At matapos nga niyang magsibak ng kahoy ay agad din naman niyang kinuha ang pingga at balde mula naman sa likod bahay nila. At ihanda din naman ang sarili para naman sa pag-igib ng tubig.
"Kuya, eto daw pala sabi ni Nanay. Inumin mo daw ito habang mainit pa."
Bahagya naman siyang napangiti sa nakakabatang kapatid na si Liam. Nakasuot na din ito ng uniporme habang hawak ang isang tasa ng mainit na kape. At ngayon nga ay disi otso anyos na ang binatilyo. Na kung pagmamasdan ay tila binuhay nito ang katauhan ng nasira niyang Ama. Dahil sa mga katangian ni Liam, halos nakuha lahat sa kanilang Ama. Mula sa tindig at tikas ng katawan nito. Lalo na din sa pisikal na itsura nito ang halos replika ng kanilang Ama.
"Si Nanay ba mismo ang nagtimpla nito huh Liam?" Halos hindi naman makapaniwalang tanong nito sa nakakabatang binatilyong kapatid.
Matapos kasi ang anim na buwan ay ngayon lang ulit niya ito ginawa. Bagay na nagbigay ng galak sa kanyang puso. Isang katunayan lang na unti unti ay bumabalik na ulit ang sigla nito, matapos ang pagiging tulala lang at walang gana sa buhay.
"Oo Kuya..." Halos napapakamot naman sa ulong tugon nito.
"Salamat dito, makisabi kay Nanay. Nga pala may ibibigay ako sa iyo." Sabi pa ng binata sa kapatid tsaka naman ito dumukot ng pera sa kanyang bulsa at inabot sa kapatid.
"Pagbutihan mo ang pag-aaral mo Liam. Para naman sa ikasasaya din ni Nanay." Nakangiting sabi pa niya sa kapatid habang ginugulo pa ang buhok nito.
"Aasahan mo yan Kuya." Matipid namang tugon nito.
Mainit ang kape, kay sarap nito sa pakiramdam habang dahan dahan niyang hinihigop ito, na tila nagbibigay ng kaginhawahan sa buo niyang katawan. Lalo pa at ang Nanay nga niya mismo ang nagtimpla nito para sa kanya.
***
May kalayuan mula sa kanilang lugar ang poso na pinagsasalukan niya. Na halos nga ay nasa 300 din na metro, na hindi biro upang magpasan siya ng pingga sa kanyang balikat. Mula naman sa hindi pa sementado na daan, na tanging malalaking tipak lang ng bato ang nagsisilbing daanan.
Marahil para sa iba ay isa itong napakahirap na bagay. Subalit hindi kay Anton, dahil para sa kanya ay nagbibigay ito ng kakaibang sigla at inspirasyon para din naman sa kanyang pamilya.
Isang pamilya na marahil ay maituturing na din naman niyang kanya, dahil siya na ang tumatayong haligi nito.
Isang responsibilidad na hindi naman niya ginusto, subalit hindi din naman niya inayawan kahit minsan sa isip niya.
Dahil masaya siyang akuin ito.
Dahil ganito naman talaga ang isang obligasyon ng panganay. Ang pumalit sa posisyon ng isang haligi ng tahanan sa sandaling mawala ito. At tulungan ang maybahay na iniwan nito.
Isang patakaran na marahil na kay tagal ng umiiral sa mundo. Lalo na sa kapos palad na kagaya nila.
Kaya naman sa edad na desisyete ay agad na niyang natutunan kung paano nga ba maging isang ganap na padre de pamilya, para sa kanyang mga kapatid at Ina.
"Gaya ng ipinangako ko ay ibibigay ko na iyo itong transistor radio, Anton. May baterya na ding nakakarga diyan, kaya naman agad mo na din diyang magagamit pagdating mo sa bahay." Masiglang sambit pa nga sa kanya ni Mang Kardo.
Labis naman ang saya ng binatilyo sa natanggap.
Isang simpleng transistor radio marahil para sa iba. Subalit para sa kanya ay isa na itong kayamanan. Dahil kay tagal niyang pinangarap ng isang kagaya nito...
"Muli ay salamat po dito Mang Kardo..."
"Dahil masipag ka ay nararapat lang namang sa iyo ko ibigay yan. Masaya ako dahil nagustuhan mo. Kita ko ito sa kislap ng mga mata mo Hijo. At masaya ako dahil dito. Nga pala kung sakaling maubos ang baterya ay sabihan mo lang ako at bibigyan kita ulit. Ngunit pwede mo din namang ibilad sa araw ang mga baterya kapag mahina na, upang magkarga siya ng kaunti kahit papano... Subok ko na ang bagay na iyan."
***
Sabik siyang umuwi, matapos nga niyang mapuno ang tubigan ni Mang Kardo. At pagdating nga sa kwarto niya. Ay sabik siyang binuksan ang radio. Hinila pa nga paitaas ang antenna nito at tsaka pinihit pihit pa ito at piliin ang FM, hanggang sa pumailanlang ang isang musika sa kabuuan ng kanilang maliit na bahay.
Isang awiting banyaga, na sa totoo lang ay ngayon lang niya nadinig.
Agad itong kumuha ng interest niya at saglit pa nga siyang napasandal sa dingding habang nakahiga at ipinikit ang mata upang namnamin ang napakagandang melodiya nito.
Ito ang isa sa sikat ng awitin sa panahon niya. Ang awitin ni Richard Sanderson na "Your Eyes."
Na bagamat hindi naman niya labis na nauunawahan ang buong liriko nito. Subalit agad niyang naiugnay ito sa kanyang Ina.
Ang kanyang Ina na tila may nangungusap na mata. Mag matang kapag tumitig sa kahit sino ay tila inaanyayahan niya ang puso at isip na gustuhan siya.
Ang kanyang mga singkit na mata na tila ba isang anghel ng karagatan na sinadyang manahan sa maliit na barrio na ito upang maging kadluan ng galak para sa mga kalalakihan.
At ngayong wala na ang asawa nito, ay tila naman may hatid na pag-asa ito para sa iba. Pag-asa na ngayon ay malaya na itong muling tumanggap ng bagong pag-ibig. Bagong galak para sa iba, kapalit na tila walang hanggang kalungkutan naman para sa kanilang mga naiwan.
Napapikit muli si Anton... Alam niya ang posibilidad na ito. Alam din naman niyang madami ang nag aasam at handang gawin ang lahat upang maging kapalit ang Tatay niya.
At gaano nga ba siya kahanda para dito?
Marahil ay kung saan magiging masaya ang Nanay niya sy magiging masaya na din siya...
Muli naman siyang pumikit at ibigay ang buong bigat niya sa kanyang katreng kinahihigaan na ngayon habang patuloy na nakasandal ang kanyang likod at ulo sa dingding na kawayan.
"Bakit gising kapa Anton? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na ng ganitong oras upang makabawi ka ng lakas?" Malambing na tanong pa ni Tesa sa kanya, bago naman ito naupo sa gilid ng kanyang kama at bahagyang hinaplos pa ang kanyang mukha at buhok niya.
Bagamat bakas pa din ang lungkot sa magandang mukha nito. At pinipilit pa din naman niyang ngumiti sa Anak. Dahil ayaw niyang maging siya at makadagdag pa sa isipin nito.
"Nakikinig lang kasi ako ng musika Nay. O diba ang ganda ng kanta? Na bagay na bagay sa iyo..."
Bahagya naman siyang muling ngumiti.
"Ang totoo niyan ay nagulat ako na may musika dito sa iyong kwarto. Kaya naman dala ng kuryosidad ay pumasok ako dito." Patuloy pa niya sa Anak, habang nadadako ang mga mata nito sa isang maliit na radio.
"Bigay nga pala yan ni Mang Kardo Nay, kaya naman ngayon ay palagi na tayo makakarinig ng mga magagandang musika. At syempre kapag may bagyo ay agad din naman nating malalaman." Pagmamalaki pa ng Anak sa kanyang Ina.
Hindi naman ito kumibo at bagkus ay hinawakan niya ng mariin sa kamay ang kanyang panganay na Anak.
"Salamat pala Anton... Salamat sa buhay mo, marahil ay kung wala ka ay siguro ay hindi ko na alam ang aking gagawin. Lalo pa at iniwan tayo ng Tatay mo sa ganitong sitwasyon ko. At nakakatakot mang isiping sa aking muling panganganak ay kay sakit ding isiping iluluwal ko siya dito sa mundo na wala ng Ama na sasalubong sa kanya." Malungkot na sabi pa nito sa Anak na panganay, subalit hindi naman na siya gaya ng dati na umiiyak lang. Dahil ngayon ay mas matatag na siya at siguro nga ay nasasanay na siya sa totoong sitwasyon niya.
Tinugon naman ni Anton ang paghawak sa kamay nito at bahagya pa nga niyang pinisil ang malambot na palad ng Ina.
"Naaalala ko pa Nay ang palaging sinasabi ni Tatay sa iyo dati. Na hindi niya papayagang magkakalyo ang iyong mga palad. At mananatili itong malambot na gaya nito. Kaya naman maaari ko bang sabihin sa iyo na nais kong ipagpatuloy ito? At sasabihin ko din namang magsisipag pa ako ng husto upang maitaguyod ko kayo." Sabi pa niya sa Ina.
Napailing naman ito at bahagya tumitig sa Anak.
"Ang kawalan ng kalyo sa kamay ay tanda lang ng katamaran Anak, kaya naman ayoko ding maging pabigat pa sa iyo. Gusto kitang tulungan sa paraang alam ko. Labis labis na ang paghihirap mo para sa amin. At isipin ko pa lang na sa edad mong disisyete ay naranasan mo ang mga ito. Na dapat sana ay nag aaral ka na kagaya ng kapatid mong si Liam."
Si Liam ang sumunod na kapatid ni Anton. At ngayon nga disiotso anyos na ito. At ngayon nga ay nag-aaral ito sa isang pablic school sa kanilang maliit na lugar.
"Nay, ang mapag aral ko sila ay para na ding katuparan ng pangarap ko. Kaya naman magtatampo ako ng sobra kung ipipilit mong magtrabaho matapos mong manganak. Na para bang sinasabi mo ding wala kang tiwala sa kakayanan kong itaguyod kayo." Malungkot na sabi pa ng binatilyo sa Ina.
Huminga naman ito ng malalim at bahagya lang tumitig sa Anak.
"Alam mo bang napanagipan ko ang iyong Ama?" Saad niya sa Anak.
Mabilis namang napaangat ang mukha ni Anton at.
"Ang sabi niya ay huwag na daw akong malungkot dahil maayos na siya sa kanyang kinalalagyan. Na masaya na siya, at sana daw ay maging mas matatag at malakas ako para sa inyo. Kaya naman maari bang huwag ka munang pumalaot mamayang gabi Anton?"
Napatitig si Anton si Ina.
"Bakit po pala Nay?" Nagtatakang tanong pa niya sa Ina.
"Gusto ko na sanang magpa konsulta sa Health Center bukas. Paghahanda ko na din sa panganganak ko." Nakangiting pahayag niya.