Pare-pareho silang nagulat sa biglang pagdating ni Elton. Maging si Elton din ay hindi naitago ang pagkagulat nang makita si Meredith. Natanggal ang ngiti na ibinungad niya at napalitan iyon ng panlalaki ng kaniyang mga mata. “Toni!” biglang sabi ni Eros habang nakangiti at niyakap si Elton para hindi mahalata ang pagkabigla niya sa biglaan nitong pagdating. Habang yakap ni Eros si Elton, napatitig si Elton kay Meredith na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa mukha ang pagkakabigla. Humiwalay na ng yakap si Eros at napatingin sa mukha ni Elton na bigla na lang na natanggal ang ngiti. “Are you okay, Toni? Bakit parang nakakita ka ng multo?” tanong ni Eros at napasulyap kay Meredith. “If it’s because you saw this beautiful angel, well, just a reminder, she’s mine.” Elton cleared hi

