“Andrea!”
Beads of sweat are dripping down my face as I ran towards to where he is standing. Malaki ang ngiti sa aking labi habang nakataas ang dalawang kamay sa ere.
“Bilisan mo! Tignan mo 'to!” He happily squealed while crouching down.
Andito kami sa labas ng bahay katulad ng lagi naming ginagawa tuwing umaga. We sometimes lay low at the nearest rice field or just play all day.
“Ano 'yan?”
Agad na hinabol ko ang aking hininga pagkatigil ko ilang metro lang ang layo sakanya.
He turned to me with furrowed brows while placing his index finger on his lips, gesturing me to lower down my voice.
I slightly tilted my head, confused. Dahan-dahan akong lumapit sakanya at doon ko nakita ang isang maliit na puppy na mahimbing na natutulog sa gilid ng mga halaman.
Tila nagningning naman ang aking mga mata at tinangkang lalapitan pa ito para mas masilayan ko ng malapitan pero agad din akong hinawakan nito sa braso kaya napatingin ako dito.
“Huwag, baka magising siya,” he said in a low voice habang nakatakip pa sa gilid ng labi ang isang kamay.
I quickly pursed my lips and draw my fingers from the left corner of my lips to the opposite side, acting like I was zipping it.
Ibinalik niya ang mga mata sa mahimbing na natutulog na aso habang ako ay nanatiling nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa aking braso.
As if a strong strike of electricity hit my body that made my heart skipped a beat. My jaw tightened as I gulp down the tension building up in my throat.
I have never felt this kind of feeling before. Everything is new to me, so foreign na hindi ko masabi kung ano. But one thing I'm sure, I'm beyond happy everytime I'm with him.
“Andrea—”
He turned his head on me and in a one swift movement, I just found my lips touches his.
Napabalikwas ako sa aking hinihigaan habang habol-habol ang hininga. Agad akong napahawak sa aking labi habang inaalala ang isang panaginip, lalo na doon sa parte kung saan naglapat ang aming mga labi.
Alam kong panaginip lang 'yun, pero bakit pakiramdam ko ay totoo? Ramdam na ramdam ko pa ang lambot ng kanyang mga labi sa labi ko na tila ba hindi lamang isang panaginip iyon.
Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang sarili.
“Sino ka ba kasi?” Bulong ko sa sarili.
Nanatili ako sa ganoong sitwasyon habang hindi parin maialis sa isipan ang ganoong pangyayari. Kahit hindi ko makita ang mukha ng batang lalaki sa panaginip ko ay parang kilalang-kilala ito ng aking puso sa paraan ng pagtibok nito habang inaalala ang mga naunang pangyayari sa panaginip ko kasama siya.
Sa loob ng ilang taon simula noong nawala ang lolo ko. Wala na akong ibang napapanaginipan bukod sa lalaking iyon, parang isang palabas sa telebisyon ang mga kaganapan na hindi ko maiwasang abangan kung ano ang susunod kaya halos pilitin ko na ang sarili ko na matulog oras-oras para lamang masilayan muli ang lalaki, nagbabakasakaling makita ko na ang mukha nito.
Hanggang ngayon na nasa highschool na ako. Wala man lang pagbabago, ganoon parin at halos mabaliw na ako kakaisip kung sino siya at kung ano ang naging parte niya sa buhay ko. Kung totoo ba talaga ang lahat ng iyon o pawang panaginip lamang.
Napakunot ang aking noo nang maramdaman ang init ng pasikat na araw sa aking mukha.
Umaga na pala at hindi ko alam kung ilang oras akong nakatunganga lang sa aking higaan habang iniisip ang senaryong iyon.
Bukod sa masyadong misteryoso ang lalaking nasa panaginip ko, ay palaisipan din ang mga serye ng panaginip ko kasama siya. Masyadong masakit sa ulo isipin kaya napagpasyahan kong bumangon na at pagmasdan na lamang ang pagsikat ng araw sa labas.
Ito ang unang araw ko dito sa probinsya at ngayon ko pa lamang makikita ang mga nag gagandahang tanawin sa labas na hindi ko gaanong na-enjoy kagabe dahil medyo madilim na, gayong hindi naman ako binigo ng ganda ng sunset sa lugar.
Pagkalabas ko ng kwarto ay kaagad akong lumabas ng bahay dahil masyadong mataas ang gate at makapal ang mga baging na nakapulupot dito na hindi ko makita masyado ang labas.
The light radiated from the sun slowly cover the low areas where the rice crops and sugar cane were planted. The mere sight of it is enough for me to put in awe. I never had watched sunrise before, well, maybe except when I was still a kid. My memory of it was still blurry but the feeling of it was somehow familiar.
“Psst!”
Napatingin ako sa gawing kanan ko nang makarinig na may sumitsit.
A boy, whom I think is just in the same age of mine or maybe a little older is smiling at me from ear to ear, showing his complete set of white teeths.
Napataas ang kilay ko at pasimpleng luminga-linga sa paligid dahil baka iba pala ang nginingitian nito.
“Ikaw ang tinatawag ko, Andrea.”
A feeling of familiarity washed over me upon hearing him uttered my name. Parang bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking katawan that made my heart beats faster than ever.
“How did you know my name?” I asked, almost like a whisper.
He just smiled and pulled me for a tight hug na ikinagulat ko. Parang tinambol ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko na hindi kaagad ako nakapag-react. The warmth of his skin feels like a blanket wrapped around my fragile body, it's like his arms and chest were perfectly made just for me.
“I'm glad that you're back,” he whispered.