Kabanata 6

1261 Words
Masayang masaya si Anton ng makita ang kanyang Ina. Halos mapatakbo siya patungo rito at masayang ibinalita ang mga karanasan nila sa laot ng dagat. Kasabay ng masaya nilang pag-uusap habang papauwi na sila ng bahay. Sa ganitong paraan ay tuluyan namang nagampanan ni Tesa ang obligasyon sa Anak bilang kapalit ng namayapa niyang asawa. Ang pawiin ang lahat ng pagod nito mula magdamag nitong pangingisda. Isang bagay na lalo namang nagbigay pa inspirasyon sa binata... "Naipagluto na pala kita ng paborito mong bulalang sa kalabasa. Sana ay maibigan mo ito Anton." Masiglang sabi pa ng magandang ginang sa Anak habang ngayon nga ay naghahain na ito para sa kanilang dalawa. "Nasan pala si Liam at Tin-Tin Nay?" Tanong pa nito habang abala naman ang kanyang ina sa pagkuha ng kanin mula sa palayok na ginagamit nila sa pagsasaing ng bigas. "Ayun at libang na libang sila sa panonood ng TV sa kabilang bahay. Palibhasa nga ay nakabili nga si Ka Roman ng bagong TV na de baterya. Kaya naman nagpaalam sila at manonood daw muna sila doon. At ang sabi pa ay may bago daw palabas sa TV na mga pambata, simula nga ng mapatalsik si Pangulong Marcos nitong nakaraang Pebrero, sa kwento na din ni Ka Roman." Napahinga naman malalim si Anton, at agad din namang nakaramdam ng pagkaawa sa sarili. Hindi naman ito nakaligtas sa kanyang Ina. Kaya naman lumapit pa ito sa binata at tinapik tapik pa ito sa kanyang balikat. "Wala namang problema dito Anton, hindi lahat ng bagay ay maari nating makuha ng mabilisan. Ngunit sa kabila nito ay masaya akong narito ka. At sana ay ganon ka din naman para sa mga kapatid mo na ngayon ipinaubaya ko na ding ituring mong parang mga Anak mo na din." Bahagya namang ngumiti ang binata sa nadinig. Dahil pakiramdam niya ay tila ito isang premyo para sa kanya. Bagamat ano nga ba ang kaibahan nito, ay may kung anong kiliti ito sa puso niya. Lalo pa nga at mga ibang Anak nito at pinatuturing na sa kanyang mga Anak na sin niya. "Pagkatapos mong kumain ay magbanlaw ka na din sa batalan Anton. Dahil nanlalagkit kana niyan dahil sa tubig alat sa katawan mo. Naihanda ko na din naman ang mga damit na isusuot mo at pati na din ang tuwalya mo." Sabi pa ni Tesa sa panganay na Anak bago naman ito naupo sa tapat niya. "Salamat Nay.." matipid na tugon naman niya dito. "Eto at tikman mo itong bulanglang na inihanda ko." Sabi pa niya tsaka naman niya ipinaglagay ng sabay si Anton sa mismong pinggang niya. "Alam mo ba na masaya ako Nay dahil muli ay nakita kitang ganito. At kay sarap pala talaga nito, na dati ay nakikita ko lang na ginagawa mo kay Tatay pero ngayon ay sa akin na diba." Napangiti naman ang Ina sa sinabi ng Anak. "Dahil ikaw na ang Padre De Pamilya dito at natural lang namang paglingkuran kita. Sayang nga lamang at kabubuwanan ko na, kaya naman minsan ay nahihirapan na din ako sa mga ibang gawain dito. Gusto ko kasing kahit sa ganito man lang ay makabawi ako sa iyo Anak." Sabi pa nito habang ngayon ay sabay na silang kumakaing dalawa. Marahil ay mahirap itong maunawaan para sa iba, subalit gusto lang namang ibigay nila sa isa't-isa ang mga bagay na nararapat lang naman. Na bagamat hindi naman talaga eksaktong kaya ibigay ng Anak ang lahat ng iniwang obligasyon ng Ama ay ganon din naman si Tesa. Subalit para sa kanila ay sapat na ito upang mas sumaya sila. Isang pagmamahal ng Ina sa kanyang binatang Anak at ganon din naman ng isang Anak sa kanyang Ina. At ito ang naging sandigan nila. At ito din naman ang naging sandata ni Anton upang mas magsumikap pa. Kaya naman mula sa pangingisda ay natutunan na din niyang magtanim ng mga gulay sa napakalawak na bakuran nila. At umasa din na sa panahon ng pag-ani ay mabigyan niya pagkain sa hapag ang isang pamilya na itinuring na niyang kanya. MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN Buwan ng Hulyo 1986 Muli ay pumasok ang panahon ng tag-ulan. Ang dating madali lang na bagay para kay Anton ay mas lalo pang humirap dahil sa mga madalas na pag-ulan. Subalit hindi ito nagpapigil sa determinasyon ng binata. Ang malalaking alon at malalakas na pag-ulan ay hindi na din naman niya inalintana at bagkus ay mas pinili pa niya ito upang mas marami siyang mahuling isda. At sa bagay na ito ay hindi naman siya binigo ng kalikasan. Patuloy siyang nakapanghuli at naibenta din niya ito sa mas malaking halaga. Dito ay mas hinangaan siya ng mga kasama niya. Magkahalong dasal at diskarte ay napagtugumpayan niya ito. Subalit ito nga lang ba talaga ang sandata niya? O mas dapat bang sabihing mas inspirado siya talaga dahil sa kanyang Ina. Dahil sa simpleng hangarin niyang mabigyan ito ng magandang buhay. At dumating siya sa puntong gusto niyang patunayan sa Ina na mas magaling siya. Na mas karapat dapat siya bilang Padre De Pamilya kesa sa kanyang Ama. Kaya naman kay bilis niyang nakaipon. Pati na din naman ang kanyang mga pananim ang nagsimula na din siyang umani at dahil nga panahon na ng tag-ulan ay mas naibenta niya ito sa mas mahal na halaga. Hanggang sa dumating na nga ang pinakahihintay niya. At ito ay ang panganganak ni Tesa. Kaya naman gamit ang mga naipon niya ay buo ang loob niyang sinamahan ito sa bayan. At sa tulong din ng naipon niya ay nakapagsilang si Tesa ng isang Anak na babae ng walang masyadong naging problema. Labis labis ang saya ni Anton dahil dito. Na tila ba siya na talaga ang Ama nito. Halos mapatalon siya sa tuwa ng ibalita pa nga sa kanya ng Nurse na maari na niyang makita ang bata... "Salamat pala Anak, dahil sa pagsisikap mo ay nairaos ko ng maluwalhati ang pagsisilang ko sa bunso mong kapatid." Masaya namang pahayag ng Ina sa binatang Anak habang ngayon ay matiyaga niya itong binabantayan sa Hospital. Napangiti naman ang binata sa Ina. Habang hinihimas pa nga niya ang buhok nito. "Alam mo bang napakasaya ko Nay ng marinig ko ang unang pag-iyak niya? Dahil pakiramdam ko ay sa akin siya galing. Na ako talaga ang tunay na Ama niya." Napangiti naman si Tesa sa Anak. "Tama, dahil ikaw ang nagtaguyod sa kanya mula sa sinapupunan ko Anton. Kaya naman hindi man ikaw ang nagpunla dito ay siguro nga ay hindi naman kalabisang maramdaman mo ang ganyan. Dahil kahit ako ay napapanatag na isiping halos may Ama na din siyang sumalubong sa kanya dito sa ating mundo." "Tama Nay, dahil gusto ko siyang palakihin at ituring din naman niyang Ama at hindi bilang isang kapatid lang." Bahagya namang napangiti si Tesa sa sinabi ni Anton. "Kung sa ganito ka sasaya at hahayaan kita Anton. Habang lumalaki siya ay tuturuan ka niyang tawaging Tatay, upang ito na ang makasanayan niya. Nga pala tinanong ako ni Doktora kung gusto ko na din bang magpatali na o tubal ligation, dahil daw madami na akong Anak. Pumayag naman ako dahil halos libre na daw ito kung maisasabay ko." Sabi pa ni Tesa. Bahagya namang napakamot sa ulo si Anton sa ibinalita ng Ina. "Subalit alam ba nila na wala na si Tatay? Bakit kakailangan mo pa daw iyon Nay?" "Hindi ko din alam, siguro ay mas mabuti na din ito." Sabi pa niya. Huminga naman ng malalim si Anton. Na bagamat hindi niya maunawaan ang dahilan ng pagpayag nito ay sinang ayunan nalang din niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD