“Silent Protection” (Daisy’s POV)

1428 Words

“Bakit may mga lalaking nakaitim na sumusunod sa akin?” Diretso kong tinanong si Andrew habang magkatabi kaming naglalakad sa malawak na hardin ng mansyon. Hindi ko na kinaya ang pananahimik. Ilang araw ko nang napapansin ang presensya nila—hindi lantaran, hindi rin agresibo, pero palaging naroon. Sa bawat liko ng landas, sa bawat paglabas ko ng pinto, may mga matang nagbabantay. Huminto siya sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa akin. “Para sa seguridad mo,” sagot niya, kalmado pero matigas ang tono. “Security?” napangiti akong pilit. “Andrew, hindi ako presidente. Hindi rin ako kriminal. Bakit kailangan ko ng ganito karaming bantay?” Tumitig siya sa akin nang matagal, parang sinusukat kung gaano karaming katotohanan ang kaya kong tanggapin. “Dahil,” sabi niya sa huli, “mula nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD