Hindi ko alintana ang malakas na buhos ng ulan dala ng hanging habagat at nagpatuloy parin sa paglalakad sa gitna ng kawalan. Sobrang dilim na ng paligid at basang-basa na ang suot kong bestida pero wala akong pakialam, kailangan kong mahanap iyon kahit abutin pa ako ng umaga dito.
“Andrea?! Andrea!”
Napakagat ako sa aking labi at napayakap ng mahigpit sa aking katawan upang labanan ang lamig. Bumibigat na ang mga talukap ko at nanghihina na ang mga tuhod ko.
“Andrea!”
Isang malakas na kamay ang humigit sa akin, dahilan ng pagkabangga ko sa matigas na dibdib nito. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at itutulak sana palayo ang taong nasa harap ko pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin kaya lalo akong nasubsob sa dibdib nito.
“A-Anong ginagawa mo?” Mahina ngunit sapat na para marinig niya iyon.
“Ano bang pumasok sa isip mo at nagpapaulan ka?! Kanina pa kita hinahanap, hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala nang malaman ko na nawawala ka?”
Natahimik ako at nanigas sa aking kinatatayuan, nanatiling nakatayo kami dito sa gitna ng daan pero hindi na ako masyadong nababasa dahil natatakpan ako ng malapad nitong katawan.
“Akala ko mawawala ka na sa akin...” Bulong nito at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Unti-unting namuo ang mga luha sa aking mga mata at napayakap nalang din sa lalaki. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. But the moment his warm hands wrapped around my body, feels like the comfort my heart was longing to feel. I didn't know I would feel this secure despite the rough weather.
Dahan-dahang iminulat ko ang aking mga mabibigat na talukap nang may maramdaman na malambot na kamay na humahaplos sa aking mukha.
“Anak? Ayos ka lang ba?” Si mama.
Dahan-dahan akong bumangon kaya lumayo ito ng kaunti sa akin at marahang kinusot ang aking mga mata.
“Ma? Anong ginagawa mo dito?” Takang tanong ko at inilibot ang paningin sa paligid.
Bahagyang nagulat ako nang makita din si papa na nandito at may hawak pang newspaper.
“Narinig ka naming sumisigaw at umiiyak ng papa mo kaninang madaling-araw kaya binantayan ka na namin,” ani nito na may bahid ng pag-aalala sa boses.
Napayuko naman ako at napakunot ang noo. Hindi ko lubusang maalala ang panaginip ko pero naaalala kong may hinahanap ako nun pero 'di ko alam kung ano.
Simula noong namatay ang lolo ko, I started having series of dreams about a certain boy. It seems that sobrang close namin sa mga panaginip ko pero hindi ko maaninag ang mukha nito. I can even hear his voice pero hindi sapat iyon para makilala ko kung sino siya.
I never asked my parents about it and just chose to keep it to myself.
“Bumangon ka na diyan at maghanda dahil maya-maya ay aalis na tayo,” ani ni mama at tumayo na mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko.
My brows shot up at ibinalik ulit sakanya ang mga mata ko.
“Why? Where are we going?” Takang tanong ko.
“We're going to visit your Lola and Tita at doon na rin tayo magbabakasyon so you better hurry para hindi tayo abutan ng dilim sa daan,” she said then left my room together with my dad.
Sandali akong nagmuni-muni muna bago tuluyang tumayo. I can't help but to get excited dahil ngayon nalang ulit ako makakabalik ng probinsya. My grandparent's hometown is so beautiful na babalik-balikan mo talaga.
The fresh air, the sea breeze, the sunsets and sunrise are really mesmerizing. Naaalala ko pa dati ay lagi kaming pumupunta doon to spend our vacation pero masyado pa akong bata nun para maalala.
Kasalukuyang tinatahak na namin ang kahabaan ng downtown at medyo traffic pa kahit na under quarantine parin ang buong siyudad. Medyo nakakalungkot ngayong summer dahil we can't spend most of our time outside dahil nga sa virus kaya sobrang excited talaga ako ngayon na luluwas kami ng probinsya.
While watching the busy streets outside ay naramdaman ko ang biglang pagvibrate ng cellphone ko.
It's tita Mandy calling.
“Hello, tita?”
Kaagad na napalingon sa gawi ko si mama nang marinig akong magsalita. She raised her brow na parang nagtatanong kung ano sinabi ng tita ko.
“Tell your father na huwag dumaan sa main road dahil under construction pa iyon baka mahirapan kayong lumusot, better to change route kapag malapit na kayo sa simbahan ng Immaculate Concepcion,” she said at may sinabi pang iba pero hindi ko na masyadong narinig dahil medyo choppy ang connection at bigla na lamang naputol ang linya ng tawag.
“Anong sabi?” Si mama.
“She said na lumiko daw tayo kapag malapit na sa simbahan ng Immaculate Concepcion dahil sarado daw ang main road dahil under construction, may sinabi pa siya but hindi ko na masyadong naintindihan dahil mahina ata signal doon,” I answered.
Tumango naman si mama at bumalik na sa ayos ng pagkakaupo. I heaved a sigh at ibinalik ang atensyon sa aking cellphone, medyo mahaba pa ang magiging biyahe kaya naisipan kong mag-log in nalang muna sa f*******: account ko.
Naisip ko kasi na hanapin doon 'yung lalaki sa panaginip ko but it turns out na hindi ko pala alam pangalan niya kasi never ko naman na mention sa panaginip ko 'yun pero ilang beses na ata akong natawag nun sa pangalan ko.
What's weird pa kasi mukhang close na close kami pero never ko pa naman siya nakilala—or maybe, nakalimutan ko lang?
But that's impossible, I can clearly remember my childhood days pero wala ni isang scene doon na kasama siya. How come?
Dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. I'm expecting na may mapapanaginipan ulit ako about doon sa lalaki pero wala. Kating-kati na ako malaman kung sino siya.
It's already dark outside nang magising ako pero nasa daan parin kami. I checked my phone for the time and it's already 6:24 in the evening. Sobrang tagal pala ng biyahe namin.
“Ma, malayo pa ba tayo?” I asked habang inaaninag ang labas ng sasakyan.
Walang masyadong poste ng ilaw pero medyo maliwanag pa naman. Wala na din akong nakikita na mga building at bahay so maybe malapit na nga kami.
“Almost there, ang dami kasing checkpoint tayong nadaanan kaya na traffic.”
Tumango-tango naman ako habang hindi parin inaalis ang mata sa labas. I can't help but to smile.
Sobrang namimiss ko na si lola at miss ko na rin pagmasdan ang sunrise sa bukid. Ang dami ko ng pwedeng ipang post sa i********:!
“Oh, we're here.”
Napatingin ako sa harap nang marinig ang sinabi ni mama. Tama nga siya dahil tanaw na tanaw ko na ang malaking gate ng bahay nila lola. Nakita ko din si tita na lumabas mula doon habang may bitbit na garbage bag. Agad na bumusina si papa kaya napatingin ito sa gawi namin.
At last! Nandito na kami!
“Huwag kang tumakbo kaagad papasok, Andrea. Tulungan mo ang papa mo na ipasok ang mga gamit natin sa loob,” ani ni mama at nauna nang bumaba.
Tita Mandy greeted her with a hug and a kiss on a cheek at nagkwentuhan pa sila sandali bago pumasok sa loob.
Bumaba na rin ako ng sasakyan at agad na sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin ng probinsya.
“How I missed this place,” I uttered at pinagmasdan ang kulay kahel na kalangitan.
Kahit medyo madilim na ay hindi parin ako binigo ng lugar na mamangha sa angking ganda nito. The view of the mountains and the setting sun from where I am standing is a pure art that it made me wistful for a moment.
Hindi ko alam pero bigla na lamang sumagi sa isip ko ang lalaki na nasa panaginip ko.
I wonder if I'll meet him here.