Chapter VI

1914 Words
Desidido na si Arabella kakausapin niya ang Ginang ng mga Alegre para magpaalam. Noong una ay gusto lang niyang malibang kayat sinubukan niyang nag-apply apply online at halos araw araw ay may natatanggap siyang email mula sa mga company na kung saan nagsend siya ng application. Tinawagan pa niya ang ginang, nagsched ng meeting sa labas para kausapin ito. Sa isang mamahaling restaurant ang napili ng ginang kung saan sila magkikita. Simula kasi nung itinaboy siya ni Tyron ulit nung gabing iyon ay parang hindi niya mahanap ang sarili na pumunta ulit sa villa kahit anong pag-iimbita ng mama nito sa kanya. Ngayon niya talaga narealized napakalaki talaga ang agwat ng mayaman at mahirap. Ang mayaman pwede kang palayasin na parang aso, hindi iniisip ang pwedeng maramdmana ng mga ito. Ang mahirap naman wala man lang kakayahang ipagtanggol ang sarili. Kung kayat mas pinili na lang niyang umiwas at hinding hindi magcrocross ang landas nila ng lalaki. Who cares? sa papel lang naman sila mag asawa. Ok nga yung ganong set up, wala namang mawawala sa kanya incase magsasabi ito for annulment. Gaya ng dati ay simpleng puting jumsuit lang ang suot. Favorite niya ang puting damit, dahil bukod sa comfy at hindi mainit parang ang linis linis din niyang tignan kung iyon ang suot niyang kulay ng damit. Naglugay lang din siya ng buok, linagyan ng ipit side tsaka naglagay ng liptint. Hindi naman na siguro siya mapapahiya sa kameet na ginang. "What is it Arabella?' seryosong pahayag nito habang kumakain. "Tita...gusto ko po sanang ipaalam sainyo. Gusto ko pong magtrabaho" " Bakit? kulang ba ang allowance mo? and where?" sunod sunod na tanong nito, halatang nag-alala sa sinabi niya. " Hindi naman tita, wala po kasi akong ginagawa sa bahay, gusto ko pong magtrabaho para malibang" " Saan naman yan? Meron kayong kasunduan ng hindi mo pwedeng gamitin ang Alegre'' " Naku hindi po tita, hinding hindi ko po iuugnay ang pangalan niyo sa application ko or sa kahit na ano man, promise po!"¹ itinaas pa niya ang kanang kamay para sumumpa dito. " Saan naman yan, alam mong hindi kita pwedeng tulungan' " Naku hindi po tita, gusto ko lang pong ipaalam sainyo ang aking gagawin. Balak ko po sa A&B Corporation po" paliwanag niya dito at tumango tango iyon. "Huwag niyo nalang po banggitin kay Tito lalong lalo na po kay Tyron" " A&B Corp? anong gagawin mo doon? sigurado kana ba diyan?' ang ginang na animoy pagdududa sa kanyang balak ngunit tumango tango siya para ipakita ang determinasyon nito sa kanyang sinasabi. " Alright...sige halika" ang ginang matapos nilang kumain. " Saan po tita?" tanong habang nakasunod siya dito. " Sa saloon! mukhang hindi na nakakatikim ng treatment ang buhok mo at mga nails mo mula nang tumigil ka sa pagtatrabaho" walang kaabog abog na sabi nito. Lihim niyang pinasadahan ang tingin ang kanyang mga kuko at naawa siya sa mga ito. Noong nagtatrabaho siya sa isang financing firm halos everyweek siyang nasa saloon para magpalinis ng mga kuko. Pumasok sila sa pinakasikat na saloon sa buong bayan, dito madalas makikita ang mga mayayaman para magpapamper ng kanilang mga sarili. " Hello madam, I' m so glad that you are here again, how can i help you?" isang sosyalerang bakla ang bumati sa kanila. " Hello Mathie...pls tranform her into an elegant and sophisticated lady" saad ni ginang sa beautician at agad ngumiti ito ng napakalawak. " As you wish madam...halika sis at naeexcite ako sayo", hinila siya nito at agad pinaupo. Humarap silang pareho sa salamin, tumaas taas pa ang kilay nito. " Ayaw ko yang kilay mo, ang nipis! yang buhok mo parang teenager" at kung ano ano pang mga sinasabi nito. Buti nalang halatang nagbibiro ito sa tono ng pananalita nito. After a long hours, nabigla ang dalaga ng muli ay tumingin silang dalawa ni Mathie sa salamin. " Perfect!" may pagmamalaking saad nito ng makita ang napakalaking transformation sa kanya. Ang ganda ganda ng pagkakaguhit ng kanyang kilay, ang kanyang buhok umiikli hanggang balikat, nawala ang kanyang maiitim na eyebags and everything in her seems so perfect. Bigla siyang naging sosyal ng makita ang sarili sa salamin. " That' s far better, you look stunning!" pati si Ginang Alegre ay napahanga din sa kanyang transformation. " Thank you po...pero" "No more buts, halika hindi pa tayo tapos" sabi uli nito at maya maya ay nagawi sila sa mall. " Iha, we need 5 pairs of corporate attire for her..the executive be like, pls!" sa womens corner siya inaya ng ginang. Kilala na ito sa store dahil suki nila ito dito. 'Ok ma'am, right away po" saan ng sales lady na nakangiti at iginiya siya sa mga corporate attire. " Pls help her, i like her to look smart and descent." ang ginang na nakabuntot din pala sa kanila. Sa huli ito din ang pumili ng corporate attire na para sa kanya. Blazers na iba iba nag kulay, maging ang slacks at pencil cut na palda hanggang lampas tuhod ay ito din ang pumili. " Always bear in mind that your dress defines you. You don't need to show some skin to look great for some...what matter is how you carry your dress and how people look at you with great respect" pangaral nito at tumango tango siya. Coming from a very sophisticated and elegant women sinong hindi magkakainterest sa mga sinasabi nito. Pumunta rin sila sa shoe store at sa mga mamahaling bags at pinamilhan siya nito ng tigtatatlong pares. Halos malula ang dalaga ng magpabayad ito, kulang kulang dalawang daang libong piso ang pinamili nito sa kanya. " Tita sobra sobra naman po ata ito" nahihiya niyang pahayag sa ginang. " Don't mention it iha, after all you deserve all of this, here take this." saad nito sabay abot ng isang maliit na box. " Ai naku po tita sobra sobra na po ito" " No, this is yours Arabella..actually regalo ko ito noong wedding niyo pa sana ng anak ko kaso alam mo na maraming nangyari, pasensiya kana kung ngayon ko lang ibigay." nakangiti ang ginang subalit may pait din sa kanyang mga ngiti. Biglang sinukluban siya ng konsensiya, napayuko siya dahil nahihiya siya dito. " Sorry po tita' " You don't have too iha, ako nga ang humingi sayo ng dispensa, isa lang ang pakiusap ko sayo...pls be more patience and understanding lalo na sa anak ko" hinawakan nito ang kanyang kamay at saka pinisil ito. Tumingin ang dalaga dito at nginitian niya ito. " Yes po tita' saad niya dito at halos maluha luha ang matanda na yumakap sa kanya. " Remember to always wear some jewelry, it adds to your look as a woman" dagdag pa ng ginang bago umalis. Inihatid siyanng mga ito sa kanilang bahay bago umuwi sa villa, napakagaan ng pakiramdam niya sa time na iyon para bang natanggalan siya ng mga bagay na dumadagan sa kanyang dibdib araw araw. Napakasarap kasama ni ginang Alegre, no wonder mahal na mahal siya ng kanyang mga anak. Kinabukasan, gamit ang pinaka best na pinamili nila no Ginang Alegre ay nagtungo sa A &B Corp for interview. Napagkamalan pa siyang isang executive sa kompanya at halos tumabi ang mga nadadaanan niyang emplyado. Bukod sa mukha siyang boss sa suit niya, ay napakaganda pa niya sa kanyang bagong hairdo. Kung hindi pagkakamalang executive ay isang high profile na lawyer ang kanyang awra. " Ms. Arabella Simon? " agad na bati ng nakangiting emplayado ng marating niya ang HR department ng nasabing kompanya. " Yes po ma'am" magalang na tugon niya dito. " Direcho na po tayo sa taas ma'am, gusto raw po kayo mameet ng CEO' " Ha? I'm sorry ma'am but I am here for an interview " saad niya dito, pinagkamalan yata siyang business associate or directress. " I know, ako nga ang tumawag saiyo eh" nakangiting saad. " Pero ma'am, CEO po agad?" " Yah, and you are very lucky kasi sa files mo palang nagustuhan kana agad ni boss" "Talaga po?" Halos mapatalon si Arabella sa tuwa na ikinatawa ng mahina nang HR personnel. Ang swerte nga naman niya, kung sabagay halos excellent naman ang mga pinasa niyang mga documents. Kung academics naman ang pag-uusapan hindi naman siya mapapahiya dahil Magna Cumlaude naman siya sa kanyang kinuhang kurso, MBA pa siya at halos palaging employee of the month siya sa kanyang previous work. Sa kanyang documents siguro naman isinisigaw nito na magiging asset siya sa kompanyang ito. " He's inside, kanina pa siya naghihintay" ang personal secretary ng CEO ng makarating sila Office nito. Nginitian lamang ng HR personnel ito at direcho sa pintuan ng private office ng CEO. " Good morning sir! Ms. Simon is here already" Magalang na bati ng kasama niya pagbukas nito sa pribadong upisina. Agad namang tumigil sa ginagawa ang CEO at nakangiting itonuon ang tingin sa kanila. Sa tingin niya nasa 45 pataas ang edad nito ngunit matikas pa rin ito at kapansinpansin pa rin ang likas na kakisigan. Parang si Richard Gere lang lalo na sa Movie nila niml Julia Roberts na NottingHill. " Thank you, Ms. Sheena...pwede mo na kaming iwanan ni Ms. Simon" saad ng CEO na nakangiti parin at tumango naman it saka magalang na nagpaalam. " Ms. Simon, take a sir" " Thank you sir" medyo kinakabahan pa siyang sumunod dito. Wala naman sa pagmumukha nito ang pagakaistrikto, he looks humble and very gentle. Parang father figure ang dating. " I have read your files and...i am amazed. I think you could be an asset to this company" " Thank you sir" halos nahihiya pa niyang tugon dito. Marami pang mga papuri ang narinig niya sa kaharap at halos "thank you sir' lahat ang natining niyang sambit ng kanyang sarili. " You will join the Corporate Communication team" " Sir?" bigla niyang saad sa boss niya, hindi naman yun ang inapplyan niya...sa finance department ang expertise niya bat bigla doon siya itotoka? "Yes Ms. Simon?" " Ae..wala po sir, sige po" " Yes, and I am very sure you are perfectly fit for the job" mukhang confident ito sa kanya sa department na pupuntahan niya kesa sa kanya sa kanyang sarili. " Hello everyone, may i get your attention please!" Si Ms. Laila Dizon, ang head ng Corporate team. Ang ganda ganda ng head niya, ang sexy sexy kahit naka slacks ito at nakablazer ay kapansinpansin pa rin ang magandang kurba ng katawan. Respetadong respetado ang awra nito, napakasmart kahit sa kanyang paggalaw. " Meet the new member of our team, Ms. Arabella Dizon" pagpapakilala nito sa kanya at halos isa isang kumaway at nagbigay ng pagbati ang lahat. Nginitian niya naman lahat ang mga iyon, at tama nga ang hinala niya, mukhang magagaling at sophistikada ang mga makakasama niya. " Hi! ang ganda mo naman", nabigla siya ng biglang batiin siya ng katabi niyang cubicle. " Thank you...ikaw din" nahihiya pa niyang tugon dito. " Ako nga pala si Joy" " Ara...Arabella" nakangiti niyang saad saka nakipagkamay sa bagong kakilala. Down to earth ai Joy kaya mabilis niya itong nakapalagayan loob, siya na rin ang nagturo at nag assist sa kanya sa mga ginagawa at gagawin nila sa team nila. Si joy na rin ang palagi niyang kasakasama during break and lunch time. Mabilis naman din niyang natutunan ang mga gawain sa office nila kahit iba sa kinuha niya sa kolehiyo. Mas exciting pa nga ang ginagawa nila dahil nakakasalamuha sila ng ibat ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD