Nagsisi ako na lumipat ng boarding ako nang dahil sa aming pag-aaway. Sa kabila ng lahat ay naging maayos na talaga kaming muli. Ngunit tunay na hindi kami nararapat sa lugar na aming nilipatan. “Kailangan ninyo ng makahanap nang malilipatan bago sumapit ang susunod na linggo,” balita sa amin ng landlady. “Magiging for ladies dormitory na lang ito.” “Ngunit bakit po ba?” “Pasensya na kung madadamay kayo pero kailangan lang namin na maging patas,” paliwanag ng landlady nang dahil sa hindi nagbabayad on time ang mga kasamahan namin na mga kalalakihan. Nagtanong pa kami kung may exception ba at papayagan namin kami. Sa kadahilanan na natatakot pa rin ako at madalas mawalan ng kuryente ay lilipat na lang kami. Buong araw kaming naghanap hanggang sa makahanap na kami. Lumipat kami sa isang

