayuan. Si Alezander. Nakapangbasket ball siya at kunot na kunot ang noo niya dahil sa tindi ng init ngayon. "Feeling ko may gusto ka talaga kay Alezander." Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig. "Ako may gusto doon? Eww lang!" pagdedepensa ko. "Maka'eww ka jan. E, halos matunaw na nga siya sa pagtitig mo. Hay naku. Kyril! Feeling ko talaga inaway mo si Aliya kasi nagseselos ka." Nanlaki pa ang mata ko sa sinabi ni Vera. "Tigilan mo nga ako, Vera!" "Ewan ko sa'yo, Kyril!" Umirap pa siya sa akin tsaka umiling-iling. Masyado na ba akong obvious? "Kumpleto na ba lahat 'yan?" tanong ko kay Vera nang matapos kaming kumain. Isa-isa naman niyang tinignan ang mga dala naming eco bag na siyang pinaglalagyan ng mga pinamili namin. "Hala! Nakalimutan natin 'yong baking powder." "Sige, hintayin mo na lang ako dito. Ako na 'yong bibili." Ngumiti pa 'ko kay Vera. Tumango naman siya. Dali-dali kong tinungo ang papunta sa palengke. Papasok na 'ko sa loob ng dry market nang makasalubong ko ang taong gusto ko sanang iwasan. Nagtama ang mga mata namin. Bumilis ang t***k ng puso ko na pilit ko ngayon na pinapakalma. Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng bibig niya bago ako lampasan. Sinaway ko ang sarili ko nang lingunin ko pa ang nakatalikod na si Alezander. Bakit kahit nasasaktan mo ko e nagagawa mo pa ring palundagin ang puso ko? Napailing ako sa naisip ko. Ako at si Montegrande ay hindi pwede. Tama siya na wala akong karapatang magustuhan siya dahil wala akong hekta-hektaryang lupain at milyong milyon na salapi. I'm just a nobody when it comes to him. Nang mabili ko ang baking powder na siyang pakay ko ay bumalik na ako kay Vera at mukhang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana dahil naroon si Alezander na mukhang may hinihintay. Muling nagtama ang mga mata namin pero nag-iwas agad siya. "Tara na." Tumango ako kay Vera tsaka sumunod sa kanya. Kung sakaling mayaman ba ako ay magugustuhan mo ako, Montegrande? Walang humpay na tawanan at kwentuhan ang ginawa namin ni Vera habang nagbebake kami ng cake. "Bakit palpak?" tanong ko habang pinagmamasdan ang cake na hindi umalsa. "Saan tayo nagkulang?" Ngumuso pa si Vera. "Hayaan mo na. Panigurado akong bawing-bawi 'yan sa lasa," confident pa na sabi ko. "Ano ba 'yan!" Halos maduwal ako nang tikman ang cake. "Sobrang alat tapos ang pait pa," reklamo ko pa. Nagkatinginan kami ni Vera tsaka kami humagalpak sa tawa. I'm so thankful for having her. Lalo na sa ganitong sitwasyon. Hindi man niya alam na nasasaktan ang puso ko dahil sa isang lalaki pero at least ramdam ko na lagi lang siyang nanjan para sa akin. Mabilis ang pagdaan ng mga araw. Heto ako ngayon sa soccer field ng Montreal High habang pinapanood ang mga junior high na itinetrain ng mga senior high student. Nagulat ako nang may humila sa akin. "Alezander?" sabi ko nang makita kung sino ang humila sa akin. "Hindi ka ba nag-iisip? Bawal tumambay jan kapag may training. Baguhan ang mga 'yan. May tendency na tamaan ka ng bola," masungit na sabi niya tsaka ako nilagpasan. "Ano namang pakialam mo?" singhal ko sa kanya. Hindi ko naman maiwasan na hindi mapangiti. Concern din naman pala. Sa ilang araw na lumipas ay pinilit ko na iwasan siya pero sadyang traydor ang puso pagdating sa taong mahal natin. Dahil pilitin ko mang umiwas ay lagi ko na lang nakikita ang sarili ko na nakatayo sa labas ng classroom nila Alezander at pinapanood siya. Nadaanan ko pa ang dance studio nang pabalik na 'ko sa classroom namin. Mapait pa akong napangiti nang matanaw ko ang mga kasamahan ko na masayang nagpapractice. "Bakit ka kinausap ni Mrs. Faber?" pabulong na tanong ni Vera. Si Mrs. Faber ay sa mga teacher dito sa Montreal High. "Gusto niyang ako ang lumaban sa nalalapit na inter school pageant." "Talaga?" Medyo napalakas ang boses ni Vera kaya tinignan kami ng masama ng teacher namin. "O, anong sabi mo?" pang-uusisa agad sa akin ni Vera nang makalabas ang teacher namin. "Tinanggihan