Isang pagmamahal na hindi naman talaga naghihintay ng kahit anong kapalit o pagnanasa.
Isang pagmamahal na makita lang niya itong masaya ay langit na para sa kanya.
Isang pagmamahal din na umaasa na balang araw ay ituring siya nito bilang eksaktong kapalit ng kanyang Ama.
Ang makasamang mangarap, kasama sa lungkot at saya. At higit sa lahat ay masaya na siyang ituring na bilang Haligi na sarili niyang Tahanan. Habang ang kanyang Ina naman ang magiging ilaw nito.
Sa ganitong paraan minahal ni Anton si Tesa. Na bagamat naiiba sa karamihan, ay tinitiyak naman niyang irerespeto niya ito hanggang sa huling paghinga niya...
Isang hindi perpektong relasyon dahil hindi ito naibabalik ng isa, na bagamat nagmamahal din naman ngunit sa magkaibang uri naman ng antas ito.
Isang pagmamahal sa isang babae na kanyang Ina din naman at isa namang wagas na pagmamahal ng isang Ina para sa kanyang Anak...
"Aalis napo ako Nay, ingatan mo sana ang sarili mo dito habang wala ako..." mga tagubilin na siguro nga ay kabisado na din naman ng kanyang Ina.
Mga litanyang tanging pwede lang naman niyang bigkasin dito, dahil hindi gaya ng Tatay niya ay Anak lang naman siya nito.
"Mag-iingat ka Anak."
Ang sagot naman nitong patuloy din naman niyang inaasahang marinig mula sa Ina. Na malayong malayo sa gusto niyang marinig na sabihin nito.
Ngunit sa kabila nito ay aalis siya upang pumalaot sa dagat na bitbit ang isang determinasyon. Na mabigyan ng magandang bukas ang babaeng pinakamamahal niya.
At kasabikan ang pagsapit muli ng umaga upang muling masilayan ang maamong mukha nito.
***
"Magandang umaga sa iyo Anton. Mamaya pala ay maaari mo din ba kaming ipag igib ng tubig?"
Napangiti ang binata sa may edad ng lalake na si Mang Kardo. Habang abala na siya ngayon sa pagsisibak ng kahoy upang gamitin naman nilang panggatong sa kanilang pagluluto.
"Sige po ba Mang Kardo, tutal naman ay mag iigib naman po ako talaga mamaya at idadamay ko na din po kayo." Masiglang tugon pa ng binatilyo sa matandang lalake. Habang patuloy lang siyang pagsisibak. Walang suot pang itaas at hayaang ilantad ang natural na kisig nito.
"Mabuti kung ganon pala, ang lagay e sumasakit din kasi likuran ko, kaya naman parang hindi ko na kakayaning makaigib pa. Hayyy tumatanda na yata ako talaga." Sabi pa nito kay Anton.
Natawa naman ang binatilyo at,
"Kalabaw lang po ang tumatanda Mang Kardo. Baka naman po lamig lang yan. Ipahilot mo lang at gagaling din yan." Tugon pa nito.
"Sana nga Anton ay ganon lang diba. O siya, pagdamutan mo itong dala kong mga gulay bilang pasasalamat na din sa kasipagan mo. May isinama din akong saluyot at dahon ng malunggay. Ilaga mo yan at ipainum mo sa Nanay mo. At tinitiyak kong makakatulong ito sa panbubuntis niya."
Masayang tinanggap ng binatilyo ang bigay na mga gulay ng matandang lalake. Kapit bahay nila ito, bagamat napakalalayo ng pagitan ng kanilang mga bahay ay hindi naman ito naging hadlang upang hindi sila magkakasundong magkakapit bahay sa kanilang maliit na barrio.
"Gagawin ko po yan Mang Kardo, lalo pa nga at malapit na ding manganak si Nanay. Pihadong makakatulong nga ang mga ito lalo na at kailangan niya talagang magpalakas..."
Isang batang lalakeng may malaking puso para sa kanyang pamilya. Isang batang lalakeng eksaktong naging kapalit ng Tatay niya upang itaguyod ang kanyang mga naiwan. Marahil ay ganito nalang kung ituring si Anton sa mga nakakakilala sa kanya.
Subalit higit pa dito ang nais niya. Higit pa sa nagawa ng kanya nasirang Ama ang hangad niyang iparanas sa mga taong pinakamamahal niya.
Ngunit sapat na nga ba ang lahat ng sakripisyo at pagpapagal niya upang matupad ito?
Sapat na nga ba ang masidhing pagpupursigi lang upang magawa niya ito?
Samantalang hindi din naman kaila sa kanya na ang buhay ay hindi naman talaga kagaya sa isang pelikula sa telebisyon. Na sa isang pagsisikap at pagsisipag lang gaganda na ang buhay mo.
Na hindi naman talaga ganito sa tunay na buhay. Na minsan nga ay kung sino pa ang gumagawa ng tama ay sila pa ang mas nahihirapan.
"Kelan ba kasi ang kabuwanan ng iyong Ina, Hijo pala?" Muli namang tanong nito.
"Sa isang buwan na po Mang Kardo, kaya naman mas kailangan ko pang magsipag ng husto dahil madagdagan na naman ang aming Pamilya. Subalit nasasabik na po ako masilayan ang magiging bunsong kapatid ko." Masayang pahayag pa ni Anton.
"Harinawa ay maging maayos ang pamamalakaya mo Anton. Marahil ay nagmamasid lang ang iyong Ama. At alam ko namang gagabayan ka pa din niya kayo kahit nasa malayong malayo lugar na siya."
Tinapik tapik pa ng matandang lalake ang balikat ni Anton.
"Tama po Mang Kardo, alam mo namang patuloy kaming sasamahan at gagabayan ni Tatay." Sabi pa niya.
"Oo naman Hijo, at marahil ay kay laking pasasalamat niya dahil may isang Anton ang naiwan para sa mag-iina niya. At dahil diyan ay mapapanatag na din siya mula sa kabilang buhay...."
Napangiti naman ang binata at, " Salamat naman po kung ganon nga Mang Kardo. At ang hiling ko sa itaas ay sana naman muli ng bumalik ang sigla ni Nanay." Muling naman siyang lumungkot matapos sabihin ito.
Muli naman siyang tinapik tapik sa balikat ng matanda.
"Pasasaan ba at hindi mo namamalayan ay unti unting babalik ang sigla ng iyong Ina. Dangan nga lamang na may pinagdadaanan siya ngayon. Ngunit ang sugat ay kusa ding naghihilom sa paglipas ng panahon. Marahil ang puso ay hindi naman talaga nakakalimot sa pagkawala ng taong mahal nito. Subalit nasasanay ito... Nasasanay na ang dating pag-ibig na iniukol nito ay tuluyan ng magkukubli sa kanyang puso... At dahil dito ay magiging masaya na siyang muli at muling magkakaroon ng direksiyon ang kanyang buhay, para na din sa inyong mga Anak niya. Na tanging paghuhugutan niya ng kagustuhang patuloy na mabuhay sa mundong ito..."
Napayuko ang binatilyo.
"Hayaan mo at sa pagpunta mo bahay upang dalhin ang balde ng tubig ay ibibigay ko naman sa iyo ang isang transistor radio ko. Lalagyan ko na din ng bagong baterya, para naman kahit papaano at nakakapakinig ka ng balita at nakakapakinig din naman kayo ng musika paminsan minsan. Para naman kahit papaano ang malibang kayong mag-iina."
"Salamat po talaga Mang Kardo. Lubhang kailangan ko nga yan upang hindi na maulit pa ang nagyari dati..."