Hindi na ako nagsasabi kay Rosy nang dahil sa aking nalaman. Para bang walang saysay na sinasabi ko ang lahat ng drama ko sa kaniya. Kahit ganoon ay hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa kaniya bilang kaibigan. Nang dahil sa ang tagal gumising at ang bagal kumilos ni Nora ay sirang-sira na ang araw ko. Ngayon lang siya nagpakita kasi wala nang pera tapos ma-late pa kami dahil sa kaniya. Hindi naman ugali ng aming samahan ang mag-iwanan, siya lang kung mayroon siyang pera. “Your late, again Mr. Montefalco!” Pagiging dismayado ni Sir Markus. “Nang dahil sa naging kaibigan mo ang tatlong ito ay natoto ka nang ma-late at nag-absent ka pa noong isang araw.” Umupo na ang tatlo kong kasama ngunit ako ay nakatayo lamang. “You know Mr. Montefalco na kaya mong makipagsabayan sa mga average stu