ko." Kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata niya. "Nababaliw ka na ba talaga?" singhal niya pa. Natawa naman ako. "Joke lang! Siyempre tinanggap ko. Choosy pa ba 'ko?" Lumawak naman ang ngiti ni Vera. "Grabe! Ang ganda talaga ng best friend ko." Yumakap pa sa akin si Vera. "Kinabahan pa nga ako nung una baka kasi dahil nanaman sa pang-aaway ko kay Aliya," sabi ko habang naglalakad kami palabas ng room. "Ganoon din ang naisip ko. Pero sobrang good news pala." Palapit na kami sa gate ng Montreal High nang mapansin namin ang nagkukumpulan na mga studyante sa harap ng bulletin board. "May importanteng announcement daw." Rinig ko pang sabi nang isang studyante. "Ano kaya 'yon?" tanong ko tsaka ko hinila si Vera. "Excuse me," sabi ko pa nang hindi kami makadaan. "Deserve niya naman." "Feeling ko makukuha niya 'yong korona." "Beauty and brain. Perfect talaga jan si Kyril." Napangiti ako nang makita ang pangalan ko na nakapaskil sa may bulletin board. Inter School Pageant Representative Kyrilline Chrizta V. Sembrano So it's official. Ako na talaga. "Malulungkot niyan si Aliya. Last year na niya sa junior at pangarap pa naman niyang maging representative." "Hindi naman deserve nung Kyril." Napalingon ako sa nagsalita. Nagtama ang mga paningin namin. Naramdaman ko nanaman ang pagkirot ng puso ko. Si Alezander. "Mas deserve ni Aliya," sabi niya pa habang derechong nakatingin sa akin. Nag-init ang ilalim ng mga mata ko at tinalikuran ko na si Alezander. Siya lang laban sa mga studyanteng narinig ko na nagsabing deserving ako para maging representative. Isa lang siya na narinig kong nagsabi na hindi ako deserving pero nadiscourage agad ako. Si Aliya lang ba talaga ang deserving sa paningin mo Montegrande? "Sabi na nga ba tungkol sa'yo 'yong announcement." Malawak ang ngiti ni Vera. Pinilit ko rin na ngumiti. "Tara na." Pilit ko na pinapasigla ang boses ko. Pakiramdam ko ay hindi magtatagal ay tutulo na ang mga luha ko. Dahil sa'yo Montegrande naging iyakin ako. Pagkauwi namin ay nagkulong agad ako sa kwarto ko. Nagtungo ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Bakit hindi ako deserving? E, mas hamak naman na mas maganda ako kay Aliya. At kung patalinuhan lang din ang usapan hindi naman sa pagyayabang pero rank 10 ako sa buong grade 11 students. At rank 1 si Aliya sa buong grade 12 student. She's also running for Valedictorian. Napasabunot ako sa sarili ko. Nafufrustrate ako! Napupuno ako ng mga insecurities. Nawawala ang self confidence ko at lahat 'yon ay dahil sa'yo, Montegrande. Kailangan ko na tigilan ang kabaliwan kong ito. Bumaba ako para tulungan si Vera magluto ng merienda namin. "Kyril, gusto rin pala ni Aliya maging representative." Hindi ako nag-abalang tignan si Vera. "Pero final na daw talaga na ikaw." Rinig ko ang saya sa boses niya. Pero bakit parang hindi na ako ganoon kasaya? "Okay ka lang ba? Lately kasi parang ang tamlayin mo." Ngumiti ako kay Vera. "Hindi naman. Nanghihinayang lang ako sa cheer dance competition kabisado ko pa naman 'yong steps." Nagpakawala pa ako ng pekeng tawa. Hindi ko masabi na in love ako sa maling tao kaya nasasaktan ako. Na nakuha kong magpakatanga para sa kanya. Na nahihirapan akong maging masaya ngayon dahil sa kanya. Pinagpatuloy ko na ang pagluluto. Masaya kaming nanunuod ng romantic comedy ni Vera habang nilalantakan namin 'yong banana cue na niluto namin. "Kyril, sabi nga pala sa akin sa Queenz ay magreport ka daw bukas. Contract signing daw." Nanlaki ang mga mata ko. "Finally! Ang tagal kong hinintay 'yong update nila." "At ang balita ko kasali ka na daw sa magaganap na runway show, 2 months from now." Napatili ako tsaka niyugyog si Vera. Pangarap ko talaga ang maging beauty Queen o 'di kaya maging supermodel. "Kailangan pala magbeauty rest na ako. Lumalaki na rin kasi 'yong pores ko." Nagkatinginan kami ni Vera tsaka parehong natawa. "Ang asikasuhin mo ay 'yong nalalapit na pageant mo. Don't worry about the gowns, nakausap ko na si Celine." Kumindat pa sa akin si Vera. "Nakausap mo na agad?" "Oo naman! Ako pa ba? Pumayag na rin siya maging make up artist mo para sa pageant." Nagtatalon naman ako dahil sa tuwa. "Don't worry, hindi ko kayo bibiguin. Makukuha ko ang crown," confident na sabi ko. Kinabukasan ay hindi muna ako pumasok sa school dahil kailangan kong magreport sa Queenz. Ang sabi ni Vera sa contract signing lang naman daw talaga magkakaroon ng conflict sa schedule dito at sa pasok sa school pero the rest ng activity ay ipapagawa sa akin kapag free time ko. "Good morning po!" masayang bati ko sa HR manager. "O, Ms. Sembrano. Sorry kung natagalan 'yong update ko sa'yo. Inipon pa kasi namin 'yong mga bagong recruits na mga models." "Okay lang po." Hindi mawala wala ang ngiti ko. Nasa unang hakbang na ako patungo sa pangarap ko. "Ito 'yong mga pipirmahan mo. Basahin mo na lang mabuti then ask me if meron kang gustong iclarify. Pinapatawag lang ako ni Madam V, 'yong boss natin but I'll be right back in a few minutes." Tumango ako tsaka ngumiti sa HR manager. Sinimulan ko nang basahin ang contract. Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang binabasa ang mga rules and regulations bilang isang model ng Queenz. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako at nagsisimula nang pumirma. My stepping stone to my dreams. Natapos na 'ko sa pagbabasa at pagpirma pero hindi pa rin bumabalik 'yong HR manager. Napukaw ang atensyon ko ng isang malaking frame na nakakabit sa pader. Napangiti ako nang makita si Vera. Sa susunod ay kasama na ako sa picture na 'yan. At talagang pagbubutihin ko ang trabaho ko dito sa Queenz. Nang marinig ko ang pagtunog ng door knob ay dali-dali akong umupo. "Ma'am, okay na po. Napirmahan ko na rin po," sabi ko sabay ngiti. "So wala ka bang gustong iclarify?" Umiling naman ako. "Wala po. Klaro naman po lahat sakin." "Then, very good. Welcome to the Queenz, Kyril!" Nakipagshakehands pa siya sa akin. May tinawag na staff 'yong HR manager para itour ako sa buong office. "Usually, dito ginaganap 'yong mga shoots kapag indoor photoshoots lang and depende doon sa company na nagpapaindorse." Malawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang malaking studio. May mga importanteng rooms pa kaming pinuntahan at pinakilala niya rin ako sa mga models na nandoon maging sa mga handler. Hindi rin nagtagal ay pinayagan na akong umuwi ni Jeanna, 'yong staff na nagtour sa akin. Paglabas ko nang building ng Queenz ay nagtama ang mga mata namin ni Alezander na ngayon ay nakakrus ang dalawang braso habang nakasandal sa Legacy niya. Nakasuot pa siya ng uniform ng Montreal High. Lalagpasan ko na siya nang bigla niya akong tawagin. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Bumuntong-hininga naman siya. "Can we talk?" mahinang tanong niya. Ayoko sana pero parang nahypnotized nanaman ako dahil sa ganda ng mga mata niya kaya ang ending ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nandito sa front seat ng kotse niya. Itinigil niya ang kotse niya sa harap ng Montreal Park. "Bakit?" pagbasag ko sa katahimikan. "I know this is too much pero magquit ka bilang representative ng inter school pageant." Nalaglag ang panga ko sa narinig ko kay Alezander. "I mean pwede naman talagang kausapin ni Vice Mayor si Mrs. Faber para gawin si Aliya na representative pero mas maganda na 'yong kausapin din kita- Pinutol ko ang sinasabi niya. "Bakit ikaw ang kumakausap sa'kin?" Narinig ko ang pagcrack ng boses ko. "'Cause I can't stand seeing Aliya crying because of this thing, maggive way ka na, Kyril. May isang taon ka pa naman, please." Ngayon ko lang nakita na ganito kaamo ang mukha ni Alezander. Nagsusumamo ang mga mata niya. "Please, I want her to be happy." Inabot pa ni Alexander ang kamay ko. Malungkot akong ngumiti. "Sige." Naramdaman ko ang pagbara ng kung ano sa lalamunan ko. Nakita ko ang pagsigla ng mga mata ni Alezander. Bago pa siya magsalita ay bumaba na 'ko sa kotse niya. Kahit ano basta ikaw, Montegrande.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD