Mabilis na lumipas mga araw, mga linggo at mga buwan. Kasabay ng mabilis na pag-angat ng buhay nila ay ang mabilis din paglaki ng bunsong kapatid niya na si Lyana.
Na ngayon nga ay halos nasa ika limang buwan na niya. At habang lumalaki ito ay lalo namang gumaganda na gaya din naman ng kanyang Ina.
Dahil makalipas ang limang buwan ay lalo pa itong gumanda. At ang bakas ng pagbubuntis at panganganak nito ay hindi na din mababakas pa sa katawan nito.
Kaya naman sa edad nitong 33 ay masasabing tila ngayon palang ito totoong namumukadkad na tila isang napakagandang rosas sa hardin.
At ang katawan nito ay muling bumalik sa dating hubog at hugis nito. Na muling bumalik ang balingkinitang katawan nito. Habang nanatiling malaki ang balakang at mga hiya niya. Na nagbigay din naman ng magandang hubog ng kanyang katawan.
At dahil dito ay darating ang isang pagsubok na sandaling tila titibag sa katatagan ni Anton...
BUWAN NG DISYEMBRE
1986
Ito ang mismong unang taon ng pag-alala sa pagkasawi ng kanilang Ama. At ito din naman ang unang araw ng pababang luksa ni Tesa mula sa pagpipighati nito sa pagkawala ng asawa. Na ayon na din naman sa tradisyon sa kanilang Bayan, at ito na din naman ang unang araw na masasabing ganap na ulit siyang dalaga muli. Na malaya siyang muling tumanggap ng bagong pag-ibig. Isang bagong pagkakataon para sa kanyang buhay bilang babae...
SA LAOT NG DAGAT
"Ikaw ba Anton ay handa na pagbabago sa buhay niyo ha?" sabi pa sa kanya ni Romy habang sabay nilang hinihila ang lambat pabalik sa bangka.
"Ano ang ibig mong sabihin po Mang Romy?" Nagtataka namang tanong niya sa medyo may edad ng lalakeng mangingisda.
"Nakababang luksa na ang iyong Ina. Kaya naman sa ayaw at sa gusto niyo ay hindi niyo din naman mapipigilan ang mga lalakeng aakyat ng ligaw sa kanya. Dahil nga ngayon ay dalaga na siya ulit."
Napahinga ng malalim si Anton.
"Wala na po sa plano yan ni Nanay Mang Romy, dahil alam naman natin na si Tatay lang ang pag-ibig niya. At wala ng hihigit pa kay Tatay sa puso ng aking Ina." Kampante naman niya sagot dito habang halos mapugto ang hininga nila sa bigat ng lambat pilit nilang itinaas sa bangka.
"Huwag kang pakatiyak bata. Dahil kapag pinana ni kupido ang puso ng Nanay mo ay iibig at iibig ito ng bagong lalake na makakapalit ng Tatay mo." Patuloy pa nito.
Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ng matanda at nagpatuloy lang sa ginagawa.
"Hindi na kailangan ni Nanay ng bagong lalake sa buhay niya Mang Romy, dahil nandito naman ako upang siguraduhing may kakainin kami tatlong beses isang araw. Kaya naman kahit ano pa ang ipangako nila kay Nanay ay naniniwala akong hindi na siya tatanggap pa ng manliligaw upang palitan si Tatay." Patuloy pa ni Anton.
Napangisi naman ang matanda.
"Alam mo bang napakaganda ng iyong Ina. Kaya naman kung ituring siya dito ay prinsesa ng dagat. Kaya naman masasaway mo ba ang iyong Ina kung sakaling gumusto ito at pumili sa mga lalakeng mag aasam ng matamis niyang oo? Kapalit ng kasiguraduhang mapapaayos na kayong mga Anak niya. At isa na nga dito si Joshua, isa siya sa lantanrang nagpapahayag ng pagkagusto kay Teresa. At ngayong nakababang luksa na nga siya ay titiyakin ko sa iyong magiging bisita niyo na siya."
Napakunot ang noo ng binata at sandali ding nakaramdam ng pagkabahala, dahil kilala niya ang Joshua na sinasabi nito.
Isa ito sa pinakamayaman sa kanilang bayan. Dahil sa mga negosyo nito at mga palaisdaan din naman sa kanilang barrio at maging sa Maynila din.
"Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung isang araw ay hindi kana namin kasama pa sa pamamalakaya dahil may mayaman kana kasing amain."
***
Nakabalik na siya sa bahay tila laman pa din ng isip niya ang mga sinabi sa kanya ni Mang Romy.
Subalit gaya ng palagi din namang sinasabi sa Ina ay hindi naman siya tututol kung saan ito sasaya.
"May problema ba Anton? Bakit ang sobrang tahimik mo? May nangyari ba sa laot habang nangingisda kayo?" Nag aalalang tanong naman ni Tesa sa kanyang Anak.
Habang sabay silang kunmakaing dalawa at inaasikaso siya ng kanyang Ina.
"Wala naman Nay, marahil ay napagod lang ako." pagsisinguling niya.
Agad namang napabugtong hininga ang kanyang Ina.
"Kung bakit kasi halos gabi gabi ay pumapalaot ka, may konti na din naman tayong ipon at hindi din naman kita inoobligang patayin ang sarili mo sa laot Anak." Patuloy pa ni Tesa.
Napailing lang si Anton at patuloy na malungkot na kumain.
Bagay na iginalang naman ng kanyang Ina.
"Maiba pala ko Nay, may mga nagpapahayag naba sa iyo dito ng panliligaw?"
Nabigla naman si Tesa sa biglang tanong ng Anak at halos masamid pa nga siya sa sinabi nito.
"Wala naman, bakit? Dapat ba at meron na dahil nakabanang luksa na ako?" Napapailing pang tugon niya sa Anak.
"Hindi naman, kaya lang ay diba dapat na inaasahan mo na ito?" Matapat na sabi pa ng Anak sa Ina.
"Siguro nga Anton, ngunit tulad ng sabi ko ay wala ng papalit pa sa puso ko para sa Tatay mo. At mananatili siya sa isip at puso ko." Matapat na tugon ni Tesa sa Anak.
"Sana nga Nay, subalit ano't-anoman ay hindi naman ako tututol para sa kaligayahan mo. Na ayokong maging hadlang sa mga pangarap mo." Malungkot na saad ni Anton.
Nalungkot naman si Tesa sa nadinig sa Anak.
"Kayo lang ang kaligayahan ko, kaya naman dapat ko bang ikatuwa na ngayon ay nakababang luksa na ako sa Tatay mo? At dahil din ba dito ay kusa na din bang mawawala ang sakit?" Halos mapaiyak na sabi niya.
Napayuko ako at napahawak sa sentido ko.
"Patawad Nay, sorry kung nagkakaganito ako."
Bahagya naman siyang napatitig sa Anak at napailing.
"Sige ganito nalang Anton, paano pala kung isang araw nga ay sabihin ko sa iyong may napili na akong ipapalit sa Tatay mo. Ano pala ang una mong sasabihin sa akin."
Muli namang napahawak si Anton sa sentido niya at pilit na ngumiti.
"Magiging masaya siguro ako para sa iyo Nay. Dahil wala naman akong hinangad kundi ang kaligayahan mo." Matapat na sagot ng binata.
"Hindi ka man lang ba tututol at sasabihin nariyan ka naman para sa amin Anton? At bakit kailangan ko pang humanap ng iba diba?"
Napailing naman ang binata sa Ina.
"Hindi Nay, dahil ayokong saklawan ang desisyon mo dahil ayokong muling makita kang malungkot dahil diniktihan kita sa kung ano ba ang dapat mong gawin..."
Napayuko si Tesa at nalungkot kasabay din naman ng marahan nito pagtayo at dali dali siyang iniwan sa mesa...